ORGASM
Minulat ko ang akigng mga mata, Sa aking pagdilat natanaw ko ang hindi kilalang lugar. "nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili. Maya maya ay lumapit sa akin ang mga repipis ko na sina kulot,panot at singhot.
"Mga repipis? sabihin niyo nga sa akin. Nasan ako? At anung ginagawa ko dito? " Nagtataka kong tanong sa kanila.
"Lufet! Isang linggo ka ng comatose? " Sagot ni kulot
"ha? anung nangyari?" pabigla kong naitanong
"Tama ang narinig mo pareng repipis! Natagpuan kang walang malay sa may kusina.Buti nga at nailigtas ka namin agad. Aba! Muntik muntik ka na mawalis na wala sa oras." paliwanag ni panot habang nagkakambyo
"Teka! may naalala ka ba sa mga nangyari sayo?" Tanong ni singhot
Tumingin ako sa malayo. Iniisip ang mga bagay na nangyari. Hanggang sa bigla bigla na lang pumasok sa akin ang isang alaala.
Isang gabi, Tulog na ang mga tao at gising na ang mga ipis. May isang sigaw na narinig...
"waaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!" Sigaw ni Intsikticide
"psssssssssstt honeybunch intsikticide, wag ka mag-alala ako ito si Lufet"" pabulong kong paliwanag
"Anak ka ng nanay mo!Hayup ka! Ikaw lang pala yan! anong ginagawa mo dito sa dis-oras ng gabi?" Pagalit na itinanong ni Intsikticide habang kitang kita sa mga mata niya ang pagbalik ng kapanatagan ng kanyang kalooban.
"hahaha hayup talga ako! Ipis ako diba? Andito ako para gapangin kita" pabiro kong isinagot
"Hahah ang galing palang manggapang ng mga ipis" Matawa tawang sabi ni intsikticide
"OO naman, Teka nasan na ba yun? Hindi ko makapa" Nagtataka kong tanong
"Lufet! AnubeEEEh!!nay kiliti ako diyan. Anu ba hinahanap mo?.." Kinikilig niyang sagot
" Yung ano mo! hehehe. Yung mahiwagang butas mo....Teka eto na ata yun....JAckpot!! Mahiwagang butas here i come...hehe" Excited kong isinigaw
After five minutes
"lufeeeeeeeeeeeeeeeeeeettttttttttt! ahhhhhhhhh! Eto naaaaaaahhhhhhhhh!! Eto tototoo naaaaaaahhh" gigil na gigil na sigaw ni intsikticide.
At naglabas ng kakaibang likido sa butas si Intsikticide straight to my face. At dun na nagsimula ang aking pagkahilo. Sinubukan kong makalayo pero bigla na lang nanghina ang aking mga pakpak at tuluyan ng nawalan ng malay.
itutuloy......
TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Martes, Pebrero 22, 2011
Lunes, Pebrero 14, 2011
Ano?? Pag-ibig na naman!!!
Ayokong pag-usapan ang usaping puso,dahil nababaduyan ako. At dahil pakiramdam ko gasgas na gasgas na ang mga ito. Hindi rin ako gaanong nanonood ng mga “romantic movies" dahil kinakahon nito ang kaisipan at ideya natin tungkol sa pagmamahal. Mahilig ako sa musika pero napapansin ko halos lahat ng tugtugin ngayon ay puro kasawian at kabiguan ng pagmamahal. Tuloy binibigyan din tayo ng maling impresyon tungol sa pag-ibig.
Hindi ako nagbabasa ng mga romantic novel, dahil pakiramdam ko masyado nilang ine-exaggerate ang pagmamahal para lamang makabenta sila ng kanilang mga akda.
Sa matagal na panahon umiikot ang persepyon natin sa pag-ibig ayon sa napapanood natin sa pelikula, base na naririnig natin sa musika at mula sa mga nababasa natin sa mga nobela. Tuloy hindi na natin makita ang tunay na katotohanan tungkol sa pag-ibig.
