TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Linggo, Hulyo 25, 2010
i love you ipis ipis very much (kabanata V)
kung sakaling hindi niyo pa nababasa ang kabanata IV eto yung link
kabanata IV- LAMAY
kabanata V
PAGBABAGO
isang taon na ang lumipas matapos yumao ang katawang lupa ni Dalisay mabebe labs, Madami na ang mga pangyayari at pagbabagong naganap. Bagong mga housemates at bagong mga ipis. Ang ibang mga repipis may kanya kanya na ring buhay.
Si Peklat, Nakita na ang kanyang one and only soulmate sa pagkainsekto ni Doray salagubang. At duon na naninirahan sa kalapit na puno ng mangga. Ang galing nga eh! Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan ng dalawa. Naiinggit nga ako. Biruin mo despite sa pagiging magkaiba ng lahi nila , Pinatunayan nila na ang pagmamahal ay walang pinipiling Sino o ano. Basta ang mahalaga kaya mong ipaglaban at patunayan ang pagmamahal mo, WALANG MAKAPIGIL SA PAGMAMAHALAN NIYO.
Si Singhot naman, nagbagong buhay na rin. Tinigil na niya ang kanyang pagaadik . Believe me! at nagawa niya! Nagsimula iyon nung minsang natrap siya sa fly trap. Akala niya daw rugby kaya nagdive siya agad pagkakita niya dito. Ayun isang linggo hindi nakaalis sa pagkakadikit. Buti nga at nabuhay pa ang loko. Matapos nun, sinumpa niya sa sarili niya na hinding hindi na siya titira ng rugby. ..mothballs na lang na may gulay..oh my gulay!!haaayy...
Si Panot at Kulot naman medyo hindi na rin naglalabas labas sa kani-kanilang mga lungga. Mga pugelshit kasi. Mga loko, Akalain mo? Pinagtripan nila yung buntot ng butiki na natagpuan nila. Ang masaklap inuwi pa nila.. Tawa pa nga daw sila ng tawa. First time lang daw nila nakakita ng ganun. Kala nga daw nila magic Kaya gagamitin dapat nilang sangkap sa pag gawa ng gayuma. Nabalitaan naman ito ng mga echuserong lizards.At simula nun pinagbantaan na sila. babalatan daw sila ng buhay kapag nahuli.
Ang tangi na lang hindi nagbabago, Ay ang pagmamahal ko kay Dalisay,Wagas at walang kamatayan. Kaya ayun! Ang hirap mag move-on. Minsan nga naiisp ko na tapusin na rin ang aking buhay. Para dun na lang kmi magsama sa life after death.
siya nga pala, Alam niyo ba? matapos magpaalam ni dalisay dito sa mundong earth at magpunta ng heaven, Kahit kailan hindi na ako nakalipad muli..hanggang sa kausapin ako ni Peklat
"repipis na lufet! alam mo ba kung bkit hindi ka makalipad muli?"
"bakit repipis na peklat? dahil wala na akong silbi?"
"masyado kasing mabigat ang dinadala mong problema, bitawan mo ang iyong problema at makakalipad ka ulit ng napakataas"
Kapul!! sapul na sapul ako sa sinabing iyon ni peklat..Tama siya! Kelangan ko na magmove-on.
"anung ibig mong sabihin repipis na peklat? kalimutan ko na lang si dalisay"?
"wala akong sinabing ganyan, Ang gusto ko kalimutan mo hindi ang pagmamahal mo kay dalisay kundi yung sakit nang pagkawala niya. Alam kong mas matutuwa siya kung magiging masaya ka."
Kapul nanaman, hindi pa rin ako nakailag sa sinabi n Peklat..
"sabihin mo nga sa akin repipis na peklat kung ano ang kailangan kong gawin?"
"tandaan mo lang kung sino ka!"
"Ako si Lufet, At isa akong ipis. Isinilang ako sa kisame ng maalamat na PBB house, Nabibilang ako sa angkan ng pinakamagagaling na ipis dito sa Bahay ni KUYA dito sa Villa. Matapang, Astig, kinakatakutan at kinaiinggitan ang aming lahi. Kami yung tipong kapag naagrabyado at nagkataong binuhay mo pa, babalikan ka namin at ipapalasap sa iyo ang sakit ng kagat ng aming paghihiganti.
Kami yung lahing inapak-apakan mo na lahat lahat .
Buhay pa. "
tama nga, hindi dapat maging hadlang ang ano mang problema sa kasiyahan ko.
tandaan mo lufet , Minsan may darating na problema sa buhay natin na parang si bagyong basya. Mas maganda kung hahayaan na lang natin umaalis ito.Kaysa hayaan nating salantahin ang buhay natin at mgabuhay ng nakapaligid sa atin.
matapos kong marinig ang mga payo ng repipis ko na si peklat. Ipinikit ko ang aking mga mata at iwinasiwas sa hangin ang aking matitigas na pakpak. at unti unting umaangat ang aking katawan.. Nilakasan ko pa ang pagkampay hanggang sa tuluyan na akong nakalipad muli. At nagpaikot ikot at nagliwaliw hanggang sa nakarating ako sa isang aparador na bago lang sa aking paningin. Pumasok ako at nakita ang isang kakaibang bagay. Nilapitan ko at at pinagmasdan mabuti. Damn!! nakadikit sa kakaibang latang ito ang larawan ni Dalisay.Hindi ako maaring magkamali! Si dalisay nga yong nasa larawang iyon. Ang mga mata niya, mga antenna niya at ang limang paa niya.Kay Dalisay mabebe labs nga. Tumibok ng napakabilis ang aking puso. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung mga sandaling iyon. Muli akong nagpaikot -ikot sa latang iyon at nakita ang salitang
"made in china".
nagulat ako ng biglang nagsalita ang lata
" look to left, look to the right,
look side to side
im Intsik -ticide
itutuloy
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.