May dalawang oras na yata akong nakatitig lang sa laptop
Hanggang ngayon e blankong e-mail
Kung may lakas lang sana ako ng loob na sabihin lahat-lahat sayo.
Ang mga bagay na laman ng isip ko
At itong pesteng sakit nararamdaman ng puso ko.
(shit!!!ang corny ko naman ata)
e-mail na nga lang, naduduwag parin ako.
Pa’no ko ba masasabi sayo’ng,
“psssttt, mahal na mahal kita”
Pero bukod dyan, gusto ko sanang sabihin na
“sige na talo na ko. Mahal kita kahit di mo ko pinapansin
O kaya may mahal kang iba?
Pero masakit pala…
At higit pa yon sa inaasahan ko.
Sobrang mahal kita. Noon, hanggang ngayon.”
Pa’no ko ba masasabi sayo to ngayon?
Siguro nga kailangan ko pa gugulin ang buong buhay ko
Para lang makalimutan ka.
Pa’no na ako mabubuhay ng Masaya?
Hindi ako bulag o tanga.
Walang kinalaman ang mga mata ko
Kung ga’no kita ka-mahal.
Bakit, nakikita ba ng mata ang puso ko?
Pano nya malalaman kung sino ang tanging nilalaman nito?
At lalong walang kasalanan ang utak ko.
Nag-iisip lang yan.
Malay ba nyan kung ga’no kasakit
Na malapit ka pero daig ko pa ang ibinato hanggang ibang planeta
Sa sobrang layo ng puso mo sa puso ko….
Pa’no ba????
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.