TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Linggo, Mayo 16, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON PART 1

Pers op ol, gusto ko munang ipaalam sa inyo na maysakit ako ngayon. Batek? Kasi dahil pagdating ko ditto sa Sharjah eh ubod pala ng init na dito. Kaya nanibago ang aking murang katawan (nice!). At dahil halos kinain ko lahat ang pabaon sa akin ng aking mga kapatid, kaibigan at kamag-anak. Masyado akong na-excite sa pagkain ng pulburon at yema. Halos sumakit ang ngipin ko sa dried mangoes at pastiyas. In short ako ay MA…………………………MASUNGIT (dahil di ako namigay) . Buti nga sa akin!!


Teka dahil naipangako ko na magkwekwento ako tungkol sa aking bakasyon. Gagawin kong installment ang aking pagkukuwento (BUMBAY??). So Part 1 muna para masaya, then part 2, part 3 hanggang maging libro na sya at ipantatapat ko sa Harry Potter ni J.K Rowling.
Okay heto na ang Part 1.


MGA EKSENA SA AIRPORT


Dumating ako sa airport ng mga alas kwatro ng hapon. Medyo masarap ang “mood” dahil nga makakauwi na rin ako sa wakas. Habang naglalakad ako sa Airport, binabati ko lahat ng nakakasalubong ko ng magandang hapon po kabayan.


Okay moving on na……


Dahil excited na excited ang aking pamilya na makita akong muli hayun “late” sila. Kaya medyo wala akong nadatnang susundo sa akin. Kaya naman bumili na ako ng SIM Card sa may lobby ng airpot para malaman kung sang lupalop na sila nagsuot.


EKSENA SA LOBBY


Pagdating ko sa lobby nakita ko na agad yung bilihan ng SIM Card, kyut si Miss Tindera kaya nakipagtsikahan na ako sa kanya at nagpakyut.


AKO: Miss ikaw ba nagtitinda ng SIM CARD?


Miss Tindera: Opo ako nga po KUYA


AKO: Wag mo na akong Kuyahin di naman kita kapatid (sabay pakyut)


Miss Tindera: Ah ganun po ba, sige po SIR.


AKO: Naku wag na akong i-Sir di mo naman ako TITSER, Aldrin na lang!! (putcha, D.O.M na D.O.M ang linya)


Miss Tindera: Sige po Aldrin ano po bang SIM CARD, Globe o Smart?


AKO: Globe na lang kasi Smart ako! (Meganun pautot!)


Miss Tindera: Heto po Aldrin (pinagdiinan nya ang name ko, na parang gigil na gigil)


AKO: Salamat Miss????Ano uli pangalan mo?


Miss Tindera: Sheila po!


AKO: Ahhh, Shiela! ang ganda pala ng pangalan mo, tulad ng pangalan mo maganda ka rin(yan ang pambobola 101)


Miss Tindera: (nagblush)


AKO: Shiela, di ko pa kasi alam ang number ko, pwede bang makuha ko na lang yung number mo. (Yan ang astig na line)


Miss Tindera: Naku naman, kayo ha!May ganun kayong mga linya


AKO: Hehehe, Sige na ,ano nga ba uli yung number mo?


Nilabas nya ang kanyang antigong cellphone na 3310.


Miss Tindera: Ano po ,0917XXXXXXX, (binigay naman)

AKO: Thanks


Miss Tindera: Ah nga pala, ipasaload mo ako ha kahit 30 pesos lang! wala kasi akong load eh, para mareplayan ko naman kayo!


AKO: Ahhh Ganun!


Noong narinig ko yun, umalis na ako. Tuloy, lalo kong naramdaman na mukha akong D.O.M (bwisit!). Medyo tinitingnan pa ako ni Miss Tindera kung magpapasaload ako sa kanya, kaso umalis na lang ako sa inis. Kaya tinawagan ko na lang ang mga kapatid ko kung nasan na sila. Sabi nila 10 minutes na lang daw at nasa Arrival Area na raw sila, kaya pumunta ako sa Arrival Area ng Airport.


