TISSUE
(mula sa magulong pag-iisip)
TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Lunes, Pebrero 25, 2013
Tawa Muna Tayo!
This is a compilation of Wowowee questions and answers na napulot ko somewhere.
Halatang sabaw lang ako ngayon kaya eto muna ang post ko. Hehehe.
Q: "Ano sa tagalog ang teeth?"
A: "Utong!"
Q: "Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?"
A: "Umiilaw!"
Q: "Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao?"
A: "Humanitarian?"
Q: "Sina Michael at Raphael ay mga."
A: "Ninja?"
Q: "Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?"
A: "Sunog!"
Q: "Magbigay ng sikat na Willie."
A: "Willie da Pooh!"
Q: "Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?"
A: "Hindunesia?"
Q: "Anong hayop si King Kong?"
A: "Pagong!"
Q: "Magbigay ng mabahong pagkain."
A: "Tae!"
Q: "Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?"
A: "Canadia!"
Q: "Kumpletuhin - Little Red.."
A: "Ribbon!"
Q: "Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?"
A: "Buhok?"
Q: "Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin."
A: "Tinga!"
Q: "Anong oras kadalasang pinapatay ang TV?"
A: "Pag balita?"
Q: "Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?"
A: "Baby oil?"
Q: "Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?"
A: "Sweetserland?"
Q: "Sinong higanteng G ang tinalo ni David?"
A: "Godzilla?"
Q: "Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?"
A: "Itlog ng tao!"
Q: "Anong S ang tawag sa duktor na nag-oopera?"
A: "Sadista?"
Q: "Blank is the best policy."
A: "Iced tea?"
Q: "Saan binaril si Jose Rizal?
A: "Sa likod!"
Q: "Fill in the blanks - Beauty is in the eye of the _____."
A: "Tiger?"
Q: "Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?"
A: "Saging!"
Q: "Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang ingles ng toyo?"
A: "Baliw!"
Q: "Ano ang tawag mo sa kapatid ng nanay mo?"
A: "Kamag-anak!"
Q: "Saan nakukuha ang sakit na AIDS?"
A: "Sa motel?"
Q: "Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?"
A: "Cold water!"
Q: "Sinong cartoon character ang sumisigaw ng yabba dabba doo?"
A: "Si scooby dooby doo?"
Q: "Heto na si kaka, bubuka-bukaka."
A: "Operadang bakla?"
Q: "Ilan ang bituin sa American flag?"
A: "Madami!"
Q: "Ano ang tawag mo sa taong isa lang ang mata?"
A: "Abnormal!"
Miyerkules, Hunyo 27, 2012
havaianas vs rambo
ANONG MERON SA TSINELAS NA ITO:
1. pamorma lang.
2. wala na
3. wala na
4. wala na
5. wala na
6. wala na
7. wala na
8. wala na
9. wala na
10. wala na
ANONG MERON SA TSINELAS NA ITO:
1. pang tumbang preso
2. pamatay ng ipis
3. pwedeng gawing bangka kapag baha, kapag nawala okey lang. mura lang eh.
4. pwedeng pangalso sa kotse o iba pang sasakyan
5. pwedeng gawing pamukpok sa pako
6. pwede pang suotin kahit pudpod, astig.
7. kahit saan pwede mong makita
8. mura lang, pag bumili ka, buy one take one for free.
9. matibay, hindi basta basta nasisira
10. hindi pinagsasawaan
Huwebes, Hunyo 14, 2012
Wasak!
Sawi? Pusong duguan? Pusong basag na basag? Pusong yurak na yurak? Pusong pinag laruan? Pusong pinaasa? Pusong Niloko? Pusong Iniwan? Pusong pinagpustahan?
Huwag kang magtaka kung bakit nandito ka ngayon sa blog ko, hindi ito isang pagkakataon lamang. Nandito ka ngayon kasi may isang malaking rason. Its either kelangan mo ng kaibigan na magpapayo sayo, or kelangan ng iba marinig ang kwentong pag ibig mo
Minsan dumating ka ba sa point ng buhay mo na gusto mo lang iiyak lahat ng sakit ng dulot ng pagmamahal?Or Minsan ba itinanong mo sa sarili mo kung bakit nangyayari lahat ng pagkabigo sayo kahit na alam mo naman na hindi mo ito deserve? Minsan ka na rin bang nalito kung anung dapat mong gawin . kung maghohold on ka ba or mag lelet go?
