TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Lunes, Disyembre 20, 2010

Namamasko po


Masarap maging bata, lalo na kung Pasko, at alam mo na yung bakit? Dahil maraming pera (Aguinaldo) at maraming regalo. Syempre pagkakataon mo ng gumimik para kumita ng marami, kaya naman kahit fourth year high school na ako eh,,,,, namamasko pa ako (pakialam nyo ba!!) Kaya narito ang mga tatktika para makarami ng Aguinaldo.


Magpapansin sa Ninong at Ninang- Kapag dumating na December 1 subukang itext na sila Ninong at Ninang ng mga “quotes” at “jokes”. At subukan din itext ng “kumain na po ba u?”, “have a gud day po” at kahit ano pang pang-uutong text.


Sumama sa mga kapatid- Maging chaperon ng iyong kapatid kapag mamasko sa mga Ninong at Ninang nya, tyak kahit papano ay maambunan ka kahit 20 pesos at libreng chibog pa (subukan din magdala ng supot para mag-uwi ng prutas)


Mamasko ng maaga- Dahil karamihan sa iyong mga Ninong at Ninang ay busy (kakatago), mamasko ng maaga,yung tipong magkakagulatan pa! Tyak naman may mahohold-up este may makakuha ka sa kanila kasi naibigay na ang mga bonus nila.

Bigyan ang Ninong at Ninang ng card- Dahil mahal ang regalo, card na lang (minsan na pi-free lang ito sa mga krispap), maglagay ng emo message at ibigay ito sa mga Ninong at Ninang. Aakalain nila na sobra mo silang naaalala at maiisip din nila na hindi lang ang Aguinaldo ang habol mo. (Pero pautot lang yun ang totoo, taktika mo yun para lakihan nila ang bigay)


Tandaan umalis ng gutom – Dahil ang lahat ng tao ay may handa, tyak aalukin ka ng mga Ninong at Ninang mong kumain ng halaya (na lasang pandikit), buko salad (na walang buko puro gulaman), spaghetti (may anemia) at kung ano ano pang pagkain. Nakakahiya naman na pera lang ang habol mo sa kanila kaya pakitang tao ka na rin, at ipilitin itong isaksak sa iyong bunganga. Purihin ang handa ng iyong Ninong at Ninang at sabihing masarap kahit lasang puwet naman ito dahil tyak dadagdagan nila ang Aguinaldo mo.


Pwede pera na lang po – Dahil mauutak na rin ang mga Ninong at Ninang mo, bibili lang yun ng generic na regalo (o regalong hindi pinag-isipan tulad ng panyo, mug, bimpo at etc), Kapag inaabot na ang regalo sa iyo ng mga Ninong at Ninang magmatigas na huwag na lang dahil nahihiya ka at hindi naman dahil sa regalo kaya mo sila dinalaw (tae ka, plastikkkkkk!!). Gamitin ang linyang ito “Ninang/Ninong, hindi po okay na po ang makita kayo, medyo baka di ko kayo makita next year dahil magtatrabaho po muna ako, medyo wala na po kasi akong pera ngayon eh!” (tandaan diinan ang pasasabi ng pera). Siguro hindi naman bato ang Ninong at Ninang mo para hindi nya makuha na..................................mukha kang pera.


Prrrrrrrrrttttttttttttttttttt


Tama na muna ako, bibitinin ko muna kayo…. Noong nakaraang Pasko kasi dito wala kaming Christmas tree sa flat namin . Kaya halos tumulo ang sipon ko sa lungkot dahil walang Pasko dito. Walang Christmas light, parol, simbang gabi , bibingka, nangangaroling at kung ano ano pang pampasko(dahil nga Muslim Country nga ito)


Tandaan, hindi nasusukat sa halaga at ganda ng regalo ang pagmamahal natin sa ating kapwa. Itoy batay sa laki o dami ng pagbahagi ng sarili sa bawat regalo natin sa iba katulad ng pagbabahagi ng ating Dyos sa atin ng isang napakahalagang regalo sa buong sangkatauhan, ito ay walang iba kundi ang kanyang bugtong anak na si Hesus. Na kung saan dahil sa Kanya kaya tayo may Pasko. Kaya ibahagi ang ating sarili sa ating kapwa at mahalin ang bawat isa.


"The mystery of the Holy Night, which historically happened two thousand years ago, must be lived as a spiritual event in the ‘today’ of the Liturgy. The Word who found a dwelling in Mary’s womb comes to knock on the heart of every person with singular intensity this Christmas." - Pope John Paul II


Sa nais magpadala ng regalo, greetings, Aguinaldo, mensahe o death threat (meganun) pakisend lang po ito sa aking email (YM na rin) na aldrin.apan82@yahoo.com;


Iyon lang , maraming salamat sa inyong lahat at Maligayang Pasko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.