TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Linggo, Agosto 29, 2010

Ma'am Boquiron aka Powkie


Dati nung highschool ako, mayroon akong peyborit titser noon at sya ay si...... Ma’am Boquiron. Si Ma’am Boquiron ay ang aming Filipino Teacher .Kamukha nya si Pokwang at si Ai-Ai delas Alas COMBINED (kawawang nilalang). So isipin nyo na lang ang pagmumukha ni Ma’am Boquiron?? Mukhang syang BABA na tinubuan ng mukha. Mahaba ang baba ni Ma’am na pwedeng pangalso sa truck at pambiyak ng niyog. Bawal din syang yumuko dahil baka masaksak nya ng sarili nya dahil sa sobrang talas ng BABA nya. Pero dahil feeling nya maganda sya at kamukha nya si Claudine Baretto, masyado syang mataray. Madalas din syang magpashower ng laway sa pagmumukha ng mga kaklase ko, at madalas din may namumuong bula ng laway sa gilid ng bibig kaya lagi syang may dalang TISSUE para punasan iyon. (Yakness)


Habang nagdidiscuss si Ma’am Powkie ( gamitan natin ng alyas baka mabasa nya itong blog ko eh), napunta ang discussion namin tungkol sa “Pang-uri”. Heto ang senaryo.

Ma’am Powkie: Class, ang pang-uri ay ang paglalarawan sa pangalan at panghalip. Tulad ng sentence na ito…..”Ako ay magandang babae”.

Class: Hahahhahaah (biglang tumawa ang klase kahit hindi naman nagjojoke si Ma’am)

Ma’am Powkie: MGA LETCHE KAYO!!!! (galit na!) Anong nakakatawa?? (tumitig na ng masama)

Biglang tumahimik ang buong klase. Kaya pinagpatuloy nya ang kanyang pagturo.

Ma’am Powkie:Okay Aldrin! Magbigay ka nga ng isang pangungusap na may pang-uri.

Ako: (nabigla ako) Ma’am ano po…. Uhmmmmm “ Kayo po ay ubod ng ganda , at kamukha nyo po si Zorayda Sanchez!!!Hahahaha”. (ako lang ang tumawa).

Akala ko matatawa ang mga kaklase ko pero mga siraulo sila hindi man lang nakisama

Dahil sa sinabi ko na yan, biglang nagliparan ang notebook, eraser, libro patungo sa aking pagmumukha.Parang torong galit na galit si Ma’am Powkie. At dahil sa pangyayaring yan suspindido ako ng isang linggo at mula din noon hindi na nya ako binentahan ng yema sa klase.

Noon ko lang napagtanto, na masama na ngayon ang pagsasabi ng totoo.

So akala ko hindi na kami magtatagpong muli ni Ma’am Powkie. Pero nagkamali ako dahil muling nagkrus ang aming landas (wow parang teleserye lang ah). Sya ulit ang aming titser sa Filipino. This time, medyo mabait na sya dahil siguro sa ipit nyang kulay pink, sa sapatos nyang pink, damit nyang pink, TISSUE BOX nyang kulay pink at BABA nyang kulay pink.

So heto na uli, ang topic namin ay tungkol sa Homonyms.

Ma’am Powkie: Mayroon tayong mga salitang iisa ang baybay at iisa din ang tunog pero magkaiba ng kahulugan. Tulad nito sala (sin) at sala (living room). Ikaw Andrea magbigay ka ng example.

Andrea (kaklase kong mukhang vicks): Baga (lungs) at baga (ember)

Ma’am Powkie: Magaling (palakpakan ang buong klase) o ikaw naman Lakjo magbigay ka ng isa pang halimbawa.

Lakjo (kaklase kong adik): Supot (plastic ) at Supot’ (di pa tule)

Tawanan ang buong klase pati si Ma’am Powkie tumatawa din habang may mamuo muong laway sa gilid ng bibig at kita din ang bulok na bagang nya malapit sa kanyang wisdom tooth.. Dahil masaya ang mood ng klase, gusto ko ring magjoke (aba di pwedeng si lakjo lang ang sikat). Kaya talagang pabibo ako at sobrang nagtaas ako ng kamay. Kaya nung tinatawag ako ni Ma’am Powkie nagjoke ako.

Ma’am Powkie: Okay Aldrin magbigay ka rin ng Halimbawa

Ako: Ma’am ano po!hehehe!! BABA (down) at BABA!!!! (chin) …..(sabay turo sa baba ni Ma’am Powkie at tawa ng WHAHAHHAAHA)

Tumawa ang buong klase ng ubod ng lulutong.Dumadagundong ang tawa ng mga baluga. Syempre feeling sikat ako kasi nakakatawa kaya ang joke ko. At habang proud na proud ako sa aking joke bigla akong natakot dahil nakita kong nagliliyab sa galit si Ma’am Powkie. Pulang pula ang mukha nya sa galit, at mukhang tutusukin na nya ako ng BABA nya ..........kaya nsobra akong natakot sa kanya (sorry naman!!)

At ika nga “history repeats itself” dahil biglang lumipad ang mga chalk, teksbook, ballpen at eraser na parang may mga magnet at sariling buhay dahil saktong sakto sa pagmumukha ko. At malamang kung kayang buhatin ni Ma’am Powkie ang blackboard baka hinampas nya sa akin yun . At dahil dyan hindi sya nagturo ng isang buwan sa klase namin. At lahat kami muntik ng bumagsak dahil sa inyong lingkod (ahem)!!SIKAT!! (**please insert feeling pogi pose here***)

Kaya mula noon ayaw ko ng magjoke. Ayaw ko ng magjoke lalo nat hindi naman ako CLOWN.

At ang moral lesson ng kwento ko na ito ay:

1. Huwag mong gagawing pang-uri si Zorayda Sanachez ( sumalangit nawa)

2. Huwag mong gagawing halimbawa ang BABA (down) at BABA (chin) kapag kamukha ng titser mo si Pokwang at Ai Ai delas Alas COMBINED.

Salamat po!

Biyernes, Agosto 27, 2010

Tips kung paano gumawa ng entry kung tinatamad kang magsulat

Hindi ba minsan medyo nakakaubos ng ideya kung halos lagi kang naguupdate ng blog mo. At kahit itaktak mo ang utak mo sa plato eh walang lalabas kundi luga lang.

Kaya heto ang mga tips kung paano gumawa ng isang blog entry kung tinatamad kang magsulat:

* Humanap ng mga picture na nakakatawa sa internet at lagyan ito ng caption
* Tumingin tingin sa youtube, humanap ng pinakacool na bidyo at ipost din
* Gumawa ng music video at subukang magpakyut
* Maglagay ng mga jokes kahit luma ,malay mo baka bumenta pa rin
* Humanap ng mga quizzes at kung ano pang nakakapagbuhay ng iyong mga braincells


Panghuli………….

* Magpost ng tips kung paano gumawa ng isang blog entry kung tinamad kang magsulat.


PAANO NA NGA KAYA????