Kung naranasan mo ang isa sa mga yan. Congratulation!.And I have a good news for you..Marunong ka ngang magmahal.
Aaminin ko, Minsan na din akong nasaktan. Minsan ko ring naranasan isandal sa pader ang aking likod habang dahan dahan itong ibinababa. Minsan ko rin sinigaw ang mga salitang "bakit ako".
Minsan pakiramdam ko, yung minsan na yan, yan pa yung hardest part of my life. Until natuto ako.
Hindi naman pala masakit ang magmahal, ang masakit ay yung nagmahal ka ng maling tao.
Kaya nga, Ang mga kwento nyo ay may konting pakulo para sa inyo mga avid readers. Hehe. Inaanyayahan ko po kayo na ikwento sa akin ang iyong problema sa pag ibig at asahan na mabigyan ko kayo ng payong pangkaibigan .
isend dito ang iyong kwento

Lunes, Mayo 28, 2012
Ayoko ko na!!!!
Ayoko ko na, nahihirapan na ako! Bakit kayo ganyan, bakit pag nilalalabas ko ang nasa loob ko nagagalit kayo , naiinis kayo. Wala na ba akong karapatang ilabas kung ano man itong nasa loob ko. Oo alam ko minsan hindi maganda ang lumalabas sa akin, pero ano magagawa ko. Minsan talaga medyo malakas ang dating na parang naninigaw o minsan naman pabulong lang pero bakit ganun pa rin ang epekto sa inyo eh, galit pa rin kayo sa akin eh.
Mabuti kaya’y ilihim ko na lang ito sa inyo, hindi ko ipapaalam sa inyo itong nasasaloob ko. Bahala kayong magturuan, bahala kayong mag-away kung sino ang may sala. Hindi ako aamin kasi ayaw ko ng magalit uli kayo sa akin. Siguro makikisama na lang ako sa inyo, para kung sakaling mawala na yung isyu na yun makalimutan na rin ito pare pareho.
Mas maiging pigilan na lang itong nararamdaman ko, at subukang wag ko ng ilabas para wala na lang magalit sa aking tao. Alam kong di makakatulong at nakakasama yun para sa akin pero okay lang ayaw ko kasi na bigla na lang manlilisik ang mata nyo sa akin.
Alam kong meron din sa loob nyo na kinikimkim kung minsan pero alam kong bigla na lang itong sasabog sa hindi inaasahang pagkakaton at oras. Pero sisiguraduhin kong wala ako dun para di ako maapektuhan ng sama ng loob mo.
Kung tutuusin wala akong kasalanan kung naglabas man ako ng sama ng loob okay lang yun kasi tao ako pero bakit ganun sila kinukutya, nagagalit, pinapahiya at pinagtatawanan nila ako. Bakit hindi rin ba nila minsan ganun.
Hay hayaan ko na lang, AYOKO KO NANG ............................................................................ magpigil ng utot. Pero ang hirap palang pigilan ang utot kasi baka may sumama. Hehehe! Pero sabi nga nila ang tunay na lalaki ay may tae sa brief!!Pwede. Uyy nangiti sya. hahahhaa
P.S
Kala nyo seryosong usapin na no, hhehhehe! .
Martes, Mayo 22, 2012
BEERDAY KO!!
Salamat sa mga napilitan lang mag bigay ng comment dahil na click ung link sa facebook na birthday ko kahapon at kailangan pala may sabihin dahil birthday ko.
-Thanks, sorry at napa-isip pa kayo ng sasabihin. Hahaha pero Hindi halata pramis. Simple 'Happy Beerday' lang masaya na ko. Dahil naalala nyo ako.
Sa mga dati kong katrabaho, sa mga elementary, highchool at college klasmeyt ko na naka-alala.
-Thanks, pinataba nyo ang puso ko!!
