TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Martes, Setyembre 21, 2010

LILIPAD MUNA AKO



Mga repipis medyo maghi-hiatus muna ako ng isang buwan. Isang buwan lang naman, medyo may gagawin lang akong napakaimportanteng bagay. Kung ano man yun .... sikret muna, next month ko na lang ikukwento.


Pero you can still reach me sa Facebook account ko, sa Twitter , at sa YM ko. Magbabasa pa rin naman ako ng mga post nyo at magcocomment.Naks


Nga pala, napansin ko lang ang mga message ko kakaiba. Madalas exchange link daw may nakikipagtextmate at nagbebenta pa ng glutathione. Nakamputcha ayos yun ah!
So heto muna ang iiwanan ko sa inyo bago ako maghiatus ng isang buwan!

TIPS PARA DI MA-OFFEND ANG MINAMAHAL

Marumi ang kuko: “Sweetheart, may bukid ba kayo?”

Pasmado: “Babe, ilang percent ang share mo sa MWSS?”

May muta: “Cupcake, magdamag ka bang umiyak?”

May putok: “Ho¬ney, may kamag-anak ka ba sa Middle East?”

Maitim ang kili-kili: “Sugar, anong deodorant mo? Kiwi?”

May libag sa leeg: “Darling, saan mo binili ‘yung black gold necklace mo?”

Bad breath: “Love, humihinga ka ba o umuutot?”



REMARKABLE Classmates, Dialogues and Events:

“Hindi ako nakapag-review, eh!” (Pero ang daming sagot sa test paper)


“Ang dali ng test!” (Pero siya ang lowest)


‘Pag walang maisagot, titingin sa bintana, hoping makakita ng lumilipad na sagot!


Nagpuyat para gumawa ng kodigo pero hindi rin nagamit.


Magsusulat ng kung anu-ano sa armchair, pero hindi naman related sa exam.


Ginawang notebook ang hita.


Sinisipa ang chair ng classmate sa harapan para makakopya. Galit pa ‘yan ‘pag hindi mabasa!

Hindi magre-review sa gabi, sa madaling-araw na lang. Pero gigising lang para i-off ang alarm clock.


Group study raw pero mag-iinom lang. Pagpasok, may hang over pa


TRABAHO NG BAGONG GRADUATE

Nursing: kumad¬rona


Education: tambay


Criminology: tanod


Medicine: albularyo


I.T.: tagabantay ng computer shop


Accountancy: tindera


Fine Arts: pintor ng dingding


Psychology: manghuhula


Tourism: GRO


Midwifery: yaya


Pharmacy: drug pusher


HRM: waiter


Ingat po at maraming salamat

Huwebes, Setyembre 16, 2010

I love you ipis ipis very much

para po sa mga hindi pa nakakabasa ng kwentong ipis ito po ang link(kabanata V)
KABANATA VI


MAGPAGAMIT



Hindi ko mapaliwanag ang aking naramdaman nang narinig ko na nagsasalita ang lata. Lumipad ako papalayo, Mabilis na mabilis at hindi humihinto. Bahala na kung saang lugar ako dadalhin ng aking matitigas na pakpak. Pikit mata akong nagpakalipad- lipad. Anak ng putcha pagdilat ng aking mata. Andun ako sa may basurahan. Exactly the same place kung saan namatay si dalisay.

Tumigil ako sa pagwasimas ng aking pakpak. Napasandal sa may basurahan. Tumingala, Pinagmasdan ang pag-ikot ng elisi ng chande..chandelererer? Oo basta yun na yun. Isa, dalawa , tatlo, at mabilis pang nasundan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Kinuskos ko ang aking mata para tumigil sa pagluha. “ Bakit?” tanong ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa may aparador, Sumilip, Tinignan ko kung andun pa yung nagsasalitang lata na nagpakilalang intsikticide. Damn. Andun nga. Tumibok nang napakabilis ang aking puso. Gaya ng pagtibok nito ng unang beses ko nakita ang ngiti ni Dalisay. Ang sarap sa pakiramdam. Kaya ko ubusin ang natitirang oras ng buhay ko kakatitig sa kanya.

Araw araw dumadaan na ako sa may aparador, Sumisilip, Tinitignan kung andun si intsikticide. Hanggang naging bisyo ko na pagmasdan ito araw araw. Minsan nakita kong umiiyak ang lata. Wala na akong nagawa, kusang gumalaw ang mga pakpak at paa ko papunta sa kanya at pinunasan ang kanyang mga mata

“Hi, can i help you?’’

