TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Dear future wife,

Ang blog na ito ay pumipitik pitik pa kahit medyo naghihingalo na!

Aaminin ko medyo hindi na ako gaanong nag-uupdate ng blog ko kumpara dati.

Asan ka na ba? Hanap ako ng hanap, hindi kita makita. Pinagtataguan mo ba ko? O dahil lang sa dark shades na suot ko kaya hindi kita makita at madilim ang paningin ko? :))




Your Future Husband
Hindi naman sa nagrereklamo ako, nakakainip lang kasi maghanap at maghintay. hihihi. Nakakasawa ng matulog sa bawat gabing malamig at wala akong katabi sa kama. Bukod sa nangangalay na ang kamay ko (left and right), namimiss ko na yung feeling na may kayakap at kafrench kiss ako. LOL.

Madali lang naman sa akin makipagtrade ng laway at magbasketball sa 'court' ng iba, pero iba pa rin yung feeling na ginagawa mo yun sa babaeng gusto mong makasama habangbuhay di ba?



Future Wife
Gusto ko ng magkaanak. Gusto ko ng magkaroon ng mini-me, kung pwede nga lang magkaroon tayo ng kambal. Yung tipong mga anak ni Aga at Charlene. Pero gusto ko yung healthy twins, wag yung magkadikit ang ulo.

Sa katunayan, excited na nga sina Nanay at Tatay na magkaroon ng apo sakin. At mas excited naman akong isakatuparan ang pangarap nilang yun. Haha.

Pag naging asawa na kita, hindi mo pagsisisihan. Mamahalin ko kayo ng mga magiging anak ko habang nabubuhay ako. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan nyo. Hinding-hindi kita pagbubuhatan ng kamay. Hindi kita sasaktan. Bagkus, sa ibang paraan ka lang masasaktan pag ako ang iyong minahal. (Ibulong ko sa'yo kung ano yun pag nagkita tayo!)

Marunong naman akong magluto kahit papano. Tutulungan din kitang maglaba pag napapagod ka na. Ako mag-aalaga sa'yo at sa mga anak natin kapag nagkakasakit kayo. Ako ang tutulong sa inyo sa pagbuo ng mga pangarap nyo. Magiging cool husband and Tatay ako at siguradong magiging happy family tayo.

Hindi man ako mayaman tulad ng mga Ayala o Cojuangco, o kasing talino nina Einstein o Galileo, pero isa lang ang maipapangako ko: mabibigyan kita ng magandang lahi, yan ay sigurado.