1. Sa lahat daw ng naging kaklase natin, meron daw isang taong hindi natin makakalimutan. Kahit na umabot pa ng mahabang panahon, sya pa rin ang lagi nating naalala. Sya yung taong halos lahat ng buong klase pati mga guro natin alam nila kung sino yun. Naintriga kayo kung sino sya?Well tyak kilala nyo sya ,kasi sya yung kaklase mong……… dyaran………….. natae sa school. Tyak naalala nyo na yung pangalan ng kaklase nyo na yun ngayon (at tyak nabibilaukan na rin yun). Kalimitang sa mga natataeng estudyante na ito ay ang pinakatahimik sa klase at ayaw umalis sa upuan nya, kasi naka epoxy na ang pwet nya dahil sa tae. Buti naman at hindi ako ang natae na yan, pero katabi ko sya. Orlando ang pangalan nya (nasa row 2 sya nun). Tandang tanda ko nun, akala ko mabaho lang talaga ang hininga ko, yun pala nagpasabog na pala sya ng bioweapon sa tabi ko daig pa ang lindol intensity 8 sa lakas ng aftershocks ng amoy (dumidikit sa balat). At dahil sa kanyang krimen na ginawa, nag-umepal tuloy ang titser ko nung greyd wan, dahil napagdesisyunan nilang magpagawa ng C.R. At dahil ako ang Presidente ng aming klase eh awtomatiko na tatay ko ang pagpapagawa ng C.R. Kaya kung mapupunta sa eswelahan naming eh nakaukit na ang pangalan namin ng tatay ko sa indoro hehehehe! Nakalagay “Donated by Aldrino at Tatay ni Aldrino”!!!Wow sosyal na sosyal! Yan ang malaking kontribusyon ko sa school namin noon.
2. Ako ang dakilang tagalista ng mga maiingay sa klase namin noong grey por pa ako. Nagtataka nga ako sa titser ko kasi ako yata ang pinakamadaldal sa klase pero sa akin binigay ang paglilista ng maiingay. Sa bawat lista ko ay piso ang katumbas nun, syempre kahit hindi maingay yung mga kaklase ko, gumagawa ako ng ikaiingay nila. At gagawin ko ilalabas ko ang bago kong pencil case na may piano. Syempre manghang mangha ang mga timawa kong kaklase dahil nun lang sila nakakita nun (wala kasi sa bundok nila yun eh). Habang kinakalikot nila ang pencil case ko, sabay sulat ko na ng mga pangalan nila. Hehehe! Nakarami din ako nun. Heto na kamo ang twist dyan, dahil nga nakarami na ako ng lista at marami na rin akong naipon, pakiramdam ko noon eh akin yung perang nakolekta ko, kaya nagfefeeling mayaman ako. Kada uwi ko sa bahay lagi akong may nguya-nguyang chippy o di kaya bagong laruan. Takang taka ang nanay ko nun kasi maliit lang naman ang baon ko pero ang dami kong pera, kaya ang press release ko sa kanya eh napulot ko lang yun (chippy napulot??). Nung kukunin na ng titser ko yung nakolektang kong pera. Ang ginawa ko umatungal ako sa harap nya at sinabi “nanakawan ako”. Hindi ako tumigil kakaiyak hanggat hindi ko napapabilib ang titser ko. Sa huli lusot din ako at pinarusahan yung kaklase kong lagi kong inililista kasi sya ang napagbintangang nagnakaw ng pera.(kawawa naman)
3. Nakatapos ako ng college na hindi nag-aaral. BSMT ang course ko, at sympre puro MATH din yun. Nakakatawang isipin na sa apat na taon ko sa maritime (kasama pa dyan ang 3 na summer classes) eh wala akong sariling calculator. Eh hindi dahil sa wala akong calculator pero kasi iniiwanan ko na lang sa bahay dahil mas kailangan yun ng nanay ko sa pagkukwenta nya ng mga utang namin. Sosyal ang nanay kasi gusto nya scientific pa. (Grabe gumagamit pa si nanay dun ng square root, cosine, x to the nth power). Kaya ako pagkatapo mag-kompyut ng katabi ko eh nakaabang na ako dun at makikikompyut din. Sanay na ako dun, kaya iwas na iwas naman sa akin ang mga katabi ko . Pero sa huli, nakakapasa pa rin ako (sila bagsak, belat…). Utakan lang yan. Wala din akong notebook, wala din akong ballpen. Lahat yun hinihiram ko lang sa kaklase ko, ang tangi ko lang dala eh yung bag kong puro basura lang ang laman.
4. Noong nag-aaral na ako ng kolehiyo, syempre medyo mapusok na mapusok ka pa (in short malibog hehehe). Ako ang dakilang tagahiram ng mga VCD/DVD ng mga bold movies ng aking mapupusok na mga barkada (eh alam nyo na ang equivalent ng mapusok di ba?). Syempre manghihiram na nga lang ako eh dinamihan ko na rin ! Mga pito siguro yung nahiram ko! Mistula akong bumbay na pwedeng magtinda sa Quiapo ng mga VCD/DVD. Okay na sana kasi sa bag ng kaklase ko naman nilalagay yun, sa secret pocket ng bag nya. Pero nung minsan nagkaroon ng nakawan sa aming klasrum, (ninakawan yung prof ko), eh nagkaroon ng inspeksyon ng mga bag. Medyo kampante pa ako kasi sa secret pocket ng bag ng kaklase yun nakalagay, pero ang nagulat na lang ako ng magtitili ang prof ko (babae yung prof ko), at iwinagayway na parang watawat ang mga VCD collection ko. Hayun dahil sa kanya, nasira ang “wholesome” image ng kaklase kong si Servando, at tinawag na syang manyak ng mga siraulong kaklase ko. Hindi naalis yun hanggang ngayon.
5. Marami akong bagsak noong college ako, dahil sa aking angking KATAMARAN. Hindi ako nagrereview basta kung ano pumasok sa utak ko yun lang. Kung ang mga kaklase ko napupuyat kakareview, ako hindi, sarap na sarap ang pagtulog ko. Nung minsang sinubukan kong magreview sa kwarto, isang sentence palang nagparamdam na yung mata ko at nagyaya na ring humiga ang katawan ko kaya nakisama na rin ako sa kanila! Kaya nga hindi ko na rin kinaya ang pagpapanggap at natulog talaga ako to the maximum level, kahit pa Finals namin kinabukasan. Ang sarap palang matulog pag nagpupumilit kang magreview. Heto pa kapag nagtuturo naman ang mga prof kong kapatid ni Lola Basyang, ang ginagawa ko pasimple akong nakikinig sa aking CD player sa kabilang tenga. Kaya kahit paano eh naeenjoy ko rin naman ang klase kahit ubod sa boring ang tinuturo nya. Madalas din akong umupo sa likod na aming klasrum, dahil dito ako natutulog. Namaster ko na rin ang pagtulog habang nakadilat ang mata,kaya hindi ako nahuhuli. At halos nalibot ko na ang buong mundo dahil sa paglipad ng aking utak. Pero kahit na puro katamaran ako ng kolehiyo at natapos ko naman ang BSMT sa loob ng apat na taon. (naks nagmayabang pa). Eh yung iba ko ngang mga kaklase aba nagrereview na nga at tutok na tutok sa turo ng mga prof namin, hanggang ngayon estudyante pa rin!hehhehe!