1. Paano kaya kung ito ang pangarap ng anak mo?

*mukhang malaki kita dyan

2. Paano na lang kung biglang sumali ang pusa sa volleyball?

*magaling umispike yan


3. Paano kung ang inaasam asam mong PSP ay ito pala ang laman?

Malas mo kung 2 in 1 pa yun

4. Paano na lang kung ang inaakala mong seksi sa myspace o friendster eh ito talaga ang picture

*hita lang nya katawan ko na!


5. Paano na lang kung ganito ang amuzement park?

HIS Vagina talaga eh!!


6. Paano kung bigla kang maihi habang naggygymnastic ka?

*Kinabahan lang siguro?? Agaw eksena ang ihi!


7. Paano kung ganito ang discount mo?

*nice mukhang nakamura ka ah!!


8. Paano kung ganito ang headlines sa dyaryo?

* paano nangyari yun?Lakas tama ng dyaryong to!


9. Paano kung ang ninuno mo ay isang EMO ?

Meron na palang EMO nun! Adik!


10. Paano na lang kung ganito ang hitsura ng anak mo

*Eh kay cute namang bata, sarap tampalin sa nguso!


JOKE TIME


Sigaw ng nire-rape na babae, “Tulong! Tulong!”Sabi ng rapist, “Huwag ka nang humingi ng tulong! Kaya ko ‘tong mag-isa!”“Sure ka?” sey ng babae. “Ok. Huwag na! Huwag na! Kaya na raw niya!”
______________________________

Umuwing umiiyak ang anak…

ANAK: Inay, sabi ng kalaro ko… pangit daw ako! Hu! Hu! Hu! Hu!

INAY: Anak, ang kagandahan ay nasa loob… kaya huwag kang lumabas

____________________________

May nakapagsabi na ba sa ‘yong, “Ang cute mo”?Kung wala pa… wala tayong magagawa.

__________________________

Hinoldap ng limang lalaki ang isang bus…

HOLDAPER: Rereypin namin lahat ng babae rito!

POKPOK: Ako na lang po! Maawa kayo sa kanila!

LOLA: Wooooo! Epal ka! Lahat nga raw, eh!
_______________________

“Nay Oh!”

NGONGO, kumakanta ng JAI HO
________________________

BINATA: Pangit ba ‘ko?

DALAGA: Walang ginawang pangit ang Diyos… pero ewan ko lang kung may Diyos ka. Baka anti-Christ ka?
________________________

Sa mall…

LOLA: Huwag kang bibitiw sa palda ko, baka ka mawala.

APO: Opo.

(Makalipas ang dalawang oras…)

LOLA: Guard, may nakita ka bang bata na may dalang palda?

___________________________

Sabi niya, guwapo siya… napansin ko nga…Mula ulo… mukhang paa.

_________________________

PULIS: Lola, ba’t pinagsasaksak n’yo ‘yung rapist?

LOLA: Aba! Pagkatapos niya akong hubaran, bigla siyang tumayo at nagsabi na, ‘Joke-joke lang, lola!’ Eh hindi naman ako nakikipagbiruan sa kanya!
____________________________

SIR: Inday, naalis mo na ba ‘yung mantsa sa barong Tagalog ko?

INDAY: Yes, sir!

SIR: Good! Ano’ng pinang-alis mo?

INDAY: Gunting po, sir!
______________________________

DALAGA: Ano’ng tinitingnan-tingnan mo d’yan?!

BINATA: Sorry. Akala ko kasi, maganda ka. Hindi pala!


Hehehe , see instant entry!!!! ASTIGGGGG

Martes, Agosto 24, 2010

HOSTAGE!!!


Lumiliyab ang twitter kahapon. Akala ko ay si Charice Pempengco na naman ang hot trending topic (today, Venus Raj ay pangalawa sa hot trending topic), baka nagpa botox uli ng mukha, lol ngunit hindi pala.

Alas syete ng umaga pa raw nang magsimula ang hostage taking na ito. Sa mismong Quirino Grandstand, isang tourist bus lulang ng ilang mga Chinese visitors ang hinostage ng isang ex-police na si Rolando Mendoza. Hindi ko nasimulan ang mga eksena, Pero kinagabihan, isang feed ang aking nabasa sa twitter na nag-ugat na sa napakaraming post ukol sa nangyayaring hostage taking. Pagkabukas ng telebisyon, bidang bida ang bus na ito habang ang background ay ang voice over ng newscaster.

Matindi daw ang tensyon sa lugar na pinangyayarihan. Hindi makalapit ang mga pulis sa pag-aakalang idadamay ng hostage taker ang mga sibilyan sa loob. Ilang oras pa ang lumipas, isang sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala. Napilitan ang lahat ng umatras at tumungo sa isang ligtas na lugar. Ilang oras pa ang lumipas ng makatakas ang Pinoy na drayber ng bus at isinisigaw na "patay na ang lahat ng tao sa loob". Kumilos ang mga awtoridad upang pasukin ang tensyonadong bus. Para-paraan kung paraan na lang, makapasok lang. Sa ilang ulit na trial and error, naisip na rin nila na bombahin ng tear gas sa loob, nang masulasok ang hostage taker at lumabas. Ilang minuto pa, lumitaw ang katawan ng isang lalaking nakauniporme nang pulis sa basag na main door ng bus. Nakumpirma na tinamaan ng isang sniper at eto na nga si Rolando Mendoza.

Sa labing limang lulan ng Chinese bus, anim ang survivor. Hindi na masama, lol. Anong hindi na masama? May namatay pa rin. Ang ilan ay may gilit sa leeg, ang iba ay ginamit pang human shield ni Mendoza. At ano nga ang naging plano ng ating mga kapulisan sa malagim na insidente na ito? Ang tanong pala ay nagplano nga ba sila

Hayun at iyon naman pala ang konkretong plano nila, magtago sa likod. Hindi ko rin naman masisi ng husto ang ating mga magigiting na kapulisan at kung ako rin naman ang nasa lagay nila ay magpapakasigurado ako sa aking sarili. Baka nga naman ako tamaan ni Mendoza! Nakita ko pang minsan nang hindi nila madistrongka ang main door ay gumamit ng tali. At ang matindi ay pinabatak pa ito sa mobile nila. Ehem, naimbento na po ang kadena. Mas matibay. May SWAT daw na rumisponde...Sugod Wait Atras Tago=SWAT! lol. Joke lang po sa ating mga kapulisan.

Punta tayo sa napakaraming media na nagpupumilit makakuha ng scoop para sa network o company na kanilang pinagtatrabahuan. May tanong ako, dapat ba talagang ikinocover ang mga ganung taktika ng SWAT sa isang maselan at mapanganib na hostage taking na iyon? Di ba, malawak na ang teknolohiya, isang text lang kay Mendoza ay alam na nito ang ginagawa o mga balak gawin ng pulisya sa labas. Hindi ba parang sumobra ng media? Parte pa ba ito ng press freedom?

