C.R, kubeta, taehan, palikuran, toilet, washroom at kasilyas. Iba iba man ng katawagan pero iisa lang din ang gamit nyan! Ano pa kundi imbakan ng TAE at sama ng loob natin!
Syempre yan din ag pinakapaboritong parte ng bahay namin kaya naman medyo nagulat ako sa mga kubeta dito sa UAE. Sa totoo lang nahihirapan akong tumae dito. Kasi nga kailangan mong mag-squat at pumorma na parang palakang tatalon. Eh kaya ngawit na ngawit ako pag tatae sa ganyang kubeta. Minsan di ko na talaga alam kung paano puporma sa pagtae dahil pakiramdam ko mabubuwal ako o di kaya maudlot ang paglabas ng tae . Minsan naman nagkadapawis pawis na ako , hindi dahil hirap akong tumae kundi hirap akong humanap ng posisyon.
Ganito ang kalimitang kubeta dito sa UAE
Minsan naman ganito, yung tipong kahit puwet mo mahihiya at magseselan!Sabay sabing Ewww so kadiri naman the toilet! (Ta-ma! Nagsasalitang pwet!)
Medyo nung bata ako madalas akong tumatae sa sanga ng punong mangga . (baket di mo rin ginawa yun ha? Arte?!?). Ang tissue paper very accessible kasi isang pitas lang sa dahon ng mangga may pamandepot o pamunas ka na. Presko at mahangin pa! (See, san ka pa?)
Pero wala kayo sa kababata kong si Lakjo, nasa puwet palang yung tae kinakain na ng aso (fiesta??), Pagkatapos dinidilaan pa yung puwet nya. Libreng hugas ika nga!
Iyon nga lang ng lumaki-laki na ako, medyo nakasanayan mo na rin gamitin ang ordinaryong kubeta ngayon. Yung tipong uupo ka sa trono sabay buklat ng dyaryo at inom ng kape ( talagang may kape pa?). Kaya naman medyo nahihirapan talaga ako ngayon ,tuwing gagamitin ko ang kubeta sa UAE .
Kaya naman madalas na lang akong tumatambay sa CR ng kaibigan ko. Dahil dalawang puwet lang ang pwedeng gumamit nun, ako lang at ang kaibigan ko.Nakandado yun palagi at may susi rin ako.
Masarap dun kasi de aircon yun.Tapos laging may tissue ,paper towel, handwash, at may hand sanitizer pa sa gilid .Kaya kahit katatapos mo lang tumae puwede ka na uling kumain ng chizcurls at didila-dilaan mo pa yung dumikit na mugmog sa kamay mo .
Saka isa pa sa maganda dyan sa CR na yan may hose sa gilid na itatapat mo lang sa puwet! Di mo nakailangang kapa-kapain ang tae at salatin kung may buo buong mais.
Teka heto ang piktyur para makita nyo.
Pwede mong halikan ang inodoro sa sobrang linis.
Presko at maginhawa dito
Ano sa tingin nyo?Pang hotel ang CR noh, kaya nga sa susunod magdadala na ako ng kumot at unan dyan. Dyan na ako titira!! (makapagdala nga ng folding bed bukas!)
Ano naman ang mapupulot na aral dito?Eh di ko alam? Meron ba? Siguro masasabi ko lang ay sa TAE walang mahirap o mayaman,walang panget o maganda , lahat ay pantay pantay dahil pare pareho lang ding MABABAHO ang tae natin. At kahit ano pa ang ipasok mo sa bibig mo, tae lang din ang kalalabasan nito. Kaya walang pwedeng magmalinis dahil pare-pareho lang ding mabaho ang nilalabas natin sa ating mga puwet.
Kaya kung medyo nadedepress ka kung bakit ganito sila o mas angat sila sa iyo. Wag malungkot at isipin mo na lang din na...............“MABAHO DIN ANG TAE NYAN!! Kaya Kwits lang!
At kung may magmalinis sa iyo, sigawan mo at sabihing " TAE MO NGA MAY MAIS PA!!!" Kaya titigil na yun!
salamat…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.