Hindi ako perpekto sa larangan ng pag-ibig dahil ako man ay naging biktima nito.
1. Huwag mong ibase ang pag-ibig ayon sa iyong emosyon. Hindi ka nagmamahal dahil sa masaya ka at dahil sumasaya ka kasama nya. Dahil kung sakaling hindi ka na masaya kasunod din bang mawawala ang pagmamahal? Kung sakaling galit ka sa iyong minamahal kasunod na rin bang kasusuklaman mo ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay isang pangako, na kahit ano pa ang emosyon mo mangangako kang mahalin sya at mananatili ka para sa kanya.
2. Huwag mong ipangsangkalan ang “pag-ibig” kaya ka naging miserable. Ito’y isang desisyon at hindi bunga ng pagkakataon. Kung nasaktan ka umiyak ka, walang masama sa pagiging malungkot pero ang ipamuhay ang kalungkutan sa ating buhay, iyon ang kailanman ay hindi nakakabuti sa atin.
3. Huwag mong mahalin ang isang tao sa mga bagay na naibigay/nagawa nya sa iyo, mahalin sya sa mga bagay na hindi nya kayang ibigay /gawin sa iyo. . Ang pagmamahal sa kanyang kakulangan ay pagbibigay ng pagkakataon sa iyong punuin ito para sa ikakukumpleto ng pagsasamahan ninyo.
4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.
5. Huwag kang magtakda ng obligasyon o responsibiliad sa iyong minamahal. Ang pagmamahal ay hindi isang obligasyon o tungkuling kaakibat ng pagmamal, kundi ito ay ugnayan sa bawat isa. Mula sa unawaan doon makikita ang limitasyon ninyo at mula sa pagkakaintindihan matuto kang maging responsable sa iyong minamahal.
6. Huwag sukatin ang tagal ng pagsasama base lamang sa pag-ibig, dahil ang sikreto ng matagal na pagsasama ay hindi lang nakukuha sa pagmamahal kundi sa “pagkakaibigan”. Na kahit wala na kayong pagmamahal sa isat’isa, mananatili pa rin kayong magkasama dahil sa pagkakaibigan na mayroon kayo.
7. Huwag mong sukatin o bilangin ang iyong naibigay para sa iyong minamahal. Dahil kaya tayo napapagod sa pagmamahal kasi binibilang natin ang lahat ng ating ibinigay at kinakalkula ang mga bagay na hindi pa naibabalik sa atin. Hindi nasusukat ang pag-ibig at lalong hindi ito nilalagyan ng presyo.
8. Huwag mong sabihing “mas mahal kita” sa iyong minamahal, dahil wala kayo sa isang kumpetisyon at huwag mong ikumpara ang laki ng pagmamahal mo sa kanya.
9. Huwag kang maglagay ng “expectation” sa iyong minamahal at huwag ka ring mapaghanap. Sa taong mapaghanap kailanman ay hindi makukuntento, ang taong laging naglalagay ng expectation sa ibang tao kailanman ay hindi masisiyahan.
10. Huwag mong ibase ang pag-ibig dahil lang sa ito’y masarap sa pakiramdam at dahil kinikilig ka. Dahil kapag nawala ang “kilig”mawawala din ba ang pagmamahal? Isipin din na hindi lahat ng “masarap” sa pakiramdam ay nakakabuti sa katawan.
11. Huwag mong sabihing “mahalin mo ako kung ano ako” dahil ang totoong nagmamahal ay nagbabago para sa ikabubuti at ikakagaganda ng iyong samahan.
12. Huwag kang magmahal ng higit pa sa iyong sarili. Ibigay ang nararapat at ibigay lang ang sapat (lalo't hindi nya hinihingi na magbigay ka ng labis). Baka sa huli ikaw ang mawalan . Tandaan ang lahat ng labis ay nakakasama.
13. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao, dahil kung nawala ang taong iyon kasunod din bang pagtigil ng mundo mo? Malaki ang mundo para ipaikot ito sa isang tao. Maraming tao para mahalin, at maraming tao din para mahalin ka.
