TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Lunes, Hunyo 28, 2010

i love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi mo pa nababasa ang part 3 eto po ang link

kabanata III: HAPDI, KIROT SAKIT


kabanata IV
LAMAY


Parang isang malungkot na eksena sa pelikula. Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang pagpatak ng BULTOKACHI sa aking katawan na nagsisilbing parang ulan habang karga ko ang katawan niya at isinisigaw ang kanyang pangalan...(kung hindi mo alam ang meaning ng bultokachi paki google)


DAAALIIIISAAAAAAAAYYY!!!!!

Isa...dalawa...tatlo..Apat na gabi akong walang tulog. Hindi ako pinapatulog ng mga alaalang masasaya. Lalo na at alam kong hindi na yun mauulit pa.Kahit kailan.

Naalala ko pa. Masaya kami ni dalisay kapag nilalaro namin ang alaga kong si Manuy. Gustong gusto talaga laruin ni dalisay ang alaga ko. Ewan ko ba.Hinahawak hawak, pinipitik pitik, tinatapik tapik. Kaya galit na galit naman si MANuy. Minsan nga nakipaglaro ng peek a boo si Dalisay sa alaga ko. Gulat na gulat si dalisay. Natawa naman ako

Pero ngayon. Wala na si Dalisay. Kahit anong hawak ko, Pitik ko, Tapik ko kay Manuy ayaw nang magalit. Waaaaaaaahhhhhhh... oh no!!!

Balik tayo kay Dalisay bebe mylabs ko. Wala siyang kamag anak dito sa bahay ni Kuya. Kaya ako na ang umangkin sa kanyang walang buhay na katawan. Kahon ng tobleron ang nagsilbing kanyang kabaong para ihatid siya sa kanyang huling hantungan.

Dahil kaunti na lang ang lahing ipis na nakaligtas sa delubyong nangyari. Konti lang din ang nakapunta sa burol ni Dalisay.

PANOT: mga repipis magkape muna kayo

PEKLAT: wow ang sarap nito

SINGHOT: heavy nakakaadik ang sarap,

KULOT: oo ang sarap nga. San mo ba to nakuha panot?

PANOT: Galing sa STARBUCKS yan..pinadeliver ko pa.

AKO: kaya pala ang sarap

KULOT: mga repipis. Samahan niyo ako. Maghanap tayo ng chix dalhin natin dito

PEKLAT: Baliw ka ba? Nakita mo na ngang nagdadalamhati ang repipis nating si lufet . Puro chix pa rin nasa isip mo

KULOT: C-h-I-C-K-s!! As in Sisiw ! tanga! Ilalagay natin sa kabaong maghahanap tayo ng katarungan.

PANOT: ayan kasi . natanga ka tuloy. Hehe

PEKLAT: hehe. Pero masiyado malaki yung sisiw. Tutukain lang tayo nun at kakaining parang bulate

PANOT: SISIW lang yun.. (nakita niyang lahat nakatingin sa kanya at walang tumatawa.) Lagi na lng ba ganito ang eksena walang tumatawa sa joke ko!!! Grrrrrrrrrrrr..

LUFET: Ano bang ginawa natin para ganituhin tayo ng mga taong iyon....

Porke ba hindi nila gusto ang itsura natin?

Dahil ba sa naiirita sila sa atin?

Whats wrong with those people?

Papatayin nila tayo kasi ayaw nila sa atin? Kasi sa tingin nila nakakatakot tayo? Kasi sa pagkakaalam nila madumi tayo?

Sila lang ba may karapatan mabuhay sa mundo ?

MGA TAONG INA NILA!! MGA TAONG INA NILA LAHAT!!

PEKLAT: lufet, kalamayin mo ang iyong loob at magpakatatag ka.. darating talaga sa buhay natin ang mga ganitong pagsubok na magpapaluha sa atin. Luhang magsisilbing ulan para madiligan ang binhi na na nakatanim sa ating puso. Na balang araw magiging matatag na puno. Puno na nagbubunga ng tagumpay at kaligayahan.

PANOT: psssttt..peklat san mo nakuha yan? (pabulong na itinanong)

PEKLAT: wag kang maingay imbento ko lang yan!!ahihihi. tanga naman yan si lufet maniniwala yan. Hihi

Lumapit ako kay dalisay habang lumuluha
Ang ganda ganda mo talaga. Bagay na bagay talaga sayo ang pangalan mo. Alam mo?Kapag tumitingin ako sayo, Naiinlove ako.Paulit ulit. Walang katapusan. Pero ganun talaga eh. May pagkakataong kelangan na natin magpaalam sa mahal natin sa buhay.Adik ka! Nasanay ka na atang iniiwan ako. Tapos hahabulin kita. Pero ngayon iba na. Lalayo ka na at babalik sa langit bilang anghel. Huwag ka mag alala ang pagmamahal ko naman sayo abot hanggang langit

Salamat at natupad mo ang pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay. Ngayong patay ka na sana mahal mo pa rin ako.

Tatlong bagay ang itinuro mo sa akin

Una, tinuro mo sa akin kung gaano kaganda ang mundo at kung gaano kasarap mabuhay dito

Pangalawa, nalaman ko na kapag wala ka, Mali ang unang itinuro mo sa akin

Pangatlo, Mali ako, tama ka.



itutuloy...

yosi breyk


Nagsindi ako ng sigarilyo ko at tumitig sa ashtray na halos mapupuno na..
Napaisip ako, kung ilang stick ba ng marlboro ang kaya kong ubusin sa isang beinte-kuwatro oras..
Araw-araw akong bumibili ng isang kaha nito at minsan nga, kulang pa ito sa buong magdamag.
May naalala ako na sinabi ng isa sa aking mga kaibigan ay ang isang stick ay nakakapagpabawas ng oras ng iyong buhay sa mundo.
Tinatamad akong magresearch tungkol dito or siguro, natatakot na rin akong malaman kung ano ang maaaring idulot nito sa aking kalusugan..
Hindi naman siguro masama na ipagwalang-bahala ang mga opinyon at mga medical issues tungkol sa dulot na sakit ng paninigarilyo..
Sagot ko ang sarili ko kung magkasakit man ako dito...
Lalong sagot ko ang sarili ko kung ang kalahati man ng aking katawan ay nahuhulog na sa hukay...
Pero papaano kaya kung malaman ko na konti na lang ang araw na natitira sa buhay ko dahil lang sa paninigarilyo?
Isali mo na ang beer at alak na iniinom ko sa ano mang oras na gustuhin ko...


Kung oras ko, oras ko na...
Kasalanan ko naman siguro na hindi ko inaalagaan ang aking sarili...


At muli kong naalala ang nabanggit sa akin ang kaibigang uragon na ang sex ay nakakapagpadagdag ng buhay...
Ang pakikipagtalik ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kalusugan...
Inuulit ko..ito ay mga base lamang sa mga kuwentuhang 'coffee shop' ng aking mga kaibigan at wala akong balak iresearch ito.


kung ang mga bisyong napili ko ay nakakapagpabawas ng taon ng aking pananatili sa mundong earth, at ang sex ay nakakatulong sa ating kalusugan...
mamarapatin ko na lang na balansehin ang lahat...
hindi na masama di ba?


Eh papaano kung hindi nito kayang balansehin ang dalawa?
hindi naman maaaring isang stick ng yosi o isang baso ng beer o bote ay tatapatan ko ng isang malupit na pakikipagtalik...
Baka maubos ang babaeng maaari kong matikman sa mga darating na araw...
Tsk!! Isang malupit na Tsk!
O di naman kaya..kung gusto ko naman ng clean living...
Sa girlpren ko iraraaos ang pagbalanse ng aking mga bisyo...
Kawawa naman siya kung ganon.
Isipin mo, sa loob ng isang araw...ilang beses akong nagsisindi ng yosi...so kelangan ba talaga one is to one ang ratio?
Isang sex sa isang sigarilyo?
Eh di ang mangyayari nyan: Ihi na lang ang pahinga, sisilipan pa!


Lahat naman ng tao takot mamatay...
Yong ibang taong nagsasabing hindi sila takot mamatay...ayaw ko na lang magsalita.
Muli kong naisip habang nagsisindi nanaman ako ng sigarilyo:
Ang aking magiging mga huling kahilingan...
Masyado nang pamilyar ang tanong na yan at palagi..iba- iba ang sagot natin sa iba-ibang panahon...
Kahit ako, tanungin mo nyan ngayon, iba ang sagot ko kung ikukumpara mo ang sagot ko pagtatanungin mo ako sa susunod na buwan.


Ayaw kong maging maluho sa mga matitirang araw ko sa mundong earth...
Gusto ko simple...
Gusto ko tahimik...
Gusto ko masaya...
Gusto ko puno ng pagmamahal...
Gusto ko wala akong idea kung kailan ito darating...


Wala akong ideal na paraan para sa paraan o senaryo ng magandang pagkamatay ng natural
Dahil para sa akin...
Walang magandang senaryo... may iiyak at iiyak.


