TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Huwebes, Disyembre 30, 2010
Ang Aking Plano sa 2011
After ko nang mareview kung ano ang mga nangyari sa taong 2010 ko, ito naman ang pagkakataon ko para mag-ekspek ngayong 2011. Ito sana ang gusto kong mangyari,
Heto na basahing mabuti habang nangungulangot ka..
1. Mataasan na ako ng sweldo.
Dahil hindi na rin ako pinayagan ng boss ko na lumipat ng ibang kumpanya (or else magtatanim na lang ako ng kamote sa bundok), eh ine-ekspek ko naman na kahit papaano ay tataasan nila yung sweldo ko (para may pambili naman ako ng IPHONE). Medyo malaking maitutulong yun sa aking mga gatusin sa buhay ( telephone bill, pagkain). Hindi naman ako maluho, gastador lang talaga ako.
2. Makalipat pa rin ako ng ibang kumpanya at bansa na rin kung pwede
Walang nangyari dito dahil nandito pa rin ako sa UAE at nandito pa rin ako sa company! Ibig sabihin nyan isa akong pusali o stagnant water! I need to grow naman kahit papano sa aking propesyon, at medyo kumita ng 3 libong dollar buwan buwan.hahahha!! Gusto ko rin makalipat ng Bharain, Qatar o kaya Japan.
3. Bakasyon Grande
Nung last April masyadong limited ang time (pati budget) limited ang budget lalo pat akala ata ng lahat ng kamag-anak ko ay marami ako dalang pera! Kamusta naman yun! Pero naenjoy ko ang last vacation ko kasi ang dami kong napuntahan mga night club hhahaha
4. Mag-iipon at magtatayo ako ng business
Kahit man lang pataniman ng kamote wala ako! Hindi ako nakapag-ipon dahil ubod sa dami ng gastos, at isa pa masyado akong galit sa pera at ayaw ko syang makita sa wallet ko kaya pinambibili ko na lang sya!
5. Lovelife
sana mag karoon na ako ngayon kasi masyadong makulay ang lovelife ko na parang crayons lang!No need to explain this further dahil masyadong marami para ikwento, hayaan nyo irerequest kong gawing movie, ang title “Aldrin’s Scandal”hahahaha pero I need to move on. (Nice drama, pwede nab a akong artista). Kaya kailangan ko ng isang babaeng papawi sa aking lungkot at lumbay, magpapasaya sa buhay ko at sasalubong sa akin tuwing uuwi ako ng bahay (teka babaeng aso ba ito). I really need a GF right now, kaya kung gustong nyong mag-aapply eh sabihin nyo na, wala akong qualifications or requirements, basta ang mahalaga ay babae ka!! (pero kung sasamahan pa ng kagandahan at kaseksikahan, eh wala ng tanong tanong ,tanggap na agad). Pero seriously, sana makita ko na yung RIGHT WOMAN por me.
6. Pagbutihan pa ang aking pagsusulat
Hindi umabot ang entry ko sa Palanca (dahil nagbakasyon ako), nasali ako sa Philippine Blog Award kaso hanggang nominee lang. Sumali ako sa PEBA (Pinoy Expat Blog Awards) pero siguradong talo yun hahahaha, kung hindi next year na lang, subok pa uli.
7. Maraming marami pang prens
Sana ay marami pa akong makilala at maging kaibigan lalo na sa mundo ng internet, kasi exciting. Medyo ingat ingat na rin ako sa pagbibigay ng sobrang importansya sa kaibigan kasi sa huli iiwan at tatraydurin ka rin naman. Medyo lalo ko pang pagaganahin ang ESP ko para makilala ko ang totoong kaibigan at ang hindi. At higit sa lahat medyo palalawakin ko pa ang aking network para naman kahit saan ako mapunta eh may kaibigan ako dun (na pwedeng kang patulugin sa bahay at pakainin ng chibog ng libre)
-END-
Marami pa akong gustong mangyari ngayong 2011. Alam kong maraming mga supresa ang unti unting mabubunyag habang tumatagal. Sana nga maabot ko ang gusto kong mangyari ngayong taon na ito, pero kung hindi naman okay lang din. Sa susunod na taon, titingnan ko uli kung alin dito ang natupad at alin ang hindi. Sabi nga nila hindi mahalaga kung ano ang narating o nakuha mo, ang mahalaga ay kung gaano karaming tao ang natulungan at nabago mo ang buhay. Hindi rin mahalaga kung gaano ka madalas manalo, pero kung gaano ka katatag na tumayo pag natalo o nabigo.
Marami akong natutunang noong 2010, at maaring iapply ko yun ngayon 2011. Alam kong hindi ako pababayaan ng Dyos at lagi syang nakaalalay sa akin. Nandyan din ang pamilya ko na “SOURCE” na aking kaligahayan, kaya nararapat lang din na bigyan ko sila ng saya.
Ang drama ko noh(and the best actor award goes to me)!! Sige na nga, sana samahan nyo uli ako sa 2011
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.