TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Huwebes, Enero 6, 2011
Paghahanap ng Kaligayahan
Minsan mag-iisip ka bakit tila napakailap ng kaligyahan? Bakit tila hindi rin pangmatagalan ang ligaya? Ano ba ang sukatan ng kaligayan? Ano ba ang anyo nito?
Tila napakahirap sagutin ng mga tanong na yan? Tingin natin tila napakalawak ng salitang “KALIGAYAHAN ”. Sabi nila hindi nating pwedeng pangarapin ang kaligayan dahil hindi ito pemanante sa mundo. Wala ring pormula ng kaligayahan dahil nababatay ito ayon sa sukatan o pamantayan ng isang tao.
Noong tayo’y musmos pa, hindi ba sa isang supot lamang nang kendi sapat na para maramdaman natin ang lubos na kaligayahan. Subalit bakit sa pagdaan ng panahon tila hindi na tayo kaya pang mabigyan ng kaligayan ng isang supot ng kendi. Maari kaya na ang kaligayahan ay batay sa kaalaman o utak ng isang tao? Na habang tumatalino ang tao nagiging kumplikado ang pamantayan ng kaligayahan nito?
Lahat ng tao nagnanais maging masaya. Hindi ba? Pero paano ba nating sisimulan ito? Kailangan ba nating makuntento bago lumigaya, o kailangan nating maging maligaya bago makuntento?
.
Sa aking paglalakbay sa mundong ito at pagtatanong sa ibang tao, lagi kong naririnig, “GUSTO KO LANG NAMANG MAGING MALIGAYA!” Sino bang nilalang ang ayaw nito? Subalit paano mo hahanapin ang isang bagay kung sa iyong sarili hindi mo naman alam kung ano ang iyong hinahanap. Ni hindi mo alam kung paano maipapaliwanag ang pakiramdam ng kaligayahan? Makikita ba ito sa tamis ng iyong ngiti? Maririnig ba sa lakas ng iyong halakhak?O mararamdaman ito sa pamamagitan ng paglutang ng kaisipan at paghihiwalay ng iyong kaluluwa sa iyong katawan? Paano mo ito maipapaliwanag?Alam mo ba?
Ang KALIGAYAHAN ay isang emosyon, at ang emosyon ay nagbabago. Ang emosyon ay hindi hinahanap, kusa itong nararamdaman base sa sitwasyon. Ang sitwasyon ay paiba- iba bawat segundo at ito’y naaayon sa iyong kapaligiran.Ang kapaligiran ay sumasabay naman sa pag-ikot ng mundo. At ang mundo ay patuloy na iinog at hindi titigil kahit kailanman. Kaya ang KALIGAYAHAN ay patuloy na nagbabago, nag-iiba ng anyo, nagpapalit palit ng kahulugan, hindi pangmatagalan at sumasabay sa pag-ikot ng mundo.. Hindi sya pwdeng tanungin ng ANO, BAKIT,PAANO, SINO,SAAN ,KAILAN, ALIN o tanong na nalikha sa mundong ito dahil walang tamang sagot dito, walang partikular na kasagutan at lalong walang permananteng tugon dito. Nagbabago ang sagot ng tao at paiba-iba din ang sagot nila kahapon, ngayon, bukas at sa makalawa.
Totoo ngang nakakapagod hanapin ang kaligayahan dahil maaring naman wala tayong dapat hanapin o hindi naman talaga dapat ito hinahanap. Dahil tulad ng sipon, ubo,lagnat at iba pang sakit pasulpot sulpot lamang ito, nawawala at bumabalik muli.Lumilitaw sa hindi inaasahang oras at nagpaparamdam sa biglaang pagkakataon.
.
Bakit hindi na lang nating hayaan na ang KALIGAYAHAN ay dumampi sa ating mga puso na parang isang malamig na hangin lamang. Damhin ito hanggang sa huling paghaplos nito sa iyong balat, lasapin ang kahuli-hulihang lamig na kayang magbigay sa iyo na panandaliang pagkalimot sa iyong kamalayan. Huwag hawakan dahil kusa lamang itong aalpas sa iyong mga kamay at kahit gaano mo pa asamin na itago at ipunin ito, mawawala na lamang ito sa isang iglap. Hayaan na lang na siya ang yumapos at humagkan sa atin dahil baka sa paaatubiling panghawakan ito, nawala sa atin ang oportunidad na maranasan ang bawat pag-ihip ng malamig na hangin . At mangarap na lamang na muling makadaupang palad ang malamig na haplos ,intayin ang pagdampi ng ihip ng hangin at umasang maramdaman muli ang pagkakataong minsan lamang dumating sa ating buhay. Hanggang sa huling hibla ng hangin at hanggang sa huling pagyapos ng KALIGAYAHAN sa ating buhay......
.
.
When one door of happiness closes another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has opened for us.--Helen Keller .
.
Ingat
Linggo, Enero 2, 2011
I love you ipis ipis very much
KABANATA VII
PANLILIGAW
Laking tuwa ko ng maging magclose kami ni intsikticide. Kaya kada araw na dumaan, Wala akong pinalagpas. Araw araw binibisita ko siya. Sinisuguradong ang bawat araw na lilipas ay makikita ko siyang ngumingiti. Hanggang sa mapagpasiyahan kong ligawan siya.