Sa pulisya, job well done? aurgh! ilang oras? Mahigit 12 oras na tensyon. Ilan ang namatay? Ilan ang taong humuhostage? Ilan ang pulis na nakadapa sa labas? Ano na ang nangyayari sa training daw ng ating kapulisan kasama ang mga sundalo ng Amerika? Kung saan-saan kasi nagpupupunta, hindi umaatend ng training... Hindi ako tutol sa SOP na kanilang isinagawa, dahil isinaalang alang lamang nila ang lagay ng sitwasyon at mga maaaring mangyari at madamay sa isang maling galaw lamang. Nagkulang siguro sa tamang diskarte.

Magiging malaki ang epekto ng nangyaring ito sa imahe ng ating bansa sa pandaigdigang kalakaran, lalo sa industriya ng turismo. Ano ang plano ng ating presidente ukol dito? Sa mga bikitima, ano ang konkreto nilang hakbang upang mapangalagaan at matiyak na maibibigay ang kanilang mga pangangailang medikal at counselling habang nagpapagaling sa ating bansa? At ang matindi, ano ang napulot na mga aral pagkatapos ng isang malagim na insidente, sa kanilang mga kapwa pulis.

At, syempre sa lahat ng mga tensyonadong pangyayari, hindi nawawala ang nakatutuwang mga eksena. Aba, nagugutom din naman kahit ang hostage taker, kelangan din naman nyang magpadeliver ng pagkain. Libreng pluging ah. Lol





**************
CONGRATULATIONS!!
Kay Venus Raj sa pagsali sa TOP 5 ng Miss Universe 2010!

Naibalik ang magandang imahe ng ating bansa
Literal ang kagandahan :)

Biyernes, Agosto 20, 2010

CHILDHOOD STAGE

Habang ako ay nagbobrowse ng aking mga files kanina, eh meron isang file dun ang talaga namang umagaw ng aking atensyon. Medyo syempre nung nakita ko yun natawa at talagang tinitigan ko sya ng matagal.


Nangingig ang aking laman noong makita ko ito, ito ang pagkakyut kyut na piktyur ko nung bata. DYARAN…..


Noong mga panahon na yan bungal ako dahil mahilig akong kumain noon ng TIRA-TIRA at MIKMIK.Maitim din at puro kuto pa ako, dahil gusto kong magbabad sa araw.
At medyo dahil sa pagmumukha na yan sari-saring mga panlalait ang inabot ko sa mga tao. Isa na dyan ang kumare ng nanay ko.

Kumare ng Nanay ko: Anak mo ba ito?Bat parang kakaiba sa mga kapatid nya?Ahhh mare kaya nyo pala itinigil ang pag-aanak ni pare kasi panget na ang susunod!hahahaha

Yan ang sabi ng kumare ng nanay kong mukhang mangkukulam, parang sinabi nyang dahil panget na “genes” ng nanay eh kailangan na nilang tumigil sa pag-aanak ( Noong mga panahon na yun gusto ko sanang salaksalin ng sandok ang ngala-ngala nya!).

Isa pa, ito naman ang sabi ng kaibigan ng kuya ko:

Kaibigan ni Kuya: Bro, kung ano ang ikina-gwapo mo eh sya namang ikinapanget ng kapatid mo! Whahahah

Iyan naman ang sinabi ng kaibigan ng kuya kong kamukha ni BABALU. (eh kung sunugin ko kaya ang baba nya at gawin kong barbeque!)

Heto pa kamo, hindi rin ako nakalusot sa nagbabagang dila ng mga kaklase ko

Kaklase ko: Alam mo sa inyong magkakapatid, ikaw ang PINAKALATAK (sa ingles impurity)
Kamusta naman yun? Wow !dumadagundong sa tenga! Sarap tampyasin ang mga dila at ipakain sa buwaya!

Basta marami pa yan, at ikukuwento ko sa inyo sa mga susunod na araw. Kaya tuloy lumaki akong mahiyain (daw), at dala na rin siguro ng mga panlalait na yan, kaya heto hukot ako!(dahil lagi akong nakayuko). Kulang sa kumpansya sa sarili, at pakiramdam ay laging pinagtatawanan ng mga tao. Basta ang laki ng naging epekto ng mga panlalait na yan sa aking makulay na”childhood”.Kaya ano ang aking panlaban………....tenen………… magyabang!!!

Okay buti na lang at medyo lumaki, tumangkad at ……………….bumait (sige pwede na rin yung gumwapo). Yun nga lang kahit na puri-purihin ako, hindi ko pa rin maramdaman! Dahil talaga malaki ang naging epekto nito sa aking buhay sa ngayon.

Kaya minsan kahit pinipilit na nila akong mag-artista, ayaw ko talaga!(hahahha!).Minsan naman halos kaladkarin na nila akong sumali sa Ginoong Nabua,ayaw ko pa rin! (KAPALPEYS!!) Ayaw ko, kasi nga pakiramdam ko may sisigaw sa mga manonood ng “Bakit sumali yan, eh kay panget panget naman nyan!!”. Eh baka hindi ako makapagpigil eh hagisan ko ng dinamita ang bunganga nya!Hehhehe

Oo nga pala, alam nyo ba na ayon sa pag-aaral ng mga sikolohista (psychologist) na pinakamahalaga sa buhay ng tao ay ang kanyang “childhood stage” (edad 1-12). Dahil dito nanggagaling kung anong ugali meron tayo sa ating pagtanda. Malaki ang epekto ng ating pagkabata sa buhay natin ngayon. Kaya tingnan nyo yung mga inaabusong kabataan, lumalaki din tuloy silang nanakit din. Ang mga batang spoiled brat sila naman yung nagiging mga mainipin at magagalitin.
At natatandaan nyo pa ba ang Marshmallow Test?( ngayon kung hindi pa,pakisearch na lang!)Basta ganito yung resulta, ang mga batang sumunod sa instruction na wag kainin ang marshmallow agad ay sila yung mas naging matagumpay sa buhay noong lumaki na sila kaysa sa mga batang kinain agad yung marshmallow at hindi sumunod sa instruction. Ganun yun!

Kaya mahalaga talaga ang childhood stage dahil ito ang magsasabi kung anong klaseng tao tayo ngayon. Kaya tandaan natin mahalaga ang pagkabata, at sa anak o magiging anak natin, ingatan natin ang kanilang pagkabata at kamusmusan. Dahil ito ang pinakakritikal na estado ng buhay ng isang tao. NAKS MEGANUN!. Sabi ko sa inyo may mapupulot rin kayong aral sa blog ko!hahahah

P.S

Sa tuwing pinapakita ko yung piktyur ko na yan nung bata pa ako, walang naniniwala na AKO yun (akala kasi nila si Rene Requiestas yun nung bata, sumalangit nawa ang kaluluwa nya). Walang kabakas bakas na ganun daw ang hitsura ko noon dahil ngayon ang kamukha ko daw ay si Piolo Pascual (after the accident and head injury)hahahha!

