TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Biyernes, Setyembre 3, 2010

HAPI BERTDEY TATAY

Malapit na bertdey ng tatay ko ilang araw na lang September 9, Alam nyo maraming bagay ang talaga namang nakakabilib sa tatay ko. Kapuwitan mang sabihin na sya talaga ang “dabes tatay in da hol wayd unibers” (naku, lagi kong naririnig yan sa mga batang may hihingin lang na paekek sa mga tatay nila). Isang hamak na pulis ang tatay ko (bute na lang hindi rin nya na isipan na manghostage) at kami ay nagmamay-ari lamang ng isang maliit na hasyenda na umaabot na libo libong ektarya (joke lang), madalas nakikita ko ang tatay ko na talaga namang hirap na hirap sa pag-tatrabaho, tumatagaktak ang pawis sa pagtatrabaho, at magkandakuba kuba na sa pagsisirbisyo sa amin. Samantala ako, ay pakuya kuyakoy at pakula kulangot lang sa isang tabi. Ayaw ko kasing mabilad sa araw kasi pakiramdam ko magiging nognog ako (eh pangit na nga ako, nognog pa). Eh wala ng magawa ang tatay ko kundi pagpasensyahan na lang ang suwail, tamad at napakakyut nyang anak.

Madalas pagdating ng sabado (kung saan wala akong pasok) eh mag-iisip na ako ng dahilan. Minsan sasabihin kong may “group project” kami, pero manonood lang ako ng sine, o hindi kaya magpapaulan ako at pagpapatuyo ng pawis para magkasakit ng Sabado. Yan ang paraan ko para makatakas sa gawaing bahay. Kaya naman nakakaawa naman talaga ang tatay ko kasi sya lang talaga ang nagbabanat ng buto para buhayin ang apat nyang anak na parang mga konstraksyon worker kung lumamon.

Basta halos hindi ko na matulungan ang tatay ko, madalas pag pinipilit akong umigib ng tubig talaga namang parang lindol sa amin kasi nagdadabog ako sabay banta sa nanay ko “Sige paiigibin nyo ng tubig, pag nasagasaan ako ng sasakyan, mamatay ako” (kala mo namang napakahalaga ng buhay ko?hahaha)
Saka kilalang kilala sa amin yan na napakabait na tatay, at ako naman kilalang kilala sa amin na napakasuwail na anak (joke lang, gud boy po ang pautot ko sa amin). Basta sya yung napakabait na tatay, kaya naman ang naging produkto nila ay mga mababait na bata katulad ko (kyut pa!!).

Marami pang mga ginuntuang aral ang binigay sa akin ng tatay ko na isinanla ko na sa mga pawnshop tulad nito
“Mag-aral ka ng mabuti anak, para magtagumpay ka” (Eh kitams kaya ako nakatapos sa pag-aaral kahit maraming bagsak)”
“Ang tao matuto lang mahiya, tao na” (Tao po ba ako tay?paano yan makapal peys ko)
“Huwag kang makakalimot sa Dyos, at laging magpakumbaba” (Amen po itay)
Iyan ay ilan lamang sa mga aral na bigay ng aking butihing tatay. Kaya ngayon nasa abroad ako at medyo nagmature na (parang hindi naman eh), medyo nagsisisi na rin ako sa mga pagkasuwail ko noong bata. Kaya naman bumabawi na ako sa tatay ko ngayon, hanggat maaari talaga namang ayaw ko ng mahihirapan ang tatay ko. Madalas din pag tumatawag ako sa kanila laging may “AY LAB YU” kahit na baduy sa iba, pero sa akin eh makahulugan yun.Ayaw ko kasing maubos ang panahon na hindi ko man lang nasasabi ang mga bagay na iyon at maparamdam ko sa kanila hindi lang sa gawa pati sa salita. Masayang Masaya ako na sya ang naging tatay ko kasi wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kundi dahil sa kanya, kaya utang na loob ko sa kanya ang lahat ng tagumpay ko (meron ba??). Kaya naman sa bawat pag-uwi ko rin, kinakailangan bibigyan ko sya ng pinakamahal na pasalubong sa lahat. Kahit man lang sa mga material na bagay eh magantihan ko ang kabutihan ng tatay ko.

Marami pa akog gusto sabihin sa kanya pero tyak aapaw ng luha dito (hahahha, may ganun kadramahan). Basta gusto ko lang ipagsigawan sa mundo kung gaano kabait at karesponsable ng tatay ko, para malaman nila kung gaano ako kapalad bilang anak nya.


Kaya sa Tatay Ernesto ko, HAPI HAPI BERTDEY!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.