TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Martes, Agosto 24, 2010
HOSTAGE!!!
Lumiliyab ang twitter kahapon. Akala ko ay si Charice Pempengco na naman ang hot trending topic (today, Venus Raj ay pangalawa sa hot trending topic), baka nagpa botox uli ng mukha, lol ngunit hindi pala.
Alas syete ng umaga pa raw nang magsimula ang hostage taking na ito. Sa mismong Quirino Grandstand, isang tourist bus lulang ng ilang mga Chinese visitors ang hinostage ng isang ex-police na si Rolando Mendoza. Hindi ko nasimulan ang mga eksena, Pero kinagabihan, isang feed ang aking nabasa sa twitter na nag-ugat na sa napakaraming post ukol sa nangyayaring hostage taking. Pagkabukas ng telebisyon, bidang bida ang bus na ito habang ang background ay ang voice over ng newscaster.
Matindi daw ang tensyon sa lugar na pinangyayarihan. Hindi makalapit ang mga pulis sa pag-aakalang idadamay ng hostage taker ang mga sibilyan sa loob. Ilang oras pa ang lumipas, isang sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala. Napilitan ang lahat ng umatras at tumungo sa isang ligtas na lugar. Ilang oras pa ang lumipas ng makatakas ang Pinoy na drayber ng bus at isinisigaw na "patay na ang lahat ng tao sa loob". Kumilos ang mga awtoridad upang pasukin ang tensyonadong bus. Para-paraan kung paraan na lang, makapasok lang. Sa ilang ulit na trial and error, naisip na rin nila na bombahin ng tear gas sa loob, nang masulasok ang hostage taker at lumabas. Ilang minuto pa, lumitaw ang katawan ng isang lalaking nakauniporme nang pulis sa basag na main door ng bus. Nakumpirma na tinamaan ng isang sniper at eto na nga si Rolando Mendoza.
Sa labing limang lulan ng Chinese bus, anim ang survivor. Hindi na masama, lol. Anong hindi na masama? May namatay pa rin. Ang ilan ay may gilit sa leeg, ang iba ay ginamit pang human shield ni Mendoza. At ano nga ang naging plano ng ating mga kapulisan sa malagim na insidente na ito? Ang tanong pala ay nagplano nga ba sila
Hayun at iyon naman pala ang konkretong plano nila, magtago sa likod. Hindi ko rin naman masisi ng husto ang ating mga magigiting na kapulisan at kung ako rin naman ang nasa lagay nila ay magpapakasigurado ako sa aking sarili. Baka nga naman ako tamaan ni Mendoza! Nakita ko pang minsan nang hindi nila madistrongka ang main door ay gumamit ng tali. At ang matindi ay pinabatak pa ito sa mobile nila. Ehem, naimbento na po ang kadena. Mas matibay. May SWAT daw na rumisponde...Sugod Wait Atras Tago=SWAT! lol. Joke lang po sa ating mga kapulisan.
Punta tayo sa napakaraming media na nagpupumilit makakuha ng scoop para sa network o company na kanilang pinagtatrabahuan. May tanong ako, dapat ba talagang ikinocover ang mga ganung taktika ng SWAT sa isang maselan at mapanganib na hostage taking na iyon? Di ba, malawak na ang teknolohiya, isang text lang kay Mendoza ay alam na nito ang ginagawa o mga balak gawin ng pulisya sa labas. Hindi ba parang sumobra ng media? Parte pa ba ito ng press freedom?
Sa pulisya, job well done? aurgh! ilang oras? Mahigit 12 oras na tensyon. Ilan ang namatay? Ilan ang taong humuhostage? Ilan ang pulis na nakadapa sa labas? Ano na ang nangyayari sa training daw ng ating kapulisan kasama ang mga sundalo ng Amerika? Kung saan-saan kasi nagpupupunta, hindi umaatend ng training... Hindi ako tutol sa SOP na kanilang isinagawa, dahil isinaalang alang lamang nila ang lagay ng sitwasyon at mga maaaring mangyari at madamay sa isang maling galaw lamang. Nagkulang siguro sa tamang diskarte.
Magiging malaki ang epekto ng nangyaring ito sa imahe ng ating bansa sa pandaigdigang kalakaran, lalo sa industriya ng turismo. Ano ang plano ng ating presidente ukol dito? Sa mga bikitima, ano ang konkreto nilang hakbang upang mapangalagaan at matiyak na maibibigay ang kanilang mga pangangailang medikal at counselling habang nagpapagaling sa ating bansa? At ang matindi, ano ang napulot na mga aral pagkatapos ng isang malagim na insidente, sa kanilang mga kapwa pulis.
At, syempre sa lahat ng mga tensyonadong pangyayari, hindi nawawala ang nakatutuwang mga eksena. Aba, nagugutom din naman kahit ang hostage taker, kelangan din naman nyang magpadeliver ng pagkain. Libreng pluging ah. Lol
**************
CONGRATULATIONS!!
Kay Venus Raj sa pagsali sa TOP 5 ng Miss Universe 2010!
Naibalik ang magandang imahe ng ating bansa
Literal ang kagandahan :)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.