TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Huwebes, Abril 28, 2011

Sarap maging bata

Noong ikaw ay bata pa, Nagawa mo ba ang mga ito?

1. Kumakain ka ba ng aratilis?

2. Nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

3. Pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

4. Marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

5. Malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

6. Alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right,b, a, start?
tapos maglalaro ng super mario?

7. May mga damit ka na U..S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

8. Addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

9. Nanonood ka ng Shaider kasi nabobosohan mo si Annie at type na type mo ang puting panty nya?

10. Alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang
time space warp chant?

11. Marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

12. Kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?

13. Inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna.

14. Alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at “alagang-alaga namin si puti”?

15. Nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

16. Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

17. Meron kang blouse na may padding kung babae ka at
Meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

18. Nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

19. idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?

20. Eto malupet… six digits lang ba ang phone number nyo dati?

21.. Nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

22. Cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na “eh kasi bata”?

23. at manood ng Eat Bulaga sa Channel 13 tapos nalipat sa 9 tapos sa 5 sumunod sa dos at ngayon nasa GMA 7 na..

24. O kaya naman manood ng ‘sang linggo na po sila ng APO sa dos..

25. Inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

26.. Meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

27. Noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

28. Alam mo ang kantang “g lori a labandera”.. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang “1, 2, 3, asawa ni marie”… hehehehehe?

29.Sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

30. Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

31. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. .. diba naninipit yun?

32. Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty… and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

33. Meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon..
aminin?

34. Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

35. Bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum… tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

36. Nanonood ka ba ng Madeline, Art Jam, Silip, detek Kids, Pahina Kokey, Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, B1 at B2 at Bayani bago pumasok sa School lalo na kung pang-hapon ka??

37. Takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo at yun ang tatawaging Y2K at pag dating daw ng year 2000 mawawala lahat ng powers ng mga appliances sa bahay nyo at mabubuhay ang buong mundo ng walang ilaw sa gabi?

38. Maaga ka umuuwi pagkagaling sa school kase manunuod ka ng That’s Entertainment or AngTV?

Kung alam mo lahat dito lagpas ka na ng 25 years old… kapag halos lahat alam mo, nasa 25-30 ka…

huwag ka magdeny.. tumawa ka na lang.. di ba 75 centavos pa lang pamasahe sa jeep noon at mas masarap ang mellow yellow kesa sa mountain dew at lift?

at higit sa lahat 4:30 na kase AngTV na or THATS ENTERTAINMENT kase inaabangan mo bagong dance steps ng UNIVERSAL MOTION DANCERS!

salamat....





Wag kalimutan ang sayaw na TONY tony popony.. at boy band na MENUDO..

I thought you had fun just the same as I did… =P

Lunes, Abril 25, 2011

how?!

Paano nga ba? Paano nga ba kita malalapitan? Paano ko nga ba maipapadama sayo kung gaano ka kahalaga sa puso ko?!…Paano ko nga ba masasabi sayo na mahal kita?!………….

Linggo, Abril 10, 2011

TALENT SHOWS!!!

Kung dati halos parang mabentang hotcake ang mga “REALITY SHOWS” ngayon naman parang mga nagsulputang ukay ukay ang mga “TALENT SHOWS”. Nandyan ang Talentadong Pinoy, Pinoy Extreme Talent, Kahit Sino Pwede, Showtime, Diz ziz it, at Pilipinas Got Talent. Ang dami nga talagang talento ang mga kababayan nating mga Pinoy, ibang klase! Kaya naman medyo napaisip ako ng konti, iniisip ko kung sasali ako sa mga Talent shows na ito, ano kaya ipapakita ko…………… isip…….. isip…….(after 10 minutes)………… Punyemas naman wala akong maisip. Puwet lang ang kaya kong ipakita!

Hindi ako marunong kumanta, syete !!!. Di ko alam kung anong nangyari sa boses ko. Eh myembro ako ng choir noong bata at madalas din akong pakantahin ni Lolo ng “Blue Jeans” sa harap ng mga kumpare nya. Pero ngayon…………… langya naman oh,ang silbi lang ng bibig ko ay panglamon at pangnguya at pag inom ng malamig na beer yun lang!Hays!

