TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Lunes, Agosto 16, 2010
OI Punk
PUNK ZAPPA
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls
After ma-high sa nakaka-hypnotize na “Minsan”, nakarinig ako ng isang paksyet na boses.. Mga ten seconds lang naman pero parang bigla akong naasar. Pinindot ang rewind button ng aming karaoke machine sabay tingin sa cassette sleeve ng "CiRcuS" (oo, medyo sinaunang jeJEm0n ang pagkalayout ng title ng album cover). Punk pala ha. Eh obvious naman na word play lang ito sa pangalan ni Frank Zappa. Hmmm, pareho pa kami ng hobbies ah. Humilata nalang ako ulit at itinuloy ang pakikinig sa malufet na second album ng Eraserheads….
NO ROYALTY FILLER NO.9
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls
A-ha! Bibili ako ng tapes ng Nirvana, Pearl Jam, Sepultura, Alice In Chains, Soundgarden, Rage Against The Machine, Panteyra. Tsaka yung The Red Hot Chili Peppers band. Tsaka lahat ng klase ng grunge, tsaka lahat ng death metal, ok? Tapos, i-mememorize ko yung lyrics kahit chorus lang, ok?
Tapos, magpapakalbo. Magpapa-mohawk. Magpa-longhair kaya ako?
Tapos, magpapa-tattoo ako. Dapat yung nakakatakot. Ah dragon pare. Tapos, yung dragon nakatusok sa stick. Tapos, yung stick nakatusok sa ulo ni Charles Manson, Jr. Cool yun ‘di ba?
Tapos, dapat meron akong boots. O kaya lumang Konbers para sa slam dancing. Tapos, oi! Bibili ako ng Nirvana t-shirt. Hindi yung yellow ha! ‘Yung red!
Tapos, magpapahikaw ako. Tapos, ‘di pwede na akong makitribu sa mga kamukha ko. Oi! Tapos, pwede na kaming tumambay sa Club Dredd. Sa labas lang ha.
Tapos, ‘pag Linggo, pupunta kaming lahat sa, sa Megamol. Tapos, aabangan namin yang mga hifhaf na yan. Tapos, pag-uumpugin ko yang mga kinginingining breakdancer at mga “Yo!” na ‘yan eh. Tapos, bubugbugin namin sila. Tapos, kukunin namin yung mga DM’s nila.
Ok ba yun? Oi!
Amen!? Gusto nyo?
Amen!
Tiyak yon!
Amen!
Napapa-headbang na ako sa "Insomya", napapa-tee-dee-dee-dee sa "With A Smile", at naaaliw na sa kakaibang tunog ng "Alkohol", "Wishing Well", at "Kailan" kumpara sa mga kanta sa Ultraelectromagneticpop nang pumasok nanaman sa eksena itong si Punk Zappa. Ang kulet-kulet niya! Akala ko ten seconds lang kaya jumingle muna ako pero pagbalik ko ay nagsasalita pa rin siya. Napatakbo tuloy ako at kinuha ulit ang album sleeve. Another album filler na nagmumukhang interesante. Konting rewind, then press play. Idinikit ko na 'yung kaliwang bingi kong tenga sa speakers para maintindihan na 'yung sinasabi niya.
Hmmm...mukhang magkakasundo kami nitong si PZ dahil pareho kami ng mga peyborit bands. Kahit na 'yung iba nga lang na kanta nila ay chorus lang din ang alam ko! Naging member ako ng "chorus boys" noh! Wala akong hikaw dahil binalaan na ako ni ermats na tatanggalin niya ito kasama ang tenga ko noong mahimasmasan siya sa pagkakahimatay nang makita niya ang mumunting astig na tatoo ko sa kanan kong balikat. Mga five millimeter lang naman ang liit! Inggit kasi ako sa mga kabanda kong sila Lakjo, Jay D., Bogs, at jay V. kapag pinapakita na nila ang mga pang-preso nilang mga skin art.
Oi, pareho rin yata kami ng get-up ni PZ. Meron akong Nirvana t-shirt pero yellow. Nakabili rin ako ng Chakte at boots na imitation dahil 'yun ang uso sa mga konsiyerto. Sayang at 'di kami nagkita habang tumatambay sa labas ng Club Dredd. Okay na sa labas kasi maririnig mo naman 'yung tumutugtog sa loob.
Galit din kami sa mga paksyet na hiphoppers na tumatambay sa Skating Rink ng Gamol. Riot kapg nagku-krus ang aming mga landas!
