TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Miyerkules, Marso 30, 2011

Sarap maging batang 90's

Ano ang naaalala mo?

Isa ka ba sa mga oldies ngayon na pilit na binabalik-balikan ang mga masasaya, malulungkot, at malufet na mga pangyayaring nagbigay-kulay sa buhay nating mga Pinoy?

Isa kang ganap na Batang 90's kung:

1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanod ang "Montreal Screw Job" sa pagitan nila Bret Hart at Shawn Michaels.

2. naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game.

3. kilala mo si Dino Ignacio na nagpasikat kay Bert ng Sesame Street in a very unique way.

4. naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago.

5. nahilig ka sa mga kanta ni Andrew E. at pinilahan sa mga sinehan ang kanyang mga pelikula.

6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa Dating Doon na isang segment ng Bubble Gang.

7. nakita mo ang development ng sinaunang videoke hanggang sa maging hi-tech ito.

8. natatakot kang mamatay ang inaalagang tamagotchi.

9. nakapanood ka ng isa sa mga milyung-milyong massacre movies a.k.a. "pito-pito movies" ni Direk Carlo J. Caparas.

10. naniniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons.

11. nakita mo kung paano umusbong sa kahabaan ng EDSA ang Megamall, Galleria, at Shangri-La.

12. alam mo ang tsismis na kapag binaligtad ang kantang "Pare Ko" at "Banal na Aso, Santong Kabayo" ay may maririnig kang mga demonic messages.

13. alam mong nanalo ang presidenteng may malufet na carabao English.

14. isa ka sa mga nangarap na sana ay hindi kailanman ma-disband ang Eraserheads

15. napanood mo ang concert na "MTV Alternative Nation Tour" sa Araneta kung saan tumugtog ang Foo Fighters, Beastie Boys, at Sonic Youth.

16. nagulat ka nang isang araw paggising mo ay ipinapalabas sa teevee na tinitira ni Tito Sotto ang mga kantang "Alapaap", "Laklak", at "Elesi" dahil sa masamang mensahe daw nito sa mga kabataan.

17. araw-araw mong kasama sina Mario at Luigi sa Family Computer para sagipin ang princess.

18. may mga paborito kang kanta tulad ng "Cold Summer Nights".

19. mahilig ka sa mga alternative bands na sumikat sa Tate.

20. mayroon kang mga cassette tapes na produced ng Tone Def Records.

21. nangarap kang sana ay magkaroon ng reunion concert ang Eheads matapos silang madisband.

22. kilala mo ang trio nila Mark, Eric at Jomari.

23. isa ka sa mga engot na akala ay nakakalasing ang Cali.

24. napanood mo ang first episode entitled "Rubber Shoes" ng MMK starring Romnic Sarmienta

25. isa kang pakanton na mahilig kang kumain ng Lucky Me! Instant Pancit Canton.

26. kilala mo ang sikat na pamilya ng Springfield.

27. natutuwa ka kahit naiirita sa tuwing naririnig si Punk Zappa.

28. alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma.

29. isa ka sa mga kabataang gustong matuto ng pagtugtog ng gitara para makapagbuo ng sariling banda.

30. inlababo ka kay Alicia Silverstone na bumida sa ilang music videos ng Aerosmith.

31. alam mong hindi original ng TGIS ang kantang "Dyslexic Heart" ni Paul Westerberg.

32. kilala mo kung sino ang nagpasikat ng kantang "Multong Bakla".

33. mahilig kang manood ng "Headbanger's Ball" ng sinaunang MTV sa Channel 23.

34. ginagaya mo ang grunge fashion ng Nirvana at iba pang Seattle bands.

35. inaabangan mo kung ano ang mga bagong laruang ipapakita sa "Uncle Bob's Lucky Seven Club".

36. na-exercise ang fantasizing abilities mo sa tulong ni Xerex.

37. bilib ka sa 4-peat ng "Growling Tigers" kahit na 'di ka taga-uste.

38. mayroon kang nakasukbit na beeper sa baywang mo.

39. naniniwala kang isang alamat ang kasaysayan ng Zagu.

40. alam mong "Kung walang knowledge, walang power".

41. bumili kayo ng matinding antenna para makasagap ng sinaunang UHF Channel.

