TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Biyernes, Agosto 20, 2010

CHILDHOOD STAGE

Habang ako ay nagbobrowse ng aking mga files kanina, eh meron isang file dun ang talaga namang umagaw ng aking atensyon. Medyo syempre nung nakita ko yun natawa at talagang tinitigan ko sya ng matagal.


Nangingig ang aking laman noong makita ko ito, ito ang pagkakyut kyut na piktyur ko nung bata. DYARAN…..


Noong mga panahon na yan bungal ako dahil mahilig akong kumain noon ng TIRA-TIRA at MIKMIK.Maitim din at puro kuto pa ako, dahil gusto kong magbabad sa araw.
At medyo dahil sa pagmumukha na yan sari-saring mga panlalait ang inabot ko sa mga tao. Isa na dyan ang kumare ng nanay ko.

Kumare ng Nanay ko: Anak mo ba ito?Bat parang kakaiba sa mga kapatid nya?Ahhh mare kaya nyo pala itinigil ang pag-aanak ni pare kasi panget na ang susunod!hahahaha

Yan ang sabi ng kumare ng nanay kong mukhang mangkukulam, parang sinabi nyang dahil panget na “genes” ng nanay eh kailangan na nilang tumigil sa pag-aanak ( Noong mga panahon na yun gusto ko sanang salaksalin ng sandok ang ngala-ngala nya!).

Isa pa, ito naman ang sabi ng kaibigan ng kuya ko:

Kaibigan ni Kuya: Bro, kung ano ang ikina-gwapo mo eh sya namang ikinapanget ng kapatid mo! Whahahah

Iyan naman ang sinabi ng kaibigan ng kuya kong kamukha ni BABALU. (eh kung sunugin ko kaya ang baba nya at gawin kong barbeque!)

Heto pa kamo, hindi rin ako nakalusot sa nagbabagang dila ng mga kaklase ko

Kaklase ko: Alam mo sa inyong magkakapatid, ikaw ang PINAKALATAK (sa ingles impurity)
Kamusta naman yun? Wow !dumadagundong sa tenga! Sarap tampyasin ang mga dila at ipakain sa buwaya!

Basta marami pa yan, at ikukuwento ko sa inyo sa mga susunod na araw. Kaya tuloy lumaki akong mahiyain (daw), at dala na rin siguro ng mga panlalait na yan, kaya heto hukot ako!(dahil lagi akong nakayuko). Kulang sa kumpansya sa sarili, at pakiramdam ay laging pinagtatawanan ng mga tao. Basta ang laki ng naging epekto ng mga panlalait na yan sa aking makulay na”childhood”.Kaya ano ang aking panlaban………....tenen………… magyabang!!!

Okay buti na lang at medyo lumaki, tumangkad at ……………….bumait (sige pwede na rin yung gumwapo). Yun nga lang kahit na puri-purihin ako, hindi ko pa rin maramdaman! Dahil talaga malaki ang naging epekto nito sa aking buhay sa ngayon.

Kaya minsan kahit pinipilit na nila akong mag-artista, ayaw ko talaga!(hahahha!).Minsan naman halos kaladkarin na nila akong sumali sa Ginoong Nabua,ayaw ko pa rin! (KAPALPEYS!!) Ayaw ko, kasi nga pakiramdam ko may sisigaw sa mga manonood ng “Bakit sumali yan, eh kay panget panget naman nyan!!”. Eh baka hindi ako makapagpigil eh hagisan ko ng dinamita ang bunganga nya!Hehhehe

Oo nga pala, alam nyo ba na ayon sa pag-aaral ng mga sikolohista (psychologist) na pinakamahalaga sa buhay ng tao ay ang kanyang “childhood stage” (edad 1-12). Dahil dito nanggagaling kung anong ugali meron tayo sa ating pagtanda. Malaki ang epekto ng ating pagkabata sa buhay natin ngayon. Kaya tingnan nyo yung mga inaabusong kabataan, lumalaki din tuloy silang nanakit din. Ang mga batang spoiled brat sila naman yung nagiging mga mainipin at magagalitin.
At natatandaan nyo pa ba ang Marshmallow Test?( ngayon kung hindi pa,pakisearch na lang!)Basta ganito yung resulta, ang mga batang sumunod sa instruction na wag kainin ang marshmallow agad ay sila yung mas naging matagumpay sa buhay noong lumaki na sila kaysa sa mga batang kinain agad yung marshmallow at hindi sumunod sa instruction. Ganun yun!

Kaya mahalaga talaga ang childhood stage dahil ito ang magsasabi kung anong klaseng tao tayo ngayon. Kaya tandaan natin mahalaga ang pagkabata, at sa anak o magiging anak natin, ingatan natin ang kanilang pagkabata at kamusmusan. Dahil ito ang pinakakritikal na estado ng buhay ng isang tao. NAKS MEGANUN!. Sabi ko sa inyo may mapupulot rin kayong aral sa blog ko!hahahah

P.S

Sa tuwing pinapakita ko yung piktyur ko na yan nung bata pa ako, walang naniniwala na AKO yun (akala kasi nila si Rene Requiestas yun nung bata, sumalangit nawa ang kaluluwa nya). Walang kabakas bakas na ganun daw ang hitsura ko noon dahil ngayon ang kamukha ko daw ay si Piolo Pascual (after the accident and head injury)hahahha!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.