Pero ang mahalaga...
Naranasan mong mabuhay...
Natikman mo ang sarap ng ngumiti...
Natuto ka sa mga aral ng buhay kahit paulit ulit mong binabaluktot ang tama...
Nasaktan ka at nakabangon...
Gumanti ka at napahiya...

Kung hanggang saan ang aabutin ng buhay mo...
Walang nakakaalam...
Walang makakapagsabi...

Isang paraan lang ang alam ko kung papaano ito malalaman...
Ito ay kapag tumigil na iyong paghinga...

Sabado, Hunyo 26, 2010

i love you ipis ipis very much - 3

kung sakaling hindi pa ninyo nabasa ang kabanata 2 eto po yung link
kabanata II:INUMAN



kabanata III
HAPDI, KIROT at SAKIT




Nagmamadali akong lumipad para hanapin ang nag-iisang babae sa puso’t isip ko.At sa aking paghahanap, Nakita ko ang isang matandang ermitanyong ipis .Pakiramdam ko meron siyang gusto sabihin sa akin kaya dumapo muna ako sa tabi niya.Dali dali kong itinanong kung may nakita ba siyang isang magandang ipis na lima lang ang paa. Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa aking mga mata at lumapit sa akin ng dahan dahan at ibinulong ang ilang mga pangaral.


Sabi niya....

 Ang pagibig ay parang pagbunot ng burnek o buhok sa puwet , Napakasakit pero nakakaadik



 Pakaiingatan mo yung mga nagmamahal sayo kasi yung mga nagmamahal sayo papakaingatan ka



 Ang hindi nakikita ng mga mata ay siya pang mas mahalaga



Nagpasalamat ako sa mga pangaral niya.Pero sa ngayon hindi pangaral ang hinahanap ko.Ang hinahanap ko ay ang ipis na nagsisilbing dahilan kung bakit patuloy na tumitibok ang aking puso. Nagpaalam na ako sa matandang ermitanyo. At lumipad palayo. Maya maya narinig kong tinawag niya aking pangalan. Kaya lumingon ako, Isang bato ang tumama sa mukha ko. Bigla siyang nagwika



“Tandaan mo lufet...Kapag binato ka ng bato”

“Ano?”

“umilag ka! Tanga!”



Tumuloy na ako para hanapin si dalisay . Nagulat na lang ako sa nakita ko. .

Nagkakagulo na ang lahat

Maraming mga ipis ang lumilipad sa paligid..hilong hilo

Nagkakabanggan

Nanghihina

Umiiyak

Nagmamakaawa

nagdadasal

Humihingi ng tulong

Naghihintay ng himala

Umaasa na manatili ang kanilang mga buhay

Nakita ko ang dalawang repipis ko.. si Panot at si Peklat. Hinang hina rin at hilong-hilo. Tinanong ko sila kung anong nangyayari.. sabi nila may nagspray daw . Ginawa daw nila ang lahat ng makakaya nila para iligtas ang ibang mga ipis. Pero kahit na sila daw si PETER PANOT at KAPITAN PEKLAT hindi daw kaya ng powers nila ang amoy na yun. Mas matindi pa daw sa putok ni singhot.

Dahil may sipon ako nung mga oras na iyon. Hindi ko maamoy ang sinasabi nilang nakakalasong aroma .

“nasan si DALISAAAYY!!!?” tanong ko

“andun sa basurahan”

Dali dali kong lumipad papuntang basurahan . Nang malapit na ako. Kitang kita ko ang katawan ni dalisay. Nakatihaya at medyo nangingisay ngisay na. Mabilis kong pinuntahan ang mahal ko. . Nung nakita niya ako, Ngumiti siya..hinaplos niya ang mukha ko..sabay sabi

“alam mo ba kung bakit mahal na mahal kita?”

“ alam ko dahil kyut ako?”

“gago, dahil naniniwala ako sa kasabihang kapag gusto mo lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng panget at ibigin mong tunay”

“ganun? Dalisay huwag ka na muna magsalita. Kayanin mo dadalhin kita sa doktor”

“joke lang...kaw naman..mahal na mhal na mhal na mahal kita kasi lagi kang andiyan.”

“kahit kelan dalisay hindi kita iiwan”

“salamat at sinamahan mo ako hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Masayang masaya ako at nakilala kita”

“huwag kang magsaita ng ganyan dalisay. Magsasama pa tayo ng matagal. Matagal na matagal diba?”

At ayun na nga ang huling mga salitang narinig ko mula kay dalisay. Umagos ang luha mula sa mga mata ko hanggang sa katawan ng aking pinakamamhal . Syempre kasama na rin yung sipon ko. Remember may sipon ako nung mga oras na yon...Buti nga patay na siya kaya hindi nakaangal eh.

Kaya kong tiisin yung hapdi ng dulot ng mga sugat, kaya ko rin tiisin yung kirot ng hindi pagkain ng ilang taon, kaya ko rin tiisin ang sakit ng magpa sagasa sa ten wheeler truck..Pero ang hindi ko kinaya..ang makitang unti unting nahihirapan ang pinakamamahal ko. Ang sakit sakit pala..ang sakit sakit..nakakamatay

Bumalik sa aking isipan ang ala ala ng aming masayang nakaraan..

itutuloy....

i love you ipis ipis very much

kung sakaling hindi pa ninyo nababasa ang part 1 eto po ang link. basahin muna bago basahin ang kabanata 2
kabanata I: ako ang simula



kabanata II
INUMAN



Malungkot ako. Problemado. Hindi mapakali.Kaya pinasya ko na lumipad lipad sa buong bahay ni kuya.Sakto naman at may nakita akong bote ng redhorse mucho sa may aparador. Bukas na at halos kalahati pa ang laman. Solve solve. Kaya dali dali kong tinawagan ang aking mga kaibigan gamit ang dalawa kong mahahabang antena.


“Mga Repipis!! May nakita akong pagpipiyestahan natin dito! Nomu na Nomu!”

Unang dumating ay si Panot. Ang kaibigan kong mahilig magpatawa , Hindi naman kalbo.Sumunod ay si Kulot ang dakilang manunulot.Tapos si Singhot ang pinaka adik sa tropa.At ang pinakahuling dumating ay si Peklat.Ang ipis na laging sugatan ang puso.

Nakarating na ang lahat. Sinabi ko sa kanila na meron akong problema, Isang napakalaking problema, Dahil nagalit sa akin si Dalisay, Hindi ko naman sinasadyang matawa ng malakas sa harap ni Dalisay habang binabasa ko ang letter niya sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Jejemon ang pagkakasulat.Pero hindi pa natapos ang storya dun. Lalo pang lumala nang sinampal niya ako gamit ang pakpak niya. Hindi pa rin ako matigil sa pagtawa. Tapos nun umiyak siya. Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya.At dali daling lumipad palayo.

“ Matapos nun ,Binalak ko na habulan siya , Pero,Hindi na ako makakilos. Ano bang nagawa ko? Ang tanga tanga ko”

Matapos ko ikwento sa mga kaibgan ko ang mga pangyayari . Tumawa ako ng malakas sabay sabing tara simulan na natin ang inuman. Wooooohhh!!

Sinimulan na namin ang inuman. Iisa isa kaming pumasok sa bote ng redhorse mucho at dun sabay sabay na nagsilanguyan.Muli namin binuhay ang mga katagang Magpakalunod sa alak. At nang medyo lasing na kming lahat .Naging sensitibo na ang aming naging usapan.

PanOT: Mga repipis,Kilala ninyo ba si Pepeng ipis? Yung matandang panget na ipis? Na rape daw. Akalain nyo yun?

PekLat: Yung crush mo? Hahaha. Talaga? Sino naman ang nangrape?kadiri eiiwwww...

PaNot: Si Teteng ipis..wahahahaha.. madilim daw kasi nung mga panahong iyon. Hindi niya daw nakita. Tapos after 1 day namatay si teteng ipis

Singhot: oh? Ano naman ang ikinamatay?

Panot: kahihiyan

(tawanan ang lahat)

KulOt: Mga repipis, Kung nagkataong hindi kayo ipis. Ano kayo at bakit?

SingHot: Gusto ko maging icecream para maramdaman kong dinidilaan ako.

(tawanan ang lahat)

PekLat: Takte ka singhot! Adik ka talga! Ang laswa mo. Ako gusto ko maging isang octopus.Para mas marami akong mayakap ng sabay sabay.

PanoT: kaya ka iniiwan eh. Kung ako tatanungin nyo .gusto ko maging isang WIG wahahahahahaha. para maging solusyon ako sa mga problema ng mga panot. Khit hindi ako panot

(walang tumawa. Tahimik ang paligid)

Kulot: Ikaw lufet ? ano gusto mo?

“ Gusto ko maging paa, kapalit ng naputol na paa ni Dalisay, Para kahit san man siya magpunta. Lagi niya ako kasama. At maging parte ng pagkaipis niya. Pangarap ko kasi marinig mula sa kanya na....