Lunes, Agosto 16, 2010

OI Punk



PUNK ZAPPA
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

After ma-high sa nakaka-hypnotize na “Minsan”, nakarinig ako ng isang paksyet na boses.. Mga ten seconds lang naman pero parang bigla akong naasar. Pinindot ang rewind button ng aming karaoke machine sabay tingin sa cassette sleeve ng "CiRcuS" (oo, medyo sinaunang jeJEm0n ang pagkalayout ng title ng album cover). Punk pala ha. Eh obvious naman na word play lang ito sa pangalan ni Frank Zappa. Hmmm, pareho pa kami ng hobbies ah. Humilata nalang ako ulit at itinuloy ang pakikinig sa malufet na second album ng Eraserheads….



NO ROYALTY FILLER NO.9
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

A-ha! Bibili ako ng tapes ng Nirvana, Pearl Jam, Sepultura, Alice In Chains, Soundgarden, Rage Against The Machine, Panteyra. Tsaka yung The Red Hot Chili Peppers band. Tsaka lahat ng klase ng grunge, tsaka lahat ng death metal, ok? Tapos, i-mememorize ko yung lyrics kahit chorus lang, ok?

Tapos, magpapakalbo. Magpapa-mohawk. Magpa-longhair kaya ako?

Tapos, magpapa-tattoo ako. Dapat yung nakakatakot. Ah dragon pare. Tapos, yung dragon nakatusok sa stick. Tapos, yung stick nakatusok sa ulo ni Charles Manson, Jr. Cool yun ‘di ba?

Tapos, dapat meron akong boots. O kaya lumang Konbers para sa slam dancing. Tapos, oi! Bibili ako ng Nirvana t-shirt. Hindi yung yellow ha! ‘Yung red!

Tapos, magpapahikaw ako. Tapos, ‘di pwede na akong makitribu sa mga kamukha ko. Oi! Tapos, pwede na kaming tumambay sa Club Dredd. Sa labas lang ha.

Tapos, ‘pag Linggo, pupunta kaming lahat sa, sa Megamol. Tapos, aabangan namin yang mga hifhaf na yan. Tapos, pag-uumpugin ko yang mga kinginingining breakdancer at mga “Yo!” na ‘yan eh. Tapos, bubugbugin namin sila. Tapos, kukunin namin yung mga DM’s nila.

Ok ba yun? Oi!
Amen!? Gusto nyo?
Amen!
Tiyak yon!
Amen!

Napapa-headbang na ako sa "Insomya", napapa-tee-dee-dee-dee sa "With A Smile", at naaaliw na sa kakaibang tunog ng "Alkohol", "Wishing Well", at "Kailan" kumpara sa mga kanta sa Ultraelectromagneticpop nang pumasok nanaman sa eksena itong si Punk Zappa. Ang kulet-kulet niya! Akala ko ten seconds lang kaya jumingle muna ako pero pagbalik ko ay nagsasalita pa rin siya. Napatakbo tuloy ako at kinuha ulit ang album sleeve. Another album filler na nagmumukhang interesante. Konting rewind, then press play. Idinikit ko na 'yung kaliwang bingi kong tenga sa speakers para maintindihan na 'yung sinasabi niya.

Hmmm...mukhang magkakasundo kami nitong si PZ dahil pareho kami ng mga peyborit bands. Kahit na 'yung iba nga lang na kanta nila ay chorus lang din ang alam ko! Naging member ako ng "chorus boys" noh! Wala akong hikaw dahil binalaan na ako ni ermats na tatanggalin niya ito kasama ang tenga ko noong mahimasmasan siya sa pagkakahimatay nang makita niya ang mumunting astig na tatoo ko sa kanan kong balikat. Mga five millimeter lang naman ang liit! Inggit kasi ako sa mga kabanda kong sila Lakjo, Jay D., Bogs, at jay V. kapag pinapakita na nila ang mga pang-preso nilang mga skin art.

Oi, pareho rin yata kami ng get-up ni PZ. Meron akong Nirvana t-shirt pero yellow. Nakabili rin ako ng Chakte at boots na imitation dahil 'yun ang uso sa mga konsiyerto. Sayang at 'di kami nagkita habang tumatambay sa labas ng Club Dredd. Okay na sa labas kasi maririnig mo naman 'yung tumutugtog sa loob.

Galit din kami sa mga paksyet na hiphoppers na tumatambay sa Skating Rink ng Gamol. Riot kapg nagku-krus ang aming mga landas!


PROF. BANLAOI’S TRANSCENDENTAL MEDICATION AFTER EVERY SIX MONTHS (PUNK ZAPPA THREE)
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

Tapos manonood kami ng underground concerts. Kahit hindi underground basta maingay at tsaka grunge. Tapos hindi ako magdadrugs dapat walang amats ‘di ba? Tapos titinggilin ko yung t-shirt ko para makita nila yung tattoo ko at tsaka yung hikaw ko. Tapos maghe-headbang ako at tsaka syempre magbabackstage step ako. Sana wala dun si Dennis. Ay hinde aakyat na lang ako ng flagpol tapos dun ako tatalon syempre sasaluhin ako ni Kart. Ginawa yun ni Eydi Beyder ‘di ba? Tapos ‘pag neygatib yung vakalist papatayin ko siya para may makwento ako kay lola.

Shet! Na kay lola pa yung tape ko ng Panteyra. Hi lola. Tapos ‘pag pagod na ‘kong mag-headbang magslam dance pa rin ako sa gitna ng slam pit. Tapos magyoyosi ako. Tapos syempre dapat peace lang tol ‘do ba? Dapat hindi ako mapraneng mapraneng mapraneng.

Tapos ‘pag tapos na yung concert syempre uwi na ‘ko. Ta’s ‘pag nasa bahay na ‘ko manonood na ‘ko ng House of Noise Channel B! Wow idol yun pare hi-tech sampung oras puro noise!

Tapos magaaral akong mag-gitara! Tapos bibili ako ng kobrayderintergalacticmotionsettertechnogadget! Tapos bubuuin ko na yung The Armpit Band.

Tapos gagawa kami ng original composition gan’to. Dyen-dyen-den-dyen dyereren-dyen-dyen. Tapos double time dyen! Tapos lead. Tapos ipapadala namin sa radyo yun, yung demo. Tapos tapos syempre magna-number three na kami sa countdown. Tapos bebenta ko yung original composition ng five thousand peysos para sa compilation name DIGISKASBARJIBABARANDASPOPOROJI, kilala nyo siya? Tapos syempre magnanumber one na kame. Tapos ‘di bale irerelease na kame sa major label.

Tapos magtutour na kame hrreyg sa buong Pilipinas sa buong Pilipina. Tapos syempre kukunin na kami sa mga commercials, ganon. Tapos ‘pag dumating na yung mga royalties tsaka ‘pag madaeng madaeme na ‘kong pera tapos bibili ako nang tig-tu-two na kotse. Tapos tsaka syempre ‘di bibili na ‘ko ng mga susunod pang album ng Nirvana.

Shet! Trapik na naman sa EDSA! Ah bili na lang kaya ako ng bag sa jumaliteyk mukhang mas jupengpeng yung yellowgreen. Red na brownies rasta ngarod manong! Pak padreadlocks na lang kaya ako? Mag-manage kaya ako ng banda? Magtayo ng studio? Haaah

Amen?
Amen!
Gusto nyo?
Amen!
Tiyak yan!
Amen!