Sa kadahilanang matinik sa chikas ang repipis ko na si kulot. Pinuntahan ko siya at sa kanya nagpatulong
Ako : repipis, may problema ako. May gusto akong ligawan?
Kulot: ligaw? Kelan pa naging problema yan?
Ako: meron ka bang alam na mga banat diyan? Para mabilis ko siya mapasagot?
Kulot: hahaha yun lang ba? Okay sabihin mo to sa kanya
Maglaro tayo ng Plant vs Zombies. Ikaw yung zombiez at ako naman yung plant. Para habang kinakain mo ako. Titirahin kita.
Ako: Sablay yan repipis!!
Kulot: haha. Nagbibiro lang ako. Ano ka ba? Mas effective sa mga babae kung sasabihin mo sa kanila yung totoong nararamdaman mo.
Ako: tama k nga repipis!
Kaya pinasya ko na sa sariling diskarte ko na lang liligawan si intsikticide.
Day 1
Ako: Alam mo intsikticide? Dito sa loob ng aparador, ikaw ang pangalawa sa pinakamaganda.
Intsikticide : pangalawa? Naaning ka ba? Ako lang kaya mag isa dito? Sino yung pang una? Ikaw?
Ako: hahaha. Baliw! Hinde! Yung pang una? Ikaw pa rin kapag nakangiti ka..
Day 2
Ako: oh kunin mo to!
Intsikticide : ano to? Kutsara? Aanuhin ko to?
Ako: haha. Ipagpalagay na lang natin na pala yan. Panghukay mo
Intsikticide : Panghukay saan?
Ako: i just want to show you how deep my love is.
Day 3
Ako : pwede magtanong?
Intsikticide: nagtatanong ka na!
Ako: sungit mo ah? Hehe. Meron ka?haha
Intsikticide: tao ako? Tao ako? Paano ako magkakaroon. Lintik ka! Oh anu ba itatanong mo?
Ako: Kung sakaling mahanap mo na yung lalaking magmamahal sayo. Anong petsa mo gusto ikasal?
Intsikticide: Ang hirap naman ng tanong mo? Haha.
Ako: just give a date magkakatatoo daw kasi yun kapag ganun.
Intsikticide: sige sige, uhmmm February 14 2013. Eh ikaw kelan mo gusto magpakasal?
AKo : edi February 14 2013 din. Sayo.
Day 4
Ako: alam mo para kang nanay at tatay ko
Intsikticide: hanoooh????
Ako: oo kasi isa ka sa dahilan bakit nabubuhay ako sa mundo ..
Day 5
Ako: pssssssstttt. Pakibasa naman to oh..
Intsikticide: ano ba naman yan!? Ang tanda tanda na hindi pa rin marunong magbasa.
Ako: dali na basahin mo na
Intsikticide: uhmmm teka......M_ND_K_. Eh ano naman to?
Ako. Uhmm ang mundo ko. Pero kulang pa. Its U at ang OO mo
DAY 6
Ako: kunyari sasali ka daw sa beauty contest tapos ako yung judge.
Intsikticide: tapos?
Ako: edi magtatanong na ko sa question answer portion
Intsikticide : sige sige mukhang Masaya yan. Game
Ako: Kung ako ay isang tanong? Kelan mo ako sasagutin?
DAY 7
..................
DAY 8
Intsikticide: Bakit wala ka kahapon?
Ako: namatay kasi ako
Intsikticide : namatay?
Ako: oo alam mo naman diba? Matagal na akong patay na patay sayo?
Intsikticide: hehe ikaw talaga! Namiss tuloy kita. Namiss mo ba ako?
Ako: Hinde?
Intsikticide: ay ganun?
Ako: oo kasi kahit kailan hindi ka naman nawala sa pusot isip ko eh.
DAY 9
Ako: oh kunin mo to!
Intsikticide : Kutsara? Nanaman? Paulit ulit?
Ako: hehe oo kasi paulit ulit kong ipaparamdam sayo how deep my love for you is
Sa ika sampung araw. Dinalhan ko siya ng isang dosenang ibat ibang bulaklak. Hehe. Joke lang. Ibat ibang kulay na santan lang. 11 dun ay tunay at yung isa gawa sa plastic. Inaabot ko k okay intsikticide tapos sabing
“intsikticide ang pagmamahal ko sayo ay magpapatuloy at magpapatuloy hanggang sa malanta ang lahat ng bulaklak na ito. Pwede ba kitang maging gelfren”
Kinilig si intsikticide. Sa sobrang kilig ramdam ko muntik pa nga siyang maihi. Napigilan lang niya. Tapos sabi niya.
“OO lufet, OO Tayo na”
Tuwang tuwa ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Pero meron isang katanungan pa rin ang naglalaro sa aking isipan . Kaya muli ko siyang tinanong.
“ uhmm intsikticide my honeybunch..may tatanong ako..ok lang? Paano tayo magsesex? sabay ngiti...
Itutuloy

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)