KUMPLETO NA SIYA KASI ANDITO NA AKO”

Kulot: wooohhh!! Ang cheesy!! Naglevel up ka na. Haha. Ako gusto ko maging Napkin . Alam niyo na kung bakit..

(tawanan ang lahat)

Peklat: Panget yun pare! Pagkatapos ka nila gamitin itatapon ka na nila..

KuloT: oo nga noh? Sige pera na lang! Para Madami nagpapakamatay para sa akin. Hahah

“ Buti na lang may mga kaibigan akong tulad niyo. Salamat mga Repipis “

Peklat: oh lufet!! Magsmile ka naman! Alam mo ba ang pagsmile ay isang asset? It can touch Hearts and even change lives so keep on smilling you might inspire someone with it

(nagtingninan ang lahat kay peklat. Habang dumudugo ang ilong namin)

PanoT: nakanang putcha! May tinatago kang english!

Singhot: Halika pare! Para hindi ka malungkot sama ka sa amin ni Kulot. Mambababae tayo!

Panot: Bakit kayo lang? Paano naman kmi?

Singhot: Saka na lang kayo. Panira kayo ng Diskarte. Baka magtae mga chix na makita namin kapag nakita kayo.

Tapos lumipad na kaming tatlo ni Singhot at kulot sa isang parte ng bahay ni kuya. Hanggang sa makita namin ang isang magandang ipis.

Kulot: para ayun! Diskartihan na natin

Singhot: lufet swerte mo. Kami na didiskarte para sayo. watchenlearn

(pumunta sa magandang ipis)

Singhot: Hi miss, Naniniwala ka ba sa Love at first sight? O gusto mo bang dumaan ako ulit sa harap mo?

Magandang ipis: sorry malabo mata ko

Singhot: sakto! Love is blind..

Kulot: psssst singhot. Adik ka talaga! Luma na yan ! halika panuorin mo diskarte ko!

Singhot: sige sige

Kulot: hi

Magandang ipis:..........

Kulot: Hi im pauleen

Magndang ipis: pauleen?

Kulot: Nung nakita kita naging Pauleen na name ko. Im pauleen inlove with you

Magndang ipis..(napangite)

Kulot: Alam mo PAMPERS ka?

Magndang ipis: pampers?

Kulot: oo , sa lahat lahat ng magagandang ipis na kilala ko, ikaw ang PAMPERS sa puso ko.

Magndang babae: nakakakilig ka naman.

Kulot: meet my friend lufet.

“ mga repipis, Alis na ko. “

Kulot: oh saan ka pupunta?

“ kay Dalisay, Pupuntahan ko siya. Magsosorry ako. Ayoko na nagdagdagan ang kasalanan ko sa kanya. Salamat sa inyo nalaman ko kung gaano ko siya kamahal.”

Kulot: gaano?

“konti. Konti na lang lagpas langit na”

At dali dali akong lumipad para hanapin sa Dalisay ....

itutuloy ...

i love you ipis ipis very much

kabanata I
AKO ANG SIMULA


Ako si Lufet, At isa akong ipis. Isinilang ako sa kisame ng maalamat na PBB house, Nabibilang ako sa angkan ng pinakamagagaling na ipis dito sa Bahay ni KUYA dito sa Villa. Matapang, Astig, kinakatakutan at kinaiinggitan ang aming lahi. Kami yung tipong kapag naagrabyado at nagkataong binuhay mo pa, babalikan ka namin at ipapalasap sa iyo ang sakit ng kagat ng aming paghihiganti.


Kami daw ay nabibilang sa mga ipis na may dugong bughaw. Tinanong ko si nanay kung paano nangyari na dugong bughaw kami. Sabi naman ni nanay kasi daw utot ko kulay blue. Siyempre hindi ako naniniwala kasi alam kong joke lang yun.


Kami yung lahing inapak-apakan mo na lahat lahat .Buhay pa.


Pero sa kabila ng malupet kong pangalan at astig na lahi, Isa pa rin akong mahinang ipis. Tanggap ko naman eh. Wala akong maipagmamalaki. Ay!!! meron pala! Ang alaga kong si "MANuY". Lagi ko siya kasama. Lagi kming naglalaro. Pero siyempre ayaw ko namang ipakita siya kung kani-kanino lang. Sensitive kasi siya. Madaling magalit.


Inlababo ako sa isang kababata. Si dalisay. Siya na ata ang pinakamagndang ipis na nabubuhay. Fresh na fresh siya galing abu dhabi. Tinanong ko siya kung papaano sya napunta sa bahay ni kuya. ang sagot naman niya ay natrap daw siya maleta ng bagong housemate na pumasok sa Bahay ni Kuya. Ayun!


Kasabay nang una naming pagkikita ay pumasok na rin siya sa puso ko at kahit kailan ay hindi na muling lumabas pa..


Ang bango bango talaga ni Dalisay. Parang panis na ispagheti, hmmmmm.. Ang sarap. Kahit saaan ako magpunta naamoy ko pa rin siya. Sumusunod sa galaw ko.




Siya ang dahilan kung bakit patuloy pa rin sa pagtibok ang aking puso


Siya ang dahilan kung bakit 143 ang favorite number ko


Siya ang dahilan kung bakit ako masaya


Siya ang dahilan kung bakit laging nakatayo ang alaga kong si MANuY


Siya ang dahilan kaya ako ipinanganak sa mundo " para alagaan ko siyat mahalin habang buhay"


Siya rin ang dahil kung bakit ko nasagot ang katanungang ..What is the square root of 25. Oo kasi lima lang ang paa niya. Dahilan naputol ito nung naipit yung paa niya nung natrap siya sa maleta.
Dahil nga sa sobrang ganda ni Dalisay . Ang dami daming nanligaw sa kanya. Naalala ko pa nga nung sabay sabay kaming nanligaw sa kanya.At isa isa niya kming tinanong kung no ang maipagamalaki namin


ipis1: Nakaligo na ako sa dagat ng basura
ipis2: Hindi ako magnanakaw
ipis3: Ibinalik ko ang kapayapaan sa mindanao, sa akin may ginhawa
ipis4: Meron akong galing at talino
ipis5: Ipinagmamalaki ko na mahal ko ang Diyos at ang bayan
ipis6: Pinaunlad ko ang subic
ipis7: Hindi ako isinali sa survey
tapos si ipis8 ay nanatiling tahimik pero patuloy sa panliligaw


Meron pa palang ilang ipis sa baba pero minabuti nang hindi umakyat
ipis9: Ako ang tunay na bayani
ipis10: akong bahala sa palengke


Tapos tinanong niya ako kung ano naman ang kaya ko ibigay at ipagmalaki.sabi ko.


"ako mismo! Ako ang simula! At Handa akong mamatay para sayo"


Matapos nun. Kinagat kagat ko ang bulok na prutas ng mansanas para ukitin ang mga katagang ito




Deads na deads
Ako sa iyo, Pangako
Lagi kitang
Iibigin at
Sayo lang
Aandar ang mundo kong
Yinayanig mo.


Tapos nagulat na lang ako kasi ngreply siya sa ginawa ko at eto ang nakasulat.


MuKstah n pheow u!?? huWakg u mhakz alahlah.... Iii LOphVes u dHiin vH3rRy Vh3Rry mUwtgCht!!!jejeje


haaayy..Putragis yan! jejemon pala siya. Pero kahit ano pa man Mahal na mahal na mahal ko pa rin siya

itutuloy...

Biyernes, Hunyo 25, 2010

Mabuti pa ang ipis nakakalipad


Kahit masama ang pakiramdam ko,
Hindi ito naging hadlang para ituloy ko ang aking plano .
Gabing gabi,
Hinintay kong makatulog ang lahat bago ako bumangon.
Binuksan ko ang pc.
click dito. click doon.
Lumaki ang aking mata sa nakita.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking mouse.
Sa aking mahiwagang mouse.
Manghang mangha ako sa mga pangyayari



Isang istorbong ipis ang lumitaw sa eksena
nagpapapansin
siya daw si tinkerbell at ako daw si peterpan
palipad lipad
proud na ipinapakita sa akin ang kanyang pakpak
( tae kala naman nya maganda)
Parang anghel na paikot ikot sa aking uluhan.
animoy may mensaheng pinaparating
cguro pinapatigil na nya ako sa aking ginagawang milagro
dumapo sa pader itong si tinkerbell
pinulot ko yung tsinelas ko tapos binato ko kay tinkerbell
duling ! tanga tanga ang lapit lapit hindi ko pa nasapul! borklogs


naisip ko.
mabuti pa ang ipis
Tinitilian ng mga chix na babae
minsan nga pati pa chix na lalake (meron b nun?)
mabuti pa ang ipis
laging may karamay
kapag nagspray ka makikita mo silang sama-sama
at parang nagrereherse lang ng bagong dance step kung mangisay
mabuti pa ang ipis
nakakalipad
marunong umilag sa maga binabatong problema sa kanya.

after nun tinamad na ako. Pinatay ang kompyuter at bumalik sa pagkakahiga...Hindi na ako pinatulog dahil sa may naisp akong lovestory. gumawa kaya ako ng isang lovestory tunkol sa isang ipis na nainlove sa isang insecticide..hmmmm

eto ang example:.
SABI ng ipis:
Wala naman akong balak saktan siya.
Gusto ko lang naman maging close kmi, Pero bakit tinataboy nya ako.

sabi naman ng insecticide

Insecticide ako, Nilalayo kita sa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo.

waaaaaaaaaahhh. mukhang exciting toh...