'Di pa pala end ang career ni PZ pagkatapos kong mapakinggan ang "Sa Wakas" sa Side B. Meron pa palang pahabol bago ang hidden track na piano version ng "Kailan".

Akala niya siguro siya lang ang may kaya sa ginawa ni Eddi Vedder sa music video ng "Alive". Kaya ko rin 'yun gawin sa moshpit na punung-puno ng mga bollocks. Hindi ako nasusuntok kasi peace lang kaming mga slammers. Ang sarap pagkuwentuhan ng mga natapos na gigs kapag mabote at may hithit na yosi.

Dahil sa mga videos ng napapanood kong banda sa MTV Headbanger's Ball ay nagtayo rin kami ng sariling banda. Nangarap na marinig sa radyo. Nagawa namin 'yun sa WEB 99.9's "In the Raw" pero hindi kami sumikat. Nakatugtog ang Demo from Mars sa iba't ibang underground scene pero hanggang Bicol lang. Wala man lang bumili ng kanta namin kahit na one thousand pesoses o libreng inom at kain para sa isang compilation appearance. Siguro dahil talagang traffic lang sa EDSA kaya 'di kami nabigyan ng break. Hanggang ngayon ay pangarap ko nalang ang magkaroon ng sariling recording studio slash company.


Para sa akin ay ang second album ng Eheads ang pinakamalufet at kung bibigyan ako ng pagkakataon na gawaan ito ng tribute album ay bibigyan ko rin ng importansya si Punk Zappa. Siya lang naman kasi ang nagsisilbing time capsule noong panahon na lumabas ang "Circus". Kapag papakinggan mo ngayon ito ay bigla mong maaalala ang time ng mga posero, ang hiphop versus metal, panahon ng gitara, MTV, at siyempre ang trapik sa kalsada!

Amen?
Amen!
Gusto nyo?
Amen!Tiyak yan!
Amen!

Miyerkules, Agosto 11, 2010

Ramadan Kareem


Ngayon ang pinaka umpisa ng ramadan. Ito ay ang pinaka holy-month ng mga kapatid nating muslim di lang sa pinas kundi sa ibat ibang panig pa ng mundo. Dito sa middle east kung saan ang pinaka sentro ng muslim religion eto ay napaka sagrado.Ito ang way para magnilay nilay, Self-cleansing and of course para narin sa paghihingi ng tawad at guidance galing sa kanilang god na si allah!.

Maraming mga bagay akong nalaman tungkol sa ramadan at kung ano ano ang mga bawal o yung mga hindi dapat gawin pag sumapit ang araw na ito.

1. Ang pinaka basic sa lahat Bawal kumain, uminom at magyosi– Nuong hindi pa ako nakakapagtrabaho dito sa middle east, akala ko nuon ay talagang totally walang kain hanggat hindi natatapos ang ramadan, Kumakain sila as long as walang araw. Para silang vampire na sa madaling araw at gabi lang sila kumakain. Fasting sila for almost 1 month.

2. Naguumpisa ang ramadan base sa buwan/Moon- Ang pinaka basehan ng mga muslim ay hindi sa karaniwang kalendaryo na ating ginagamit. Meron silang sariling Kalendaryo at base dun, 9th month of their calendar nila inuumpisahan ang ramadan.

3. Bawal mag sex from dawn til sunset – Ok lang kasi sinu ba namang makikipag-BEDminton(sex) ka tanghaliang tapat diba?? pero ewan ko lang sa iba dyan ehem! LOL

Yan lang yung mga nalalaman ko sa ngayon tungkol sa ramadan.

Sa aming mga NON-muslim people. Allowed parin naman kame gawin ang regular DO’s as long as ito ay patago at malamang hindi ito nakikita ng mga Muslim people.

Sa ngayon wala parin namang pagbabago ganun parin. Pwera nalang dun sa mga muslim dahil half day lang ang trabaho nila kameng mga non-muslim ay regular hours parin ang trabaho. LUge futah!


Happy Ramadan Al-Kareem!

Martes, Agosto 10, 2010

Bekimon!!

After ng jejemon, juskopong pineapple na bongang-bongang, may sumunod na fever!!! Eto ang Bekimon. Nakita ko ito sa wall ng aking kaklase sa high school at napatumbling ako sa kakatawa at pilit pag-unawa sa lenguahe nila. Nakakaaliw kasi naman parang nagkaroon ng video version ang mga baklang maton. heto ang video ng excuse letter ng anak na ginawa ng baklang ina para sa teacher.

Linggo, Agosto 8, 2010

KABABUYAN MO ALDRINO!!

C.R, kubeta, taehan, palikuran, toilet, washroom at kasilyas. Iba iba man ng katawagan pero iisa lang din ang gamit nyan! Ano pa kundi imbakan ng TAE at sama ng loob natin!

Syempre yan din ag pinakapaboritong parte ng bahay namin kaya naman medyo nagulat ako sa mga kubeta dito sa UAE. Sa totoo lang nahihirapan akong tumae dito. Kasi nga kailangan mong mag-squat at pumorma na parang palakang tatalon. Eh kaya ngawit na ngawit ako pag tatae sa ganyang kubeta. Minsan di ko na talaga alam kung paano puporma sa pagtae dahil pakiramdam ko mabubuwal ako o di kaya maudlot ang paglabas ng tae . Minsan naman nagkadapawis pawis na ako , hindi dahil hirap akong tumae kundi hirap akong humanap ng posisyon.

Ganito ang kalimitang kubeta dito sa UAE

Minsan naman ganito, yung tipong kahit puwet mo mahihiya at magseselan!Sabay sabing Ewww so kadiri naman the toilet! (Ta-ma! Nagsasalitang pwet!)

Medyo nung bata ako madalas akong tumatae sa sanga ng punong mangga . (baket di mo rin ginawa yun ha? Arte?!?). Ang tissue paper very accessible kasi isang pitas lang sa dahon ng mangga may pamandepot o pamunas ka na. Presko at mahangin pa! (See, san ka pa?)

Pero wala kayo sa kababata kong si Lakjo, nasa puwet palang yung tae kinakain na ng aso (fiesta??), Pagkatapos dinidilaan pa yung puwet nya. Libreng hugas ika nga!
Iyon nga lang ng lumaki-laki na ako, medyo nakasanayan mo na rin gamitin ang ordinaryong kubeta ngayon. Yung tipong uupo ka sa trono sabay buklat ng dyaryo at inom ng kape ( talagang may kape pa?). Kaya naman medyo nahihirapan talaga ako ngayon ,tuwing gagamitin ko ang kubeta sa UAE .

Kaya naman madalas na lang akong tumatambay sa CR ng kaibigan ko. Dahil dalawang puwet lang ang pwedeng gumamit nun, ako lang at ang kaibigan ko.Nakandado yun palagi at may susi rin ako.