14. Huwag kang magmahal sa taong hindi ka kayang mahalin. Nauubos din ang pagmamahal lalo na't wala naman syang ginagawang paraan para punuin ito.
15. Huwag mong mahalin ang isang tao dahil lamang sa magagandang katangian nya, mahalin mo ang hindi magagandang nyang katangian ,tanggapin ito at ipamuhay.
.
.
HUWAG KANG MAIN-LOVE SA PAKIRAMDAM LANG NG ISANG TAONG INLOVE!!!
(kaya ka tuloy miserable ka pag-iniwan at kaya ka nabubulagan sa tunay na depinisyon ng "pag-ibig")
******************
Hindi ako naniniwala sa “One True Love”, dahil ang tunay na pagmamahal ay pwedeng makuha hindi lang sa iisang tao at lalong pwedeng kang magbigay ng tunay na pag-ibig hindi lang rin sa iisa kundi pwede rin sa marami,
Hindi rin ako naniniwala sa “Love at First Sight”, dahil ang pag-ibig ay hindi nakukuha ng biglaan. Itoy pinagsisikapan at pinagtutulungan sa pagdaan ng panahon. Ang tunay na pagmamahal ay makukuha rin sa pagpupursigeng paunlarin at pagyabungan ang pagmamahalan,
Hindi ako naniniwala sa kasabihang “Love is Blind”, dahil ang tunay na nagmamahal hindi mata ang ginagamit para makakita, puso ang tumintingin . Kaya nya minamahal ang isang tao hindi dahil bulag sya kundi malinaw ang mata nya para makita ang hindi nakikita ng ibang tao sa kanya.
Hindi ako naniniwala sa “Soulmate”,. Ang pagkakaroon ng isang minamahal ay mula sa ating desisyon at nasa atin kung sino ang pipiliin natin .Hindi ito tinakda at lalong walang pang magpapatunay na may naitakda na sa atin bago pa man tayo isilang. Binigyan tayo ng Dyos ng “free will” para tayo ang pumili para sa sarili natin, kasama na riyan ang pagpili kung sino ang makakasama natin sa buhay. Baka sa pag-aantay sa “Soulmate” na ito, hindi na natin mabigyan ang pagkakataon ang ating sarili na pumili kung sino ang ating mamahalin.
Hindi rin ako naniniwala sa “Destiny”, dahil ang bawat pagkakataon ay likha o bunga ng ating mga desisyon sa buhay. Tayo ang magdidikta ng kapalaran at tayo ang may hawak ng sarili natin buhay.
Marami akong ideya tungkol sa “pag-ibig” na marahil iba ito sa karamihan. Maaari ring marami ang tumaas ng kilay. Pero hindi ko naman pipilit ito sa inyo. Nasa atin naman yun kung ano ang nakakabuti sa atin at kung ano ang hindi. Tayo pa rin ang magdedesisyon kung ano ang papaniwalaan natin.
Iiwanan ko sa iyo ang kahulugan ng pag-ibig na nakasaad sa bibliya, sana magamit natin ito para lalo nating maintihan ang kahulugan ng “pag-ibig”
Maraming salamat at Maligayang Araw ng mga Puso.
ITANONG MO KAY DOC. LENG
Dahil BALENTAYMS DEY ngayon, syempre usaping puso ang pag-uusapan natin. Dahil medyo allergic ang iba sa aking pagkaseryoso mode eh medyo “PA-COOL” muna ako! Kaya ibinabalik ko ang aking isa pang katauhan si………..tenen……………… DOC. LENG (pangalan palang baduy na baduy na!Tae!).
DOC LENG: Magandang umaga/Tanghali/Gabi (wateber) sa inyong lahat, at narito na naman po tayo sa ating palatuntunang………………… ITANONG MO KAY DOC.LENG (Tae ang korni talaga).
Okay bukas uli ang linya ng telepono para sa mga may problema sa usaping puso dahil araw ng mga puso ngayon.
