TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Linggo, Oktubre 31, 2010

Silang mga Sikat!

Malamig ang simoy ng hangin. Kay saya ng bawat damdamin. Halatang ber months na dahil ramdam na ang malamig na pakiramdam sa umaga. Nadarama na ng balat ang morning chills. Pero bago pa man dumating ang araw na hinihintay ng mga bata-batuta sa pamamasko at ng mga empleyado sa kanilang christmas bonus, hindi pwedeng hindi daanan ang isa pang okasyon; ang halloween.

Hindi ko masyadong naiisip na bukas na pala ang undas at ang araw ng mgakaluluwa. kaya naka-isip ako ng ideya kung ano ang maisusulat ko ngayon. So para sa topic for today, eto ang mga listahan ng mga sikat na pips tuwing araw ng patay o araw ng kaluluwa. Sila ang mga kinatatakutan sa mga kwentong horror.

1. Tikbalang- Heto ang isang uri ng creature na hap-hap. Hap human hap animal. Kadalasan ang hap animal niya ay horse kaya most likely ay kamag-anak eto nila petrang kabayo. Kadalasang makikita o naninirahan daw sa forest ang mga tikboys at tikgirls. Sila ang mga mapaglarung kumag na nantritrip sa mga travelers/ trippers sa mga bundoks. Ang ginagawa nila ay ililigaw ang mga madlang pipol upang hindi makarating sa paroroonan kahit sila ay lumingon sa pinanggalingan.



2. Kapre- Hindi pinaglihi sa kape ang mga kapre. Sadyang maitim lang sila. Hindi rin daw sila kamag-anakan nila yao ming at bonel balingit pero nuknukan sila ng tangkad. Di pa alam kung sila ay nagcherifer, nag growee or nag zenith growth na mula sa home shopping network. Kumpare ng mga kapre si FVR dahil pareho sila ng mga trip pagdating sa paninigarilyo ng tabako. Usually ang mga kapre ay popular sa pagiging bangag sa pagka-inlababo sa mga kababaihan at nagiging stalker sila. Feeling siguro nila ay super chikboy sila.

3. Mananaggal- Ang creature na parang naging assistant ng magician dahil kayang mahati ang katawan sa dalawa. Sila ang mga babaeng may ability na similar sa hipon, pero sa manananggal; kalahati ng katawan ang natatanggal. Plus factor sa mananaggal ang ilusyon nila na sila ay angels. Parang ipis na nagpapanggap na paru-paro. Mostly ang upper part lang ang may kakayahang makapanakit ng pips sapagkat ung kalahati ay naiiwan at dehins natin maproprove kung lumalandi ito at nakikipag-do kahit kalahati lang ito.


4. Nuno sa Punso- Sila na ang maliit. Sila ang ka-size nila thumbelina at tom thumb. Kamag-anakan din sila ng dwende pero sinasabing mas powerful sila dito. Kadalasang nakatira sa punso o mga bahay ng anay at mga langgam.Wag na wag gagalitin at may angking powers ang mga ito. May kakayanang palakihin ang parte ng katawan na nakasakit at nakasira sa bahay. Unless na gusto mong mas palakihin ang junior mo, wag iihian ang punso at baka maging kasing laki ng poste ng meralco ang junior mo at hindi ka na makalakad.

5. White Lady- Mga multong babae. Dehins pa ako nakarinig na white lady na binabae or lalake. Ang mga white lady ay ang idol ni sadako pagdating sa fashion statement. Ginaya ni sadako ang white dress na suot ng kanyang iniidolo. Ang pinagkaibahan lang ata ay marunong magsuklay ang mga whitelady at minsan ay tila nag-rejoice ang mga multong ito(aaa-AYOS). Kadalasang sanhi ng pagpapakita ng white lady ay dahil need nila ng justice ng sila ay ma-aksidente o magahasa. Pede naman daw kasing magsabi ng please, bakit pa kailangang pwersahan silang gagalawin.


6. Tiyanak- Ang anak ni janice! at siya din ang nasa likod ni Rosalka. Sila ang inspirasyon ni Jastin biber sa kantang BABY, BABY, BABY OOOOH! Actually, di naman talaga sila baby, sila ay impostor o mga mapagbalat-kayong nilalang at ginagaya ang mga bata para makapang-biktima. Di ko alam kung kamag-anak ng mga bampira kasi mahilig manakma at mangagat ang mga tiyanak. Sila na ang mga nakakata-cute na creatures.


