TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Lunes, Mayo 28, 2012

Ayoko ko na!!!!





Ayoko ko na, nahihirapan na ako! Bakit kayo ganyan, bakit pag nilalalabas ko ang nasa loob ko nagagalit kayo , naiinis kayo. Wala na ba akong karapatang ilabas kung ano man itong nasa loob ko. Oo alam ko minsan hindi maganda ang lumalabas sa akin, pero ano magagawa ko. Minsan talaga medyo malakas ang dating na parang naninigaw o minsan naman pabulong lang pero bakit ganun pa rin ang epekto sa inyo eh, galit pa rin kayo sa akin eh.


Mabuti kaya’y ilihim ko na lang ito sa inyo, hindi ko ipapaalam sa inyo itong nasasaloob ko. Bahala kayong magturuan, bahala kayong mag-away kung sino ang may sala. Hindi ako aamin kasi ayaw ko ng magalit uli kayo sa akin. Siguro makikisama na lang ako sa inyo, para kung sakaling mawala na yung isyu na yun makalimutan na rin ito pare pareho.


Mas maiging pigilan na lang itong nararamdaman ko, at subukang wag ko ng ilabas para wala na lang magalit sa aking tao. Alam kong di makakatulong at nakakasama yun para sa akin pero okay lang ayaw ko kasi na bigla na lang manlilisik ang mata nyo sa akin.


Alam kong meron din sa loob nyo na kinikimkim kung minsan pero alam kong bigla na lang itong sasabog sa hindi inaasahang pagkakaton at oras. Pero sisiguraduhin kong wala ako dun para di ako maapektuhan ng sama ng loob mo.


Kung tutuusin wala akong kasalanan kung naglabas man ako ng sama ng loob okay lang yun kasi tao ako pero bakit ganun sila kinukutya, nagagalit, pinapahiya at pinagtatawanan nila ako. Bakit hindi rin ba nila minsan ganun.


Hay hayaan ko na lang, AYOKO KO NANG ............................................................................ magpigil ng utot. Pero ang hirap palang pigilan ang utot kasi baka may sumama. Hehehe! Pero sabi nga nila ang tunay na lalaki ay may tae sa brief!!Pwede. Uyy nangiti sya. hahahhaa


P.S


Kala nyo seryosong usapin na no, hhehhehe! .

Martes, Mayo 22, 2012

BEERDAY KO!!

Salamat sa mga napilitan lang mag bigay ng comment dahil na click ung link sa facebook na birthday ko kahapon at kailangan pala may sabihin dahil birthday ko. -Thanks, sorry at napa-isip pa kayo ng sasabihin. Hahaha pero Hindi halata pramis. Simple 'Happy Beerday' lang masaya na ko. Dahil naalala nyo ako. Sa mga dati kong katrabaho, sa mga elementary, highchool at college klasmeyt ko na naka-alala. -Thanks, pinataba nyo ang puso ko!! Sa mga bumati na seryoso dahil birthday ko talaga at medyo medyo nabanggit pa ang blessing ni God. -why so serious?!? hehehe joke. Salamat, na-revive at narefresh ako sa mga malalaki at maliliit na blessings ni God sa akin sa loob ng 365 days. Pero iba talaga when you get something like that and know that this came from the people who loves you. Sa mga nag-text sakin... - Salamat and sorry di nako nakapag reply. Nag miscol na lang ako, hudyat na nareceive ko text nyo, pahiwatid na thank you. Sa mga nakalimot sa birthday ko.. - Hmp! ...di oks lng.. i know everyone's busy. Sa TPSC! -alam nyo na kung sino sino kayo, isa-isahin ko pa ba? cge mabanggit ko lang ngalan nyo: Juan, Ely, Bogz, Lakjo, Pagol, Cholo, Ilod,. May nalimutan pa ba ako sa grupo? mabalos!!!!