KRINGGGGGGGGGG ( aba’y kay bilis namang magring)
Caller 1: Doc, may problema po ako ngayon, kasi po iniwan ako ng boypren ko at pinagpalit ako sa iba. Ano po ba ang gagawin ko para mapabalik sya sa aking piling ? (singhot uhog, singa panyo )
DOC LENG: Iha !ang isang taong umalis na, tyak magfefeeling importante yun kung pipilitin bumalik sya sa piling mo. Baka lumaki ang ulo nya at isiping kamukha nya si Brad Pitt (Kapal ng mukha nya) .Kapag lagi mong pinipilit ang isang tao sa isang bagay laging NAGPAPAKAPAMPAM at lalong MAGEEPAL yan(Tae sya!) Kaya kung ako sa iyo, hayaan mo na lang sya. Kung ang pusa nga kahit iligaw mo nakakabalik pa sa bahay eh yung boyfriend mo pa kaya. Kaya babalik yan kung gusto nyang bumalik .Nasa iyo rin kung gusto mo syang tanggapin o hindi, pero kung ako sa iyo gagawin ko na lang SIOPAO yang boypren mo!!Yun lang IHA!
Caller1: Salamat po Doc, at Doc hindi po ako IHA, IHO po ako!
DOC LENG: Okay payn!Madali akong kausap
KURINGGGGGGGGGGG ( naks may second caller na!)
Caller2: Doc, pwede po bang magtanong?
DOC LENG: Eh nagtatanong ka na kaya, Adik ka ba? Sige ano tanong mo IHO?IHA? (nanigurado)
Caller2: IHO po! Ano po ba ang mabisang paraan para magustuhan ako ng mga babae?
DOC LENG: Okay ganito yan, gwapo ka ba?kung hindi ka gwapo, magpakyut ka! Kung hindi ka kyut magpacharming ka!Kung hindi ka charming, maging mabait ka! Kung hindi ka mabait, maging respansable ka. Kung hindi ka responsable……………………………………….magpatawa ka na lang! basta magpatawa ka, kahit hindi ka nakakatawa basta magpapatawa ka!Pleaseeee!
Caller2: Sige po Doc, magpapatawa na lang ako tutal kalbo naman po ako.
DOC LENG: Tsk tsk tsk KORNI , (Lord have mercy!) Next caller please……..
KURIRINNGGGGGGGGG
Caller3: Doc, paano mo malalaman kung inlab ka?
DOC LENG: Ganito, inlab ka kung sakaling iipunin nya sa kamay ang utot nya sabay iipapaamoy sa iyo at sasagot kang “ANG SWEET mo naman”. Inlab ka nun! Kung sakaling dumighay sya ng ubod ng lakas habang nakaharap sa iyo pagkatapos kumain at sasagot ka ng “HAY ang kyut naman ng SOUNDS!”, Inlab ka nun. Kung sakaling mangulangot sya at pinitik sa iyo ang binilot na kulangot at sa sasagot kang “ Ikaw ang lambing lambing mo sa akin!!” Inlab ka nun. At kung sakaling minumura ka na at sinasaktan ka nya…… hindi na lab yun!Kamartiran na yun! At masyado na syang abusado!Kaya wag kang masyado paabuso! (Tampalin mo sa nguso para magtanda!)
Caller3: Tenks Doc,palagay ko inlab nga ako!
DOC LENG Bakit naman?
Caller3: Dahil lahat yan ginagawa ng boypren ko sa akin!
DOC LENG: Ganun! Langya. Singkit ikaw ba yan?Tae naman oh! bakit tumawag ka pa dito! Sayang ang load!Sana pinasaload mo na lang sa akin, Tange!
Caller3: Si Doc. naman!At least alam ko na LAB nya ako kaya nya yun ginagawa sa akin!
.
DOC LENG: Utot mo blue!
.
.
KURIRINGKURIRINGGGGGGGGGGGG (buti may tumawag uli!)
.
.
Caller4: Doc, sino po ba nag-imbento ng balentayms, kailan ang unang balentayms, at ano po ba ang balentayms
.