42. alam mong tugtugin sa gitara ang "Plush (kahit intro lang)" ng Stone Temple Pilots.

43. alam mo ang love story nina Kevin Arnolds at Winnie Cooper.

44. habit mo ang pagba-Batibot.

45. isa ka sa mga batang nangarap na sana ay kasing-bibo at kasing-cute mo si Macaulay Culkin noong totoy pa siya.

46. alam mo ang silbi ng Blue Magic at Gift Gate kapag Pasko at balentaympers.

47. nakikisawsaw ka sa usapan sa kung sino talaga ang pumatay sa mga Vizconde.

48. kilala ang babaeng pumutol ng kaligayahan ng kanyang asawa.

49. nabubwisit ka sa tuwing makakakita ng event na may "palooza" sa hulihan.

50. alam mong rip-off ang kantang "Stay" ng Cueshet mula sa "The Greatest View" ng Silverchair.

51. aliw na aliw ka sa pagmumukha ni Rene Requiestas.

52. naramdaman mo ang pagyanig ng Luzon noong July 16, 1990.

53. kilala mo ang tropa nila Guile, Ken, at Ryu.

54. nakikanta ka sa "Bed of Roses" ni bunjubi.

55. elibs ka sa galing ni "The Magician" sa paglalaro ng bilyar.

56. nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco.

57. namimili ka sa kung ano ang panonoorin, "TGIS" o "Gimik".

58. alam mo ang istorya ng "Take it, take it" sa MMFF Awards.

59. nalaman mong cool pala ang maging bobo nang makilala mo sina "Beavis and Butt-Head".

60. alam mo ang ibig sabihin ng mga acronyms na "TF" at "ST" na isang genre ng pelikula.

61. nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at mga hip-hoppers.

Huwebes, Marso 24, 2011

Johnny-come-lately ako sa photography


Maraming hilig at talento ang isang tao. Maaring sa pagsusulat, sa pagpipinta, sa eskultura, sa paghahalaman, sa pagluluto, sa pagkukumpuni ng kung anu-anong gadget at makina sa bahay.

May talentong napapalawak mo. Meron namang naiisantabi. Kung ikaw ay isang overseas worker na katulad ko, karamihan ng iyong interes ay gusto mong panindigan. Hindi ko lang sigurado kung bakit. Dahil siguro may oras ka. Pagkatapos ng trabaho ay wala ang pamilyang dapat at umagaw ng iyong atensyon. Marahil dahil gusto mong punuin ang iyong oras upang di makapag-isip ng di gaanong masayang bagay.

Kaya siguro ako'y nag-isip magblog. makipagkaibigan, at kung anu-ano pa.

Kamakailan, nagkaroon ako ng bagong kinahihiligan. Isang bagong sining -- ang pagkuha ng larawan o potograpiya. Pero sa totoo, noon pa man gustong-gusto ko nang kumuha ng mga larawan ng mga lugar, bagay, at mga taong nakapaligid sa akin, lalo ang aking mga ninuno at iba pang kasapi ng aking angkan.

Hindi lahat ng maganda ay mata ang nakakakita. Puso lang ang makapagsasabing kakaiba sa lahat ang isang bagay. Hindi sa paraang makikita ng mata kundi ang kayang tarukin ng damdamin. Kung nais mong hangaan ang isang larawan tingnan mo ito ng malalim at may pakahulugan, sabay namnamin ang katahimikan.

Matapos akong makabili ng isang makabago ngunit simpleng camera, nagsimula kong pag-aralan ito. Pashoot-shoot sa kahit saan at kahit ano. Kahit anong anggulo. Pinihit sa feature na iba't iba at sumubok ulit. Nakakaaliw. Nakakaakit na para bang gusto mo na lang laging hawak ang camera. Kakaibang linya ng sining.

Bagong karanasan sa akin ang photo shoot. Ibang level, sabi nga ng mga kabataan. Wala akong alam sa set-up .. nagmasid lang ako at nag-isip. Watch and learn, wika nga.