Masarap dun kasi de aircon yun.Tapos laging may tissue ,paper towel, handwash, at may hand sanitizer pa sa gilid .Kaya kahit katatapos mo lang tumae puwede ka na uling kumain ng chizcurls at didila-dilaan mo pa yung dumikit na mugmog sa kamay mo .

Saka isa pa sa maganda dyan sa CR na yan may hose sa gilid na itatapat mo lang sa puwet! Di mo nakailangang kapa-kapain ang tae at salatin kung may buo buong mais.
Teka heto ang piktyur para makita nyo.


Pwede mong halikan ang inodoro sa sobrang linis.

Presko at maginhawa dito


Ano sa tingin nyo?Pang hotel ang CR noh, kaya nga sa susunod magdadala na ako ng kumot at unan dyan. Dyan na ako titira!! (makapagdala nga ng folding bed bukas!)

Ano naman ang mapupulot na aral dito?Eh di ko alam? Meron ba? Siguro masasabi ko lang ay sa TAE walang mahirap o mayaman,walang panget o maganda , lahat ay pantay pantay dahil pare pareho lang ding MABABAHO ang tae natin. At kahit ano pa ang ipasok mo sa bibig mo, tae lang din ang kalalabasan nito. Kaya walang pwedeng magmalinis dahil pare-pareho lang ding mabaho ang nilalabas natin sa ating mga puwet.

Kaya kung medyo nadedepress ka kung bakit ganito sila o mas angat sila sa iyo. Wag malungkot at isipin mo na lang din na...............“MABAHO DIN ANG TAE NYAN!! Kaya Kwits lang!
At kung may magmalinis sa iyo, sigawan mo at sabihing " TAE MO NGA MAY MAIS PA!!!" Kaya titigil na yun!

salamat…

Sabado, Agosto 7, 2010

TEACHER'S PET



Noong elementary at Hayskul ako, masasabing kong ako ay isang “CERTIFIED TEACHER’S PET”. Hindi dahil sa paborito ako ng mga titser ko, lalong hindi dahil sa aking angking kapogian at katalinuhan noon. Kundi dahil sa isang bagay lamang,..........ako ay isang UTO-UTO.

Noong elementary, ako ang madalas utusang pabilhin ng tanghalian ng mga hinayupak kong mga Titser. Pati pasador o sanitary napkin nila sa akin pa binabibili. Nakakahiya daw kung sila ang bibili (PUTCHA NAMAN!! eh sino mas kahiya-hiya?eh di ba ang isang batang lalaking bumibili ng Whisper ---with wings??)

Hindi na ako nakapaglaro pa ng TEKS saka ng HABUL-HABULAN kapag lunch break, dahil madalas ako rin ang taga-alis ng mga UBAN nila sa ulo. Sarap na sarap ang mga kampon ni Misis Eriola, dahil habang binubunutan mo sila ng UBAN eh nagugulat na lang ako dahil naghihilik na sila at tumutulo pa ang laway nila sa shorts ko. (Sarap tusukin ng MONGOL NO.3 sa ilong nila, mga PUT@&*^&*)

Noong naghayskul naman ako, ganun pa rin. Siguro nga dahil ako ang pinakamaliit sa klase, kaya alam nilang wala akong kalaban laban sa mga kagustuhan nila. Pwera pa sa aking ubod na inosenteng pagmumukha kaya hayun NAUTO na naman ako.

Ako ang inuutusan nilang sumundo sa mga anak nila sa iskwelahan tuwing tanghali. Instant YAYO ang dating ko, dahil ako rin ang tagabitbit ng mala-PRIDJIDER nilang BAG. Sana kung mga kyut at mababait yung mga sinusundo ko. Eh putah! Parang mga anak ng Dinosaur ang pagmumukha at mga pasaway pa sa kalikutan at kapilyuhan. Sarap tirisin at kutusan sa noo.

Ako rin ang tagasingil sa mga kaklase kong bumibili ng yema, pulburon, langgonisa at patola na tinitinda ng titser ko sa klase. Madalas din akong inuutasang tumao sa “canteen” tuwing recess, o di kaya taga-bili ng repolyo, carrots at sibuyas sa palengke para sa sopas na ititinda sa canteen.
Ako rin ang tagabitbit ng kanilang mga gamit sa umaga at tagadala ng mga NA-ARBOR na project sa kanilang bahay. Minsan kasama ko LAKJO, yung kaklase kong mukhang TARSIER dahil sa laki ng mata nya., sa lahat ng mga pinag-uutos na mga MAHAL NA REYNA at KATAA-TAASANG HARI (mga titser ko).

Di pa kasama ang EXTRA-CURRICULAR ACTIVITIES namin ni LAKJO tuwing Sabado. (This includes pag-gagarden, pag-iigib ng tubig, tagasibak ng kahoy at tagaflorwax sa bahay ng titser namin)

Ganyan ang naging buhay ko noong estudyante pa ako, kaya noong nag-Terd yir Hayskul na ako, doon na ako magsimulang magrebelde. Kaya di na nila ako nautusan pa.

Pero alam nyo di naman ako nagsisisi sa pagiging UTO-UTO ko noong estudyante pa ako. Naging parte yan kung ano ang meron ako ngayon. Siguro marahil PROUD din sa akin ang mga titser ko na yan, dahil ang estudyante nilang intus-utusan NON, ay nagsusumikap magtagumpay, NGAYON. (NAKS, YUN YON EH!)

Pero.............. babawian ko pa rin sila! Humanda sila (LOLS! Joke lang! )

Kaya ko naman naisulat ito, dahil nakita ko sa FB yung anak ng titser kong lagi kong hinahatid at sinusundo tuwing tanghali . Mga malalaki na sila, grabe! Kaya naman bumbalik sa ala-ala ko ang lahat ng mga iyan.

salamat.....

Miyerkules, Agosto 4, 2010

May Pag-asa pa naman ang Pilipinas di ba? pagtingin mula sa mga OFW

panoorin nyo ito:

Masakit na isipin na kailangan namin magtrabaho sa ibang bansa para lang kumita ng pera. Masakit para sa amin na iwan ang aming pamilya sa ibang bansa kapalit ang pag-asang giginhawa ang aming buhay. Masakit para sa amin na iwan ang bansang aming sinilangan at pakipagsapalaran sa bansang iba ang kultura at wika. Masakit sa amin na ang ibang bansa pa ang nakikinabang sa aming talino, talento at kakayahan. Ngunit lalong masakit para sa amin na minsan isinasakripisyo mo na ang buong buhay at kaligayan mo ay aabusuhin ka pa at yuyurakan pa ang ating mga dangal bilang isang Pilipino at bilang isang tao.

