TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Miyerkules, Mayo 19, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON PART 3

Akalain mong nakapart 3 na ako! Para sa sumusubaybay ng kwentong bakasyon ko, maraming salamat.Oo nga pala mga kautak hanggang Part 4 lang ang “EKSENA SA AKING BAKASYON ” kaya isang hinga na lang ,tapos na rin ang epic na ito (hay salamat!!)

Matapos ang adbentyur ko with Nanay, syempre pagkakataon ko na para naman gumala, magliwaliw at mamasyal. Kaya narito ang mga eksena sa aking pamamasyal.

EKSENA SA MGA MALLS
Halos lahat ng malls ay nalibot ko na, mula sa SM Cubao, Trinoma, MOA, Gateway, Glorietta, Greenbelt, Eastwood, SM Naga, at LCC ay talagang hindi ko pinatawad. Maraming nagsasabi na naghihirap daw ang Pilipinas pero sa tingin ko kalokohan lang yun, bakit? Dahil halos lahat ng pinuntuhan kong mall, PUNO lahat. Miski ang MOA na pinakamalaking mall sa buong Asya ay puno din. Halos mahalikan ko na nga ang mga taong nakakasalubong ko eh (tinutuloy ko ang halik pag maganda at seksi ang kasalubong ko,hehehe). Pero syempre di mawawala ang mga eksena dyan.

EKSENA 1.


Habang ako'y nakatambay sa Trinoma may nakita akong grupo ng mga kabataan na nag-uusap:
(Mga pasosyal na mga kabataan sila)


Kabataan 1: Guys I’m so hungry na eh! Wer ba tau eat?

Kabataan2: Pizza hut na lang tayo mga frenz.

Kabataan3: Ayoko dun di masarap pizza dun?Yellow Cab na lang!

Kabataan4: Ewww! I don’t like there! Dencio or Max’s na lang!

Kabataan5: I’m so tired na eh! Sige lakad na lang tayo at hanap na lang tayo ng makakainan there!


Sinundan ko sila ng tingin kung saan sila pupunta at sa huli nakita ko silang sabay-sabay pumasok sa……(drumroll please)……… tenen……………JOLLIBEE (at mukhang burger steak lang ang kanilang binili)


EKSENA 2.


Dahil masyado akong nainip kakaintay sa ate kong bumili ng damit sa “bossini” (dumayo pa ng Trinoma para sosyal na sosyal na Bossini, siguro SALE dun!). Naisipan kong uminom ng “Signature Hot Chocolate”ng Starbucks na paboritong paborito ko talaga (mas masarap sya kaysa sa Milo at Ovaltine) kaya dun ako tumambay.

Habang ako’y nasa pila, bumibili rin ang isang babaeng nakabubuyog shades (yung malaki pa sa buwan ang shades nya) at magtataka ako kung bakit sya nakashades gayung nasa loob sya ng mall, walang araw doon at lalong wala naman siguro syang sore eyes.

Nasa harap sya ng cashier kasi turn na nya.

Miss Bubuyog: ahhmmm

(bwisit sya! tagal nakapila dun pa sa cashier namili ng bibilhin)

Cashier: Yes ma’am ano po yun

Miss Bubuyog: I would like to order a Frappucino.

Cashier: Ano pong Frappucino ma’am?

Miss Bubuyog: Uhmmm, I don’t know !All I know is that...... there’s a chip on it and it has a bitter-sweet taste, Sorry I really don’t know what kind of Frap is that…. (halos mangongo na sa pagka-slang)

Cashier: Baka Java Chip Frappucino Ma’am?

Miss Bubuyog: No! Lem'me choose for a moment? (Presidente ka?paimportante ka pala eh!)


Buwisit sya, dun pa namili. At huwag nga syang mag-eenglish ng mag-eenglish dahil nasa Pilipinas sya!Tinatagalog na nga sya ng cashier dahil mukha syang tindera sa Divisoria, tapos todo nosebleed pa sa kaka-English.

Makalipas ang 3 minuto nakuha din nya ang gusto nya (sa wakas, dahil kung hindi babasagin ko ang shades nya) . At syempre sinundan ko sya ng tingin. At hayun nakita ko syang picture ng picture ng kanyang sarili gamit ang cellphone habang nakadikit sa kanyang pagmumukha ang Frappucinong binili (siguro ipopost nya yung pix nya sa kanyang facebook o friendster). Tae pala sya, ano akala nya sa Starbucks, “Studio” kasi nagphotoshoot sya dun. At di lang yun, tinawag pa nya ako (kasi napadaan ako) at piktyuran ko raw sya. Feeling nya ata nasa parke sya at akala nya ata photographer ako!
____________________

Marami pang eksena sa mall ang talaga nakaagaw sa akin ng atensyon. Siguro gagawa na lang ako ng isang entry tungkol dito. Kaya diretso ko na muna ang kwento ko.
Moving on......................

EKSENA SA CWC

Unang bakasyon ko, hindi pwedeng wala kaming “bonding moments” ng aking mga kapatid, mga pamagkin at pinsan. Kaya lagi ko silang tinatanong kung saan nila gustong pumunta.Medyo mababaw lang ang kaligayahan ng aking mga kapatid at pamangkin kaya naisipan nilang ilibre ko sila sa ……..DISNEYLAND, kaya dumeretso kami ng CWC (ganun din yun)

Huling punta ko pa sa CWC ay noong first year college pa ako, kaya gusto ko ring makita kung ano ang bago sa Theme Park na yun.

