TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Martes, Hulyo 6, 2010
HANGSELAN MO!!!
***** Ang taong TALONG*****
Okay tama na nga yang seryus-seryus pwet na yan! Kailangan ibalik ang totoong Aldrino, kaya “Time and space warp ngayon din…….(***insert usok here***) …dyaran…. AKO na uli ito!
.
Hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain o hindi. Pero alam ko lahat naman kinakain ko, tulad ng lugaw na pinagbackstroke-an ng mga ipis at langaw, ice cream na may uhog ko, cake na napapanis at kung ano ano pang kadugyutan na pagkain ang nilalamon ko.
Pero yun nga lang marami din naman akong hindi kinakain tulad ng mahiwagang…….tenen…..Gulay. Tanging mga dahong gulay lang ang kinakain ko (kalabaw??) at ayoko ng mga gulay na may matatapang na lasa (yung tipong nanununtok ba?). Kaya ayaw ko ng ampalaya, okra, sigrailyas, bataw at kung ano ano pang gulay na nasa bahay kubo kabilang ang SINGA (uhog??) sorry … LINGA pala (sesame seed). Sinubukan ko namang kainin pero wala eh sinuka ko rin! Di ko talaga gusto!
.
Hindi rin ako mahilig sa Seafoods tulad ng Talaba (lasang sipon kasi), alimango, tulya at kung ano ano pang seafoods. hindi ko lang trip na pinahihirapan ka pa bago mo makain ang kakarampot na laman.
.
Ayoko ko rin ng Adobo pusit, dahil mukhang pusali o kanal ang hitsura nya. Pero mahilig ako sa calamares, inihaw na pusit at peyborit ko rin si Tya Pusit (dahil kamukha nya ang nanay ko). Tatlong klaseng isda lang ang kilala ko……. tilapia, bangus at galunggong. Ayoko ng ibang luto sa isda bukod sa pinirito lang. Yun lang ang gusto ko at yun lang ang kinakain ko.
Mahilig ako sa manok, kahit anong klase ng luto sa manok kinakain ko. Adobong manok, piniritong manok, afritadang manok at kahit tubuan pa ako ng pakpak, okay lang sa akin dahil mukha naman akong anghel (naks, gumaganun ka aldrino!). Basta paborito ko pa rin ang manok. Mahilig din ako sa baboy, kahit siguro araw araw kong ulam ang piniritong baboy,wala kang reklamong makukuha sa akin.Pwera lang kung baboy na binaboy! Ayoko ko nun!
Kahit ano kinakain ko, kahit palaka, bayawak, ahas,aso, pusa, camel, kalabaw, kambing , kuneho, at lahat ng hayop sa zoo. Nakakain na din ako ng langaw at lamok (bwisit na langaw kasi yan eh, kala ata ng langaw na yun dumpsite ang loob ng bibig ko. Siraulo yun! ano akala nya dun may lamang basura ang esophagus ko?Suntukan na lang eh). Kaya ang maipapayo ko lang sa iyo “wag nyong subukan kumain ng langaw, hindi masarap dahil mapait sya! Pero kung bubudburan ng asukal, pwede na rin- bukayong langaw”.
Kaya hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain?
Sa buhay natin, marami tayong mga choices (parang mga panlasa natin sa pagkain).Minsan kung ano pa ang mabuti yun pa ang hindi natin pinipili (katulad ng hindi ko pagkain ng gulay). At kung ano pa ang nakakasama sa atin yun pa ang gusto natin (tulad ng hilig ko sa pinirito).Namimili tayo batay sa sarili nating panlasa. Pero ika nga hindi lahat ng gusto natin ay nakakabuti sa atin. Kung minsan nabubulagan tayo ng sarili nating kagustuhan at nakakalimutan na natin ang mga bagay na nararapat at mabuti. Dahil sa ito anng hilig ng katawan natin, nagiging iresponsable na tayo sa mga bagay na mabuti at tama. Huwag tayong maging makasarili.
Ngayon pinipilit ko ang sarili na tanggapin ng palasa ko ang gulay kahit hindi ako nasasarapan. Dahil alam kong nakakabuti iyon para sa akin at iniiwasan ko na ang prito dahil baka bigla na lang ako mastroke.
Tulad ng mga kagustuhan ko sa buhay, pinipilit kong balansehan kung ito ba ay makakatulong sa akin at kung ito ba ay tama. Hindi lang dahil sa gusto ko yon, pero dahil ito ang nakakabuti para sa akin at sa iba. Minsan mahirap tanggapin ang mga bagay na taliwas sa kagustuhan natin, pero kung pipilitin nating intindihan ang lahat mas makikita natin ang magandang epekto nito sa atin sa hinaharap.
Kaya ngayon kakain na ako ng gulay at iniiwas-iwasan ko na ang pagkain ng…………..langaw!
Yun lamang po at maraming salamat.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.