“ bkit sino ka ba? huhuhuhuhu”

“ ako nga pala si lufet, nagkita na tayo once pero tinakbuhan kita. ”

“ oo naalala ko yon! Gago ka! Huhuhu”

“ im sorry kasi nung nakita kita may naalala ako eh”

“ no, ok lang. Hikhik”

“ pwede ko bang malaman ang dahilan ng iyong pagiyak?”

“ mahabang kwento”

“ handa naman akong makinig kahit gaano kahaba yan”

“mahaba ba ung ano mo? Yung ano mo? Yung pasensiya mo. ?(tapos nagsmile siya)

“ hahaha.oo naman. Minsan papakita ko sayo si Manuy ko, “

“ so bakit ka nga umiiyak?”

“matagal na kasing walang gumagamit sa akin eh”

“huwaaattt? Pwede ba magvolunteer? Ahahaha. Joke! “

“ no, i mean hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano talga silbe ko, Kung para saan ba talaga ako? Alam mo yun? Ever since nakatambak lang ako dito at walang gumagamit. Ikaw b alam mo na purpose mo sa life ”

“ nung nakita kita , alam ko na kung anong purpose ko.. ang alagaan ka” (pabulong kong sinagot)

“ ano? Hindi ko narinig!”

“ wala!, sabi ko andito lang ako sasamahan kitang alamin purpose mo. Sure kang ayaw mong magpagamit? Haha joke!”

“ uhmmm salamat ha?”

“ hehehe"

“ medyo nawala na lungkot ko”

“ so may friendster ka ba?”

“ wala eh , bkit?”

“ gusto kasi kitang maging friends eh, ok lng b? “

“ sure sure.. eh ikaw may facebook ka ba?”

“ meron kaso hnd ko binubuksan eh, bkit?”

“ coz i like you”

(nagtawanan kming dalawa)

Since that day. Naging magclose na kmi ni intsikticide.



Itutuloy....

Martes, Setyembre 7, 2010

EID MUBARAK/HAPPY WEEKEND!!!



EID MUBARAK/HAPPY WEEKEND!!

Hayyy!! Salamat at bakasyon kami ng Tatlong araw dahil sa pagtatapos ng Ramadan. Kung sa atin may long weekend dito sa UAE meron kaming 3 days vacation! Yehey! Medyo mahaba haba na rin yun. Pero yun nga lang medyo halos wala ka rin namang gagawin sa 3 days vacation na yun dahil wala naman gaanong mapupuntahan dito. Kaya naisip ko masarap pa rin ang long weekend ng Pinas kesa sa UAE. Bakit?Ganito kung sakaling nasa Pilipinas ako malamang ang mga gagawin ko sa Huwebes, Biyernes at Sabado ay ang mga sumusunod.

 Magpalamig sa mga Mall. Malamang sa SM, LCC, Robinson at kung ano ano pang mall, tyak nandun ako at umiinom ng kape habang nakatingin sa mga taong nagdadaan. Kasi ginagawan ko sila ng kwento sa aking isip. Autistic ako eh pakialam nyo ba!!

 Pupunta ako sa mga chill-out places tulad ng Mogwai , Reggae Bar, Bar 101 at kung ano ano pa, kasama ang mga barkada kong mahilig manlibre.

 Pumunta sa National Bookstore at Powerbooks para tumingin tingin ng mga Magazine at libro. Kahit alam kong wala akong hilig magbasa ng libro pero maraming namang mga kolehiyalang tumatambay dun!hahahaha!

 Manood ng sine habang bitibit ko ang Value Meal No.1 ng Jollibee (hamburger at French fries) at manood ako sa Imax. Papanoorin ko ang lahat ng movies sa araw na yun kahit mag-isa lang ako. (Sosyal na sosyal ang sinehan pero Jollibee ang snacks ko).

 Magfofood trip ako, at kakain ako sa Dencio, Itallianis, Outback at sa karinderya ni Aling Bebot (masarap kaya ang lugaw tokwat baboy nya, masarap na may sakit ka pa).

 Bisitahin ang mga barkada kong hindi nagbabayad ng utang!! Pupuntahan ko sila sa bahay para maglaro ng monopoly, uno, scrabble, mad , ungoy-ungoyan at pitik bulag. At bawat talo ay pipitikin sa bayag este sa tenga o di kaya lalagyan ng lipstick mula sa bunganga ni Menggay (kamukha sya Pokwang na may ilong na katulad ng kay Allan K).