Bakit nga ba ngayon ko lang ba sinubukan ito? Ang tagal kong natulog sa kangkungan. Halos kasing tagal ng kasaysayan ng photography. Tinuklas ng ibat ibang kilalang sayantipiko. Noon kasi, kasing laki ng aparador ang camera. Kailangan ng dark room, at ibinababad sa mga kemikal para lang mabuo at lumabas ang larawan. Maswerte tayo sa kasalukuyang panahon. Kay gaan ng ng kamera at idiot-friendly. Tamang sipat, pindot, at konting arte, ayan na -- instant ang larawan.

Siempre Johnny-come-lately ako sa photography. Starting from near scratch. Pero walang di matututunan sa wastong pag-aaral. Hanggang meron kang passion at pagmamahal sa yong kinahihiligan, may mararating ka. Sa bandang huli mapapansin ka rin at makikilala. Kay raming inspirasyon sa kapaligiran. At marahil sa darating na panahon ikaw naman ang magiging inspirasyon sa iba sa pagkuha ng larawang simple pero may buhay at kahulugan.

Muling pagbabalik-tanaw ang litrato sakin, kuhanan muli ang nakalipas na araw na kasama ko ang aking mga magulang at mga kapatid. Kung ganoon lang sana kadali ang pagbabalik na ito -- marahil, makikita nyo sa akin ang ngiti ng isang taong wala nang hihilingin pa sa buhay.

Pangarap ko bilang isang OFW na makakuha ng mga litratong yayakapin ng aking pamilya. Yun bang tipong nakalagay sa wall at tinititigan ng lahat ng mahal ko sa buhay. May alam o wala tungkol sa sining. Dahil litrato nila ang aking kukuhanan, ipagyayabang at ipagmamalaki na sila ang bumubuhay ng kwadro kahit wala itong magarbong frame.

Kahalintulad ito ng pag-asinta ng buhay at suliranin, pag-klik ng naaayon sa iyong gusto, paglalagay ng liwanag sa madilim na tinatahak, at pagbalanse ng bawat kulay ng buhay. Kung mahirapang gawin ito, maraming taong tutulong at gagabay.
Sa pamamagitan ng potograpiya may makikita ka sa mukha ng mundo na hindi kayang arukin ng mata..

Linggo, Marso 20, 2011

Usapang Trabaho

Usapang trabaho ito at dahil usapang trabaho, narito ang listahan ko na gusto ko sanang kuhaning course noong ako’y magtatapos na ng hayskul. At heto yun.

1. Chef ( F ang dulo hindi T ha! Baka Shet mabigkas mo)

Gustong gusto ko ang uniporme nila, para bang kahit hindi masarap ang niluluto mo eh , mukha pa rin akong masarap este mukha pa rin masarap yung niluluto ko. Ito rin ang tawag sa sosyal na kusinero/kusinera – CHEF . Aminadong bopol ako sa pagluluto dahil dito na lang ako natuto sa abroad maglinis ng isda at maghiwa ng karne. Kaya naman gusto kong mag-aral nyan. Malay mo magkaroon ako ng karinderya in the future (hu knows runny nose) Saka isa pa, gusto kong magluto ng gulay na hindi lasang gulay. Dahil allergic ako sa mga gulay.

2. Nurse

Maraming nagsasabi na bagay daw sa akin ang uniporme ng nurse. Dahil mabango daw akong tingnan kapag nakaputi akong damit. Hindi ko alam kung bakit nila nasabi yun siguro, gusto nila lang sabihin sa akin na mukha akong mabaho kapag ibang kulay ng damit ang suot ko!hehehe. Isa pa dahil ito ang Pambansang “course” ng Pilipinas (kadedeklara lang ni P-Noy kahapon). At imposible sa bawat Pilipino na walang kamag-anak na nurse, nais kong maki-in din. Bukod sa malaki ang kita nito sa abroad ,eh dito pa ibinuhos ng Dyos ang mga nagseseksihan at naggagagandahang mga kolehiyala. Hulala!!

