TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Biyernes, Setyembre 3, 2010

ANG NANAY NI ALDRINO

Maraming nagsasabi na kamukha daw ng nanay ko si Annabel Rama (pero di mataray ang nanay ko). Hindi ko alam, kaya siguro nasabi ng mga tao yun kasi kamukha ko si Richard Gutierrez (walang pakialamanan). Pero kaming magkakapatid ang tawag namin sa kanya ay Tya Pusit, kasi talagang ganon-ganun ang akting ng nanay ko, at dahil na rin mukhang mga squidballs at kikiam ang mga kapatid ko.


Maraming mga terminologies ang pinauso ng nanay , minsan nagugulat na lang kami kasi hindi namin alam kung saan pinagpupulot ng nanay ko ang mga salitang yun, heto ang sampol:


PAASO-ASO- hindi maganda ang pagkakagawa, o hindi masyadong sineryoso ang isang bagay

SENTENCE: “Ano ba namang klaseng linis ang ginawa mo dito sa kwarto mo, eh PAASO ASONG linis yang ginawang mo bata ka” (***please insert PINGOT here***)


TSINATSANE-ibig sabihin kinukuripot


SENTENCE: “Hoy wag mo nga akong TSINATSANE, nasan na yung entrega mo ngayon buwan na ito”


MAY TAE ANG BIBIG- ibig sabihin hindi pala ngite, suplada. Yung mabaho ang hininga ay hindi kasama sa terminologies ng nanay ko


SENTENCE: “Bakit ganyan ang gerlpren mo, parang MAY TAE ANG BIBIG


PAPUWET-PUWET- halos kapareho lang ng paaso aso, yun nga lang mas worst pa ito


SENTENCE: “Anak anong klaseng project itong ipapasa mo, eh PAPUWET PUWET ang gawa mo ah” (di nya lang alam eh pinagpuyatan ko yun)


KUTIS BUBWIT- ibig sabihin halos walang ginagawa sa bahay, tamad na babae.Sila yung piling Reyna sa bahay


SENTENCE: “Ano ba namang kamay yan iha, eh KUTIS BUBWIT ah siguro wala kang ginagawa sa bahay”


BOSES IK-IK- ibig sabihin mahina ang boses


SENTENCE: “Lakasan mo ang boses mo, hindi parang BOSES IK-IK yang lumalabas sa bibig mo, ikaw ba ang kumuha ng pera sa wallet ko???”


Iyan ay mga sampol lamang, at marami pang mapapausong salita ang nanay ko. Kaya balak ko ring gumawa ng “dictionary” para sa kanya.



Medyo busog na busog kami sa palo ng nanay . Halos dumidighay kami ng kurot at pingot mula kanya.Kaya naman ganito kaming kababait na magkakapatid (nice parang tunay) .Si nanay, parang si BIONIC WOMAN yun, marami syang ESPESYAL PAWERS. Pag medyo naglilikot na kami, isang tingin lang ng nanay, tunaw na kami ng kanyang LASER EYES kaya titigil na kami sa kalikutan. Tapos pag di nakuha sa tingin, sabay lapit sa amin at kukurutin ng pinong pino ang braso habang ngumingite para hindi halata sa bisita. Meron din syang WEAPON din, tulad ng MAGIC PAMALO, GIGANTIC PATPAT at ULTRAMAGNETIC MOUTH.


Eh, hindi ko naman masisi ang nanay na magtransform sya sa pagiging BIONIC WOMAN eh sa sobrang kulit at pilyo ko ba namang ito, tyak mamumuti ang buhok ng nanay ko. Eh ako ang lider ng aking mga KAMPON este mga kapatid sa kakulitan kaya naman, halos lagi kaming naghahabulan ng nanay sa sobrang pambubuwisit na ginagawa ko sa kanya.


Minsan, naisipan kong gumawa ng hagdanan sa puno ng bayabas namin. Eh pag hahabulin na ako ng nanay para pingutin at paluin eh duon ako aakyat, kasi tyak di na nya ako kayang habulin dun. Kaya naman ng minsang ginawa kong isang malaking CANVASS ang dingding namin sa aking magagandang drowing na bulaklak at aso na mukhang tae ng kalabaw gamit ang APACHE PENTEL PEN. Halos parang torong galit na galit ang nanay kaya hinabol ako, palibhasa alam kong di nya ako mahahabol sa puno ng bayabas namin, pag akyat ko sa dulo nabali ang sanga (di ako kumanta ng LERON LERON SINTA ha)hayun lagpak ang batang malikot at una ang ulo. Akala ko nga mamatay na ako, pero buti na lang naagapan pa ng doktor, hehehe!! (sabi nga nila ang masamang damo matagal mamatay).