 Family bonding at pumunta sa Star City, Boom na Boom (meron pa ba nito), Wild life. O di kaya magbarbeque sa labas ng bahay (pag may natira pwede ring ibenta)

Pero dito sa UAE na kung saan ay wala naman akong gaanong gagawin sa 3 days vacation ko,kaya malamang ito ang aking pagkakaabalahan.

 Pabubulukin ko ang mata sa tulog. Magpupuyat ako sa gabi para tanghali na akong magising, at makakatipid pa ako sa pagkain kasi isang beses lang ako kakain (hapunan lang!hehhe)

 Dalhin ang sine sa loob ng aking kwarto. Hihiramin ko ang projector ng opisina at manonood ako habang ngumunguya ng pop corn at kung ano ano pang chitchirya.(Totyal na totyal ah)

 Sasama ako sa Manager kong Greek at maglaro ng tennis, badminton, bowling at swimming kahit di ako marunong sa alin man dyan sa nabanggit. Inimbitahan kasi ako ng Manager kong Greek eh! Medyo nakaka-OP (out of place) pero okay lang mababait naman sila at di sila nangangagat.

 Pumunta sa Pinoy Market, at tumingin tingin ng bagong labas na cellphone, gadget, mp3 player, video cam. O di kaya bumili ng boy bawang, choki-choki, champola at Lala fish cracker sa tindahan doon.

 Manood ng TV buong maghapon habang kinakabisa ko ang mga dialogue sa TV at memoryahin ang nunal ng mga artista doon. (Paulit ulit kasi ang palabas sa GMA Pinoy Tv at TFC)

 Mag-internet at makipagkulitan dito. Magdownload ng kanta at pelikula sa Limewire habang nag-iiskype kausap ang kapatid kong laging isisiksik sa usapan kung ano ang shoe size nya kahit di ko naman tinatanong.

 Pagurin ang sarili ko sa exercise at pagbubuhat ng kutsara este ng barbel. Para naman maging katawang pangmodelo, at mag-aaplay akong bilang modelo ng diatabs o Canesten.

Sa totoo lang wala yan sa dami o haba ng bakasyon mo kundi nasa kalidad ng oras na ginugugol mo dito. Kahit na sabihin nating mas mahaba ang bakasyon dito sa UAE kesa sa Pinas, mas gugustuhin ko pa rin sa atin sa Pinas kasama ng kaibigan at pamilya ko kaysa magkaroon ng mahabang bakasyon sa UAE na mag-isa. Kahit gaano pa ka-exciting o kaganda ang bakasyon mo, kung wala ang mga kaibigan o pamilya mo parang kulang pa rin. At sila ang nagbibigay saya sa buhay natin! Kaya sila lang ang magpapakumpleto nito
.
Gusto kong iwanan ang quotes mula kay Pareng Henry David Thoreau

"The finest workers in stone are not copper or steel tools, but the gentle touches of air and water working at their leisure with a liberal allowance of time."

Salamat at EID MUBARAK o HAPPY WEEKEND sa lahat!!!

Biyernes, Setyembre 3, 2010

ANG NANAY NI ALDRINO

Maraming nagsasabi na kamukha daw ng nanay ko si Annabel Rama (pero di mataray ang nanay ko). Hindi ko alam, kaya siguro nasabi ng mga tao yun kasi kamukha ko si Richard Gutierrez (walang pakialamanan). Pero kaming magkakapatid ang tawag namin sa kanya ay Tya Pusit, kasi talagang ganon-ganun ang akting ng nanay ko, at dahil na rin mukhang mga squidballs at kikiam ang mga kapatid ko.