3. Psychologist/psychiatrist

Dahil mahilig akong kumilatis ng tao at dahil may tagas din ang aking utak nais ko talagang maging espesyalista sa utak. Masarap kasi pag-aralan ang ugali at kautakan ng tao. Saka gusto ko rin talagang alamin o tuklasin ang karakter ng bawat tao (para utuin). Dahil alam ko malaki ang epekto ng utak nya sa kanyang buhay at sa kanyang kapaligiran. Kaya nga madalas lang akong nagmamasid at pinag-aaralan ang bawat galaw ng mga taong nagdadaan sa akin harapan sabay kanta ng” Ushigi shigi makantawi uha!Shigi Shigi!” (Dahil kampon ako ni Puma Ley-ar)

5. Piloto

Gusto ko talagang maging piloto kahit noong bata pa. Kaya naman nung nakatapos na ako ng hayskul eh nag one –on- one kami ng nanay ko


Ako: Nay, may gusto po akong kuhaning kurso pag nag-college na ako

Nay: Aba ano naman yun anak!

Ako: Gusto ko pong maging Piloto (na may halong pagmamayabang)

Nanay (binatukan ako): Bakit mayaman ka ba? Magtitser ka na lang!

Okay hindi na ako nakipagkulitan pa sa nanay ko ,marahil ayaw lang nyang magkaroon sya ng anak na “pilotong kyut”. At dahil ayaw ko ring magtitser dahil baka palamunin ko lang sila ng binilot na eraser at may mugmog ng chalk sa ibabaw. Napagdesisyon ko na lang mag-Maritime.

Alam kong mahina ako sa Math dahil madalas akong utakan ng mga dyipi driver dahil mali ang kwenta ko sa sukli nila. Kaya naman humanap ako ng pinakamadaling kurso , kaya heto bumagsak ako sa Maritime. Dahil walang Board Exam at mukhang magagamit ko ang kahiligan ko noon sa swimming at surfing . Ito ang kinuha kong course. Awa naman ng Panginoon natapos ko ang course ko ng apat na taon lang (at 7 bagsak).

Ngayon, hindi ko nagamit ang napag-aralan ko dahil nandito ako sa opisina at hindi sa Barko. Ubod sa layo ng natapos kong course sa aking trabaho ngayon, at halos may sapot na ng gagamba ang aking mga brain cells. Pero ang mahalaga naman eh okay naman ang kita dito. Kaya pwede na!

Sa totoo lang hindi naman talaga ako “career-driven” na tao, yung tipong kinakarir ang career nila, mas “business-minded” akong tao kaya malamang magtatayo na lang ako ng business sa atin sa Pilipinas pagkatapos kong mag-ipon dito sa abroad. Nag-iisip ako ng negosyong malaki ang kita. Kaya napag-isipan kong magtayo ng pabrika ng…………shabu. Hahahha!joke lang. Basta isang business na pwede sumoporta sa pang-araw araw na buhay ko. (subukan ko kayang magsaka na lang…….....................magsaka ng marijuana!hahaha)


Alam nyo, dalawa lang talaga ang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho. Ito ay para kumita at ikalawa ay para sa ating mga pansariling kaligayan. Dito lang talaga umiikot yan. Ngayon kung anong trabaho man ang tahakin mo o maging businessman ka pa , tyak dito rin lang iikot sa dalawang ito ang lahat. Kaya kung sakali wala dyan sa dalawa yan ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho, aba tanungin mo ang sarili mo? Tao ba ako? Baka robot na ako?hehehe

Kaya tanungin mo ang sarili mo , bakit ba ako nagtatrabaho? Baka kasi hindi ka na tao, robot ka na pala hindi mo pa alam! (Naks interactive na ang blog ko! Wag showbiz ang sagot, lalo nat di ka naman artista!hehehe).

Ngayon kung sinagot mo ang tanong ko at wala ka namang trabaho malamang......... adik ka sa facebook at hindi ito isang quiz sa Facebook!okay

Yun lamang po at maraming salamat

Miyerkules, Marso 16, 2011

ikaw ang bida sa love story ko!