Huwebes, Hunyo 24, 2010

CERTIFIED JOLOGS ME!!!



Naghahanap ako ng pictures para sa entry kong Jologs, kaya nung hinanap ko sya sa Yahoo at Google itong picture na ito ang lumabas. Kaya wag ako sisihin nyo dito, sila ang sisihin nyo. Para sa akin, walang kabahid bahid ng kajologsan ang mga picture sa taas (**pigil tawa**). Nilagyan ko ng itim ang mga mata para naman maitago ang kajologsan este identidad ng mga bata sa itaas.
__________________________________

Oo Jologs ako! Baket?? Anong problema?

Aaminin ko na JOLOGS ako, medyo maraming mga bagay na nagpapatunay ng aking pagkajologs at ang mga sumusunod ay dalawa lang sa palatandaan ng aking KAJOLOGSAN:

BIHIS ALA HIPHOP

Nung terd dyir hayskul ako noon, usong usong ang mga HipHop get up na tinatawag. Yung litaw ang brief (kita ang garter na mala-bacon) at baggy pants (yung tipong hanggang tuhod ang pundya). Tapos ang T-Shirt ko noon ay extra large ang size kaya mukha talaga akong ewan nun. At dahil sa aking hanggang tuhod na pundya nagmumukha akong MAY TAE sa pantalon na naghihintay na bumagsak sa lupa (nice parang papaya lang) Basta mukha akong nakakasukang tingnan. Ganun ang hitsura ko.

So isipin nyo na lang na kamukha ko si Andre E, habang suot suot ko yan. Madalas akong nilalayuan ng mga kaklase ko dahil mukha daw akong ...........mabahong tingnan(sensya naman!). At kahit nangingitim na ang garter ng brief ko,wala akong pakealam…USO EH! !LOLS!

Medyo hilig ko rin magsuot ng technicolor na damit, kaya mukha rin akong NAGLALAKAD NA BANDERITAS. Pero 'wag ka proud na proud ako sa suot ko na yan, basta feeling ko KEGWAPO GWAPO ko!

(UPDATE: Nagbagong bihis na ang mga hiphop ngayon, madalas silang nakasuot ng extra large na TSHRT at skinny jeans. Kaya mistula silang mga TRUMPO at ICE BUKO dahil sa porma nilang yun! Pero ika nga trip nila yun kaya walang basagan ng trip)


JAPANESE RESTO

Hindi ako mahilig sa mamahaling resto,para sa akin pare-pareho lang yang pagkain.Sa huli mabubusog ka rin naman at itatae mo rin yan sa kubeta (at kahit gaano pa kasarap at kabango ang pagkain mo, ilalabas mo rin itong mabaho at kulay brown! ).

So hayun na nga, nung minsang kumain ako sa isang susyal na Japanese restaurant dito sa Saudi,masyado akong naexcite. Dahil syempre Japanese Restaurant yun, naka chopstick sila. At dahil pakiramdam ko kay dali-daling gamitin ang mga dyaskhaeng patpat nayan , nagmagaling ako (pasikat lang ba). Pero bwisit na chopstick yan akala ko madali lang, yun pala ke hirap hirap. Hindi man lang umabot sa bibig ko ang mga pagkain kasi nahuhulog sya sa sahig. Kaya nagmukha akong timawa sa mga oras na yun!

Dahil sa inis, hindi na ako nakapagpigil pa, tinusok ko na lang ng chopstick yung fresh tuna na parang fishball. At dahil mukhang masarap kinain kong bigla yung tuna. Pero punyemas na yan, hindi pala masarap yung fresh tuna na yun. Lasang luga (uyyy nakakain na sya ng luga!) kaya sinuka ko lang iyon sa plato ko (parang pusang sumuka lang kung saan). Di ko napansin nakatingin na pala sa akin ang mga kasamahan ko , kaya patay-malisya ako at nagsabing “SIGE KAIN LANG KAYO” habang kumakatay pa ang laway ko sa plato (yakiiii). At dahil dyan nawalan sila ng gana at binayaran na nila ang bill namin. Okay payn, hindi nakakagana ang suka! Napatunayan ko na yun!

Marami pa akong kajologsan sa buhay kaya ang magsasabi ko lang ay isa akong Certified JJ o JUMPING JOLOGS!Hahahha!

Lahat naman tayo may kanya-kanyang kajologsan. Pero kung minsan nahuhusgahan at nalalait natin sila dahil kasi nakakatawa sila. Nakakatawa ang mga kajologsan at kabaduyan nila sa buhay.

Ako, madalas na akong pagtawanan ng ibang tao dahil sa aking pagiging jologs ,pero okay lang yun sa akin, dahil GANUN NA AKO EH! Wala na akong magagawa dyan. At hangga’t wala naman akong ginagawang masama at hindi ako nakaapak ng ibang tao, patuloy ko pa ring aaminin sa sarili ko na JOLOGS ako. JOLOGS AKO , at JOLOGS AKO!!! Tandaan sana natin na "HINDI MASAMA ANG MAGING JOLOGS".


Isipin rin natin na nasa bansa tayo na mas marami ang mahihirap kaysa sa mayayaman. At marami ang MASA kaysa sa ELITISTA. Kaya marami rin ang mga JOLOGS kaysa sa mga PASOSYAL. Pero mas pipiliin ko pang maging Jologs dahil TOTOONG TAO ako kaysa sa isang PASOSYAL na nagtatago lang sa kasingungalingan . Sa huli kahit balutin mo ng ginto ang isang JOLOGS lalabas at lalabas din ang pagkajologs nya. Kaya kung katawa-tawa ang isang CERTIFIED JOLOGS kagaya ko, mas hindi hamak nakatawa -tawa ang mga JOLOGS na nagpapanggap na hindi sila JOLOGS! At hindi lang sila mas katawa-tawa mas kaawa-awa pa sila.

Kaya ang tanging masasabi ko lang ay "MABUHAY ANG MGA JOLOGS! "

Biyernes, Hunyo 18, 2010

Dear Tatay,


Dear Tatay,


Kamusta na po kayo dyan sa Pilipinas, Tay?Ako po awa ng Dyos ay okay naman po dito sa Sharjah. Oo nga po pala bago ang lahat ay gusto ko sana kayong batiin ng Happy Father’s Day. Kung pwede nga lang po akong umuwi dyan muna para makasama kayo, gagawin ko po. Kaso medyo mahal ang pamasahe sayang naman. Pero sana kahit man lang sa sulat na ito ay maiparating ko sa inyo ang aking pagmamahal at taos pusong pasasalamat.


Tay, maraming salamat po sa pagiging isang mabuti at responsableng tatay. Batid ko po noon ang hirap ng trabaho nyo bilang sundalo, Minsan nga awang awa ako kasi nung minsang nabiyak yung paa nyo dahil nakaapak kayo ng bubog. tinitiis nyo yun para sa akin at sa tatlo ko pang kapatid para makakain kami ng sapat at makapag-aral. Alam ko pong wala akong gaanong naitulong sa inyo sapagkat nag-aaral po ako nun, pero ramdam na ramdam ko po ang pagsisikap nyo para sa amin. Alam ko pong mahal na mahal nyo kaming lahat na magkakapatid.


Tay, salamat po sa pagtuturo sa amin sa tamang landas. Siguro hindi kami magiging matagumpay na magkakapatid kung hindi dahil sa inyo. Kayo ang nagmulat sa amin sa Dyos at sa tamang asal.Hangang -hanga po ako sa inyo sapagkat sobra sobra ang kabaitan nyo sa lahat ng tao. Kahit na minsan niloloko na kayo pero tuloy pa rin kayo sa pagtulong na hindi naghihintay ng kahit na anong kapalit. Hanga din po ako sa pagiging relihiyoso nyo, na kahit pagod na pagod at puyat na puyat kayo nagagawa nyo pa ring magrosaryo at magsimba araw araw kahit madalas tinutulugan lang namin kayo. Sobrang saludo po ako sa inyo, alam ko pong lagi nyo akong kasama sa mga panalangin nyo lalo na ang aking kaligtasan at kalusugan dito sa Sharjah.


