TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Sabado, Hulyo 3, 2010

PEYR BA SI PAPA JESAS???


Hays minsan naiisip mo peyr ba talaga si Papa Jesas? Bakit sila mayaman na, magaganda ang pagmumukha, matatalino, magaling pang sumayaw at kumanta samantalang ako KYUT lang (nice parang ipis lang ah). Bakit sila habulin ng chix? ako humahabol na nga ng panget na chix, aba nagdadalawang isip pa (choosy??) gusto ko sanang isigaw sa kanya “Hoy! Naniniwala na akong walang nilikha ang Dyos na Panget………IKAW lang….IKAW LANG!!”.



Nakakafrustrate rin talaga, lalo na’t napapadaan ka sa Dubai mall, bigla ka na lang bang manlilit. Eh ako tuhog tuhog lang ng kwek-kwek sa tabi nila, samantalang sila kwek kwek nila nasa cup.Sosyal! Tapos makikita mo talagang kay gaganda ng mga kotse nila tapos kay gaganda din ng mga chix nila. Yung tipong para kang nasa palasyo ng FHM Tapos mga magulang nila sikat kundi mga artista, shaikh at........................ drug lord. Tapos sila din mga sikat, mga matatalino at magaling pang mag-eenglish samantalang ako hanggang “YOU KNOW” lang ang alam ko. Kaya pag dumadaan nga sila sa harap ko, pakiramdam ko para akong tissue paper (na may tae tae pa) na dinadaanan lang nila at inaapakan.

Kaya minsan para mawala ang panliliit sa sarili ko, iniiisip ko na lang “Naku mabaho din ang tae nyan!” o di kaya “May baktol yan, hadhad, maitim ang singit nyan, kulangot nya blue, amoy bulok na gatas ang utot nya, may almuranas yan, tatay nya adik , kilay nya may kuto, walang butas ang pwet nya, esophagus nya may buni, may bulate sya sa tyan at kung ano ano pa.”

Ganun ,nag-iisip na lang ako ng negatibong katangian nya para kahit papaano eh hindi naman ako maawa sa aking sarili. Siguro ito ang tinatawag na “defense mechanism”.(What the heck ano yun??? nosebleed ako!! Tissue please……..tissue hoy!)


Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay ang aking “ beybi peys” (yung mala bondying ang pagmumukha) at medyo special din ako (in a mongoloid kind of way) Ganun! Iyon lang ang aking magandang katangian. Hindi ako marunong sumayaw, kumanta at umakting, kaya hindi talaga ako pwedeng sumali sa Starstruck sa Startrek lang ako pwede. Samantalang yung iba talagang mga talentado at artistahin pa ang mga dating. Ang sarap pagsasabuyan ng asido at pagpipilyain ang kanilang mga paa. Para makabawi man lang ako sa kanila. Akala nila sila lang ang anak ng Dyos. Ako din kaya!

Okay fine, INSECURE ako! Bold and capitalized, Weno ngayon! tapos na ba ang kwento?Hindi pa basahin mo kaya, don’t judge me coz you are not a judge and I’m not a book! Wala tayo sa library, okay! Kaya basahin mo pa, sige basa.

Kaya talagang hina-hotseat ko si Papa Jesas at tinatanong ko sya , kung peyr ba sya?O baka naman nakalimutan lang nya na anak nya ako, at hindi ng kalaban nya.( Malay mo din namisplace lang ako ni Lord).

Kaya nung minsan talagang hindi ko makuha ang sagot habang nakatingin sa malayo at nangungulangot, pumunta na lang ako sa abu dhabi at nagsimba. Duon ko sya tinanong, pakiramdam ko kasi ako si Santino at bigla lilitaw sa Bro sa aking harapan, kaso si KUYA pala ng PBB ang lumitaw (impostor sya). Pero hindi nangyari yun kasi hindi nga lumitaw si Bro. Kaya lumabas na lang ako ng simbahan, at paglabas ko bigla akong natauhan sa aking nakita. Nakita ko ang mga batang indiano nanlilimos, ang mga taong walang mga paa’t kamay, isang pakistani matandang hirap na hirap sa buhay, , mga kababayan nating walang maayos na damit, at mga pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay. Naisip ko noon…………..Yuck! how gross!! Joke lang! Naisip ko noon napakapalad ko pa pala at marami akong dapat ipagpasalamat sa Panginoon.

Kung minsan kasi lagi tayong nagtatanong kung patas ba ang Dyos?Kung tuusin pala tayo pala ang hindi patas sa Dyos! Madalas tayong tumitingin kung ano ang kulang sa atin, kung ano ang wala tayo at nakakalimutan natin ang mga bagay na ibinigay sa atin ng Panginoon. Nakukuha pa nating umaangal kaysa sa magpasalamat. Marahil kung hindi man tayo naging kasing palad ng ibang tao sa mundo ito at hindi man tayo nabibiyaan ng kayamanan, kasikatan at pagkakaroon ng magandang mukha, binibiyaan naman tayo ng Dyos sa ibang mga bagay na mas higit pa sa mga nakikita ng mata at nabibili ng pera. Nabubulagan kasi tayo ng paghahangad at inggit natin, at nawawalang bahala na natin ang biyayang binigay ng Panginoon . Hindi na natin nakikita ang magagandang bagay na pinagkaloob sa atin ng Dyos. Kung sakaling man na mas higit sila sa bagay namateryal hindi naman ibig sabihin nun ay lamang na sila kaysa sa atin. Na mas mabuting tao na sila kaysa sa atin, o mas totoong tao na sila kaysa sa atin. Hindi sa material na bagay nasusukat ang pagkatao ng isang tao.

Kaya patas ang Dyos, at dapat naging gawin ay makuntento kung ano ang meron tayo para makita natin ang pagiging patas Nya. Nasa atin ang sagot wala sa Dyos, matuto lang tayong pahalagahan ang bawat biyayang pinagkaloob Nya, tyak mas lalo mararamdaman ang pagiging pantay na pagtingin ng Panginoon.

See Watusi, hayan sabi ko sa inyo may moral lesson ang kwento ko! Masyado kasi kayong nag-eepal dyan. Akala nyo puro lang ako kalokohan!

Kaya sa mga naging kaibigan ko dito sa blogosphere maraming maraming salamat sa inyo. Habang nakikita ko kayo lalo kong naiisip na peyr talaga sa akin si Lord (sa inyo hindi!hahaha Joke lang) Basta salamat sa panahon nyo sa pagbasa at pagdalaw sa aking munting kwarto at huwag na sa tissue. (ipaubaya nyo na lang sa faysbuk yan)

MGA HULOG TALAGA KAYO NG LANGIT…………………………………..KASI BAWAL KAYO DOON!hahahah!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.