Di nga ba ... Ang tanong ay: may puso ka ba? Palagay ko meron pa. Kung nagising kang buhay dahil tumitibok-tibok pa yun, malamang may dugo pang dumadaloy sa katawan mo. Maaaring humihinga ka pa nga, ngunit kung wala namang saysay ang buhay mo. Pero ano pa man, huwag mo namang putulin ang hininga mo nang walang laban, dahil nakatago man maganda pa din ang buhay. At kung binabangungot ka, marahil kailangan mo lang gumising at ayusin ang higaan mo sa pagtulog. Puro kuwentuhang naman masaya o malungkot ang kinahantungan. Mga istoryang hango sa mga taong nakaranas ng kakaibang kapangyarihan dala ng pag ibig. Parang ang baduy, mala-love story na pampelikula. Lahat parang scripted. Siempre apektado ako, Timplahin ang kuwento. Gawing parang kape na iba-iba ang lasa. Lagyan ng cream o gatas. Gawing matapang o katamtaman lamang. Pabilisin ang tibok ng puso. Gisingin ang diwang natutulog.

Malungkot ang kaso ng maraming OFW.
Tatlo sa sampung pamilya ng isang OFW ang nawawasak matapos magtiis na umalis ng bansa, iwanan ang mga minamahal, at magtrabaho abroad. Mahabang palaisipan. Sino ang nagkulang?
Hindi sa lahat ng panahon ikaw ay panalo. Ang laro ng puso ay isa ring sugal. Hindi lahat natatapos sa saya. Hindi na yata uso ngayon yung ending na “they live happily ever after.”
Ano man ang itaya mo, minsan hindi mo makakabig muli. Mararanasan mong mabigo. Bihira yata yung “one and only” o “una at huling pagibig.” Dahil nagbabago ang ikot ng mundo. At nag-iiba ang kulay ng paligid. Pero kung trip mong hanapin, magpakatatag ka. Darating din ang para sa iyo.
Walang katulad. Dahil masayang ma-in love. Dahil masarap magmahal. Dahil matamis mangarap na kasama kita. At kung sino ka man, ikaw ang bida sa love story ko.

sA LoOB ng KaMerA


Habang pinag-aaralan ko ang mga kuha sa kamera, naisip kong hindi pala ang ganda o pagka-moderno ng kamera ang nakapagbibigay ng kulay sa mga larawan; bagkus isa lang proseso ito. At hindi rin sa akin o sa isang magaling na potograper nagmumula ang pagsipat; isa rin lang proseso ito. Hindi rin sa pagretoke at pag-areglo sa anumang software gumaganda ito; isa din lang proseso ito. Ang tunay na nagbibigay-kulay ay ang paligid mo, tao man o bagay o lugar na may kanya- kanyang istorya na papasok sa loob ng iyong kamera, luma man ito o bago.


Anu ang kulay sa Loob ng Kamera?

Kung ang kamera ko ngayon ay nasa Libya, ano ang makikita mo?
kung ang kamera ko ngayon ay nasa New Zealand, ano ang makikita mo?

at kung ang kamera ko ngayon ay nasa Japan, ano ang makikita mo?

Biyernes, Marso 11, 2011

BLOG BLOG BLOG (Tunog ng taeng sabay sabay nahulog sa inodoro)

Minsan ayaw ko ng magsulat ng seryoso, kasi wala naman sumeseryoso sa akin. Hahaha!!

Paano nga ba?
Paaano sasabihin sa isang tao ang mga bagay na ito na hindi sya masasaktan: (original to!!!)

May Bad Breath
Lalake: Miss hulaan ko kung ano kinain mo kanina?
Babae: Ano?
Lalaki: TAE BA ITO??
Heto pang isa, para naman makabawi
Babae: Sir, nakaamoy na po ba kayo ng bulok na durian?
Lalaki: Hindi pa eh bakit?
Babae: Ganun ba? Kasi ako kaamoy ko lang!! (sabay takip ng ilong)

May B.O (Bad Odor)
Mister: Darling naligo ka na ba?
Misis: Oo naman, Bakit, gusto mong maglabing labing?
Mister: Hindi, Basta sa susunod wag ka ng maliligo sa imburnal ha!

May Tinga sa Ngipin
Lalake: Ay miss nakabrace ka ba?
Babae: Hindi, bakit?
Lalake: Kasi ang cute ng ngipin mo may sabit sabit.

May Putok
Babae: Mama, suko na po ako hindi na po ako lalaban!!
Lalake: Bakit hindi naman ako holdaper ah!
Babae: Eh kasi nagpapaputok na kayo eh!!

