TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Linggo, Marso 6, 2011
Japan-Japan Sagot Sa Kahirapan! (JJSSK)
Sa maniwala kayo o hindi, alam nyo bang nagbalak akong mag-Japan bilang isang ….....…drumroll please…...........HOSTO. (O baket ka tumawa dyan. may kalbo ba?)
May kwento kasi yan kaya makinig ka!
Ganito kasi yan, 3rd year college ako nang medyo nakatamaran namin ng barkada ko ang mag-aral. Bukod kasi na mahirap ang mag-aral (naglolowbat ang braincells ko dyan, grabe) eh gustong-gusto na naming kumita ng pera . At hindi lang basta kita kundi malaking KITA. Medyo olats din ako sa bahay dahil puros sermon ang inaabot ko sa nanay at tatay ko dahil mistulang tantusan ng BINGO ang mga grades ko sa dami ng bagsak.(sorry naman)
Kauuwi lang ng Ate nyang Japayuki, at inalok kami kung gusto naming mag HOSTO. Katulad ng madumi mong isipan (sama mo!!) eh ang iniisip ko sa mga HOSTO noon ay pagbebenta ng katawan at alindog (nice, alindog?!?) . Iniisip ko noon ito ang CALLBOY ng Japan. Pero pinaliwanagan naman kami ng Ate nya na hindi naman kami magbebenta ng aming katawan (sayang!) kakanta lang daw, sasayaw at imomodel-model lang daw ang aming TI........NDIG (tindig)walang pakialaman blog ko to! Kaya kahit hindi ako marunong kumanta at sumayaw ,pumayag na ako. Tutal panalo din naman ang aking TI...........NDIG! Isa pa kapatid nya 'yung kabarkada ko kaya alangan namang ipahamak pa nya yung kapatid nya.
Inilihim ko ang lahat sa aking mga magulang, kasi pag nalaman nila iyon, baka hambalusin ako ng APARADOR sa pagmumukha . Tiyak din hihimatayin ang nanay ko pag nalaman nyang magHOHOSTO ako sa Japan. Iiisipin nun baka lapirutin at gawing SUSHI ng mga Haponesa (tunay at di tunay) ang aking ANO.... YUNG ANO...... YUNG KWAN KO.........yung KAKYUTAN ko (kanina ka pa, dumi ng isip mo!). Isa pa pulis ang tatay ko, baka akalain nya sinasapian na naman ako ng demonyo. Kaya medyo “tahimik” lang ako sa amin.
So hayun na nga, pinakuha na sa amin ang lahat ng requirements para sa HOSTO-HOSTO na yan, medyo madugo pero ganun talaga pag pursigido kang kumita ng LAPAD (YEN yun tange, hindi tanduay!). Nag-aral na rin akong gumiling ng ……….…brief lang ang suot (Joke lang),nag-aral na akong magsayaw at kumanta. Nagkabisa na rin ako ng mga Japanese Song na tulad ng Voltes V themesong at Moshi Moshi Anone Anone. Kaya medyo handang handa na rin ako.
Balak ko na rin tumigil sa pag-aaral noon, at medyo ginagastos ko na rin sa aking isipan ang mga LAPAD na kikitain ko (di pa ako kumikita ubos na ang sweldo ko). Sabi rin kasi ng kapatid ng barkada ko kailangan daw naming mag-training ng 6 na buwan sa isang agency (tine-training rin pala yun?). Handang handa na talaga akong magHOSTO noon. Ready na ako! (ayos ah, parang boyscout lang)
Subalit, ngunit, dadapwat………… sa hindi inaasahang pangyayari, nilimitahan ng gobyerno ng Japan ang pagpapasok ng mga ENTERTAINER sa Japan (putcha! Entertainer ang tawag sa amin!?!?!). At nakasama kami doon, dahil mas lalo nilang nilimitahan ang mga HOSTOng papasok sa Japan. Kaya ang pinapangarap kong YEN o LAPAD ay nauwi sa…….SINGKONG DULENG na may lumot pa!
Medyo nalungkot ako dahil baka ito na ang simula ng aking pagyaman, pero wala akong magagawa dahil TADHANA NA ANG HUMUSGA (nice parang pamagat sa pelikula). Kaya itinuloy ko na lang ang aking pag-aaral.
_________________________
Okay back sa realidad na tayo! Sa totoo lang, sa tuwing binabalikan ko ang pangyayaring yan sa buhay ko. Natatawa na lang ako! Baket? Baket? Dahil naisip ko na minsan para akong TANGA kung magdesisyon. Sugod ng sugod, arya ng arya. Hindi nag-iisip at mukhang akong hayok na hayok sa......PERA.
Maraming oportunidad para kumita ng pera, pero iilan lang din ang nabibigyan ng oportunidad para makapag-aral at makatapos nito sa ating bansa. Sa Pilipinas na tinuturing na pribilehiyo at hindi karapatan ang pag-aaral, nararapat lang na bigyan natin ito ng malaking importansya at pagpapahalaga.
Ngayon, natutunan ko rin na pag-isipang mabuti ang lahat ng desisyon ko sa buhay. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi, kaya para wala tayong pagsisihan kailangan maging responsable tayo sa lahat ng desisyon natin sa buhay. Isaalang-alang ang lahat ng bagay at wag tayong pangunahan ng sariling emosyon o pansariling kagustuhan.
Ang dami kong natutunan sa pangyayaring yun, kaya nga kahit alam kong medyo DYAHE ang kwento kong iyan, medyo isinulat ko pa rin para naman may kapulutan ng aral.
Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong oras at panahon.
P.S
Nga pala, tumatanggap at nagsasayaw pa rin po ako na…..……..pabango lang ang suot at makapal na mukha sa mga bridal showers. Kaya kung nais nyo pong kunin ang serbisyo ko, murang mura lang may discount pa. Kaya pakikontak na lang po ako sa aking cellphone. Pero pasaload muna bago reply.LOLS!
DISCLAIMER
Wala po akong disgusto sa mga kababayan nating may ganitong propesyon. Ito’y akin lamang pong pansariling opinion at kuro-kuro. Nasa inyo pa rin po ang aking respeto dahil kayo ay kabilang na mga bagong bayani ng ating bansa at ng sarili nyong pamilya.
salamat......
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.