Dumating kami sa Pili ng 11 A.M, katanghaliang tapat. At dahil dyan mistula akong magsasaka ng palay dahil nakabilad kami sa init ng araw. Tapos ubod dami pa ng tao sa loob (adik sa mga rides eh). At ang pila halos himatayin ka sa haba (daig ang pila ng bigas at MRT). At dahil nanghihinayang ako sa 500 pesos na binayad ko. Sinubukan kong pumila na lang at syempre may umeksena na naman.

Nasa gitna kami ng pila ng biglang may 2 binatilyong sumingit

AKO: Pinsan may naamoy ka ba? (tanong ko sa kapatid ko)

Pinsan ko: Wala pinsan, bakit?

Ako: Kasi mabaho ang SINGITTTTT (pinagdidiinan ko). At ayaw ko ng SINGITTTTT (pinaparinggan ko na)

Pinsan ko: Oo nga pinsan ,ayaw ko rin ng singit (saby tingin sa 2 binatilyong sumingit)

Ako: Galit ako sa SINGIT, at pag galit ako pumapatay ako ng SINGIT!

Natakot din naman yung 2 binatilyong sumingit dahil tinitigan ko sila ng masama (yung parang tingin ng mangkukulam) kung hindi sila umalis sa pila sasabog ang mga ngala-ngala nila sa lupa (warfreak??, oo makikipagpatayan ako para sa bumped car)

Makalipas ang halos isang oras na pagpila, sa wakas kami na ang sumakay. Inabot lang ng hanggang 3 minuto ang “rides”. Nabwisit lang ako at nainis dahil sa haba ng pila ay ganun naman kaiksi tinatakbo ng rides at handa pa akong makipagpatayan para dun. (Tae!!)

Kaya nung niyaya na ako ng mga pinsan ko sa iba pang rides, di na ako sumama. Ayaw ko ng pumila at ayaw ko na ring makipag-away sa mga mababahong “singit”. Iikot na lang ako ng 3 minuto at hihiluhin ko na lang ang sarili ko ,tutal yun lang rin naman ang ginagawa ng mga dyaskaheng rides na yan.

Dahil sa gutom. Humanap ako ng resto para kainan. Dahil puno ang mga resto hindi na ako tumuloy .Isa pa, may nakita kasi akong booth ng “rice in a box” sa tabi ng “Merry go round”.
.
At muli may umeksena rin dyan

Habang bumibili ako ng pagkain:

Ako: Kuya pagbilan nga ng rice in a box.

Kuya Tindero: Sir, ano po ba Adobo Flavor , Chicken Ala King, o Beef Steak?

Ako: Adobo Kuya!!!

Kuya Tindero: Sir, wala na po eh!

Ako: Okay !Chicken ala King na lang

Kuya Tindero: Wala rin po sir

Ako: Langya naman eh ano ba available sa inyo?(umuusok na ilong ko sa inis)

Kuya Tindero: Beef Steak lang po!

Ako: Eh yun lang pala available sa inyo, tinanong mo pa ako kung ano gusto ko?Adik ka pala eh!
(pipigtasin ko na ang tenga nya saka ko ipiprito para gawing chitcharon sa galit ko)


Kuya Tindero: Eh sir, kaya ko po kayo tinatanong kasi sasagutin ko po yun kung “meron o wala” kaya may mga choices po Sir.
.
(aba nagpaliwanag pa ang luko)

Ako: eh pilosopo ka pala eh! (hahamunin ko na sana ng away buti napigilan ko sarili ko)

Kuya Tindero: Sir anything for drinks? (putcha, parang walang nangyari ah!)

Ako: C2 green tea! (nanlilisik na ang mga mata ko)

Kuya Tindero: Sir wala na po kaming C2 noon pa.
.
AKo: Eh mga biwist pla kayo, bakit nakalagay pa dito sa Menu nyo! Heto oh! ang laki laki ng pangalan at may picture pa! (sabay dutdot sa menu)

Kuya Tindero: Sorry Sir, di po updated yan!

Halos lumuwa na ang mata ko sa galit at hamunin na ng “square” si kuya Tindero. Gusto ko ng sunugin ang booth ni Kuya at gawing palaman sa tinapay ang dila ni Kuya sa sobra kong inis.Hinahayblad na ako sa kanya, at baka hindi ako makapagpigil eh masakal ko si kuya. Pinakalma ko na lang ang sarili at kumain ng bubblegum. Syete!

Okay, hindi ko gaanong naenjoy ang CWC pero naenjoy naman ng mga kapatid ko! Kaya okay na ako dun! Tutal para sa kanila yun at hindi yun para sa akin. Pero kung tatanungin mo ako kung babalik pa ako dun ang sasabihin ko lang ay ………………….”ISANG MALAKING HINDEEEE”.

Itutuloy.....................................


Abangan ang last part ng kwentong bakasyon ko! Hanggang sa muli at maraming

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.