Sinubukan ko ding tumugtog ng Bass Guitar. Nagkaroon din ako ng banda, pero hayun …dahil adik na adik ako sa Bioman, Mask Rider Black at Buknoy (ang nagsasalitang bola) eh hindi ako umaaten ng praktis namin. Kaya makalipas ang ilang buwan, lahat ng ng kasabayan ko kay gagaling tumugtog, ako wala. Hays (butong hininga uli)
.
Okay, wala rin akong future sa pagsayaw. Tae naman oh!! Dahil sa aking mahiwang beywang at paa na ubod ng titigas. Parang may sariling buhay ang mga bwisit na beywang at paa na yan. Ayaw makisama at gusto lang nilang umepal. Sinubukan ko naman! pwamis! Kaya noong grade 2 ako, sumali ako sa program ng school namin. At sumali ako sa isang dance number.

Ang sayaw naming ay ICE ICE BABY (okay payn, luma na yan nahahalata ang edad ko! Kayo na fetus!!). Syempre nagpabili ako ng bagong sapatos sa nanay ko. Matagal pa akong naglulupasay sa simbahan (pasikat kumbaga tinapat kong nagsisimba para walang kawala si nanay) para lang ibili nya ako ng SHAIDER shoes na umiilaw ilaw pa.. At epektib naman sya dahil binili nya ako, yun nga lang may kasamang kurot yun na maliliit. at batok na pasimple (syempre nasa loob kaya kami ng simbahan para di halata). Pero okay lang at least may Shaider shoes na ako.

Hayun na nga sumayaw na ako, dahil bago ang aking sapatos nagpakitang gilas ako. Feeling ko nun ang ganda ganda ng sayaw ko. Magkatapos naming magsayaw sa stage, nilapitan ako ng ate kong grade six na noon. Sabi nya “ano bang nangyari sa iyo? Bat nagwawala ka sa stage. Baluga ka ba? Pinagtatawanan ka kaya ng mga kaklase ko!Para ka daw tanga. Kakahiya ka!”.
.
At natauhan ako noong mga araw na yun! Nalaman ko na wala talaga akong future sa pagsasayaw. Kaya hayun simula noon hindi mo na ako mapapasayaw. Kung sumayaw man ako, mukha akong TIMANG!!

Ngayon minamaster ko na ang paglulon ng apoy, habang ngumunguya ng bubog. Ayaw ko ng tumulay sa alambre dahil luma na yan, tutulay na lang ako sa barb wire para astig. Basta bwisit na yan! Wala talaga akong talent. Kaya ang lakas ng insecurities ko pagdating sa talent talent na yan.

Hays (ikatlong butong hininga). Sige okay na ako! Siguro nga hindi naman pwedeng ibigay ng Dyos lahat sa isang tao. Yun nga lang “wala” naman binigay sa akin si Lord kahit isang talent.Hahaha!Joke lang

Eh sabagay naiisip ko, ang lahat naman ay pwedeng pag-aralan. Siguro kung bibigyan ko lang ang time ang sarili ko, matuto rin akong kumanta at sumayaw tulad ng napapanood ko sa mga Talent Shows na yan!

Ganun naman nga talaga eh, ang lahat ng bagay ay pinagsisikapan at pinaghihirapan. Tulad ng talent o kakayahan itoy pinagsisikapan din. Ang lahat ay hindi nakukuha ng bigla bigla, kung gusto kong gumaling kailangan kong pagsumikapan ito. Di pa naman huli ang lahat eh! Baka may isa pang purpose ang bibig ko bukod sa paglamon, baka pwede ko naman itong ipangkanta. At siguro may silbi pa naman ang paa at baywang ko, baka pwede ko iton pagkakitaan pa (mag mamacho dancer ako)

Salamat…..

Sabado, Abril 2, 2011

Ako si Shaider (pulis pangkalawakan)


Noong bata pa ako ay pangarap kong maging isang superhero. Ngayong malaki na ako, hindi pa rin nawawala sa akin ang pangarap na ito.

Ayokong maging katulad nina Batman at Superman na naka-leggings at nakalabas ang brip sa kanilang costume. Baduy sila para sa akin. Ang gusto ay maging isa sa mga metal heroes ng Japan. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin na i-recruit ako unexpectedly ng Galactic Union Patrol at gawing isa sa mga pulis pangkalawakan o "space sheriffs".