Maraming mga terminologies ang pinauso ng nanay , minsan nagugulat na lang kami kasi hindi namin alam kung saan pinagpupulot ng nanay ko ang mga salitang yun, heto ang sampol:


PAASO-ASO- hindi maganda ang pagkakagawa, o hindi masyadong sineryoso ang isang bagay

SENTENCE: “Ano ba namang klaseng linis ang ginawa mo dito sa kwarto mo, eh PAASO ASONG linis yang ginawang mo bata ka” (***please insert PINGOT here***)


TSINATSANE-ibig sabihin kinukuripot


SENTENCE: “Hoy wag mo nga akong TSINATSANE, nasan na yung entrega mo ngayon buwan na ito”


MAY TAE ANG BIBIG- ibig sabihin hindi pala ngite, suplada. Yung mabaho ang hininga ay hindi kasama sa terminologies ng nanay ko


SENTENCE: “Bakit ganyan ang gerlpren mo, parang MAY TAE ANG BIBIG


PAPUWET-PUWET- halos kapareho lang ng paaso aso, yun nga lang mas worst pa ito


SENTENCE: “Anak anong klaseng project itong ipapasa mo, eh PAPUWET PUWET ang gawa mo ah” (di nya lang alam eh pinagpuyatan ko yun)


KUTIS BUBWIT- ibig sabihin halos walang ginagawa sa bahay, tamad na babae.Sila yung piling Reyna sa bahay


SENTENCE: “Ano ba namang kamay yan iha, eh KUTIS BUBWIT ah siguro wala kang ginagawa sa bahay”


BOSES IK-IK- ibig sabihin mahina ang boses


SENTENCE: “Lakasan mo ang boses mo, hindi parang BOSES IK-IK yang lumalabas sa bibig mo, ikaw ba ang kumuha ng pera sa wallet ko???”


Iyan ay mga sampol lamang, at marami pang mapapausong salita ang nanay ko. Kaya balak ko ring gumawa ng “dictionary” para sa kanya.



Medyo busog na busog kami sa palo ng nanay . Halos dumidighay kami ng kurot at pingot mula kanya.Kaya naman ganito kaming kababait na magkakapatid (nice parang tunay) .Si nanay, parang si BIONIC WOMAN yun, marami syang ESPESYAL PAWERS. Pag medyo naglilikot na kami, isang tingin lang ng nanay, tunaw na kami ng kanyang LASER EYES kaya titigil na kami sa kalikutan. Tapos pag di nakuha sa tingin, sabay lapit sa amin at kukurutin ng pinong pino ang braso habang ngumingite para hindi halata sa bisita. Meron din syang WEAPON din, tulad ng MAGIC PAMALO, GIGANTIC PATPAT at ULTRAMAGNETIC MOUTH.


Eh, hindi ko naman masisi ang nanay na magtransform sya sa pagiging BIONIC WOMAN eh sa sobrang kulit at pilyo ko ba namang ito, tyak mamumuti ang buhok ng nanay ko. Eh ako ang lider ng aking mga KAMPON este mga kapatid sa kakulitan kaya naman, halos lagi kaming naghahabulan ng nanay sa sobrang pambubuwisit na ginagawa ko sa kanya.


Minsan, naisipan kong gumawa ng hagdanan sa puno ng bayabas namin. Eh pag hahabulin na ako ng nanay para pingutin at paluin eh duon ako aakyat, kasi tyak di na nya ako kayang habulin dun. Kaya naman ng minsang ginawa kong isang malaking CANVASS ang dingding namin sa aking magagandang drowing na bulaklak at aso na mukhang tae ng kalabaw gamit ang APACHE PENTEL PEN. Halos parang torong galit na galit ang nanay kaya hinabol ako, palibhasa alam kong di nya ako mahahabol sa puno ng bayabas namin, pag akyat ko sa dulo nabali ang sanga (di ako kumanta ng LERON LERON SINTA ha)hayun lagpak ang batang malikot at una ang ulo. Akala ko nga mamatay na ako, pero buti na lang naagapan pa ng doktor, hehehe!! (sabi nga nila ang masamang damo matagal mamatay).


Kaya pagkatapos ng insidente na yun, eh bumait sa akin ang nanay ko. Pero may expiration date din ang lahat kasi bumalik na naman ang kapilyuhan ko makalipas ang isang linggo. Kaya bumalik din ang magandang samahan namin ng nanay. Hahaha!!!Madalas din para akong abogadong sagot ng sagot sa nanay kaya naman lalong kumukulo ang dugo nun sa akin yun, heto ang mga sampol


Nanay: Sige pag di mo nakita ang hinahanap mo MAKIKITA MO!!(Gigil na gigil)


AKO: Eh yun naman pala nanay , pag hindi ko makikita eh makikita ko naman pala, so hidi ko na hahanapin baka lumitaw sya ng kusa (sabay ngiti ng aso)


Nanay: Ano uubusin mo ba ang pagkain mo o hindi? Kung hinid malilintikan ka sa akin, ano uubusin mo ba?


