TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Miyerkules, Oktubre 27, 2010
SOSI MO NAMAN!!!
Alam nyo bang bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagiging “SOSYAL” at “FEELING MAYAMAN”. Bakit?? Eh hindi nyo ba napapansin na halos ng lahat ng Filipino ( mga 70%) ay gustong maging sosyal at magmukhang mayaman. Hindi ko alam baka may kinalaman ito sa ating kasaysayan, dahil nga nasakop tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kaya hanggang ngayon mayroon tayong ganyan mentalidad.
Napansin ko lang na karamihan sa atin ,nabubuhay na lagpas sa kanyang katatayuan sa buhay. Kaya naman halos kahit magkanda baon-baon sa credit card at mangutang kung kani-kanino mabili lang ng mga gamit na pang- “SOSYAL”.
Bakit kapag may bagong gadget, hindi magpapahuli ang mga Filipino? Bakit punong puno ang mga kapehang pangmayaman tulad ng Starbucks? Bakit nauuso ang mga konyo o salitang pangmongoloid? Well dahil dyan sa kaisipang “SOSYAL” at “ FEELING MAYAMAN”.
Narito ang mga palatandaan ng mga taong nagpapa-SOSYAL
1. Namimili sa Mall na nakapamasko ang mga damit (pupunta langn sa mall para pumorma)
2. Laging nakashades kahit nasa loob naman sya ng isang mall o building (feeling artista ba, mas malaking shades mas mukhang sosyal)
3. English ng English (Kahit alam mong hirap na hirap na ang dila at sumasabog na ang ilong nya kakaenglish)
4. Ginagawang studio ang Starbucks at kung ano ano pang restaurant na mamahalin (syempre kailangang ipopost yun sa Facebook at Friendster na kumakain at umiinom sila ng mamahalin,ebidnesya yun)
5. Kailangan ipangalandakan ang kanyang ubod sa mahal na cellphone, ipod, laptop at kung ano ano pang gadget.
6. Kailangang alam na alam nya ang mga sikat na American TV shows at kabisado nya ang MTV. .
7. Kailangan may mga kaibigan din silang sosyal, sikat at mayaman.
8. Magsalita ng may MAKE saka pandiwa sa lahat ng sentence nya.
9. Conscious na conscious sa tatak ng kanilang damit, bag , sapatos at kung ano ano pa.
.
10. Pinagtatawanan ang mga jologs at baduy.
Pag mayaman ka talaga (yun tunay na mayaman) karamihan simple lang silang umasta. Tingnan nyo si Bill Gates, si Zobel de Ayala, si Gokengwei at si Danding Cojuangco. Simple lang sila at hindi sila masyado nagpapanggap na mayaman kasi mayaman talaga sila.
Aminin natin pag SOSYAL ka, parang tanggap ka ng lipunan. Pag sosyal ka sikat ka. Iniisip ko nga siguro kaya nauso ang pagpapasosyal ng mga Filipino dahil para tanggapin sya ng nakakararami, tumaas ang tingin sa kanya ng iba at magkaroon sya ng respeto dahil sa kanyang status sa buhay.
Pero marami din sa atin dahil sa kagustuhang maging sosyal, mas lalong silang nahihirapan. Nabubuhay sila malayo sa kanilang kakatayuan sa buhay. Marahil dala na rin siguro ito ng midya. Mga nakikita natin sa TV at magazine, at mga napapakinggan natin sa radyo. Pagpapakita na kapag sosyal ka, hinahangaan ka ng ibang tao. Kapag sosyal ka, kalevel mo na ang mga artista. Kapag sosyal ka, angat ka sa iba.
Siguro sa malaliman pang pagtingin, marahil ang kaisipang SOSYAL, ay dahil na rin sa mga “frustrations “natin bilang Filipino. Dahil pilit natin tinatakasan ang katotohanang naghihirap ang bansa natin. Pilit nating pinipikit ang mga mata sa mga nangyayari sa ating lipunan sa ngayon. Maari rin kayang likas sa ating mga Filipino ang pagiging “ingitero/ingetera” at “pagalingan (wala ka sa lolo ko)?”
Ako rin naman naging biktima ng kaisipang “SOSYAL” o "PAG-AASTANG MAYAMAN", marahil kayo din naman. Pero ngayon, pinipilit kong buksan ang mata ko sa katotohanan. Pinipilit ko ring maging praktikal at huwag mabuhay sa isang mababaw na pagtingin ng lipunan. Pero minsan napapasabay pa rin ako sa agos ng kaisipang ito, marahil ito'y sakit na matagal gamutin.
Ang sinulat ko na ito ay hindi pangungutya sa mga “SOSYAL” at NAGFEFEELING MAYAMAN dahil lahat naman tayo ay guilty dyan (ako din naman, weh). Pero ito’y isang pagtingin lamang at marahil paggising na rin sa iba na nabubuhay lagpas sa kanilang kakatayuan sa buhay.
Ikaw ,tatanungin kita sosyal ka ba?Bakit mo gustong maging sosyal? (Guilty naman ang lahat eh, kaya okay lang yan)
Ingat
P.S
Ano ang kinalaman ng picture ni Mystica sa post ko na ito?? Wala naman , pero di ba napakasosyal nyang tingnan! LOLS
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.