Una kong napanood ang (UCHUU KEIJI) SHAIDER sa IBC13 bandang late 90's noong medyo maganda pa ang programming nila. Early 95's naman nang malipat ito sa ABS-CBN at ipinalabas tuwing Sabado ng hapon. Ayon kay pareng Wiki, nagkaroon ito ng 49 episodes na ipinalabas sa Japan mula March 2, 1984 hanggang March 1, 1985. Akalain mo yun, mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan pero sariwa pa rin ang aking mga alalaa sa teevee series na ito. Puno ng childhood memories. Sigurado ako, ikaw rin.

Opening theme pa lang, enjoy na kami sa panonood nila utol at mga pinsan. Kapag narining na ang "Code Name....Shayda!!", bigla nang papasok ang malufet nitong soundtrack. Noong una ay hinayaan itong Japanese version pero 'di nagtagal ay nagkaroon na rin ng Tagalog. Wala kaming pakiaalam sa ginagawa ni ALEXIS (ang pangalan ng bida kapag hindi pa siya nakakapag-transform) dahil ang hinihintay naming lahat ay ang pagtalon ng kanyang sidekick na si ANNIE. Lights, camera....panty!!

Ang plot ng palabas na ito ay tumatakbo sa pagtatanggol ni Shaider (ginanapan ni HIROSHI TSUBURAYA) sa ating daigdig laban sa puwersa ng kasamaan ni FUUMA LEY-AR. Ang totoo, si Alexis ay ang apo sa patay na kuko ng pinakaunang Shaider na pumutol ng ulo ni Fuuma 12,000 taon na ang nakakalipas.

Kung isa kang die-hard fan nito, mapapansin mo na may kakaibang istilo ang lider ng kampon ng kadiliman dito - hindi siya basta-basta umaatake sa pamamagitan ng pagsira ng mga gusali, pagpapasabog ng missiles, at kung anu-ano pang destructive moves para masakop ang planetang earth. Ang ginagawa niya ay inuuna niyang kontrolin ang mga tao sa pamamagitan ng pag-atake sa kanilang psyche. Ang pinakamadalas na ginagawa niya ay ang pag-hypnotize sa mga kawawang nilalang! Isa sa mga paborito kong episodes ay 'yung hinihikayat ng pangkat ni Fuuma na maging hayop ang mga bata para hindi na sila mag-aral o gumawa ng mga gawaing-bahay. Napanood mo rin ba 'yung episode na may kupidong nakakatakot ang itsura tapos kumakanta sila ng "FUSHIGI SONG" habang nagmamartsa para ma-hypnotize ang mga bata? Eh 'yung episode na kain ng kain yung mga na-hypnotize hanggang sa parang maging isang cocoon na sila? Hanep ang strategem, 'di ba?


Tanda niyo pa ba kung sinu-sino ang mga kontrabida bukod kay Dakilang Fuuma Ley-Ar?

Unahinn natin si IDA. Taena, ano ba ang kasarian niya? Hindi ko alam kung ano siya dahil lalaki ang boses pero pang-bebot ang kanyang fashion. Gumagamit yata siya ng glutathione dahil ang puti-puti ng mukha niya. Pero huwag ka, kahit na mukhang backlash ang itsura niya ay mataas ang katungkulan niya sa kanilang grupo. Siya lang naman ang apo ni Ley-Ar. Siya ang kanang kamay kaya siya na rin ang nagunguna sa mga ritwal na ginagawa kapag nangingitlog ang lolo (take note, lalaki si Fuuma pero nakakagawa ng egg!) niya para makagawa ng isang halimaw. Sa kanya rin nanggagaling ang magic words na "Time space warp...ngayon din!". Ang taray niya 'di ba? May tsismis na sa totoong buhay, ang taong gumanap para sa character na ito ay nag-audition para sa role ni Alexis ngunit 'di siya natanggap dahil sa kapayatan. Ano kaya ang nangyari kung siya ang napili?

Si DRIGO naman ay ang kabaligtaran ni Ida sa lahat. Kung ang apo ay laging nasa tabi ng lolo, ibahin mo ang kontrabidang ito dahil lagi siyang nasa site para pabagsakin si Shaider. Nakakatakot ang itsura niya at bruskong-brusko kung kumilos.


Napanood niyo ba 'yung episode na nagkaroon ng formation ang mga AMAZONAS? Para silang Bioman dahil isa-isa pa silang nagpakilala bago makipaglaban! Sino ba naman ang makakalimot sa puta looks ni Amazonang Itim?