May kulangot ang ilong
Lalake: Ay miss ang ganda naman naman ng hikaw mo?
Babae: Ah ito ba?(Sabay hawak sa tenga)
Lalake: Hindi, yung nose ring mo?marble ba yan?bilog na bilog eh!!

TANONG LANG

Alam nyo may mga bagay na matagal ko ng iniisip, halos lagi itong gumugulo sa aking isipan kaya sana matulungan nyo ako dito:

1. Ano ba ang tagalog ng CAKE? (utang na loob wag nyong sabihing ganito ang tagalog nito-“KEYK”)

2. Ano naman ang ingles ng Nanghihinayang ( Uhmmm hindi na pwede ang TSK TSK TSK)

3. Ano ang tagalog ng ICE CANDY? (YELONG MINATAMIS ba?) eh ang ICE BUKO?? (YELONG BUKO?)

4. Bakit ang tagalog ng HONEYMOON ay “PULOT-GATA”, eh di ba ang ingles ng GATA ay “COCONUT MILK” at ang tagalog naman ng MOON ay “BUWAN”. Kaya dapat kung hindi HONEYCOCONUTMILK eh dapat PULOTBUWAN.

5. Paano mo tatagaluhin ang salitang “Appliances” , “computer” o “Electronic” sa isang salita at hindi ka todong nag-eexplain?

6. Bakit masarap ang betsin? At ano ang lasa nito? ( hirap noh, parang rugby mabaho pero masarap, adik???)

7. Bakit ang langgam mahilig sa matamis, eh wala naman silang dila?Hindi kaya nasisira ang Ipin nila?Saka paano nila nalalaman na hindi asukal ang iodized salt (ako nga nagkakamali eh sila pa!hindi kaya mas matalino sila kesa sa akin??)

8. Bakit ang “TAE” saka ang “TAE NG KALABAW” pag iningles mo MURA ang kinakalabasan (Shit at Bullshit). Kaya pag tinatawag kang “SHIT” o “BULLSHIT”, sagutin mo ng “IKAW MUKHANG KUYUKOT” o di kaya sigawan mo ng “ LANGEB, LANGEB, LANGEB” sabay belat.(Teka ano nga ba ang ingles ng kuyukot at langeb??)

9. Bakit ang pusod natin mabaho?(sige subukan mong kalikutin ang pusod mo saka mo amuyin? Ano amoy????)

10. Pag ang dalawang tao nagyayabangan ang sinasabi natin “Nagpapataasan sila ng ihe”, eh pag ang dalawang babae nagyayabangan pwede rin ba nating sabihing “nagpapataasan din sila ng ihe????” (Paano kaya yun?)

Konti lang yan sa dami ng mga bagay na gumugulo sa aking malabnaw na utak. Sana matulungan nyo akong masagot ang mga bagay na ito para mapabuti ko at umunlad ang aking buhay. Malaki ang maitutulong nito sa aking pang araw-araw na pamumuhay.

Salamat sa pagbasa

Linggo, Marso 6, 2011

Japan-Japan Sagot Sa Kahirapan! (JJSSK)



Sa maniwala kayo o hindi, alam nyo bang nagbalak akong mag-Japan bilang isang ….....…drumroll please…...........HOSTO. (O baket ka tumawa dyan. may kalbo ba?)

May kwento kasi yan kaya makinig ka!

Ganito kasi yan, 3rd year college ako nang medyo nakatamaran namin ng barkada ko ang mag-aral. Bukod kasi na mahirap ang mag-aral (naglolowbat ang braincells ko dyan, grabe) eh gustong-gusto na naming kumita ng pera . At hindi lang basta kita kundi malaking KITA. Medyo olats din ako sa bahay dahil puros sermon ang inaabot ko sa nanay at tatay ko dahil mistulang tantusan ng BINGO ang mga grades ko sa dami ng bagsak.(sorry naman)

Kauuwi lang ng Ate nyang Japayuki, at inalok kami kung gusto naming mag HOSTO. Katulad ng madumi mong isipan (sama mo!!) eh ang iniisip ko sa mga HOSTO noon ay pagbebenta ng katawan at alindog (nice, alindog?!?) . Iniisip ko noon ito ang CALLBOY ng Japan. Pero pinaliwanagan naman kami ng Ate nya na hindi naman kami magbebenta ng aming katawan (sayang!) kakanta lang daw, sasayaw at imomodel-model lang daw ang aming TI........NDIG (tindig)walang pakialaman blog ko to! Kaya kahit hindi ako marunong kumanta at sumayaw ,pumayag na ako. Tutal panalo din naman ang aking TI...........NDIG! Isa pa kapatid nya 'yung kabarkada ko kaya alangan namang ipahamak pa nya yung kapatid nya.