Tay, salamat po sa pagiging ulirang ama sa amin. Lagi kayong nakasuporta sa lahat ng laban namin sa buhay . Minsan nabibigo kami pero kayo pa rin ang nagpapalakas ng loob namin. Kahit kailan hindi nyo po kami pinilit sa mga bagay na hindi namin gusto , lagi lang kayong nandyan para alalayan kami. Kung sakaling kami ay bumagsak dahil sa pagkabigo kayo ang nagtatayo sa amin, at kung sakaling kami naman ay nagtagumpay kayo ang una naming tagahanga.

Tay, kung may bibigyan ng medalya o sertipiko ng pagiging ulirang ama tiyak pasok kayo dito. Hindi dahil anak nyo po ako kaya ko nasabi ito pero alam ko din na hindi lang ako ang kayang magpatunay na karapat dapat kayo sa titulong ito. Madalas ko ngang naririnig sa iba na sinasabi nilang “Sana sya na lang ang tatay ko”, sobrang saya ko po kapag naririnig ko iyon. Kasi hindi ko na kailangang mangarap at humiling sapagkat tatay ko ang pinakamabait at pinakaresponsableng tatay sa buong mundo.


Tay, hindi po sapat ang papuri at parangal kung gaano ko kayo pinagmamalaki bilang tatay ko. Daig ko pa ang nanalo ng mega lotto dahil kayo ang tatay ko. Kaya po bilang ganti , ipinapangako ko po na tutulong ako sa inyo at kay nanay syempre. Ipaparamdam ko po sa inyo ang kaginhawahan ng buhay na hindi pa nyo nararanasan dahil pagsasakripisyo sa amin. Nangangako po ako na maging mabuti at responsableng tao din na may labis na takot sa Dyos. Pangako din na lahat ng gintong aral na binigay nyo sa akin ay aking isasabuhay at pagyayamanin. Alam nyo tay,kung sakaling pamimiliin ako ng Dyos sa aking susunod na buhay kayo pa rin po ang pipiliin ko ng bilyong beses pa. Hindi po ako magdadalawang isip baka kasi maunahan pa po ako ng iba. Hindi ko po kayo ipagpapalit kahit sino pang sikat, mayaman at makapangyarihang tao sa mundo, kayo pa rin ang siguradong pipiliin ko bilang tatay.


Tay, kulang ang mga salita ko para maiparamdam sa inyo kung gaano ko kayo kamahal, nirerespeto at hinahanggan.Mapalad po ako bilang anak nyo at saludo po ako sa pagiging isang mabuting tao nyo. Pipilitin ko pong gayahin kayo sa abot ng aking makakaya. Di man kapantay kahit man lang kalahati lang nito.


Ang tagumpay ko po ay utang na loob ko sa inyo, sapagkat kayo ang naghubog sa akin at kayo rin ang unang naniniwala sa akin. Alam ko pong darating ang araw na magkakasama sama rin tayo ule dyan sa Pilipinas at susubukan ko pong tumbasan kahit man lamang sa maliit kong kaparaanan ang lahat ng sakripisyo at paghihirap nyo sa buhay para sa amin . Tandaan nyo sana palagi na proud na proud po kaming magkakapatid kasi kayo ang tatay namin at MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO


HAPPY FATHERS PO ULI TATAY!!


Nagmamahal,


Aldrino

Lunes, Hunyo 14, 2010

FRIENDSTER/FACEBOOK POSE



Marami tayong mga pautot kapag kukuhanan na ng piktyur. Marami nga ang nagsasabi na ang larawan ang nagkukwento ng mga bagay bagay . Kaya pati mga piktyur ginagawan ng kwento at ginagawang ng kung ano ano pang trip na tanging taong nakasinghot ng dahon ng kamoteng kahoy ang makakagawa.




PAALALA: Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit. Kung mayroon kang piktyur na nabanggit sa ibaba, okay lang yun kasi meron din ako nyan. Hahahaha! Kaya heto na iyon:




1. Japanese o Peace Sign




Halos lahat ng tao kapag kukuhanan ng piktyur ay tila may isang malaking pwersang nagpapataas ng kanilang kamay at kusang bubuka ang kanilang mga daliri na parang mga kamay ng alien at dyaran…… mag pi- peace sign. Minsan itatapat pa sa mata, sa pisngi o minsan sa ulo (sungay). Medyo hindi ko alam kung nag-originate talaga ito sa Japan o Korea, pero ngayon halos lahat nakikipeace sign na (pati rin ng lola ko eh, kumusta naman yun?). Dati nakyukyutan pa ako pero ngayon medyo nakakaumay na, hindi na sya kyut parang najojologsan na ako sa ganitong pose.



2. Kuha sa Salamin Pose


Ito naman ang mga posing na todo pakyut sa salamin saka kukunan ng camera. Kapag may nakakitang tao sa kanya tyak iisiping bangag yun o di kaya tumira na naman sya ng cough syrup. Ang style dyan ay todo magpapakyut hanap ng magandang angulo saka pipilitin ang ngiti o palalabasin ang dimples kahit mukhang tinusok lang ng ballpen ang dimple..



3. Kuha sa Sarili Pose


Medyo ang kaibahan lang nito sa kuha sa salamin pose ay obvious ……..walang salamin, basta kukuhanan nya ang kanyang mahal na mahal na mukha at wala syang pakialam kung saang angulo nya ito kukuhanin. Maaring kukuhanan ang sarili sa itaas na angulo (nasa itaas ang kamera) na animoy nanunungkit ng panti este ng bayabas. O di kaya itatapat ang camera sa ubod laking mukha nya sabay…click…. Daig pa ang photome booth dahil excited na excited pa nyang makita ang sarili nyang mukha.



4. Umiinom ako sa Starbucks Pose

Medyo pinoproseso pa ng 512MB kong utak kung ano naman ang kinalaman ng isang coffee shop sa buhay nya at doon ka pa nagpapakuha katabi ang kapeng nakasulat ang kanyang pangalan. Siguro gusto lang nyang ipangalandakan sa buong mundo na umiinom sya ng kapeng ubod ng mahal? Akala nya magmumukha syang sosyal at mayaman. Pero alam ko hindi naman gawain yun ng mga mayayaman at minsan kahit itapat pa ang gintong kape sa hitsurang dugyot eh ay hindi pa rin sya nagmumukhang sosyal, magmumukha lang syang kutsara sa tabi ng tasa ng Starbucks. Hahaha Joke lang!

5. Hubad Pose


Sila naman yung nagfefeeling boldstar! Minsan para lang ipakita ang kanilang nagagandahang katawan o di kaya para wala lang. Medyo hindi maganda ang naiisip ko sa mga gumagawa nito, basta para silang nag-aalok ng serbisyo ng you know.. LAMAN-LAMAN KAYO DYAN MURANG MURA LANG!!! (sa katawan na lang sila bumabawi kasi olats sila sa mukha,hahah! Kumbaga sa hipon itinatapon ang ulo!Joke ang uli! )



6. Kunwari Stolen Shot Pose

Sila naman yung magkukunwariang hindi sila kinukuhanan sa camera, o di kaya umiiwas na tingnan ang lente ng kamera kahit na todo ngiti sya at halatang nagpapakyut pa rin sya kahit stolen shot daw iyon. Paepek nila yun para hindi naman halatang atat na ata sila sa piktyur, minsan akala mong mga direktor sa pelikula kasi may dramatization o script pa para makatotohanan daw ang stolen shot pose.

7. Wacky Wacky Pose


Ito naman ang mga posing para sa hindi photogenic o panget sa piktyur. Dahil kwela at may lisensya syang maging panget at katawa tawa, ito ang madalas isuggest para kahit pagtawanan ang pagmumukha nya sa piktyur okay lang kasi wacky naman eh (madalas ko rin itong i-suggest). Ganyan talaga para-paraan lang yan para naman pag may nakakita ng piktyur nya at may nagsabi “Ang panget mo naman sa piktyur” ang pwede mong idahilan .......“Sira, wacky pose kaya yan!!” (kahit na mukhang serious na serious ang mukha mo sa piktyur)


8. Magpakuha kasama ang magagarang sasakyan Pose.

Sila naman yung hindi mo alam kung kinukuhanan ba sya kasama ang kotse o kinukuhanan ang yung kotse na nasingit lang ang pagmumukha nya (tuloy pumapanget ang piktyur). Tyak alam naman siguro ng taong makakakita ng piktyur mo na hindi sa iyo yung kotse kasi umiilaw ilaw pa yung kotse (nag-aalarm kasi). Kaya mas mapagkakamalan ka pang carnapper at carwash boy/girl kesa may-ari nito. Hindi ka naman magmumukhang mayaman kung sakaling nakadikit sa katawan mo sa mamahaling kotse na ito mas mukhang pang madumi yung kotse kasi tinabihan mo.Hehehe



9. POGI Sign at kung ano ano pang sign



(Excluded na dito yung Japanese sign kasi nadiscuss ko na ito.) Hindi ko rin alam na bakit kung tututukan na ng lente ng kamera, eh hindi na mapakali ang iyong mga kamay at parang may sariling buhay ito na gusto ring magpakyut sa kamera meaning tila awtomatikong kikilos ang iyong mga kamay para gumawa ng mga kung ano ano pang sign tulad ng POGI sign, Rapper Sign, Kamay Alien sign at kung ano ano pa mga pautot ng kamay mo. Eh hindi naman ito nakakadagdag sa appeal at pagmumukha mo, ganun pa rin naman ang hitsura mo, umeeksena lang naman ang kamay mo, kaya bakit nga ba ganun?