EKSENA SA ARRIVAL AREA


Aba, 20 minuto na ang lumipas wala pa rin ang mga kapatid ko! Halatang excited na excited sila! Ang sinalubong mukhang siya pa ang sasalubong!Kaya hindi ko napigilang mag-obserba sa aking mga nakita sa Arrival Area ng Airport.


Nagulat ako ng may todo-kaway at todo ngiti sa akin na babae. Yung babae, naka ubod iksing short (pekpek short daw ata tawag dun) at naka sando lang. Para syang maliligo lang, ganun ang porma . Kulay blonde pa ang buhok kahit hindi bagay sa maitim nyang balat. Basta para syang babaeng nakikita mo sa mga beerhouse (Oyy, bakit ko alam yun??,hehehe). So kaway sya ng kaway sa akin, ako naman nakikaway din at ngumiti din. Pero nagulat na lang ako ng may dumaan mula sa likod ko na isang Amerikanong ubod ng laki.Sya pala ang kinakawayan nung babaeng mukhang maliligo lang sa Ilog Pasig.


Medyo napahiya ako ng konti, pero naiintindihan ko na ang lahat, bumulong na lang ako sa sarili ko na.


“Siguro nakilala lang nya ito sa chatroom!! Jackpot si Ate,hehehe, instant millionare!”
.
Isa pang eksena…..


Pilipina (sa States ata sya galing, suot ang malahula hoop na hikaw ): Oh my God, its so init naman here sa Pilipins! Where na ba sila? (tiningan ko sya mula ulo hanggang paa, mukha syang galing Cubao lang!)


Sabay tawag sa kanyang phone (inpernes mukhang mamahalin)


Pilipina: Kuya, where na ba u? I’ve been waiting here for more than two hours na!!! Blah blah!!

Gusto ko sanang tampalin ang nguso nya, kasi alam ko mas nauna pa akong dumating sa kanya sa Arrival Area. Kaya hinahayan ko na lang syang mag-cacarabao ingles sa isang tabi, habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mala-yerong kamay)


Mamaya maya dumating ang isang pulang van.


Lalaki (ito yung sasalubong): Hey! Where here na!!! (sabay yayakapin ang Pilipina)


Pilipina (yung mukhang tiga Cubao lang): Eh PUTANGINA NYO BAT NGAYON LANG KAYO!!!

Hayun lumabas ang pagiging palengkera ni Ate, hehhee!Paingles ingles pa, pag nagalit naman daig pa ang tindera sa Divisoria!hehehe)


Ako naman, makalipas ang 20 minuto pa, (sinungaling sila, sabi nila 10 minutes lang daw,ano akala nila sa akin tanga sa oras?hehehe) sa wakas dumating na rin ang sundo ko. At dahil sa sobrang na-excite sila na makita ako. Agad nilang hinanap ang ……….. balikbayan box ko. Sabay sabi..... "O nandyan ka pala"
Nice mga kapatid! Astig nyo!! Galing nyong mang-inis ah! Sarap bangasan ng isa ang mga wisdom tooth nyo! Pero alam ko naman joke lang nila yun. Lab naman nila ako!Kahit hindi gaanong halata!Hehehe

Opps medyo bibitinin ko muna kayo dyan ng konti medyo yan muna for now. Maganda yung hindi mo ikukuwento lahat. Dahil sabi ko nga mahaba yang kwentong bakasyon na yan. Basta marami pang eksena ang susunod pa. May eksena pa sa VAN, eksena sa LCC, eksena sa simbahan….. and so on and so fort….. Naks meganun.


Malay natin maging isang buong libro ang kwento ko na ito, at isa pelikula pa. Basta hindi si Manny Pacquiao ang bida okay na ako dun!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.