Inilihim ko ang lahat sa aking mga magulang, kasi pag nalaman nila iyon, baka hambalusin ako ng APARADOR sa pagmumukha . Tiyak din hihimatayin ang nanay ko pag nalaman nyang magHOHOSTO ako sa Japan. Iiisipin nun baka lapirutin at gawing SUSHI ng mga Haponesa (tunay at di tunay) ang aking ANO.... YUNG ANO...... YUNG KWAN KO.........yung KAKYUTAN ko (kanina ka pa, dumi ng isip mo!). Isa pa pulis ang tatay ko, baka akalain nya sinasapian na naman ako ng demonyo. Kaya medyo “tahimik” lang ako sa amin.

So hayun na nga, pinakuha na sa amin ang lahat ng requirements para sa HOSTO-HOSTO na yan, medyo madugo pero ganun talaga pag pursigido kang kumita ng LAPAD (YEN yun tange, hindi tanduay!). Nag-aral na rin akong gumiling ng ……….…brief lang ang suot (Joke lang),nag-aral na akong magsayaw at kumanta. Nagkabisa na rin ako ng mga Japanese Song na tulad ng Voltes V themesong at Moshi Moshi Anone Anone. Kaya medyo handang handa na rin ako.

Balak ko na rin tumigil sa pag-aaral noon, at medyo ginagastos ko na rin sa aking isipan ang mga LAPAD na kikitain ko (di pa ako kumikita ubos na ang sweldo ko). Sabi rin kasi ng kapatid ng barkada ko kailangan daw naming mag-training ng 6 na buwan sa isang agency (tine-training rin pala yun?). Handang handa na talaga akong magHOSTO noon. Ready na ako! (ayos ah, parang boyscout lang)

Subalit, ngunit, dadapwat………… sa hindi inaasahang pangyayari, nilimitahan ng gobyerno ng Japan ang pagpapasok ng mga ENTERTAINER sa Japan (putcha! Entertainer ang tawag sa amin!?!?!). At nakasama kami doon, dahil mas lalo nilang nilimitahan ang mga HOSTOng papasok sa Japan. Kaya ang pinapangarap kong YEN o LAPAD ay nauwi sa…….SINGKONG DULENG na may lumot pa!

Medyo nalungkot ako dahil baka ito na ang simula ng aking pagyaman, pero wala akong magagawa dahil TADHANA NA ANG HUMUSGA (nice parang pamagat sa pelikula). Kaya itinuloy ko na lang ang aking pag-aaral.

_________________________

Okay back sa realidad na tayo! Sa totoo lang, sa tuwing binabalikan ko ang pangyayaring yan sa buhay ko. Natatawa na lang ako! Baket? Baket? Dahil naisip ko na minsan para akong TANGA kung magdesisyon. Sugod ng sugod, arya ng arya. Hindi nag-iisip at mukhang akong hayok na hayok sa......PERA.

Maraming oportunidad para kumita ng pera, pero iilan lang din ang nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral at makatapos nito sa ating bansa. Sa Pilipinas na tinuturing na pribilehiyo at hindi karapatan ang pag-aaral, nararapat lang na bigyan natin ito ng malaking importansya at pagpapahalaga.

Ngayon, natutunan ko rin na pag-isipang mabuti ang lahat ng desisyon ko sa buhay. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi, kaya para wala tayong pagsisihan kailangan maging responsable tayo sa lahat ng desisyon natin sa buhay. Isaalang-alang ang lahat ng bagay at wag tayong pangunahan ng sariling emosyon o pansariling kagustuhan.

Ang dami kong natutunan sa pangyayaring yun, kaya nga kahit alam kong medyo DYAHE ang kwento kong iyan, medyo isinulat ko pa rin para naman may kapulutan ng aral.
Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong oras at panahon.