Ang FUUMA ARMY naman ay 'yung mga walang silbing alagad ni Ley-Ar na ang daling mamatay sa lahat ng labanan. Kahit isang panty kick lang ni Annie ay patay na kaagad sila! Ang medyo nakikita kong importansya nila sa grupo ay ang pagsayaw nila sa Fushigi Song kapag nangingitlog si Ley-Ar.
Balik tayo sa mga bidang sina Shaider at Annie. Nataandaan mo pa ba ang mga arsenal nila sa pakikipaglaban?



BATTLE TANK ang madalas nilang gamitin kapag may mga digging requirements habang ang SKY STRIKER naman ang ginagamit kapag nakikipaglaban sa mga space ships na may gulong ng mga kaaway. Dati ay pinangarap kong magkaroon ng BLUE HAWK, ang motorsiklo ni Shaider na madalas niyang gamitin kapag sinambit na ni Ida ang kanyang famous line. Ang BABYLOS naman ay ang space ship na nagsisilbing headquarters nila. Ito rin ang nagbibigay kay Alexis ng Blue Plasma Energy para mag-transform into Shaider. Ang space ship na ito ay may dalawang formations kapag nakikipaglaban. Ang una ay ang "Shooting Formation" kung saan ito ay nagiging isang malaking baril. Ito ang madalas na gamitin kapag lumalabas na ang pekeng ulo ni Ley-Ar. Nagkaroon dati ng laruan nito at madalas naming inaabangan nila utol sa "Uncle Bob's Lucky Seven Club" ang pakontes para manalo nito. Ang pangalawa naman ay nagiging robot kapag ito ay nasa "Battle Formation". Mukhang tae ang itsura nito kaya hindi ito gaanong ginagamit ni Shaider. Tsaka wala rin namang alam itong gawin kundi saluhin at ibato pabalik ang dalawang missiles na galing kay Ley-Ar!

Bukod sa arsenal ay may mga sariling kagamitan ang ating mga bida. May malufet na espada ni Shaider, ang LASER BLADE habang si Annie naman ay may sariling LASER BLASTER.
Hindi corny ang tag-team nina Annie at Alexis dahil walang love story na namagitan sa kanila. Walang mga lecheserye scenes ang naisingit para maging baduy ang adventure.

Ang isa sa mga pinakanaaalala ko rin sa Tagalog version ng palabas na ito ay ang pagkakaroon ng voice-over kapag may mga major scenes. Halimbawa ay kapag nag-transform na si Alexis into Shaider. Ipapaliwanang ng narrator kung saan nanggagaling kanyang kasuotan. Kapag sinabi na ni Ida ang "Time Space Warp" ay ipapaliwanag naman na mas malakas ang mga halimaw ni Ley-Ar sa dimensyong iyon ng ten times. Memorize ko lahat 'yun dati pero sa paglipas ng panahon at pagkain ng maraming pork ay unti-unti ko na itong nakalimutan.

Sa sobrang sikat ng palabas ay nagkaroon ito ng pelikula. Noong ipinalabas ito sa Pinas, walang batang hindi nanood. Hindi ka kasi "in" kung hindi ka pinayagan ng mga magulang mong makita ang idol mo sa big screen. Talagang pipilitin mong umiyak at humagulgol sa ermats at erpats mo para lang makapanood kaysa naman kantsawan ng tropa. Sa pagkakaalala ko ay 3-in-1 ang movie dahil kasama rin ang Bioman at Maskman sa palabas.

Walang ending ang Shaider sa Pilipinas. Actually, hindi ko naaalalang ipinalabas ang ending nito sa atin. Sa Youtube at pirated DVD Collection ko lang napanood ang katapusan nito. Pero kahit na paulit-ulit itong ipinapalabas dati ay hindi ako nagsasawa. Hanggang ngayon ay enjoy pa rin ako kapag napapanood ang mga labanan.

Sa totoong buhay, ang ending ni Shaider ay naganap nang sumakabilang-buhay si Hiroshi noong July 24, 2001 sa edad na 36 years old dahil sa liver cancer na nakuha niya sa pagiging alcoholic. Ang gumanap namang Annie na si NAOMI MORINAGA ay ipinagpatuloy ang karera sa showbiz sa pamamagitan ng pagganap sa mga soft porn movies. Sabi ko na nga ba, may senyales na ang kanyang mga boso moves noon!



salamat.......