10. Pictorial Pose


Sila naman yung mga taong ginawang malaking studio ang sala, kusina, banyo, park at kung ano ano pang lugar. Akala mong mga modelo ng antifungal cream na talagang todo posing. Eh nandyan hawak sa baba pose, kamay dikit sa mukha pose at kung ano ano pang pang cover ng tinapa este ng magazine pose. Medyo marami rin silang props tulad ng bulaklak, sombrero, panyo, at kung ano ano pa. Sabagay kahit man lang sa piktyur mag mukha silang artista at modelo.


Iyan ay ilan lamang sa mga karaniwang pose na makikita natin sa Facebook, Friendster at kung ano ano pang social networking sites. Eh kanya kanya yan ng trip kaya walang pakialamanan. Meron din naman akong mga piktyur na gumagawa ng mga nabanggit sa itaas kaya pati ako natatawa sa sarili ko.


Ang larawan o picture ay nagsaysay ng ibat ibang bagay maaring emosyon, pangyayari sa buhay mo o kasaysayan. At laging may alaala tayong nababalikan kapag nakikita natin ang mga larawan na ito. Kasabay ng bawat pindot at tipa ng kamera ay pagkuha rin ng mga alaalala o bahagi rin ng buhay natin.

Kaya sige pose lang ng pose at klik lang ng klik, ganyan talaga ang mga adik sa piktyur,hehhehe!

Biyernes, Hunyo 11, 2010

Kung May Facebook ang Katipunan Noon…




Isipin niyo na lang nung panahon na yun, konyo na mga Katipunero… wasak na ang utak ko ngayon kaka-imagine kung ano na kaya ang lenggwahe natin ngayon, e.g. “Charge mga siblings!”, o kaya “Let’s tear up the sedula na!”, o kaya “The Bagets are our Kinabukasan, gosh.” Baliw lang.

Miyerkules, Hunyo 9, 2010

SUKATAN NG TAGUMPAY (Serious mode muna ako)



Paunawa: Medyo nageemote ako ng mga panahon na yan, medyo malalim ang topic na ito, at malalim din ag paglalarawan ko dito. Malamang epekto ito ng gatas na may melamine na ininom ko kanina. Medyo malalim po ito!!! (Nice, may ganung level, pre)

Ano ba ang tunay na sukatan ng tagumpay?


Madalas naiisip ko , magiging matagumpay ba ako sa buhay kung sakaling marami akong pera, kung marami ba akong nauwing medalya o tropeo, kung maganda ba ang aking trabaho, kung marami ba akong kaibigan , kung maimplewensya ba akong tao o kung marami akong napahanga batay sa aking kakayahan. Ano nga ba ang tunay na sukatan ng tagumpay?


Hanggang ngayon hindi ko pa rin maunawaan ang simpleng salita na iyan. Hanggang ngayon hindi ko alam kung meron bang proseso, paraan, antas at anyo ng tagumpay. Marahil, marami sa atin ang nagsasabi na ang pagkakaroon na marangyang buhay, magagarang sasakyan at naglalakihang bahay ay isang indikasyon ng tagumpay, pero nagtatalo ang diwa ko dahil alam kong isa lamang itong pabalat o isang mababaw na pagtingin sa pagiging matagumpay. Ang lahat ay maaring mawala ng isang iglap tulad din ba ng tagumpay na sa isang iglap ay agad itong mabubura at mawawala?


Ang tagumpay ba ay nasusukat sa laki, dami, timbang o halaga ng medalya? Mapapatunayan ba ito ng ibat ibang pagkilala at sertipiko?Hindi ko alam kung iyan nga ba ang batayan, pero alam ko na lahat ng medalya ay nawawalan din ng kinang, ang tropeo ay naluluma at kinakapitan din ng kalawang, at ang bawat pagkilala ay nababaon na lamang sa limot. Tulad din ba nito ang tagumpay na maaaring limutin o iluma ng panahon at ilipad sa kawalan?


Matagumpay ba kong maituturing kung sakaling ako ang pinuno o tagapamahala ng isang korporasyon?Kung dahil ba sa marami akong empleyado na kaya kong kontrolin sa aking mga kamay?Tagumpay bang maituturing kung lahat ng tao ay gustong mapunta sa aking posisyon? Ito nga ba ang indikasyon ng tagumpay?Ito nga ba? Subalit hindi ba na walang permante dito sa mundo. Lahat ay pwedeng magbago, lahat ay pwedeng maiba. . Pero kasabay ba ng bawat pagbabago ang ating tagumpay? Kalakip ba ng pag-iibang anyo ang ating katagumpayan?

Ang pagiging maimplewensyang tao, tanyag , makapangyarihan , kinikilala at hinahangaan ng lahat, ito ba ang tagumpay na hinahanap ko? Pero bakit ganun, karamihan sa mga kilala kong maimpluwensya at tanyag na tao, may kanya kanyang mga eskandalo at sariling problemang kinakaharap . Ang mga makapangyarihan ay nagiging abusado at mapagsamatala. Masasabi bang katagumpayan iyon, pag alam ko sa aking sa aking sarili na ang bawat kilos at galaw ay sinusubaybayan ng tao at hindi ka maaring magkamali. Kung ang bawat utos mo ay tila isang sumpa na dapat sundin at gawin. Sino ba ang nagdidkta ng tagumpay ako ba o ang ibang tao ?Hindi rin ba na may hangganan ang lahat, ang kawalan ba ng impluwensya at kapangyarihan ay kawalan din ng katagumpayan? Ang pagkalimot ba sa katanyagan, ay pagkalimot na rin sa magagandang katangian, kadakilaan at kakayahan nito?


Hindi ko alam ang sukatan ng tagumpay, hanggang ngayon ay palaisipan pa sa akin ang salitang iyan. Hindi ko alam ang paraan at proseso nito, hindi ko rin batid ang anyo at itsura ng salitang ito. Ang tagumpay ba ay maaring hawakan? Ang tagumpay ba ay nasa isip lamang? ang tagumpay ba ay maaring likhain?Ang tagumpay ba ay maaring bilhin? Hindi ko alam, wala akong alam


Maari kaya na walang daan patungo sa tagumpay sapagkat ang daan nito na aking tinatahak ay ang mismong tagumpay na hinahanap ko. Maari kaya na inaasam kong tagumpay ay bunga lamang ng mga mababaw na pagtingin o dikta ng lipunan at kagustuhan ng karamihan. Maari kayang nasa aking mga kamay ang panuntunan ng sarili kong katagumpayan. Pero alin ba ang pakikingan ko ang sarili ko o ang ibang tao. Ang dinidikta ba ng lipunan o sinasabi ng aking kalooban. Alin nga ba?Alin ba ang mas mahalaga?Hindi ko na alam, wala na akong alam.

Sana dumating ang isang araw na masasabi ko sa aking sarili na naging matagumpay ako sa aking buhay. Kung sakaling dumating ang araw na yun marahil handa ko ng iwan ang mundo, at ipikit ang aking mga mata sa dilim ng karimlan, ibulid ang hangin sa aking huling paghinga at ihiga ang aking katawan sa paglisan ng aking kaluluwa . Payapa kong dadamhin ang tagumpay at babaunin ang sarap ng mga bunga nito .Marahil sa kabilang buhay doon ko lamang malalasap ang tunay na TAGUMPAY, sa kabilang buhay ko muling maiguguhit sa aking mga palad ang walang hanggang KATAGUMPAYAN. Sana. Sana.


Salamat po

Linggo, Hunyo 6, 2010

Love Letter ko sa Sarili ko!!


kabeberday ko lang kasi last May 22. Matagal na akong nakikita ng katulad ng sinulat ko sa ibaba pero this time gagawan ko ang sarili ko ng love letter,heheh

Dear Aldrin,

Happy Birthday bro, aba akalain mong nagberday ka naman, medyo tumatanda ka na ah. Ano kamusta na ang buhay natin dyan sa Sharjah, okay naman ba? Eh mukhang okay ka naman dyan eh?


Well, kukunin ko na ang pagkakatong ito para sabihin yung mga nakikita kong mali sa iyo eh sana wag mong masamain.