P.S

Nga pala, tumatanggap at nagsasayaw pa rin po ako na…..……..pabango lang ang suot at makapal na mukha sa mga bridal showers. Kaya kung nais nyo pong kunin ang serbisyo ko, murang mura lang may discount pa. Kaya pakikontak na lang po ako sa aking cellphone. Pero pasaload muna bago reply.LOLS!



DISCLAIMER

Wala po akong disgusto sa mga kababayan nating may ganitong propesyon. Ito’y akin lamang pong pansariling opinion at kuro-kuro. Nasa inyo pa rin po ang aking respeto dahil kayo ay kabilang na mga bagong bayani ng ating bansa at ng sarili nyong pamilya.

salamat......

Sabado, Marso 5, 2011

ASTIG (Ang bagong libangan ni Aldrino)


di ako Bloggero...ako ay isang photographer!
ngekkk! juk lang po, kanya kanyang trip lang.....
(yabang...daming camera! Di kaya ako mabigatan!)

ABANGAN………….

Huwebes, Marso 3, 2011

TISSUE: I love you ipis ipis very much NO IPIS ALLOWED (Kabanata IX)

KABANATA IX
NO IPIS ALLOWED

Pagkagaling na pagkagaling ko. Nuong mga panahon na maayos ko ng naigagalaw ang mga paa at pakpak ko. Dali dali ako pumunta kay Intsikticide. Super excited. Sa sobrang excitement eh nakalimutan ko na ngang maghugas ng pwet pagkatapos tumae. Hehe. Laking gulat ko ng pagdating ko asang malaking sign ang aking nakita. "NO IPIS ALLOWES" takte wrong gramming pa!!

"WAT ISDAT? boklong naman ng nagsulat niyan! haha" Tanong ko kay Intsikticide. ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumingin lang siya sa akin at sinabing " Ako ang may gawa niyan! Umalis ka na rito! ayaw na kitang makita!"

Lumapit ako sa kanya para lambingin. "ano bang problema my honeybunch? Hindi kita maintindihan. Pwede ko bang malaman?" gulat at may pilit na ngiti kong itinanong sa kanya.

"Hindi mo alam? Wala kang alam? Wag kang tanga!! " pasigaw niyang sagot habang pinipigil ang kanyang pagluha.

" Kung ano man yan, Alam ko magiging ok rin yan. May tiwala ako sayo. kaya natin to."Ang sabi ko sa kanya.

"Magiging OK? Lufet naman! Ano ba? Naalala mo ba yung mga nakaraang taon? Yung mga panahon na nagluksa ka sa pagkawala ng mga kalahi mo at ng pinakamamahal mo na si Dalisay? Ako! At ang mga kauri ko ang may gawa nun! At alam mo ba kung anong mas masakit?Muntik lang naman kitang mapatay! OO! tawa ang narinig mo. Ako ang dahilan kung bakit nagkasakit ka! So please! Get out of my life! Kasi hindi ko kayang ako ang maging dahilan ng pagkawala ng buhay ng pinaka ispesyal na pangyayari sa buhay ko." Umiiyak at galit niyang sagot.

para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mga narinig ko. Galit ba sa mga nangyari o galit sa sarili ko kasi wala akong magawa. Takot ba na mamatay rin ako kapag kasama ko siya o takot na lmas lalo kong ikamatay kung malalayo ako sa kanya. Tulala akong nag fly -fly palayo. Naghanap ng lugar na mapagtataguan at kung saan puwede akong mapag-isa.


"Bakit ganun? Wala naman akong balak saktan siya. Gusto ko lang maging close kami. Pero bkit tinataboy niya ako" maluha luhang tanong ko sa sarili ko



"Insecticide ako, Ginawa ako para patayin ang mga tulad mo. Nilalayo kita sa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo. Sana maintindihan mo ako" sabi naman ni Intsikticide sa kanyang sarili habang iniisip si lufet at umiiyak.



Lumipas ang isa, dalawa, tatlo at apat pang mga araw. Hindi pa rin ako lumabas sa aking pinagkukulungan. Pero ganun talaga ang life. Hindi ko pala talaga kaya siya tiisin kaya mabilis ako lumipad pabalik sa kanya.

itutuloy...........