TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Martes, Setyembre 7, 2010
EID MUBARAK/HAPPY WEEKEND!!!
EID MUBARAK/HAPPY WEEKEND!!
Hayyy!! Salamat at bakasyon kami ng Tatlong araw dahil sa pagtatapos ng Ramadan. Kung sa atin may long weekend dito sa UAE meron kaming 3 days vacation! Yehey! Medyo mahaba haba na rin yun. Pero yun nga lang medyo halos wala ka rin namang gagawin sa 3 days vacation na yun dahil wala naman gaanong mapupuntahan dito. Kaya naisip ko masarap pa rin ang long weekend ng Pinas kesa sa UAE. Bakit?Ganito kung sakaling nasa Pilipinas ako malamang ang mga gagawin ko sa Huwebes, Biyernes at Sabado ay ang mga sumusunod.
Magpalamig sa mga Mall. Malamang sa SM, LCC, Robinson at kung ano ano pang mall, tyak nandun ako at umiinom ng kape habang nakatingin sa mga taong nagdadaan. Kasi ginagawan ko sila ng kwento sa aking isip. Autistic ako eh pakialam nyo ba!!
Pupunta ako sa mga chill-out places tulad ng Mogwai , Reggae Bar, Bar 101 at kung ano ano pa, kasama ang mga barkada kong mahilig manlibre.
Pumunta sa National Bookstore at Powerbooks para tumingin tingin ng mga Magazine at libro. Kahit alam kong wala akong hilig magbasa ng libro pero maraming namang mga kolehiyalang tumatambay dun!hahahaha!
Manood ng sine habang bitibit ko ang Value Meal No.1 ng Jollibee (hamburger at French fries) at manood ako sa Imax. Papanoorin ko ang lahat ng movies sa araw na yun kahit mag-isa lang ako. (Sosyal na sosyal ang sinehan pero Jollibee ang snacks ko).
Magfofood trip ako, at kakain ako sa Dencio, Itallianis, Outback at sa karinderya ni Aling Bebot (masarap kaya ang lugaw tokwat baboy nya, masarap na may sakit ka pa).
Bisitahin ang mga barkada kong hindi nagbabayad ng utang!! Pupuntahan ko sila sa bahay para maglaro ng monopoly, uno, scrabble, mad , ungoy-ungoyan at pitik bulag. At bawat talo ay pipitikin sa bayag este sa tenga o di kaya lalagyan ng lipstick mula sa bunganga ni Menggay (kamukha sya Pokwang na may ilong na katulad ng kay Allan K).
Family bonding at pumunta sa Star City, Boom na Boom (meron pa ba nito), Wild life. O di kaya magbarbeque sa labas ng bahay (pag may natira pwede ring ibenta)
Pero dito sa UAE na kung saan ay wala naman akong gaanong gagawin sa 3 days vacation ko,kaya malamang ito ang aking pagkakaabalahan.
Pabubulukin ko ang mata sa tulog. Magpupuyat ako sa gabi para tanghali na akong magising, at makakatipid pa ako sa pagkain kasi isang beses lang ako kakain (hapunan lang!hehhe)
Dalhin ang sine sa loob ng aking kwarto. Hihiramin ko ang projector ng opisina at manonood ako habang ngumunguya ng pop corn at kung ano ano pang chitchirya.(Totyal na totyal ah)
Sasama ako sa Manager kong Greek at maglaro ng tennis, badminton, bowling at swimming kahit di ako marunong sa alin man dyan sa nabanggit. Inimbitahan kasi ako ng Manager kong Greek eh! Medyo nakaka-OP (out of place) pero okay lang mababait naman sila at di sila nangangagat.
Pumunta sa Pinoy Market, at tumingin tingin ng bagong labas na cellphone, gadget, mp3 player, video cam. O di kaya bumili ng boy bawang, choki-choki, champola at Lala fish cracker sa tindahan doon.
Manood ng TV buong maghapon habang kinakabisa ko ang mga dialogue sa TV at memoryahin ang nunal ng mga artista doon. (Paulit ulit kasi ang palabas sa GMA Pinoy Tv at TFC)
Mag-internet at makipagkulitan dito. Magdownload ng kanta at pelikula sa Limewire habang nag-iiskype kausap ang kapatid kong laging isisiksik sa usapan kung ano ang shoe size nya kahit di ko naman tinatanong.
Pagurin ang sarili ko sa exercise at pagbubuhat ng kutsara este ng barbel. Para naman maging katawang pangmodelo, at mag-aaplay akong bilang modelo ng diatabs o Canesten.
Sa totoo lang wala yan sa dami o haba ng bakasyon mo kundi nasa kalidad ng oras na ginugugol mo dito. Kahit na sabihin nating mas mahaba ang bakasyon dito sa UAE kesa sa Pinas, mas gugustuhin ko pa rin sa atin sa Pinas kasama ng kaibigan at pamilya ko kaysa magkaroon ng mahabang bakasyon sa UAE na mag-isa. Kahit gaano pa ka-exciting o kaganda ang bakasyon mo, kung wala ang mga kaibigan o pamilya mo parang kulang pa rin. At sila ang nagbibigay saya sa buhay natin! Kaya sila lang ang magpapakumpleto nito
.
Gusto kong iwanan ang quotes mula kay Pareng Henry David Thoreau
"The finest workers in stone are not copper or steel tools, but the gentle touches of air and water working at their leisure with a liberal allowance of time."
Salamat at EID MUBARAK o HAPPY WEEKEND sa lahat!!!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.