Una, bro masyado ka raw “CONCEITED”, hehehe!! Eh yung iba nga tingin sa iyo suplado, mayabang nagfefeeling pogi (eh hindi naman), eh alam kong biro biro mo lang yun, pero sa iba na hindi ka kilala, eh baka bangasan ka na lang bigla bigla. Baka mahanginan sa iyo yun, daig mo pa kasi ang bagyong Ondoy kung manalanta. Wag ganun, be friendly bro, smile smile and smile. Ngiti lang ng ngiti kahit sumakit na ang panga mo. Hehehe.at mag-enjoy ka muna ng konti. Basta magpakasaya ka muna, wag magseryoso masyado, sige ka baka kunin ka agad ni Lord.

Pero sa totoo lang bro natatawa ako kasi alam ko namang masyado kang mababaw, kung tumawa ka nga kita utak mo . Tapos buraot ka pa, saka alam ko kasing ENG-ENG (tatanga tanga) ka rin eh. Eh saksi ako sa pagiging ENG ENG mo, hahaha, tulad nung nagmarunong kang magmicrowave, imbes na maluto ang pagkain hayun pinasabog mo yung microwave sukat ba naman ilagay sa 220V eh 110 yun! Saka di mo ba napapansin lagi kang niloloko ng mga officemate mo kasi mapaniwalain ka sa lahat ng bagay in other words “UTO-UTO”.

Isa pa, eh kalimutan mo na sya, kalimitan kasing bukang bibig mo yun. Eh alam mo namang may pagkakamali ka rin kung bakit nagkaganun, so hayaan mo na move forward bro (mas maganda yun kesa sa move on). Eh tutal hindi na nga kayo nagkikita pa, so hayaan mo na lang sya. Wag ka ngang BITTER, eh darating naman sa iyo ang tamang babae para sa iyo. Intay intay ka lang, malay mo mas maganda at sexy ang maging kapalit. Hehehe. (baka babaeng pusa ang ibibigay sa iyo)

Eh alam kong may pagkaulyanin ka, so sana medyo mabawas bawasan mo na yun. Aba nagtataka nga ako sa iyo eh kay bata bata mo pa daig mo pa ang lolo mo sa pagkaulyanin mo. Tamad ka ring masyado, kasi medyo maraming gawain sa bahay ang tinutulugan at kinakatamaran mo, tulad ng paglilinis mo ng banyo, paglalaba, paglilinis ng kwarto, at kung ano ano pa. Bro, hindi nabibili sa botika ang kasipagan, nasa iyo yun bro,kaya kumilos kilos ka at wag tatamad tamad.

Bro, medyo kontrolin mo rin yung inis mo, alam kong yung ibang kasamahan mo sa trabaho ay talagang nakakainis, kasi sa iyo tinatambak ang mga trabaho nila, o di kaya inaabala ang pagfre-friendster at panonood ng youtube, kontrol lang. Medyo ikaw na ang mag-adjust kung sakaling mahinang umintindi yung kasamahan mo sa trabaho, o di kaya aabalahin ka para mga walang kabuluhang bagay. Pagpasensyahan mo na lang.

Iwasan mo na rin ang pagiging gastador pag nagbabakasyon ka, aba para kang galit sa pera ah. Medyo mag-ipon ipon ka na rin dahil tumatanda ka na. Basta hinay hinay sa paggastos, aba nauubos din yan, kung dyan sa Sharjah nagtitipid ka pagdating mo naman sa Pinas aba daig mo pa si Asyong Aksaya sa paggastos. Bro mahirap din kitain ang pera, kaya magtipid ka na.

Bro marami pa akong nakikitang mali sa iyo, pero iyan muna. Basta bro masaya ako kasi alam ko naman naging makabuluhan ang buhay mo dito sa lupa, eh basta ipagpatuloy mo lang yan. Eh kita ko naman sa iyo Masaya ka eh, saka medyo nagmamature ka na din ng konti. Si GF eh darating yan sa hindi mo inaasahan, malay mo bukas matalisod mo na yun (ginawang bato si GF,hehehe)

Eh sana magkaroon ka pa ng maraming maraming birthday, para naman mas lalo ka pang makatulong sa iba. Eh di ba kwento mo sa akin, gusto mo pang mabayaran ang utang nyo, gusto mo pang magpatayo ng bahay, magkaroon ng sariling kotse, magtayo ng sariling negosyo at kung ano ano pa. ( Huuuuuu, Grabe yang kapasidad ng pangarap mo, ang tatatas bro, sana maabot mo)

Saka tandaan huwag kang makakalimot sa itaas (hindi sa kisame, bugok, sa Dyos), saka sana yumaman ka na, hahahah!!

Bro sana nakatulong yung sulat ko para naman medyo ma-improve ka pa, eh kung wala na talaga eh sige pwede pa namang pagtyagaan. Hehehehe

Basta ingat lagi


Aldrin (ako din)

Sabado, Hunyo 5, 2010

Facebook/Teleserye ADDICT...

Sir, yung Increase ko!!!

Hay buhay, ang pinakamahirap pala sa lahat ay mag-intay ka na lang ng grasyang darating sa langit at ipupukol sa napakagwapo mong mukha. Mag-intay na hindi mo alam kung kelan darating, o kung darating ba talaga!!!

Nito kasing mga huling araw ay medyo namutla na ako sa kakaintay sa increase ko, naipangako kasi sa akin yan ng boss ko noon pa, at hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad. Nagawa ko na ring suhulan ang mga santo para lang lumakas ang panalangin ko kay Papa Jesus, at naging mabait na rin ako for two months (hanggang dalawang buwan lang ang kaya ng kapangyarihan ko) pero alam kasi ni Lord na pa epek ko lang yun. Nagawa ko na ring magpapansin sa boss ko, sumayaw na ako sa harap nya habang may nakapasok na espada sa ilong ko. Kumain na rin ako ng buhay na manok, tumulay sa alambre at magpiko sa baga habang nagja-jackstone ng labintador sa kamay ko , pero dedma pa rin kay boss ayaw pa rin nya akong pansinin.

Nagawa ko na ring magsipsip sa boss ko, kulang na lang ay dilaan ko yung sapatos nya pagdating nya sa opis para lang maibigay na sa akin ang matagal ko ng hinihingi sa kanya. Pero hanggang buntong hininga na lang ata ang kaya kong gawin.

Kainis kasi yang “Sareer” na yan, dapat kasi dyan binabala sa kanyon at tinatadtad ng pinong pino, yan tuloy nakakita ng rason ang boss ko para hindi ibigay ang INCREASE ko na matagal ko ng inaawitan sa kanya. Eh ngayon humahanap lang ako ng magandang tayming para maipasok ko uli ang topic na yan sa usapan namin, pero paano ko kaya sasabihin yun……uhhhhhmmm pwede kaya itong pasimpleng pambobola;

“Sir mukhang napakagwapo nyo ngayon ah, tyak na maraming chicks ang maghahabol sa inyo pag nakita kayo ngayon at tyak din itatanong nila kung kamusta na yung increase ko, eh sir kamusta na nga ba yung increase ko???? (sumesegway)”


Ano pwede kaya yang linya na yan? Kung dramahan ko na lang kaya;


“Sir parang awa nyo na ibigay nyo na sa akin yung increase ko, kasi wala na po kaming makain, naghihirap na po kami at baka hindi na po makapag-aral ang pamangkin ko sa susunod na pasukan kung hindi nyo ibigay ang increase ko, sige na po (sabay tulo ng luha at singhot ng uhog)”
Ano pwede na ba akong maging bida sa teleserye?? Iniisip ko lang baka napansin ng boss ko yung bagong bili kong IPOD nung isang araw. Baka di maniwala yun. Kung medyo pagalit ng konti;


“Sir, eh ang tagal tagal na po akong nag-iintay eh wala pa yung increase ko, eh di ba pinangako nyo na sa akin yun nun pa,bakit ngayon wala pa.Wala pala kayong isang salita eh, ang dami dami nyong pinagpagawa sa akin yun pala drowing lang yung increase na yun.Eh drowing pala kayo, DROWING!!!

Hindi kay imbes na bigyan ako ng increase eh i-terminate pa ako ng boss ko.

Kaya, naku wala na akong pwedeng gawin kundi mag-intay na lang sa grasya nya. Medyo tiis tiis muna habang umiinom inom ng kape sa opis at painter-internet. Aba mahirap din ang icheck lagi ang friendster ko every minute, mangulangot sa harap ng computer, at magsulat ng mga kalokohan sa blogosphere at intayin ang alas sais ng hapon. Hay hay buhay, nasan na ba ang increase ko!!! BOSS, PARANG AWA NYO NA IBIGAY NYO NA ANG INCREASE KO!!!!

Martes, Hunyo 1, 2010

SLAMBOOK



Alam nyo ba na bago pa naimbento ang Friendster, Facebook, Twitter at kung ano ano pang social-networking site eh usong uso noon ang ………….dyaran…….. SLAMBOOK.(yan pala ang tamang spelling nyan?!?, hahaha)

Siguro naman walang eepal dyan na hindi nila naabutan yan! (c'mon....ano ka FETUS?!?).