AKO: Naku nanay, tinanong mo pa ako, eh ganun din naman pala, kailangan ko ring ubusin yan (sabay akto ng diring diri sa pagkain)


Nanay: Ano sasabihin mo ba ang totoo, kung hindi mo sasabihin kukurutin kita!


AKO: Opo sasabihn ko na po, ako po yung nakabasag ng vase


Nanay: Eh napakalikot mo namang bata ka eh (Sabay kurot sa akin)


Naku kinurot din ako ng nanay. Akala ko kasi kung magsabi ako ng totoo di na nya ako kukurutin. Mukhang naisahan ako ni Nanay dun ah, Dapat sinabi ko na lang na akala ko alkansya yun o kaya nasagi ni Muning (kahit wala kaming pusa, may mailusot lang)


NGAYON NA MALAKI NA AKO, magkasundong magkasundo kami ng nanay ko. Eh ganun talaga dumadarating ang pagkapilyo natin pag bata ka. Pero ako yata ang PEYBORIT ng nanay ko, kahit na mas malaki minsan ang ulam ng KUYA ko kaysa sa akin, at mas malakas ang iyak nya noong lumipat sa kabilang kanto ang KUYA ko kaysa noong umalis ako para mag-abroad. Hehehe!!PERO LOVE NA LOVE KO PA RIN SI NANAY.


Naalala ko tuloy noong paalis na ako papuntang abroad. Iyak sya rin sya ng iyak


NANAY: Huhuhuhuh, anak wag ka ng umalis sa Pinas, dito na lang tayo magkakasama sa hirap at ginhawa.


AKO: Eh nanay kailangan eh mahirap ang buhay sa atin kaya minsan talaga kailangang magkahiwalay.(talagang touch na touch ako nun)


Makalipas ang tatlong araw, tinawagan ko ang nanay


NANAY: Huhuhuhu (ngawa ng ngawa ang nanay ko)


AKO: O bat na naman kayo umiiyak ‘nay, eh di ba napagusapan natin ito dati.


NANAY: Eh kasi anak, napaginipan ko kasi uuwi ka na sa Pinas eh, naku ang dami pa nating utang,anak!!(***insert sipon at singhot here****)


Naku buwal ako sa nanay ko, akala ko pa naman miss na miss nya ako, at gusto nya na akong makita kaya sya umiiyak yun pala kasi uuwi na raw ako sa Pinas. ASTIG KA NAY, MAHAL NA MAHAL MO TALAGA AKO!!heheheh


Pero alam ko namang mahal na mahal ako ng nanay, 100% sure yun. Kaya babawi ako sa pag-uwi ko sa PINAS, eh papasayahin ko naman sya. Eh pipilitin kong maging mabuting anak para sa kanya, eh si nanay ang isa sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap akong magtagumpay dito sa disyerto. At balang araw makakaganti rin ako sa lahat ng bagay na ginawa nya sa akin. Si NANAY ata ang tagapagtanggol, tagapayo, tagapagpasaya at inspirasyon ko. At habambuhay akong magpapasalamat sa kanya dahil sa pagiging isang mabuti at mabait na nanay sa buong mundo. At kahit mabuhay pa ako ng 100 beses, sya pa rin ang pipiliin kong maging nanay ng 200 beses, at di ko sya ipagpapalit kahit kanino.


Kaya ang tangi ko lang masasabi sa kanya ay “ NANAY, I LAB U”, gagawin ko ang lahat para maging masaya kayo.


Yun lang po at maraming salamat sa pagbasa!!

HAPI BERTDEY TATAY

Malapit na bertdey ng tatay ko ilang araw na lang September 9, Alam nyo maraming bagay ang talaga namang nakakabilib sa tatay ko. Kapuwitan mang sabihin na sya talaga ang “dabes tatay in da hol wayd unibers” (naku, lagi kong naririnig yan sa mga batang may hihingin lang na paekek sa mga tatay nila). Isang hamak na pulis ang tatay ko (bute na lang hindi rin nya na isipan na manghostage) at kami ay nagmamay-ari lamang ng isang maliit na hasyenda na umaabot na libo libong ektarya (joke lang), madalas nakikita ko ang tatay ko na talaga namang hirap na hirap sa pag-tatrabaho, tumatagaktak ang pawis sa pagtatrabaho, at magkandakuba kuba na sa pagsisirbisyo sa amin. Samantala ako, ay pakuya kuyakoy at pakula kulangot lang sa isang tabi. Ayaw ko kasing mabilad sa araw kasi pakiramdam ko magiging nognog ako (eh pangit na nga ako, nognog pa). Eh wala ng magawa ang tatay ko kundi pagpasensyahan na lang ang suwail, tamad at napakakyut nyang anak.