7. Tiktik- Hindi ito ang mga kumpare at kumare nila TORO, BOSO, ABANTE at BULGAR. Much more na kamag-anakan sila ng mga manananggal pero may sarili silang kakayanan at powers. Sila ang mga best kandidate para sa mga putahe tulad ng lengua dahil sa kanilang mahahabang tounge o dila. Wow hebigat ang licking factors nila dahil kaya ka nilang puluputan ng suuuuuuuuuper long na dila. Ang madalas biktimahin daw ng mga tiktik ay yung mga babaeng makati at nagdadalangtao. Fave nilang biktimahin ang mga tisbun dahil sa feel nila ang yummy at fresh na sanggol sa sinapupunan.

Ang mga nasa taas ang famous dito sa ating bansa pero meron pang iba kaso di ko na kayang idiscribe kasi tinatamaan na ako ng katam. Runner-ups lang ang syokoy, Undin, blacklady at iba pa.

Advance Happy halloween guys!

Note: ang mga larawan ay nakuha sa google search :D

Miyerkules, Oktubre 27, 2010

SOSI MO NAMAN!!!


Alam nyo bang bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagiging “SOSYAL” at “FEELING MAYAMAN”. Bakit?? Eh hindi nyo ba napapansin na halos ng lahat ng Filipino ( mga 70%) ay gustong maging sosyal at magmukhang mayaman. Hindi ko alam baka may kinalaman ito sa ating kasaysayan, dahil nga nasakop tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kaya hanggang ngayon mayroon tayong ganyan mentalidad.

Napansin ko lang na karamihan sa atin ,nabubuhay na lagpas sa kanyang katatayuan sa buhay. Kaya naman halos kahit magkanda baon-baon sa credit card at mangutang kung kani-kanino mabili lang ng mga gamit na pang- “SOSYAL”.

Bakit kapag may bagong gadget, hindi magpapahuli ang mga Filipino? Bakit punong puno ang mga kapehang pangmayaman tulad ng Starbucks? Bakit nauuso ang mga konyo o salitang pangmongoloid? Well dahil dyan sa kaisipang “SOSYAL” at “ FEELING MAYAMAN”.

Narito ang mga palatandaan ng mga taong nagpapa-SOSYAL

1. Namimili sa Mall na nakapamasko ang mga damit (pupunta langn sa mall para pumorma)

2. Laging nakashades kahit nasa loob naman sya ng isang mall o building (feeling artista ba, mas malaking shades mas mukhang sosyal)

3. English ng English (Kahit alam mong hirap na hirap na ang dila at sumasabog na ang ilong nya kakaenglish)

4. Ginagawang studio ang Starbucks at kung ano ano pang restaurant na mamahalin (syempre kailangang ipopost yun sa Facebook at Friendster na kumakain at umiinom sila ng mamahalin,ebidnesya yun)

5. Kailangan ipangalandakan ang kanyang ubod sa mahal na cellphone, ipod, laptop at kung ano ano pang gadget.

6. Kailangang alam na alam nya ang mga sikat na American TV shows at kabisado nya ang MTV. .
7. Kailangan may mga kaibigan din silang sosyal, sikat at mayaman.

8. Magsalita ng may MAKE saka pandiwa sa lahat ng sentence nya.

9. Conscious na conscious sa tatak ng kanilang damit, bag , sapatos at kung ano ano pa.
.
10. Pinagtatawanan ang mga jologs at baduy.

Pag mayaman ka talaga (yun tunay na mayaman) karamihan simple lang silang umasta. Tingnan nyo si Bill Gates, si Zobel de Ayala, si Gokengwei at si Danding Cojuangco. Simple lang sila at hindi sila masyado nagpapanggap na mayaman kasi mayaman talaga sila.

Aminin natin pag SOSYAL ka, parang tanggap ka ng lipunan. Pag sosyal ka sikat ka. Iniisip ko nga siguro kaya nauso ang pagpapasosyal ng mga Filipino dahil para tanggapin sya ng nakakararami, tumaas ang tingin sa kanya ng iba at magkaroon sya ng respeto dahil sa kanyang status sa buhay.

Pero marami din sa atin dahil sa kagustuhang maging sosyal, mas lalong silang nahihirapan. Nabubuhay sila malayo sa kanilang kakatayuan sa buhay. Marahil dala na rin siguro ito ng midya. Mga nakikita natin sa TV at magazine, at mga napapakinggan natin sa radyo. Pagpapakita na kapag sosyal ka, hinahangaan ka ng ibang tao. Kapag sosyal ka, kalevel mo na ang mga artista. Kapag sosyal ka, angat ka sa iba.

Siguro sa malaliman pang pagtingin, marahil ang kaisipang SOSYAL, ay dahil na rin sa mga “frustrations “natin bilang Filipino. Dahil pilit natin tinatakasan ang katotohanang naghihirap ang bansa natin. Pilit nating pinipikit ang mga mata sa mga nangyayari sa ating lipunan sa ngayon. Maari rin kayang likas sa ating mga Filipino ang pagiging “ingitero/ingetera” at “pagalingan (wala ka sa lolo ko)?”