Hindi ba madalas nating maririnig sa radio, sa T.V o sa mga pahayagan ang kababayan nating Domestic Helper na minamaltrato o kaya inaabuso ng kanilang mga amo. Tinatrato silang parang isang hayop, alipin at isang mababang uri ng nilalang. Ginagahasa, binubugbog, sinasampal at dinuduran na parang hindi sila kabilang sa mundong ating ginagalawan. Kapalit ng hirap, pagpupunyagi, sakripiyo at pagtitiis ay ang mga suntok, tadyak, sipa at pagaalipusta . Ito ba ang kabayaran ng lahat ng kanilang pagsisikap? Sa pag-asang maiaahon nila ang kanilang pamilya sa kahirapan ang naging kapalit naman ay ang mala-imperyong buhay nila sa ibang bansa dulot ng mga walang awang amo at mga mapagsamatalang mga illegal recruiter na nanloloko sa kapwa nating kababayan. Tao din silang may damdamin, marunong masaktan at marunong sumuko sa lahat ng pasakit at bugbog.Tao rin silang marunong humingi ng saklolo pag malapit na silang bumigay sa buhay. Tao sila……… Tao sila…… Tao sila.

Minsan kahit ipagsigawan nila ng kanilang mga hinaing at saklolo itoy walang magagawa, sapagkat bingi ang gobyerno ng ibang bansa sa hinaing ng dayuhang manggawa, bulag ang awtoridad nila sa mga katulad namin hindi nila kalahi o kababayan, at pipi ang batas nila para sa aming nangangamuhan lang sa kanilang bansa. Subalit mas masakit isipin na kung minsan ang ating kunsulada o embahada ay bulag, pipi at bingi rin sa mga nangyayari sa ating mga kababayan. Nasan ang hustisya, san pa sila tatakbo, san pa sila lalapit para may magtanggol sa kanila. Saan pa……… Saan pa……. Saan pa?

Madalas din kaming nakakaranas ng diskriminasyon buhat sa mga dayuhan. Pakiramdam nilang sila lang ang puedeng manirahan sa mundong ito. Mga komentong nangungutya sa atin bilang isang Pilipino. Mga tingin na may ibang pakahulugan sa iba nating mga kababayan. Tingin na may halong panlalait at pagaalipusta.

Hindi ba madalas may maririnig ka pang mga racist comment mula sa kanila. Nung minsan may nabasa ako sa internet tungkol sa isang “Racist Comment” ng isang puti sa ating mga ginagalang na mga caregiver. Kanilang minamaliit ang kakayanan ng ating kababayang Caregiver kasi galing LANG tayo sa Third World Country. Minsan niisip ko, sino bang Pilipino ang gustong magpunas ng dumi ng iba. Hindi ba, halos pamilya na kung ituring na nila ang mga inaalagaang matatanda, hindi lang serbisyo ang kanilang binibigay kundi pagmamahal din.Pero bakit parang tinatwaran nila ang kanilang kakayahan? Marahil, kung may pagpipilian lang sila, kung magkapareho lang ang sweldo sa Pilipinas at sa bansa ng mga puti, mas pipiliin nila sigurong alagaan ang matatanda sa atin, na kung saan doon ay makakatanggap sila ng respeto at pagmamahal mula sa ating mga Pilipino. Hayaan na lang dumami ang mga matatanda sa mga bansa ng mga puti at sila ang mag-alaga ng kanilang mga kalahi malamang hindi na sila magsasabi pa ng mga ganitong bagay at maintindihan nila kung gaano kadakila ang trabahong ito.

Hindi rin nakaligtas sa pagaalipusta ang ating mga pinapipitagang mga duktor at nurses sa Amerika. Kanilang pinagdudahan ang kakayahan ng ating mga duktor at nurses sapagkat sila ay galing sa mga unibersidad dito sa Pilipinas. Minsan iniisip ko kung mas malaki ang sweldo ng mga duktor at nurses sa ating bansa kesa sa bansa ng mga puti, malamang mas pipiliin pa nilang bigyan ng serbisyo ang mga kapwa nating Pilipino na mas nangangailangan ng kanilang tulong at serbisyo. Hahayaan na lang kulangin sila sa mga nurses at duktor sa bansa ng mga puti, malamang sila pa ang hihingi at lalapit sa ating mga Pilipinong duktor at nurse kung nagkataon.
Bakit kaya sila ganun? Pare pareho naman tayong tao ah, ang lahat ng meron kayong mga dayuhan ay meron din kaming mga Pilipino, ang kaibihan lang siguro yung taas, kulay at pagsasalita pero pare pareho lang tayong kumakain, natutulog at nagtatrabaho para mabuhay. Hindi ba karamihan sa mga trabahong ayaw ng mga puti ay ating tinatanggap. Para sa kanila, ang mga trabaho na yun ay mababa, pero para sa atin ito ay isang oportunidad at isang dakilang gawain.

Sino ba ang gustong mangulila sa mga mahal nila sa buhay. Sino bang may gustong manirahan sa isang bansa na hindi mo kalahi, hindi mo kakulay, hindi mo ka wika at hindi mo ka kultura. Sino ba ang gustong manilbihan sa bahay ng ibang tao, Sino ba ang gustong maltratuhin o kaya abusuhin na kung ituring ka ay parang aso o isang alipin na walang karapatang masaktan o humingi ng saklalo. ?Sino ba ang gustong makatanggap ng mga pag-aalipusta at pangunguta? Sino……….Sino……… Sino?

Kung sana’y kasing yaman lang ng Amerika ang Pilipinas, kung sanay kasing unlad lang natin ang Europa. Walang sigurong Pilipino ang gustong manirahan pa sa ibang bansa na kakaiba sya at namumukod tangi sya sa iba. Walang Pilipino ang gugustuhing umalis at iwan ang kanyang pamilya para magtrabaho sa ibayong dagat. Walang Pipino ang magkakadapagod sa pagtatrabaho para sa pag-unlad ng ibang bansa.

Hindi mo alam kung san ba isisi ang nangyari sa PIlipinas, sa gobyerno ba? ( Pero sino ba ang nagluklok sa kanila?) sa tao ba kasi wala tayong disiplina ( Pero sino ba ang dapat mamuno at manguna). Sa mga gumagawa ba ng batas o kaming sumusunod sa batas. Minsan masarap managinip na minsan isang araw titingalain ng buong mundo ang Pilipinas, isang bansang bansang maunlad, sibilisado, malinis at maganda. Pero baka panaginip at pangarap na lang ata iyun.

Kung tatanungin mo ako kung PROUD akong maging OFW at maging Filipino? Sasabihin ko sa iyo:PROUD akong maging isang OFW kasi nakakatulong kami sa ikakagaganda ng ekonomiya, at bayani kami sa mata ng Gobyerno. Subalit sa kabilang banda naiiisip namin nasan na ba yung naitulong namin bakit parang hindi naming nararamdaman, bakit parang wala pa ring progreso ang bansang Pilipinas. Bayani nga ba kami maituturing? bakit parang hindi naman kami pinapahalagahan ng Gobyerno?

PROUD akong maging Pilipino kasi naniniwala ako na magagaling tayo, masisipag tayo, magagalang, malaki ang takot sa dyos at may pagpapahalaga tayo sa ating pamilya. Angat tayo sa mga dayuhan, angat tayo sa lahat. Subalit iniisip ko bakit tayo ngayun ang gumagawa ng trabahong mababa sa kanilang paningin. Bakit tayo ang naninilbihan sa kanila? Bakit tayo ang tumatanggap ng mga trabahong ayaw nilang gawin?

