TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Linggo, Disyembre 12, 2010

BLOG BLOG BLOG (tunog ng taeng sabay sabay nahulog sa inidoro)

Minsan ayaw ko ng magsulat ng seryoso, kasi wala naman sumeryoso sa akin. Hahaha…

Alam nyo ba may mga bagay na matagal ko ng iniisip, halos lagi itong gumulo sa aking isipan kaya sana matulungan nyo ako dito:

1, Ano ba ang tagalong ng cake? (utang na loob wag nyong sabihing ganito ang tagalog nito – keyk)

2. Ano naman ang ingles ng nanghihinayang (uhmm hindi na pwede ang tsk tsk tsk)

3. Ano naman ang tagalong ng ice candy? (yelong minatamis ba?) eh ang ice buko? (yelong buko?)

4. Bakit ang tagalong ng honeymoon ay “pulot-gata’, eh diba ang ingles ng gata ay “coconut milk” at ang tagalong anman ng moon ay “buwan”. Kaya dapat kung hindi honeycoconutmilk eh dapat pulotbuwan.

5.Paano mo tatagalugin ang salitang Appliances,Computer o Electronic, sa isang salita lang at hindi ka todong nag-eexplain?

6. Bakit masarap ang betsin? At ano ang lasa nito? (hirap noh.parang rugby mabaho pero masarap. Adik???)

7. Bakit ang langgam mahilig sa matamis, eh wala naman silang dila? Hindi kaya nasisira ang ipin nila? Saka paano nila nalalaman hindi asukal ang iodized solt (ako nga nagkakamali eh sila pa ! hindi kaya mas amatlino sila kesa sa akin???)

8.Baket ang “tae” saka ang “ tae ng kalabaw” pag iningles mo mura ang kinakalabasan (shit at bullshit). Kaya pag tinawag kang “shit” o “bullshit”, sagutin mo ng “ikaw mukhang kuyukot” o di kaya sigawan mo ng “ langeb, langeb, langeb” sabay belat. (teka ano nga ba ang ingles ng kuyukot at langeb???)

9. Bakit pusod natin mabaho? (sige subukan mong kalikutin ang pusod mo saka mo amuyin? Ano amoy???)

10. Pag ang dalawang tao nagyayabangan ang sinasabi natin “nagpapataasan sila ng ihe”, eh pa gang dalawang babae nagyayabangan pwede rin ba nating sabihing “nagpapataasan ng ihe??? (paano kaya yun?)

Kunti lang yan dami dami ng mga bagay na gumugulo sa aking malabnaw na utak. Sana matulungan nyo masagot ang mga bagay na ito. Para mapabuti ko at umunlad ang aking buhay. Malaki ang maitutulong nito sa aking pang araw-araw na pamumuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.