Sa mga bumati na seryoso dahil birthday ko talaga at medyo medyo nabanggit pa ang blessing ni God.
-why so serious?!? hehehe joke. Salamat, na-revive at narefresh ako sa mga malalaki at maliliit na blessings ni God sa akin sa loob ng 365 days. Pero iba talaga when you get something like that and know that this came from the people who loves you.
Sa mga nag-text sakin...
- Salamat and sorry di nako nakapag reply. Nag miscol na lang ako, hudyat na nareceive ko text nyo, pahiwatid na thank you.
Sa mga nakalimot sa birthday ko..
- Hmp! ...di oks lng.. i know everyone's busy.
Sa TPSC!
-alam nyo na kung sino sino kayo, isa-isahin ko pa ba? cge mabanggit ko lang ngalan nyo: Juan, Ely, Bogz, Lakjo, Pagol, Cholo, Ilod,. May nalimutan pa ba ako sa grupo? mabalos!!!!
Sabado, Marso 3, 2012
PERSONALITY TRANSPLANT
Sana may mga bagay na pwedeng palitan, katulad ng ugali ng tao o di kaya personalidad mo.pwede din sanang ibahin. Bakit hindi kaya nauuso ang PERSONALITY TRANSPLANT? Para piliin mo ang mga personalidad na gusto mo. Minsan may bagay na gusto mong maging ganito o ganyan, subalit dahil likas na sa iyo ang isang personalidad hindi mo na ito magawang mapalitan pa.
Minsan masarap magkaroon ng personalidad na MATAPANG, yung walang inuurungan na kahit sino, para walang mang-aapak sa iyo na ibang tao. Patayan kung patayan, sabugan ng mukha kung kailangan. Tapos palitan mo naman agad ng personaliad na MALAMBING, para naman makita nila na malambot din ang puso mo. Baka pwede ng gawing combination ito, yung parang milk shake lang, Pagsamahin ang dalawang personalidad.
Minsan nangangarap ka ng personalidad na INSENSITIVE ka sa pakiramdam ng iba, para Malaya mong gawin ang gusto mong gawin may masaktan ka man o wala. O kumuha ng ugaling MANHID, para naman hindi ka makaramdam ng sakit kapag may nanakit sa iyo. Yung tipong para kang robot na walang emosyon at walang pakiramdam.
Nais ko rin magkaroon ng personalidad na MASIYAHIN para naman kahit sa malungkot na pangyayari magawa ko pa ring maging masaya. Tapos sasamahan ko rin ng personalidad na POSITIBO para naman kahit punong puno ako ng problema sa buhay isipin ko pa rin na masarap mabuhay sa mundo.
Gusto ko ri minsang magkaroon ng ugaling MAKASARILI, para gawin ang mga bagay na gusto kong gawin na walang iniisip na ibang tao. O di kaya naman magkaroon ako ng personalidad na MAANGAS para hindi ako lapitan ng mga taong may masamang binabalak lang sa akin.
Baka pwede rin akong maging SPOILED BRAT para naman hindi ako titigil hanggat hindi napapasaakin ang gusto ko. O ugaling MAPAGDUDA para naman hindi inaabuso ng ibang tao ang tiwalang ibibigay ko. Baka minsan pwede rin akong magkaroon ng ugaling INOSENTE para wala akong muwang sa tama o mali. Para gawin ko man ang mali hindi ako magdadalawang isip
Pwede kayang magkaroon ako ng ugaling RISK-TAKER para hindi ako natatakot sa mga resulta ng mga desisyon ko sa buhay. O kaya maging PRANKA, para nagagawa kong sabihin sa ibang tao ang mga ayaw ko sa kanila.
Gusto ko rin maging NARCISSIST para kahit ayawan ako ng lahat ng tao sa mundo, mayroon pa rin nagmamahal sa akin…......ang sarili ko. Pwede kaya iyun?
Sana totoo ngang may personality transplant o di kaya pwedeng bilhin sa tindahan para gamitin mo ang gusto mong gamitin sa araw na iyon. Parang relong may interchangeable bracelet, o gulong na pinapalitan kapag flat na. Pero hindi eh! Mukhang Malabo atang mangyari yun.