Marahil kung may maganda kaming pamimilian dyan sa pilipinas hindi kami aalis pa ng ating bansa. Kung maganda ang buhay sa atin hindi na kami magpapakagod dito sa ibang bansa na sila lang ang umuunlad at sila ang nakikinabang ng aming mga kakayahan at katalinuhan.Sabi ko nga ,mahirap ang malayo sa pamilya, pero mas mahirap ang wala kang magawa kung kumukulo na ang sikmura ng pamilya mo sa gutom. Mahirap mabuhay mag-isa sa bansang iba ang kultura , pero di hamak na mas pipiliin ko pang matulog mag-isa at mamuhay ng mag-isa kesa matulog ka na di mo alam kung paano ka mabubuhay kinabukasan. Mas mabuti na makaramdam ng pangungulila at lungkot kaysa namang makita mong naghihirap at naghihikahos ang pamilya mo. Ang pangulila at lungkot ay madaling solusyunan at labanan, subalit ang kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay mahirap ibsan at kalimutan.

Kelan nga kaya uunlad ang Pilipinas?Darating pa kaya ang panahon na magiging first world country ang Pilipinas? Darating kaya ang araw na wala ng Pilipino aalis pa ng bansa para lang kumita. Na wala ng Pilipinong maghihirap at magugutom. Na wala ng Pilipinong aabusihin at pagsasamantalahan. Na wala ng Pilipinong kukutyahin dahil sa ating kulay at lahi. Darating pa kaya yun? Kung tatanungin mo ako , Hindi ko alam? Tyak hindi mo rin alam kung kelan? Basta alam ko lang may obligasyon ako para sa pamilya ko at para sa bayan ko. Maging hamak man kami sa paningin ng mga dayuhan, maging api apihan man kami sa ibang bayan kailanman ay magiging Proud pa rin ako kasi Pilipino ako. Akoy isang Pilipinong may dangal sa gawa, may paggalang sa kapwa, may malasakit sa ating bansa at may umaapaw na pagmamahal sa aking pamilya.

Sana nga lang hindi pa huli ang lahat para sa Pilipinas. Alam kong may pag-asa pa ang Pilipinas, alam kong may pag-asa pa!!! MAY PAG-ASA PA NAMAN ANG PILIPINAS DI BA?

Martes, Agosto 3, 2010

Ang Muling pag babalik ni Aldrino sa Baniyas

‘Nung Friday nag pasama ang aking kaibigan na puntahan namin ang pinsan nya sa Abu dhabi. akala ko sa mismong city lang ng Abu dhabi ang punta namin, yun pala sa Baniyas east. Ang punta namin, after 6 years nakabalik rin ako ulet doon. Parang nag-flashback bigla ang lahat ng alaala ko ‘nung nasa baniyas pa ako , bumili ako ng shawarma sa tindahan kung saan dati naming binibilhan ng shawarma malapit kasi yung Accommodation namin dati.

Tapos habang yung kaibingan ko nakiki pagkwentuhan sa pinsan nya ay nagpaalam ako sa kanya na lalabas lang muna ako at magyoyosi. habang nagyoyosi ako sa labas ay pinagmamasdan ko ang dating tinirhan ko ng 2 taon. Na parang gusto ko talagang puntahan ang dating tinirhan ko pero pinagmasdan ko na lang eto at binalikan ko na lang ang mga alala ko sa baniyas.

Lumabas na yung kaibingan ko at yung pinsan nya na nagyaya nakumain kami sa labas. At tinuro ko sa kanila yung bahay na dati naming accommodation at sabi ng pinsan ng kaibigan ko “talaga? pre sige puntahan natin “, sabi ko naman “di na pre, baka may bago ng nakatira dyan, ayos malapit lang pala ako dati sayo,”, hindi ko na sinabi sa kanila na dyan pa rin nakatira ang mga dati kong mga katrabaho sigurado ako napipilitin nila ako bumisita dun,.

Okay tama na nga yang seryus-seryus pwet na yan! Kailangan ibalik ang totoong Aldrino, kaya “Time and space warp ngayon din…….(***insert usok here***) …dyaran…. AKO na uli ito!

Tapos ginamit ko narin ang opportunity na ito na mag ikot-ikot sa Jumia supermarket at syempre bumili ng debede. Nakabili ako ng Avatar: The Last Airbender, I'm soooooooo happy. Oo, nagandahan ako sa movie adaptation nya recently, kaso, 'nung inumpisahan kong panoorin ang cartoons na nabili ko eh, medyo nadisappoint na rin tuloy ako sa movie. Sana hindi ko nalang pinananood ang cartoons.

Natuwa naman ako sa cartoons at parang na excite ako sa mga susunod pa na movie ng The Last Airbender dahil dyan eh, gusto ko na ring maging Airbender. Akalain mong tag 5 derhams lang ang isang debede doon, para ka lang nag merienda ng shawarma at may pepsipa, di hamak na mas mura talaga compared sa Cinema sa Mall. You'll love et.

Anyhow carabao, habang nag iikot ako sa kapusuran ng Jumia supermarket para mag tingin tingin ng iba pang debede eh isa lang ang napansin ko at nairita much ako ng beri beri slight. Kasi nga, habang nag titingin ako ng bibilhing debede eh, tinatanong ako ng indiano ng gan'to, "Porn, Pare?! marami bagong bago ". I'm like, muka ba akong manyak?! Inisip ko nalang baka mali lang ang pag kaka interpret nila sa Aura ko kaya sinubukan kong lumusung pa sa kapusuran ng mga piratang debede store, pawis na pawis ako hanggang betlogs kakaikot sa masisikip na eskinita at Putangina! Same thing, "Porn, Master?! Dito marami blue ray copy Master walang talon talon..." I'm like what the hell?! Master talaga?! Bumili narin tuloy ako, kasi na mimilit sila eh, mahina lang ang katawang lupa ko. Jowwwwwwwwwk!!! Really! hindi ako bumili hindi ako na nonood ng porn bad 'yun.

Ang dami kong alaala dito sa Jumia supemarket, isa sa alaala ko ay 'nung bumili ako ng Debede Player noon. Tinanong ako ng indiano kung anong brand daw ang gusto ko para sa DVD ko. Sabi ko naman gusto ko Sony. Aba ang Puta tinanggal lang 'yung Sanyo na logo na naka lagay sa mismong player at kinabit ang logo ng Sony edi Sony na nga naman. Panalo!

Dito rin ako bumibili ng chocolates na expired na ng one month, pero pwede parin naman dapat lang bilisan mong kumain bago lumayo sa expiration date para hindi ka malason, pag nalason ka naman ibig sabihin na reach mo na ang saturation point na expired chocolates, hindi lang chocolates meron ding delata na expired. At syempre ang mga perfume na murang mura lang. 'Yun nga lang pag spray mo, 2 minutes palang nakakalipas wala na ang amoy sa katawan mo.