TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Sabado, Mayo 21, 2011

Birthday Holiday!

Medyo maiksing oras na lang ang natitira para sa paghahanda sa aking nalalapit na kaarawan. I-greet nyo ako mamaya ha? (May 22) Okay? (kapag hindi ninyo ako binati, hindi ko na kayo bati! *pout*)



Heniway, heto ang problema ko, dahil hindi na matutupad ang plano ko na mag-Jollibee Kiddy Party, na matagal ko nang wish, ay magpapaparty na lang ako sa bahay namin. Ang problema, hindi ko alam kung paano ko ito magagawang successful at magagawang masaya ang mga piling panauhin.

Baka pwedeng bigyan nyo ako ng idea sa mga sumusunod:

* Food (time of party is from 6pm till 8pm so pang-dinner)
* Souvenirs
* Attire ng aattend (irerequire ko pa ba ito? bawal ang panget)
* Cake
* Balloons
* With clown?
* Pabitin o Pinyata?
* Games

Ano pa ba?

Syanga pala, tight budget, gusto ko lang talagang matupad ang kiddie party na ito bago ako mag-debut (char!)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.