TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Miyerkules, Mayo 19, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON PART - 2

Okay heto na ang part 2 ng aking kwentong bakasyon. Medyo hindi ko na dadamihan ang kwento dahil baka nagsasawa na kayo sa kwento ko!

Di ba naikuwento ko na sa inyo ang nangyari sa akin sa Airport so narito na ang mga ilang eksena talaga na namang nageepal nung aking bakasyon.

EKSENA SA VAN

Pagkatapos akong sunduin ng aking mga kapatid at magulang syempre excited akong kausapin sila isa-isa at kamustahin.Tinanong ko kung ano na ang nagbago sa barangay namin, kung sino na ang nagpakasal at kung sino na ang mga namatay sa lugar naming. Habang kwento sila ng kwento eh napansin kong tahimik ang nanay kaya tinanong ko na sya:

Ako: Nay, bat tahimik ka dyan?Kamusta na nga po pala kayo.

Nanay Ko: (walang imik)

Ako: Eh kamusta na nga pala yung tindahan natin, okay naman ba?

Nanay Ko: (walang imik)

Ako: Eh yung kalusugan nyo kamusta na?

Nanay Ko: (walang imik)

Ako: Nay, bat di kayo nagsasalita may problema ba??

Nanay Ko: Eh kasi Anakkkkkkk….. (sabay kuha ng supot sa gilid) huwaakkkkkkkk (nagsuka ng marami ang nanay sa supot)

Di ako umimik kasi nagulat ako sa aking nasaksihan para tuloy lumalapot ang aking laway ( isa pa ako rin kasi ang may hawak ng supot ni nanay kay ramdam na ramdam ko ang init ng suka ni nanay)

Nanay ko: Ano ulit yun anak? (nice parang walang nagyari ah!!)

Ako: Okay mga kapatid……. Sino may gusto ng lugaw??? Mainit-init pa!!! (sabay taas ng supot)

Walang umimik ang mga kapatid ko, palagay ko busog sila at ayaw nila ng lugaw ni Nanay! (Okay lang at least may pagkain na si Tog-tog, yung aso namin )

EKSENA SA BALIKBAYAN BOX

Nakarating kami sa bahay ng mga alas 8 ng umaga! At dahil na rin sa excitement na nararamdaman ng aking pamilya para buksan ang balikbayan box ko, wala na akong magawa kundi buksan ito. Hayun parang fiesta sa loob ng bahay. Feeling ko rin para akong namimigay ng relief goods o di kaya nagpaparaffle kasi nga ......... "bigayan time" na.

Pero syempre pati dyan may umeeksena din

Kapatid Ko: nono, bakit puro sabon ang uwi mo.

Ako: eh yan na lang ang ibibigay natin sa mga kapitbahay at mga kamag-anak natin. Okay na yan kaysa sa chocolate. Mahal yun ngayon.

Kapatid ko: Ganun, eh bakit naman sabon?

Ako: Aba ang chocolate isang kainan lang ubos na, ang sabon medyo matagal ang buhay. Aba ayaw mo yun, habang pinapahid nila ang sabon sa katawan nila, ako ang naalala nila. Ngayon kung gusto nilang kainin ang sabon, eh nasa kanila yun!hehehe!

Kapatid ko: Eh okay lang yung pamigay, eh kaso unang uwi puro sabon! wala ba talagang chocolate?

Ako: Aba mahirap ang buhay ngayon! Meron din namang chocolate pero hahaluan natin yung mahal na chocolate ng murang chocolate. Heto oh (sabay pakita ng chocolate na mumurahin)

Kapatid ko: Ito??? (halatang gulat na gulat)

Ako: Weno ngayon! Aba sa Abu Dhabi lang available yan oh, wala silang makikita nyan dito sa Pinas! Saka lasang KITKAT naman yan ah! Yun nga lang lasa pa ring cheap, pero masarap na yan! Talo talo na sila! (isa yang cheap chocolate na nagpapanggap na Kitkat)

Kapatid ko: Eh puwet ka pala nono eh! TIGER ito eh (brand ng chocolate) Available na available dito yan . May commercial pa nga yan dito! Eh tigsasais lang dito nyan. (sabay tawa ng malakas)

Ako: Putchek! Muntik na akong magoverbaggage sa dyaskaheng chocolate nayan! Meron pala dito! Eh dapat pala dinamihan ko na lang ng sabon! (bigla akong nanlata)

Sa huli pinamigay ko rin yung Tiger chocolate kasi walang kakain nun sa amin, dahil maseselan daw ang mga dyaskahe nilang mga dila. Sa tuwing binibigay ko yung cheap chocolate na yun lagi kong sinasabi ko na “arabic” yung nakasulat sa balat ng chocolate.

Dagdag Trivia: sa tuwing nakikita ko yung Tiger Commercial na yun, sumasama ang loob ko sa inis!!

EKSENA SA LCC
May bagong bukas na LCC sa amin, kaya naman nagkukumarat akong tingnan kung ano ang meron dun sa “mall” na yun kaya isinama ko na ang Nanay. Kaya nakukumahog ang nanay sa paglalagay ng groceries sa trolley namin. Akala ata ng nanay eh magtatayo sya ng sari-sari store dahil na rin sa dami ng kanyang pinamili. Kaya masayang masaya ang nanay.

Habang kasama ko ang nanay, nakasalubong namin ang kababaryo na matagal na hindi naming nakikita.

Nanay ko: Hoy Nena, kamusta na? Tagal na nating di nagkita ah

Nena: Kayo po pala yan! Dito rin pala kayo nanimimili.

Nanay ko: Oo naman,mukhang mura dito eh!Teka lang Nena mukhang gumaganda ka ata ngayon ah! Ano ba sikreto mo?

Nung tiningnan ko si Aling Nena, wala akong nakitang ganda este wala akong nakitang pagbabago mula ng makita ko sya dati hanggang ngayon. Ganun pa rin naman sya! Taong tao pa rin naman!

Nanay ko: At di lang yun sumeseksi ka pa!

Nung narinig ko yun, umalis na ako! Medyo hindi ko na kinaya ang pambobola ng nanay. Saka natatakot akong baka maniwala si Aling Nena sa mga sinasabi ni Nanay.

Iniwan ko na lang ang nanay at binalikan ko na lang sya, mas maiging bumili muna ako ng baygon sa kabilang side ng mall (saka ko singhitun) medyo nabibingi ako sa mga pautot ni nanay. (At ngayon alam ko na kung saan ako nagmana)

Kaya nung binalikan ko si Nanay matapos nyang chikahin si Aling Nena, ito ang sinabi ko sa kanya.

Ako: Ano ba naman yung mga pinagsasabi nyo kay Aling Nena?

Nanay Ko: (biglang tumawa ng malakas)

Ako: huh??


Wala buwal ako kay nanay! Pwedeng pwede syang kumandidato sa susunod na elesyon.hehehe!
_________________________

Priitttttttttt ( whistle) . Medyo okay na muna yan! Mas maganda kung pakonti konti ang kwento. Marami pang susunod na eksena kaya sana patuloy nyo pa rin itong basahin.

Tingnan nyo mukha masya talaga ang naging bakasyon ko, basta marami pang kwento yan!Sana wag kayong magsasawa.

Salamat uli sa time at intayin nyo ang susunod na mga eksena

Yun lang ang maraming salamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.