TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Linggo, Hulyo 11, 2010

Problema mo sosolusyunan ko!!!

Marami tayong problema sa ating buhay na hindi natin alam kung paano sosolusyunan o reresolbahin. At dahil medyo malabnaw ang utak ko ngayon, ay tutulungan ko kayo sa mga problema ninyo:

Problema: Nagtatae o LBM

Gamot/Solusyon: Kumuha ng usbong ng bayabas, piliin ang ma yellow green ang kulay. Pagkatapos ay subukang bilutin ito na mga ga-holen ang laki. Pagkatapos bilutin ito ay ipasok ito sa butas ng pwet mo. Hayan mababarhan na nya ang tae mo.
_____________________________

Problema: Sumasakit ang ulo

Gamot/Solusyon: Iumpog ang ulo hanggang mahilo ka ng todo-todo. Ngayon hindi na sumasakit ang ulo mo, nahihilo ka na! So solb na ang pagsakit ng ulo mo. Yung hilo eh itulog mo na lang.
_____________________________

Problema: Puyat at laging inaantok sa trabaho

Gamot/Solusyon: Magpakulo ng tubig at magtimpa ng kapeng barako ng Batangas na ubod ng lakas (yung tipong nanununtok) . Pagkatapos pakuluan ang tubig at timpalahan ng kape, hindi mo ito iinumin bagkus ibubuhos ang ubod-init kape sa iyong katawan. Tyak dahil sa hapdi dulot ng nalapnos na balat eh tyak gising ka na!
____________________________

Problema: Masakit ang ngipin

Gamot/Solusyon: Pagsasampalin o pagsusuntukin ang pisngi! Tyak malilito ang utak mo kung ano ang mas masakit ang pisngi mo o ang ngipin mo. Papansin kasi iyang ngipin mo na yan kaya napapansin sa iyong mga brain cells. At ngayon hindi na sya pinapansin ng utak mo dahil namamaga na ang iyong pisngi kaya ipabunot agad yun. Pagkatapos saka mo dikdikin ito ng pinong pino para makaganti ka man lang sa pagpapahirap na idinulot ng buwist na ngipin mo na yan.
___________________________

Problema: Gustong magpapayat ng madalian

Gamot/Solusyon: Kumain ng isang sakong talaba at uminom ng gatas. Tiyak dahil sa kinain mo, itatae mo rin yan kasama pa ang kinain mo sa loob ng isang buwan. Kung sakaling hindi ka pa rin pumayat dito (at wa epek ang ang mga tips na ibinigay ko sa inyo noon), eh subukang magpatiyo ng pawis, tumabi sa taong may AH1N1 o humanap ng lamok na may dengue. Pag nagkasakit ka na tyak mawawalan ka na ng gana sa pagkain at babagsak ang katawan mo. Payat ka na! walang gaanong effort!
__________________________

Problema: Mabaho ang hininga

Gamot/Solusyon: Sabi nila kung kumain ka raw ng bawang, amoy bawang ang hininga mo. Kung kumain ka ng sibuyas, amoy sibuyas ang hininga mo. Ngayon kung amoy tae ang hininga mo, aba huwag mong kainin ang tae, hindi kinakain yun!! Ang solusyon dyan ay magpapawis lagi ng todo todo, wag kang magdeodorant at huwag ka rin maligo. Tyak mangangamoy PUTOK ka na, at least hindi na yung hininga mo ang naamoy nila kundi ang iyong mala-vicks (nanunuot hanggang utak) na ANGHIT o BAKTOL.
_____________________________

Problema: PUTOK O ANGHIT

Gamot/Solusyon: Baligtarin lang ang solusyon kanina. Para hindi nila maamoy ang putok mo, pabahuin mo na lang ang hininga mo. Subukang gawing mani ang bawang at gawing kendi ang sibuyas. Ngayon kung talagang gusto mo ng mabahong mabahong hininga , eh subukan mo ng kumain ng tae! (Piliin mo yung may mais mais para may flavor din, ang tawag dyan ay MAIS CON TAE) Tae lang ang katapat nyan!

______________________________

Problema: Taghiwayat

Gamot/Solusyon: Kung parang plantasyon ng taghiyawat ang mukha mo, at halos wala ng makitang balat kasi nagsisiksikan na ang naglalakihan mong tigyawat . Kumbaga overpopulated na tigyahawat mo sa iyong pamumukha (daig pa ang populasyon ng China), eh subukan mong bumili ng isang supot na PONDS Facial Wash. Bale hindi yung Ponds ang gagamitin mo kundi yung supot ang isusuklob sa iyong pagmumukha pag lalabas ka ng bahay. Ngayon kung ayaw mo nito, magbago ng propesyon at maging boksingero na lang. Hindi ba wala ka namang nakikitang boksingero na may tighiyawat, iyon ay dahil instant tiris o pagpapaputok-tigyawat ang mga suntok ng kalaban mo. Kahit magdugo ang tigyawat mo, okay lang yun kasi hindi halata yun. Ngayon kung ayaw mo pa rin nito, subukang kuskusin na lang ito ng buhangin o pasadahan ng papel de liha. Kung ayaw mo pa rin, eh bahala ka na sa buhay mo bumili ka ng blade limang piso lang siguro yun! (Teka ano ba talaga ang tagalog ng pimple, taghiyawat o tighiyawat??)
Sana nakatulong ako sa mga problema nyo. Ang tagal ko itong sinaliksik at pinag-aralan para ibigay sa inyo ang pinamabisa at pinakamagandang solusyon sa mga problema nyo. At sa nais magpasalamat dahil natulungan ng aking mga solusyon, mangyari pong ipasok ang iyong donasyon sa aking bank account. Take note po, na pera lang po ang tinatanggap ko, hindi po inahing manok o patola, pera lang po!
Salamat.

P.S Pagpasensya nyo na ang kakulitan ko, ganyan talaga pag nakakainom ng panis na gatas. Kaya medyo lumabnaw ang utak ko! Huwag nyo na lang seseryosohin, ngayon kung seseryohin mo ito, isa kang malaking EMO!!!!Hehehe. Bawal ang pikon kaya maiging tanggapin ang mga ito bilang pampagaan ng araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.