Ako rin naman naging biktima ng kaisipang “SOSYAL” o "PAG-AASTANG MAYAMAN", marahil kayo din naman. Pero ngayon, pinipilit kong buksan ang mata ko sa katotohanan. Pinipilit ko ring maging praktikal at huwag mabuhay sa isang mababaw na pagtingin ng lipunan. Pero minsan napapasabay pa rin ako sa agos ng kaisipang ito, marahil ito'y sakit na matagal gamutin.

Ang sinulat ko na ito ay hindi pangungutya sa mga “SOSYAL” at NAGFEFEELING MAYAMAN dahil lahat naman tayo ay guilty dyan (ako din naman, weh). Pero ito’y isang pagtingin lamang at marahil paggising na rin sa iba na nabubuhay lagpas sa kanilang kakatayuan sa buhay.

Ikaw ,tatanungin kita sosyal ka ba?Bakit mo gustong maging sosyal? (Guilty naman ang lahat eh, kaya okay lang yan)
Ingat


P.S

Ano ang kinalaman ng picture ni Mystica sa post ko na ito?? Wala naman , pero di ba napakasosyal nyang tingnan! LOLS

Huwebes, Oktubre 21, 2010

I Like Tissue (mula sa magulong pag-iisip)

Nasabi ko na bang...

Nagfefeeling sikat ako? Pwes, ngayon nasabi ko na.

Kunwari sikat ako. Gumawa ako ng fan page ko as Tissue(mula sa magulong pag-iisp)at binraso ko ang mga online friends ko na i-Like nila para kunwari may mga fans na ako.

I Like Tissue (mula sa magulong pag-iisip)



Kayo, like nyo ba ako? Kailangan ko pa bang lumuhod at magmakaawa? Ano pang hinihintay nyo? i-Like nyo na!

Don't be shy. :P

WILKAM BAK


I’MMMM BACKKKKKKKKKKKKKKKK

Sorry at halos isang buwan din akong nawala, Medyo may isang pangyayari sa buhay ko na medyo may NAGBAGO para sa akin. At dahil nasabi ko rin na ikukuwento ko sa inyo kung ano ang dahilan, kaya heto ikukuwento ko na........

Okay, Hindi na kasi ako nagyoyosi ......

Huwaattt??? Oo totoo yan hindi na talaga ako nagyoyosi!.

Kung hindi nyo naitatanong. (hindi nga naming tinatanong??) medyo nahirapan din ako sa pagtanggal ng paninigarilyo ko. At sa bawat araw na naninigarilyo ako ay binabawasan ko ng isang stick. Hanggang sa umabot ng isang stick na lang ang nayoyosi ko sa isang araw. At doon ako talaga ako nahirapan di magyosi habang tumatae. Pero talagang pinilit kong huwag manigarilyo habang tumatae. Ngayon nagkakape na lang ako habang tumatae.Naks naman!!!(Hehehe)

Kaya ako na mismo nagdisisyon na tanggalin ko na ang paninigarilyo ko. Kaya ito na siguro ang maaga kong PAMASKO sa sarili ko. (wow…meganon)


Totoo ba yan, aminin mo nga talaga?? (KUPAL ka, totoo nga sabi eh!)

Ngayon. Hindi na nga ako nagyoyosi kaya nililibang ko na lang ang sarili ko sa pagpapak ko ng ding dong at boy bawang habang nagfefriendster at facebook. At may natuklasan din akong bagong talent ang kumain ng blade at nagpasok ako ng screwdriver sa ilong ko habang nagsasayaw ng WAKA WAKA. (makasama nga sa TALENTADONG PINOY!LOLS!).

Medyo nalulungkot din ako kasi parang nabawasan ang pagka gwapo ko. Maraming mga ala-ala din namang naiwan sa akin ang paninigarilyo. pero yun nga lang ang lahat ng bagay ay may katapusan.

Pero ika nga nila ang lahat naman ng katapusan ay may simula.

Kaya heto magsisimula ako, panibagong buhay. Panibagong kapaligaran at panibagong pakakahabalahan.

Totoong mahirap tanggapin ang pagbabago, pero kung di tayo magbabago hindi tayo lalago at yayabong. Mahirap baguhin ang nakasanayan na, pero kung hindi natin tatanggapin ang pagbabago baka wala na tayong matutunan pa sa buhay.

Hayan babalik na muli ako, hindi ko alam kung na-miss nyo ako, pero KAYO NAMISS KO.

WELCOME BACK TO ME!!

Ingat