Madalas pagdating ng sabado (kung saan wala akong pasok) eh mag-iisip na ako ng dahilan. Minsan sasabihin kong may “group project” kami, pero manonood lang ako ng sine, o hindi kaya magpapaulan ako at pagpapatuyo ng pawis para magkasakit ng Sabado. Yan ang paraan ko para makatakas sa gawaing bahay. Kaya naman nakakaawa naman talaga ang tatay ko kasi sya lang talaga ang nagbabanat ng buto para buhayin ang apat nyang anak na parang mga konstraksyon worker kung lumamon.

Basta halos hindi ko na matulungan ang tatay ko, madalas pag pinipilit akong umigib ng tubig talaga namang parang lindol sa amin kasi nagdadabog ako sabay banta sa nanay ko “Sige paiigibin nyo ng tubig, pag nasagasaan ako ng sasakyan, mamatay ako” (kala mo namang napakahalaga ng buhay ko?hahaha)
Saka kilalang kilala sa amin yan na napakabait na tatay, at ako naman kilalang kilala sa amin na napakasuwail na anak (joke lang, gud boy po ang pautot ko sa amin). Basta sya yung napakabait na tatay, kaya naman ang naging produkto nila ay mga mababait na bata katulad ko (kyut pa!!).

Marami pang mga ginuntuang aral ang binigay sa akin ng tatay ko na isinanla ko na sa mga pawnshop tulad nito
“Mag-aral ka ng mabuti anak, para magtagumpay ka” (Eh kitams kaya ako nakatapos sa pag-aaral kahit maraming bagsak)”
“Ang tao matuto lang mahiya, tao na” (Tao po ba ako tay?paano yan makapal peys ko)
“Huwag kang makakalimot sa Dyos, at laging magpakumbaba” (Amen po itay)
Iyan ay ilan lamang sa mga aral na bigay ng aking butihing tatay. Kaya ngayon nasa abroad ako at medyo nagmature na (parang hindi naman eh), medyo nagsisisi na rin ako sa mga pagkasuwail ko noong bata. Kaya naman bumabawi na ako sa tatay ko ngayon, hanggat maaari talaga namang ayaw ko ng mahihirapan ang tatay ko. Madalas din pag tumatawag ako sa kanila laging may “AY LAB YU” kahit na baduy sa iba, pero sa akin eh makahulugan yun.Ayaw ko kasing maubos ang panahon na hindi ko man lang nasasabi ang mga bagay na iyon at maparamdam ko sa kanila hindi lang sa gawa pati sa salita. Masayang Masaya ako na sya ang naging tatay ko kasi wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kundi dahil sa kanya, kaya utang na loob ko sa kanya ang lahat ng tagumpay ko (meron ba??). Kaya naman sa bawat pag-uwi ko rin, kinakailangan bibigyan ko sya ng pinakamahal na pasalubong sa lahat. Kahit man lang sa mga material na bagay eh magantihan ko ang kabutihan ng tatay ko.

Marami pa akog gusto sabihin sa kanya pero tyak aapaw ng luha dito (hahahha, may ganun kadramahan). Basta gusto ko lang ipagsigawan sa mundo kung gaano kabait at karesponsable ng tatay ko, para malaman nila kung gaano ako kapalad bilang anak nya.


Kaya sa Tatay Ernesto ko, HAPI HAPI BERTDEY!!!

Huwebes, Setyembre 2, 2010

ISA SYANG TIKI TIKI

Nung minsang nanood ako ng balita, at kasalukuyang mainit na mainit ang isyu tungkol sa pagiging “gastador” ni GMA at pagyaman nya bigla nang maging Pangulo sya, eh halos kasama rin sa headlines nito ang pagdating ni “Lady Gaga” sa Pilipinas. Gulat ako sa hitsura nya kasi mukha syang alien na nababakasyon lang sa planet earth. Wala naman akong balak kilalanin sya, at hindi naman ako tagahanga nya o ng music nya. Pero nung minsang nagbobrowse ako sa internet (habang nangungulangot) nagulat ako sa natuklasan ko. May hiwaga palang bumabalot sa mukhang alien na ito dahil sya pala ay isang ....... (drum roll please).............hermaphrodite, ang ibig sabihin nun meron syang ari ng lalaki at babae o isa syang TIKI-TIKI. (kung gusto nyo ng maraming paliwanag tungkol sa hermaprodism tanungin mo si Pareng Wiki). Kaya doon ako nagulat, na totoo palang may ganoong kaso.