DOC LENG: Ahhhhh........ ang labo ng signal mo iha, ulitin mo nga! (drama na lang di ko alam sagot eh)
.
Caller4: Doc, sino po ba nag-imbento ng balentayms, kailan ang unang balentayms, at ano po ba ang balentayms
.
DOC LENG: ahhh choppy -choppy ang linya!!
.
Caller4: Gwapo nyo Doc!
.
DOC LENG: Salamat sa papuri mo matagal ko ng alam yan!
.
Caller4: Kala ko ba choppy linya ko bat narinig nyo yun!
.
DOC LENG: Ano ulit yun! Sorry choppy talaga.........toootttttt....tooottttt (bwisit na yun ano akala nya si Erni eBaron ako!buti magaling ako sa drama!hehehe)
KURRINGGGGGGGGGGGGGGG !! !............Yung kape ko nasan na!! (sori di telepono iyun, pangalan ng P.A ko si Kuring)
Okay tapos na naman po ang isang edisyon ng “ITANONG MO KAY DOC.LENG” Sana naibigan nyo ang aking palatuntunan. Ako'y iinom muna ng kape kasi puyat na ako kakatulog.
Maraming salamat kay Aldrino sa pagbibigay sa akin ng espasyo sa kanyang blog.
Okay back to you ALDRINO
(Ako na ito)
Huwag kayong magpapaniwala kay DOC LENG, nagpapadiscover lang yan! Kaya nagpapakabibo kasi masyadong nag-aambisyong sumikat! Kaya wag gagaanong pansinin yang si Doc!
Iyon lang at maraming salamat!
HAPI BALENTAYMS!
Miyerkules, Pebrero 2, 2011
HUMORSCOPE
Sagittarius (Tikbalang o kabayong Potro)
Iwasan ang paggastos kasi baon baon ka na sa utang, aba kapal peys ka pang utang ng utang.
Paalala: Ang credit card ay binabayaran din, kaya wag mong isipin na libre ang mga pinamili mo pag gumamit ka ng credit card
Lucky Colors: White (paghinahabol ka ng pinagkakautangan mo gamitin mo ito para ka sumuko)
Lucky Number: 9 (pag nanalo ka sa lucky 9, ipambayad mo na ng utang)
Capricorn (Ang sirenang kambing)
Mahuhuli ka ng misis mo na nangangaliwa ka, okay lang sana kung si Mare ang tinangay mo eh kaso si PARE pala ang kinakasama at kinakalantari mo ngayon.
Lucky Color: FUSYA, este FUSHHHSIYA, mali este FUSSSSHIYA, naku RED na lang
Lucky Number: 11 (uhmmmm, kasi espadahan)
Aquarius (NAWASA)
May good new at bad news ako sa iyo;
GOOD NEWS: Makapag-abroad ka na rin sa wakas, dahil ito ang matagal mo ng pinapangarap
BAD NEWS: Kaso makalipas ng 5 araw babalik ka ulit sa Pilipinas, recession kasi ngayon kaya nagsara yung pabrikang pinapasukan mo
Lucky Color: Brown (kulay yan ng kamote, simulan mo ng magtanim kasi wala ka ng trabaho)
Lucky Number: 5 and 6 (ang taong gipit sa payb siks lumalapit)
Pisces(ang sign ni NEMO)
Maswerte ka kasi makakapag-asawa ka ng mabait , mayaman at gwapo. Kaso yun nga lang sya naman ang minalas kasi ikaw ang napapangasawa nya.
Lucky Color: Black (kasi hanggat bulag sya sulitin mo na)
Lucky Number: 0 (zero, as in wala akong maisip kung bakit swerte yan sa iyo)
Aries (Kalderetang Kambing)
Tatama ka sa Lotto ng tatlumpung milyon, pagkatapos mapropromote ka pa sa trabaho at magiging mabait sa iyo ng misis mo. Kaso bigla ka na lang magigising at malalaman mong panaginip lang pala ang lahat.
Lucky Color: Yellow (Yellow, sino po sila?)
