TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Wasak!

Sawi? Pusong duguan? Pusong basag na basag? Pusong yurak na yurak? Pusong pinag laruan? Pusong pinaasa? Pusong Niloko? Pusong Iniwan? Pusong pinagpustahan?

Huwag kang magtaka kung bakit nandito ka ngayon sa blog ko, hindi ito isang pagkakataon lamang. Nandito ka ngayon kasi may isang malaking rason. Its either kelangan mo ng kaibigan na magpapayo sayo, or kelangan ng iba marinig ang kwentong pag ibig mo

Minsan dumating ka ba sa point ng buhay mo na gusto mo lang iiyak lahat ng sakit ng dulot ng pagmamahal?Or Minsan ba itinanong mo sa sarili mo kung bakit nangyayari lahat ng pagkabigo sayo kahit na alam mo naman na hindi mo ito deserve? Minsan ka na rin bang nalito kung anung dapat mong gawin . kung maghohold on ka ba or mag lelet go?

Kung naranasan mo ang isa sa mga yan. Congratulation!.And I have a good news for you..Marunong ka ngang magmahal.

Aaminin ko, Minsan na din akong nasaktan. Minsan ko ring naranasan isandal sa pader ang aking likod habang dahan dahan itong ibinababa. Minsan ko rin sinigaw ang mga salitang "bakit ako".

Minsan pakiramdam ko, yung minsan na yan, yan pa yung hardest part of my life. Until natuto ako.

Hindi naman pala masakit ang magmahal, ang masakit ay yung nagmahal ka ng maling tao.

Kaya nga, Ang mga kwento nyo ay may konting pakulo para sa inyo mga avid readers. Hehe. Inaanyayahan ko po kayo na ikwento sa akin ang iyong problema sa pag ibig at asahan na mabigyan ko kayo ng payong pangkaibigan .

isend dito ang iyong kwento

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.