Heto nga pala video nya na nagpapatunay na meron syang tit*:




Ito naman yung article na hermaprodite daw sya:Lady Gaga a Man, Not a Hermaphrodite? But What About the Picture?
Lady Gaga is a man. That's right. Lady Gaga is a man. You read it here first at Disinformation Central, accessed via the Great Prevaricator, Rumormonger, and Falsehood Disseminator (otherwise known as the World Wide Web). What was...
Read More

Medyo hindi na bago sa akin ang salitang yan, kasi yan din ang isyu kay Nancy Navalta. Sino si Nancy Navalta? Sya yung kontrobersyal na atleta (track and field kasabayan ni Elma Muros), na pinapadisqualify sa Palarong Pambansa dahil hindi naman daw sya tunay na babae . Sumasali kasi sya sa kategorya ng mga babae at syempre lagi syang panalo dahil sa mala-bardagul nyang katawan. Sa hitsura at dating palang mukha talaga syang kargador este lalaki pala. Ang baba pa ng boses at may adam's apple pa. Kaya alam monng lalaki talaga si Nancy. Pero nagtataka kayo bakit sya napapabilang sa katergorya ng mga babae at sa tagal nyang sumali sa katergorya ng mga babae bakit hindi sya nahalata na lalaki . Kung titignan mo talaga sya, walang kabahid bahid ng pagiging babae (kahit kabadingan wala din).Ang sagot ay dahil meron syang........ (drum roll uli)................ PUK* (talagang capitalized pa?). Sya ay lalaking may PUK*? Hehehe (hindi naman sya retokado) .Kaya nga pinasuri sya at doon nalaman na wala syang matres at lalaki talaga sya. Yung puk* nya ay deformity lang pala yun (nawasak lang yung tit* nya kumbaga kaya napagkamalang puk*). Kaya dineklara syang Lalaki ng mga espesyalista. Natatandaan ko noon nagpa-press release pa sya nun na may boypren daw sya (kahit mukha silang magkakosa) pero syempre walang epek yun kasi ang Syensya (science) ang may katibayan na lalaki sya, kaya pa-sensya na lang rin.


Sa kaso naman ni Lady Gaga, babae talaga sya dahil nasa hitsura at boses nya eh.Yun nga lang meron syang “bird”. Totoong hindi lang sya kakaiba sa hitsura pati rin pala yung ano nya, kakaiba din.

Pero dapat pinapalitan na ang pangalan nya .Dapat ang tawag sa kanya ay Lady Gago o kaya Boy Gaga para swak na swak sa kanya. Pero sabagay hindi naman talaga mahalaga kung isa syang TIKI-TIKI dahil mas mahalaga yung musikang binibigay nya. Bibig naman nya ang ginagamit sa pagkanta hindi yung ari nya. At pwedeng pwede rin pala nyang paligayahin ang kanyang sarili dahil……………………….magaling syang kumanta pwede syang mag videoke (kayo bastos ang iniisip nyo)

Sa ngayon medyo napapaisip ako kung paano kaya sya umiihi?Pwede nya kayang idefault ang isa at gamitin ang isa (ginawang computer). Saka ano kaya nakalagay sa birth certificate nya, babae kaya o lalaki? Sabagay di ko na problema yun problema na nya yun.

Ano pa man ang depekto ng isang tao mahirap syang husgahan sabi nga nila Don’t judge the book by its cover (because she not a book and you’re not a judge). Ang mahalaga talaga ay yung ugali ng isang tao. Sa panahon ngayon lahat ay pwede ng pagandahin, dagdagan o alisin, pero ang pag-uugali ng tao ay maari lang mabago sa pamamagitan lang ng ating mga sarili.

Teka nga pala bago ko tapusin ang entry ito panoorin nyo ang bidyo na ito, panalo:
Parang hindi ko ata kakayanin yun. hahaha!!

Totoo pala ito;

NOON:Hindi lahat ng Babae, maganda.

NGAYON:Hindi lahat ng maganda, Babae.