Lucky Number: 8 ( walong stars ang makikita mo kung hindi ka pa rin makakakita ng trabaho)
Taurus (Argentina Corned beef))
Magiging maganda ang araw mo ngayon, yun nga lang magiging maulan pala at hindi sisikat ang araw kaya Pangit pala mangyayari para sa iyo ngayon. Sorry!!!
Lucky Color: Kulay Tae (pangalan pa lang mukhang maswerte na!!)
Lucky Number: 7 (pitong araw uulan kaya wag ng umaasang maganda ang linggo mo)
Scorpio (may sabit este may sipit)
Magtatalon ka sa sobrang tuwa kasi magkakaroon ka na ng baby at kambal pa, kaso bigla ka na lang magagalit kasi BAOG ka nga pala
Lucky Color: Blue (kasi mangangasul sa pasa ang asawa mo kung magkataon)
Lucky Number: 2 (kambal kasi ang anak mo eh, eh sorry baog ka nga pala)
Cancer ( pinakawawang sign kasi may sakit agad)
Iwasan magagalit ngayon kasi baka atakahin ka sa puso, kaya panatiliing laging kalmado. Oo nga pala yung asawa mo sumama na sa ibang lalaki, tapos yung anak mong dalaga buntis at yung paborito mong sapatos ningatngat pala ni bantay.
Lucky Color: Violet (kasi mukhang ibuburol ka na sa natuklasan mo)
Lucky number: 3 (wala lang bigla ko lang naisip ang number na yan)
Leo (Pusang pampalaman sa siopao)
Matutuwa ka kasi nagpa-tattoo sa braso ang anak mong si Junior na pinagdududahang bading, kaso magugulat ka nalang kasi si HELLO KITTY pala ang design ng tattoo nya. Dahil dito it’s CONFIRM!!
Lucky Color: FINK (may lambing sa dulo)
Lucky Number: 10 (mahilig kasi sa unat at bilog)
Virgo (ang sign ni Madonna “like a virgin, touched for the fifty first time”)
Isang pangyayari ang hindi mo inaasahan na mangyayari sa iyo. Pag utot mo nagulat ka na lang na parang nabasa ang underwear mo, at pagsilip mo, nakikita mo may kulay brown (yaks, pururot)
Lucky Color: Red and Yellow (Kulay ng Jollibee at ng McDo, dyan ka tatae pag emergency)
Lucky Number: 1, 2, 3, sabay ire.
Libra (kilohan)
Pupurihin ka ng teacher mo kasi nakarami ka ng yema sa klase. At dahil komo paninda nya yun may plus 5 ka sa periodical exam mo. Bukas maghanda sa isang mahalagang project uli ng teacher, mabuti mag-ipon sapagkat tocino at longanisa naman ang ititinda nya.
Lucky Color: Red uli (kulay ng longanisa at tocino)
Lucky number: 5 (laging iyan ang plus mo)
Gemini (da best na sign)
Magiging maswerte ka sa buong taon,yayaman ka at pinakagigiliwan ka ng lahat ng tao. Isinilang kang mabait, masipag at higit sa lahat cute
Lucky Color: lahat ng kulay maswerte sa iyo
Lucky Number: lahat ng number maswerte din
Hahaha, wala pakialamanan eh birth sign ko yan eh!!Eh kung inggit ka, e di gumawa ka ng sarili mo!heheheh
KONG HEI FAT CHOI TABATCHOY!
Wow! Chinese New Year na naman! Medyo namimiss ko tuloy yang TIKOY, HOPIA (Eng bee ten lang ang kinakain ko), at mga MOONCAKES. Tyak napakaswerte mo kung magsusuot ka ng panty o brief na kulay RED. Alam nyo ba na ang kulay pula, ay kulay na nakaka-L (libog). Ayon yan sa mga scientist na mae-el na aking natsismisan nung isang araw. Totoo yan pwamis!