Makuha ko man ang mga personalidad na gusto ko, sa huli maiisip ko kahit maging PERPEKTO MAN AKONG TAO.nakakalungkot na wala naman kasing PERPEKTONG MUNDO. Hindi siguro tao ang may problema, ang kapaligiran ko at ang MUNDO mismo. Baguhin ko man araw-araw ang personalidad at ugali , tyak hindi pa rin nito mababago ang mundong kinabibilangan ko. Patuloy pa rin lalabanan ang mga kagustuhan ko sa buhay.
Hangarin ko man makuha ang mga personalidad at ugaling gusto ko, hindi pa rin ako masisiyan dahil sa huli kailangan ko pa ring sumabay sa pag-ikot ng mundo. Kaya bakit ko pa ba babaguhin ko pa ang sarili ko,? kung baguhin ko man o hindi ,aayon pa rin ako inog ng mundo at isasabay ko pa rin ang sarili sa bawat paggalaw ng mundo . Marahil ang kailangan kong gawin ay tanggapin na lang mga bagay na meron ako at gamitin ko sya sa paglalakbay sa MUNDOng ito
Harinawa, na sa paglalakbay na ito, mapulot ko ang mga ugaling gusto ko at maisasabuhay ko ang mga ito ng hindi nangangailangan ng operasyon at hindi pilit. Isa-isa sanang magiging natural sa akin ang mga personalidad na pinakamimithi ko para hindi ko na kailangan pang asamin na maibento ang titulo ng sanaysay na ito.
Linggo, Nobyembre 20, 2011
Dear future wife,
Ang blog na ito ay pumipitik pitik pa kahit medyo naghihingalo na!
Aaminin ko medyo hindi na ako gaanong nag-uupdate ng blog ko kumpara dati.
Asan ka na ba? Hanap ako ng hanap, hindi kita makita. Pinagtataguan mo ba ko? O dahil lang sa dark shades na suot ko kaya hindi kita makita at madilim ang paningin ko? :))
Your Future Husband
Hindi naman sa nagrereklamo ako, nakakainip lang kasi maghanap at maghintay. hihihi. Nakakasawa ng matulog sa bawat gabing malamig at wala akong katabi sa kama. Bukod sa nangangalay na ang kamay ko (left and right), namimiss ko na yung feeling na may kayakap at kafrench kiss ako. LOL.
Madali lang naman sa akin makipagtrade ng laway at magbasketball sa 'court' ng iba, pero iba pa rin yung feeling na ginagawa mo yun sa babaeng gusto mong makasama habangbuhay di ba?
Future Wife
Gusto ko ng magkaanak. Gusto ko ng magkaroon ng mini-me, kung pwede nga lang magkaroon tayo ng kambal. Yung tipong mga anak ni Aga at Charlene. Pero gusto ko yung healthy twins, wag yung magkadikit ang ulo.
Sa katunayan, excited na nga sina Nanay at Tatay na magkaroon ng apo sakin. At mas excited naman akong isakatuparan ang pangarap nilang yun. Haha.
Pag naging asawa na kita, hindi mo pagsisisihan. Mamahalin ko kayo ng mga magiging anak ko habang nabubuhay ako. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan nyo. Hinding-hindi kita pagbubuhatan ng kamay. Hindi kita sasaktan. Bagkus, sa ibang paraan ka lang masasaktan pag ako ang iyong minahal. (Ibulong ko sa'yo kung ano yun pag nagkita tayo!)
Marunong naman akong magluto kahit papano. Tutulungan din kitang maglaba pag napapagod ka na. Ako mag-aalaga sa'yo at sa mga anak natin kapag nagkakasakit kayo. Ako ang tutulong sa inyo sa pagbuo ng mga pangarap nyo. Magiging cool husband and Tatay ako at siguradong magiging happy family tayo.
Hindi man ako mayaman tulad ng mga Ayala o Cojuangco, o kasing talino nina Einstein o Galileo, pero isa lang ang maipapangako ko: mabibigyan kita ng magandang lahi, yan ay sigurado.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)