PROF. BANLAOI’S TRANSCENDENTAL MEDICATION AFTER EVERY SIX MONTHS (PUNK ZAPPA THREE)
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls
Tapos manonood kami ng underground concerts. Kahit hindi underground basta maingay at tsaka grunge. Tapos hindi ako magdadrugs dapat walang amats ‘di ba? Tapos titinggilin ko yung t-shirt ko para makita nila yung tattoo ko at tsaka yung hikaw ko. Tapos maghe-headbang ako at tsaka syempre magbabackstage step ako. Sana wala dun si Dennis. Ay hinde aakyat na lang ako ng flagpol tapos dun ako tatalon syempre sasaluhin ako ni Kart. Ginawa yun ni Eydi Beyder ‘di ba? Tapos ‘pag neygatib yung vakalist papatayin ko siya para may makwento ako kay lola.
Shet! Na kay lola pa yung tape ko ng Panteyra. Hi lola. Tapos ‘pag pagod na ‘kong mag-headbang magslam dance pa rin ako sa gitna ng slam pit. Tapos magyoyosi ako. Tapos syempre dapat peace lang tol ‘do ba? Dapat hindi ako mapraneng mapraneng mapraneng.
Tapos ‘pag tapos na yung concert syempre uwi na ‘ko. Ta’s ‘pag nasa bahay na ‘ko manonood na ‘ko ng House of Noise Channel B! Wow idol yun pare hi-tech sampung oras puro noise!
Tapos magaaral akong mag-gitara! Tapos bibili ako ng kobrayderintergalacticmotionsettertechnogadget! Tapos bubuuin ko na yung The Armpit Band.
Tapos gagawa kami ng original composition gan’to. Dyen-dyen-den-dyen dyereren-dyen-dyen. Tapos double time dyen! Tapos lead. Tapos ipapadala namin sa radyo yun, yung demo. Tapos tapos syempre magna-number three na kami sa countdown. Tapos bebenta ko yung original composition ng five thousand peysos para sa compilation name DIGISKASBARJIBABARANDASPOPOROJI, kilala nyo siya? Tapos syempre magnanumber one na kame. Tapos ‘di bale irerelease na kame sa major label.
Tapos magtutour na kame hrreyg sa buong Pilipinas sa buong Pilipina. Tapos syempre kukunin na kami sa mga commercials, ganon. Tapos ‘pag dumating na yung mga royalties tsaka ‘pag madaeng madaeme na ‘kong pera tapos bibili ako nang tig-tu-two na kotse. Tapos tsaka syempre ‘di bibili na ‘ko ng mga susunod pang album ng Nirvana.
Shet! Trapik na naman sa EDSA! Ah bili na lang kaya ako ng bag sa jumaliteyk mukhang mas jupengpeng yung yellowgreen. Red na brownies rasta ngarod manong! Pak padreadlocks na lang kaya ako? Mag-manage kaya ako ng banda? Magtayo ng studio? Haaah
Amen?
Amen!
Gusto nyo?
Amen!
Tiyak yan!
Amen!
'Di pa pala end ang career ni PZ pagkatapos kong mapakinggan ang "Sa Wakas" sa Side B. Meron pa palang pahabol bago ang hidden track na piano version ng "Kailan".
Akala niya siguro siya lang ang may kaya sa ginawa ni Eddi Vedder sa music video ng "Alive". Kaya ko rin 'yun gawin sa moshpit na punung-puno ng mga bollocks. Hindi ako nasusuntok kasi peace lang kaming mga slammers. Ang sarap pagkuwentuhan ng mga natapos na gigs kapag mabote at may hithit na yosi.
Dahil sa mga videos ng napapanood kong banda sa MTV Headbanger's Ball ay nagtayo rin kami ng sariling banda. Nangarap na marinig sa radyo. Nagawa namin 'yun sa WEB 99.9's "In the Raw" pero hindi kami sumikat. Nakatugtog ang Demo from Mars sa iba't ibang underground scene pero hanggang Bicol lang. Wala man lang bumili ng kanta namin kahit na one thousand pesoses o libreng inom at kain para sa isang compilation appearance. Siguro dahil talagang traffic lang sa EDSA kaya 'di kami nabigyan ng break. Hanggang ngayon ay pangarap ko nalang ang magkaroon ng sariling recording studio slash company.
Para sa akin ay ang second album ng Eheads ang pinakamalufet at kung bibigyan ako ng pagkakataon na gawaan ito ng tribute album ay bibigyan ko rin ng importansya si Punk Zappa. Siya lang naman kasi ang nagsisilbing time capsule noong panahon na lumabas ang "Circus". Kapag papakinggan mo ngayon ito ay bigla mong maaalala ang time ng mga posero, ang hiphop versus metal, panahon ng gitara, MTV, at siyempre ang trapik sa kalsada!
Amen?
Amen!
Gusto nyo?
Amen!Tiyak yan!
Amen!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.