Okay back tayo sa Chinese New Year, kung hindi nyo naitatanong eh , isinilang ako sa Year of the Dog. At ayon sa aking nabasa ang mga isinilang sa “Year of the Dog” ay mga mukhang aso este mga “loyal” daw. Okay kapani-paniwala naman yang katangian na yan dahil nga …ehem… loyal ako. Kaya kung pagbabasehan ang mga katangian ng tao ayon sa katangian ng hayuppppppp (may poot??) na sumisimbulo ng taon ng kapanangakan nila, marahil ganito yun
YEAR OF THE….
Dragon- Mainit ang bunganga (madaldal), magagalitin (dragon nga eh), at mukhang hito (dahil may bigote)
Horse – sila yung mga bayolente (dahil laging naninipa), mga mahihilig sa sports ( lalo na sa track and field) at mae-EL (totoy mola ikaw ba yan?)
Monkey- mga mandurugas ( lagi kasing nangdedenggoy), matatalino (matalino man ang matsing, matsing pa rin), at palabiro (monkey monkey Anabel, Anabel!!).Kumokorni ka na naman.
Pig – Mga mahihilig sa pagkain (pinagandang salita sa word na “masisiba”), mga makakalat (baboy nga eh), at ubod na babait na tao (pambawi lang!hayan pinuri ko na kayo ha! Kwits na tayo)
OX (parang kalabaw yan di ba?)- mga masisipag (naks ganda ng umpisa), matyatyaga (heto pa uli) at mahihilig sa Marijuana ( eh di ba mahihilig ang OX sa damo? Ang mais ko grabe)
Rabbit (taon ngayon yan) - tulad ng horse maee-EL din sila (di na kailangan ng proof), mga kyut sila at malalambing (yung mukhang uto-uto lang) at sila ang mga taong malalaki ang….. IPIN sa gitna.
Rat – mga poor (joke lang), mga matatalino din (yung TUSO ba!), at mga maliliksi
Rooster – sila yung mga maagap ( laging nauuna sa bilihinan ng NFA rice), mga madadaldal (putak ng putak) at mga matatapang (lagi kasing pinangsasabong)
Sheep – Mga mababait na tao ( naks, parang tunay), mga tahimik (kahit hipuan mo di yan iimik), at hindi gaanong mga pakialamero/pakialamera (basta mind your own business ika nga)
Snake- Ayokong magsabi ng kung ano ano dyan dahil hindi magaganda ang naiisip ko!Pero ang magandang katangian nila ay ano….. basta.. ano… basta…. Basta!
Tiger– mga matatapang (mala tigre nga eh), mga malalambing pero pag nagalit lagot ka, at higit sa lahat…… mahilig sa damit na kulay pink.
Dog (Year ko ito) - Loyal, mabait, kyut, mapagkakatiwalaan, at wala akong maisip na panget tungkol sa kanya (bakit ba year ko ito at blog ko ito!walang pakialamanan! Kung may reklamo ka pumunta ka sa presinto o gumawa ka ng sarili mong blog at purihin mo ng purihin ang sarili mo!okay!)
Oo nga pala mga kautak, wag nyong masyadong seryosohin ang sinabi ko sa itaas. Biro lang naman yan! Pero kung nagagalit ka sa mga sinabi ko sa itaas at masyado kang apekted dyan........ ang masasabi ko lang ay .................
Ngayon kung hindi mo naman ugali yung nasa itaas, at magaganda pala ang katangian mo talaga ! okay payn….. .....ikaw na ang perpekto!! Ikaw na ang peyborit son/daughter ni Papa Jesas.
Alam nyo medyo nagtataka lang ako kasi bakit walang Year of the Elephant, Year of Zebra at Year of the Giraffe (ito ang tamang pagbigkas nyan. JI-RAP-PI). Bakit kaya napili yang mga animal na yan na nasa itaas? Ano kayang kwalipikasyon ng mga Chinese Astrologer na ito para mapasama dito?At bakit hindi nila sinama ang peyborit animale ko! Bakit kaya??Wala lang! naitanong ko lang naman!Masama??
Yun lang po KONG HEI FAT CHOI!!!!
Ingat lagi,
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)