TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Miyerkules, Pebrero 2, 2011

KONG HEI FAT CHOI TABATCHOY!


Wow! Chinese New Year na naman! Medyo namimiss ko tuloy yang TIKOY, HOPIA (Eng bee ten lang ang kinakain ko), at mga MOONCAKES. Tyak napakaswerte mo kung magsusuot ka ng panty o brief na kulay RED. Alam nyo ba na ang kulay pula, ay kulay na nakaka-L (libog). Ayon yan sa mga scientist na mae-el na aking natsismisan nung isang araw. Totoo yan pwamis!


Okay back tayo sa Chinese New Year, kung hindi nyo naitatanong eh , isinilang ako sa Year of the Dog. At ayon sa aking nabasa ang mga isinilang sa “Year of the Dog” ay mga mukhang aso este mga “loyal” daw. Okay kapani-paniwala naman yang katangian na yan dahil nga …ehem… loyal ako. Kaya kung pagbabasehan ang mga katangian ng tao ayon sa katangian ng hayuppppppp (may poot??) na sumisimbulo ng taon ng kapanangakan nila, marahil ganito yun


YEAR OF THE….


Dragon- Mainit ang bunganga (madaldal), magagalitin (dragon nga eh), at mukhang hito (dahil may bigote)

Horse – sila yung mga bayolente (dahil laging naninipa), mga mahihilig sa sports ( lalo na sa track and field) at mae-EL (totoy mola ikaw ba yan?)

Monkey- mga mandurugas ( lagi kasing nangdedenggoy), matatalino (matalino man ang matsing, matsing pa rin), at palabiro (monkey monkey Anabel, Anabel!!).Kumokorni ka na naman.

Pig – Mga mahihilig sa pagkain (pinagandang salita sa word na “masisiba”), mga makakalat (baboy nga eh), at ubod na babait na tao (pambawi lang!hayan pinuri ko na kayo ha! Kwits na tayo)


OX (parang kalabaw yan di ba?)- mga masisipag (naks ganda ng umpisa), matyatyaga (heto pa uli) at mahihilig sa Marijuana ( eh di ba mahihilig ang OX sa damo? Ang mais ko grabe)


Rabbit (taon ngayon yan) - tulad ng horse maee-EL din sila (di na kailangan ng proof), mga kyut sila at malalambing (yung mukhang uto-uto lang) at sila ang mga taong malalaki ang….. IPIN sa gitna.

Rat – mga poor (joke lang), mga matatalino din (yung TUSO ba!), at mga maliliksi

Rooster – sila yung mga maagap ( laging nauuna sa bilihinan ng NFA rice), mga madadaldal (putak ng putak) at mga matatapang (lagi kasing pinangsasabong)

Sheep – Mga mababait na tao ( naks, parang tunay), mga tahimik (kahit hipuan mo di yan iimik), at hindi gaanong mga pakialamero/pakialamera (basta mind your own business ika nga)


Snake- Ayokong magsabi ng kung ano ano dyan dahil hindi magaganda ang naiisip ko!Pero ang magandang katangian nila ay ano….. basta.. ano… basta…. Basta!

Tiger– mga matatapang (mala tigre nga eh), mga malalambing pero pag nagalit lagot ka, at higit sa lahat…… mahilig sa damit na kulay pink.

Dog (Year ko ito) - Loyal, mabait, kyut, mapagkakatiwalaan, at wala akong maisip na panget tungkol sa kanya (bakit ba year ko ito at blog ko ito!walang pakialamanan! Kung may reklamo ka pumunta ka sa presinto o gumawa ka ng sarili mong blog at purihin mo ng purihin ang sarili mo!okay!)

Oo nga pala mga kautak, wag nyong masyadong seryosohin ang sinabi ko sa itaas. Biro lang naman yan! Pero kung nagagalit ka sa mga sinabi ko sa itaas at masyado kang apekted dyan........ ang masasabi ko lang ay .................

Ngayon kung hindi mo naman ugali yung nasa itaas, at magaganda pala ang katangian mo talaga ! okay payn….. .....ikaw na ang perpekto!! Ikaw na ang peyborit son/daughter ni Papa Jesas.

Alam nyo medyo nagtataka lang ako kasi bakit walang Year of the Elephant, Year of Zebra at Year of the Giraffe (ito ang tamang pagbigkas nyan. JI-RAP-PI). Bakit kaya napili yang mga animal na yan na nasa itaas? Ano kayang kwalipikasyon ng mga Chinese Astrologer na ito para mapasama dito?At bakit hindi nila sinama ang peyborit animale ko! Bakit kaya??Wala lang! naitanong ko lang naman!Masama??


Yun lang po KONG HEI FAT CHOI!!!!
Ingat lagi,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.