KABANATA X
SA WAKAS
Tatlong taon na rin siguro ang nakalipas, magmula nuong naganap ang isang pagyayari na tumapos sa masalimuot kong buhay. Opo. Ang iyong abang lingkod na si Lufet, ay nasa Langit na.
Ganito ang nangyari
Mabilis akong nakarating sa kabinet kung saan naruon si Intsikticide. Dahan dahan akong pumasok sa maliit na uwang sa may ilalim ng kabinet. Kagaya pa rin ng dati, madilim pa rin sa loob nito. Pero sa hindi ko malaman na kadahilanan, hindi ko maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman.
“pssssssttt, psssssstt...Insikticide ako ito ..” mabilis kong isinaysay sa kanya.
Hindi ako maaring magkamali. Nakita kong ngumiti siya nung nakita niyang dumating ako. Pero ang ipinagtataka ko lang, kung bakit bigla na lang nawala yung ngiting iyon at biglang napalitan ng galit.
“Umalis ka na ditto Lufet.Pls!” wika niya
“pero...bakit?...hindi mo na ba ako mahal?” makulit kong itinanong.
“mahal kita, alam kong alam mo yan. Pero, hindi tayo bagay, hindi tayo para sa isat-isa.Lufet, ayaw na kitang masaktan kasi mas nasasaktan ako!” maiyak iyak niyang isinigaw.
“Minsan, kailangan natin masaktan para magising tayo sa katotohanan. At ikaw ang gumising sa natutulog kong puso. Nagising na lang ako sa katotohanan na mahal kita at hindi ko kayang iwanan ka.” Tugon ko sa kanya
“ Hindi mo ko naiintindihan eh. Maaari kang mamatay!” sigaw niya
“eh ano? Eh ano kung mamatay ako? Lahat naman darating dun. Basta ang alam ko, Gusto kita makasama, gusto kita yakapin, gusto kita halikan, gusto ko iparamdam sayo ang pagmamahal ko. Kung mamatay man ako dahil sa mga ito.. Wala akong pagsisihan, kasi nagawa ko yung gusto ko.” Muli kong itnugon.
“Lufet! Natatakot ako.” Naguguluhan niyang isinagot.
“ako rin. Natatakot. Pero kailangan natin maging matapang. Ayoko maging duwag habang buhay. Kaya nga andito ako. Sasamahan kita. Harapin natin yung mga takot natin.” Dahan dahan akong lumapit kay Intsikticide para yakapin siya.
Bigla na lang, lumiwanag. Nagulat ako. Nasilaw, napapikit. At sa aking pagdilat, hawak hawak na ng isang dambuhalang tao ang mahal ko. Tapos itinapat niya si Intsikticide sa akin. Nagkatinginan kami ni intsikticide. Natakot ako. Pero mas kita ko ang takot sa mata ni Intsikticide. Sabay idiniin ng tao ang kanyang hintuturo sa bahaing itaas ni Intsikticide. Nagsimula na itong maglabas ng kakaibang likido na may nakakamatay na aroma.
Hindi ako makagalaw. Parang may nakahawak sa anim na mga binti ko. Sinubukan kong lumipad para pero ang bigat ng katawan ko. Wala na, Wala ng ibang laman ang isip ko kundi ang iligtas siya. Ang masaklap. Wala rin akong magawa.
“lufeeeeeett!! Wag mo na ko intindihin..pabayaan mo na ako. Magsimula ka na lang ulit.Umalis ka na!!” malakas na sigaw ni Intsikticide habang umiiyak.
Malakas ang buga ng likido mula kay Intsikticide dahil sa madiin na pagkakapindot dito. Unti-unti akong napaatras. Umikot ang paningin ko gaya ng pagikot ng mundo ko kay Intsikticide.Nahihilo na ako. Pakiramdam ko kusa ng pumipikit ang mga mata ko, nanghihina na rin ang buo kong katawan. Pero bago pa man bumigay ang katawan ko. Nasabi ko pa rin ang mga katagang;
“Mahal kita Intsikticide ko, mahal na mahal parang gasulina.”
(insert f4 song here)
Obeybibeybibeybi may beybibeybi kushangshang mishani,mekeni,mekeni gogojumanji, angkaninamsimpugi........
Mukhang gigil na gigil yung dambuhalang tao. Naubos niya kasi ang lamang likido ni Intsikticide. Nakita ko pang inaalog niya si Intsikticide bago itinapon sa may basurahan. At yun na nga.Bumagsak ang katawan ko. napatihaya, at nagsimulang mangisay.
Ngayon, Masaya na ako dito. Ang totoo hindi naman talaga ako namatay. Buhay ako at kasama ko si Intsikticide, si Manuy at ang mga repipis. Diba’t langit din naming maituturing ang lugar kung saan kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Nagsasaya at nagmamahalan.
Paano ako nabuhay? Actually hindi ko alam, Sabi ng iba, baka daw sa dami ng luhang nahalo sa nakalalasong likido ni Instikticide,nabawasan ang tindi ng kamandag nito. Sabi naman din ng iba, Yun daw ang tinatawag na himala. Ewan ko! Basta ang alam ko nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagibig.
(Insert mutya themesong)
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo
Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan
(o tama na! Kumakanta ka na eh! Hindi na nga kita sinita nung kinanta mo yung sa F4. Pati ba nmn ito!)
Nga pala, may goodnews ako. Matapos ang mga pangyayari. Nagpunta siya sa Paris, France. Dun siya nagpaconvert. Ngayon,Hindi na siya si Intsikticide na made in china na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.