Kaya pagkatapos ng insidente na yun, eh bumait sa akin ang nanay ko. Pero may expiration date din ang lahat kasi bumalik na naman ang kapilyuhan ko makalipas ang isang linggo. Kaya bumalik din ang magandang samahan namin ng nanay. Hahaha!!!Madalas din para akong abogadong sagot ng sagot sa nanay kaya naman lalong kumukulo ang dugo nun sa akin yun, heto ang mga sampol


Nanay: Sige pag di mo nakita ang hinahanap mo MAKIKITA MO!!(Gigil na gigil)


AKO: Eh yun naman pala nanay , pag hindi ko makikita eh makikita ko naman pala, so hidi ko na hahanapin baka lumitaw sya ng kusa (sabay ngiti ng aso)


Nanay: Ano uubusin mo ba ang pagkain mo o hindi? Kung hinid malilintikan ka sa akin, ano uubusin mo ba?


AKO: Naku nanay, tinanong mo pa ako, eh ganun din naman pala, kailangan ko ring ubusin yan (sabay akto ng diring diri sa pagkain)


Nanay: Ano sasabihin mo ba ang totoo, kung hindi mo sasabihin kukurutin kita!


AKO: Opo sasabihn ko na po, ako po yung nakabasag ng vase


Nanay: Eh napakalikot mo namang bata ka eh (Sabay kurot sa akin)


Naku kinurot din ako ng nanay. Akala ko kasi kung magsabi ako ng totoo di na nya ako kukurutin. Mukhang naisahan ako ni Nanay dun ah, Dapat sinabi ko na lang na akala ko alkansya yun o kaya nasagi ni Muning (kahit wala kaming pusa, may mailusot lang)


NGAYON NA MALAKI NA AKO, magkasundong magkasundo kami ng nanay ko. Eh ganun talaga dumadarating ang pagkapilyo natin pag bata ka. Pero ako yata ang PEYBORIT ng nanay ko, kahit na mas malaki minsan ang ulam ng KUYA ko kaysa sa akin, at mas malakas ang iyak nya noong lumipat sa kabilang kanto ang KUYA ko kaysa noong umalis ako para mag-abroad. Hehehe!!PERO LOVE NA LOVE KO PA RIN SI NANAY.


Naalala ko tuloy noong paalis na ako papuntang abroad. Iyak sya rin sya ng iyak


NANAY: Huhuhuhuh, anak wag ka ng umalis sa Pinas, dito na lang tayo magkakasama sa hirap at ginhawa.


AKO: Eh nanay kailangan eh mahirap ang buhay sa atin kaya minsan talaga kailangang magkahiwalay.(talagang touch na touch ako nun)


Makalipas ang tatlong araw, tinawagan ko ang nanay


NANAY: Huhuhuhu (ngawa ng ngawa ang nanay ko)


AKO: O bat na naman kayo umiiyak ‘nay, eh di ba napagusapan natin ito dati.


NANAY: Eh kasi anak, napaginipan ko kasi uuwi ka na sa Pinas eh, naku ang dami pa nating utang,anak!!(***insert sipon at singhot here****)


Naku buwal ako sa nanay ko, akala ko pa naman miss na miss nya ako, at gusto nya na akong makita kaya sya umiiyak yun pala kasi uuwi na raw ako sa Pinas. ASTIG KA NAY, MAHAL NA MAHAL MO TALAGA AKO!!heheheh


Pero alam ko namang mahal na mahal ako ng nanay, 100% sure yun. Kaya babawi ako sa pag-uwi ko sa PINAS, eh papasayahin ko naman sya. Eh pipilitin kong maging mabuting anak para sa kanya, eh si nanay ang isa sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap akong magtagumpay dito sa disyerto. At balang araw makakaganti rin ako sa lahat ng bagay na ginawa nya sa akin. Si NANAY ata ang tagapagtanggol, tagapayo, tagapagpasaya at inspirasyon ko. At habambuhay akong magpapasalamat sa kanya dahil sa pagiging isang mabuti at mabait na nanay sa buong mundo. At kahit mabuhay pa ako ng 100 beses, sya pa rin ang pipiliin kong maging nanay ng 200 beses, at di ko sya ipagpapalit kahit kanino.


Kaya ang tangi ko lang masasabi sa kanya ay “ NANAY, I LAB U”, gagawin ko ang lahat para maging masaya kayo.


Yun lang po at maraming salamat sa pagbasa!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.