Usong uso dati ang SLAMBOOK noong elementary ako. Karamihan mga babae ang gumagawa nito para lang malaman nila kung ang ilalagay ng crush nila sa WHO IS YOUR CRUSH? ay pangalan nila. Kung hindi naman para makatsismis lang! Kaya minsan, pagkatapos sagutan ng crush nila yung slambook nila, hayun kumpol kumpol sila at parang kinikiliti sa kwan dahil sa kilig habang binabasa nila ito (Pocketbook?!?)


Uso noon ang slambook na sinusulat lang sa notebook na ang cover ay piktyur nila Jolina at Marvin para sweet daw (kamusta naman yun?!? ).Tapos talagang totortyurin ang mga sarili dahil paulit ulit nilang isusulat ang mga tanong...... page by page.

Kung marami ka namang pera, at sosyal ka, ang slambook mo noon ay mabango at may mga design pang hello kitty sa gilid. Pero kung wala talagang pera at hanggang notebook na may Jolina-Marvin cover lang ang kaya mo, kalimitan bumibili na lang sila ng Panda Ballpen na may glitters sa loob dahil mabango daw ang sulat nito. Totoong mabango sya sa umpisa pero sa paglipas ng panahon at sinubukan mo ulit amuyin ito, babaligtad na lang ang sikmura mo dahil amoy……KINALIKOT na PUWET ang “scent” nito.

Ang mga kaklase ko, ayaw akong pasulatin nila sa kanilang slambook. Bukod daw kasi na wala daw silang pakialam kung sino ang ilalagay ko sa WHO IS YOUR CRUSH?, eh para daw kinalahig ng manok ang sulat ko! (Okay payn, bwisit sila!). Pero dahil ayokong mapag-iwanan sa iba kong kaklase, ninanakaw ko na lang ang slambook nila tuwing recess at sinasagutan ko na lang itong mag-isa (nice, parang assignment lang ah). At dyaran magugulat na lang sila na nandun na yung profile ko.

Oo nga pala, narito ang mga karaniwang sinasagot ng mga kaklase ko SLAMBOOK:

MOTTO IN LIFE: "Time is Gold" o kaya "Honesty is the Best Policy" (Pero sila din ang laging late sa klase at ubod ng sinungaling)

FAVORITE ACTOR: Arnold Swrts Swartz Swartss VIC SOTTO

FAVORITE LOVETEAM: SOLED “Jolena at Marven” POR-IBER

FAVORITE COLOR: Blue (paglalaki) at PINK (pagbabae)

WHAT IS LOVE: Love is Pag-ibig (syet lang oh! Tinagalog?!?)

WHO’S YOUR CRUSH: Secret (taob ang mga chismosa sa mga kapuwitang sagot na ganito)

WHO‘S YOUR BESTFRIEND: **please insert name here*** (dito rin nagsisimula ang away sa iba nyang kaibigan kasi hindi ang pangalan nila ang nakasulat)

WHO’S YOUR FIRST LOVE: PARENTS (hindi counted yan!Tange)

WHO’S YOUR FIRST KISS: PARENTS (wala na akong sinabi!!!)

Yan lang naman ang ilan sa mga nakasaad sa mga SLAMBOOK noong araw. Pero ngayon wala na yan, kumbaga sa aklat isa lang itong “KASAYSAYAN”.

Pero ano man yan, ito’y malaking katibayan na talagang “FRIENDLY” ang mga Filipino. Dahil sa atin lang ata medyo nauso yang SLAMBOOK SLAMBOOK na yan. At kung hindi nyo naitatanong eh tayo ring mga Filipino ang nangunguna sa paggamit ng Friendster at Facebook.

Isang pagpapatunay lang nga na mahilig tayong makikipagkapwa-tao at makipagkaibigan.

Yun lamang po at maraming salamat!

ANO ANG PANGALAN MO?

Maraming nagsasabi na ang pangalan ng isang tao ay sumisimbolo ng kanyang pagkatao. Kaya naman sa pangalan palang medyo makikilala mo na ang ugali o karaker ng isang tao, kaya mahalagang pag-isipan ito ng mabuti.

Noong panahon ng nanay ko usong uso daw ang pagbibigay ng pangalan mula sa mga santo o santa sa kalendaryo o di kaya mga pangalang nagtatapos sa O at A, tulad ng Perfecta/Perfecto,Antonio/Antonia. Nauso rin noon ang pahabaan ng pangalan, tulad ng Maria Isbella Antoniette, na tipong ubos na ang time ng bata para isulat ang pangalan nya. At hindi pa nakuntento ang mga magulang sa pagtortyur sa bata kasi pinahirapan pa ang ispeling. Minsan naman pilit lalagyan ng H, na hindi mo mawari kung bakit lalagyan pa ng H, sabi nila para daw sumosyal soyal, pero kahit ano pang sabihin nila, kung mabaho ang pangalan mo hindi babango yun kahit lagyan pa ng H (tulad ng THEKLA, PHURING, AHMBO), hindi kaya mga Kapampangan ang NAGPAHUSO NIYAHAN. (ubos ang hangin ko sa katawan)

Heto ang mga sikat na pangalan ngayon sa babae;

Queen Elizabeth- sikat na sikat ang pangalan na yan dahil kay Manny Pacquiao, at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Manny para maisip nya ang pangalan na yan. Parang katunog nga ng kama ng nanay ko (QUEEN SIZE BED). Sabagay medyo reyna itong batang ito sa dami ng pera ni Manny.

Ashley Nicole- iyan daw ang ipapangalan ng kaibigan ko kasi bibiyagan na ang anak nya at tumawag sa akin at ako daw ang ninong ng anak nya. Sabi ko sa kanya kung ang anak nya ay mukhang tiga Payatas ay wag na wag nyang ipapangalan yan. Pang cute lang bagay yun, pero kung talagang ipilit nya ang pangalan na yan kahit hindi bagay sa anak nya ay babatukan ko yun ng isa at pag umiyak sasabihan kong “Wag kang iiyak -iyak hindi ka cute”. Hahahaha (joke lang)

Lilibeth at Cindy – Hindi ko alam pero ang naiimadyin ko sa pangalan na yan ay mga prosti at GRO, na may hithit na sigarilyo at may kyutiks na kulay red sa kuko.

Carla at Stephanie- parang pangalan ng mga bading. Talagang mabentang mabenta yan sa mga bading, pakiramdam nila siguro pag ganyan ang pangalan nila eh kay ganda ganda nila.

Susan at Jocelyn – iyan naman ay parang pangalan ng labandera, katulong. mananahi at tindera sa palengke. Hindi ko alam kung anong hiwaga ang bumabalot sa pangalan na yan pero yun talaga ang unang pumapasok sa kukote ko.

Angel at Michelle- tunog mabait yang mga pangalan nayan. Pag naririnig ko yan ang naiimadyin ko ay ang isang babaeng maputi, charming at mabango. Ika nga eh girlfriend material.

Theresa , Ana at Maria- Pangalan ng mga api-apihan. Sa mga teleserye sila ang gamit na gamit na pangalan. Kaya naman pag may kaklase akong may ganyan ang pangalan, pinapahiran ko sila ng kulangot, kinokopyahan at sinisilipan ko kung ano kulay ng panty nila. Alam ko kasing napakabait nila at hindi nila ako gagantihan ng kurot, tadyak at sampal. (noong elementary days po iyan, ngayon di ko na ginagawa yan, heheh dyahe)

Joana at Catherine – mga pangalan ng mga mestisahin at magaganda.


Sa mga lalaki naman eto;


Junior - sila ang mga pangalang tu d ekstrim , meaning sila ang mga sanggano, adik, at basagulero pero karamihan din sa kanila ay mga bading o di naman kaya mga sinto sinto. (kaya sabi ko sa inyo 2 da ekstrim ang pangalan na ito)

Brando at Lando - pangalan ng mga goons at mga siga sa kanto na may malalaking katawan at burdado ng mga tato

Manolito, Pablito at Miguelito- mukhang pangalang pang unano.

Gerard at Raymond–sila ang mga pacute na neym, katulad ng pangalan nila madalas silang nagpapacute kahit hindi naman sila cute.

Joseph at Michael –sila ang lalaking counterpart nila Theresa at Maria, kasi pangmabait din ang pangalan na ito. Kalimitan mga dating sakristan sila na tirador ng ostya at mompo sa simbahan. Sila rin naman ang inaagawan ko ng teks, holen at kinukutasan sa ulo. Hindi sila gaganti, titingnan ka lang nila na parang iiyak.

Steve at George -pangalang pangmayaman. Amoy bigatin ang mga ito. Sila yun tipong mga nag-aaral sa La Salle, may ari ng mga businesses at humahawak ng isang malaking pabrika ng SHABU. hahaha

Juan, Rey, Mark o Ronald – pangalang pangkaraniwan. Halos lahat ng pamilya, tyak may ganyang pangalan sa kanilang myembro. Mukhang 50% populasyon ng mga lalaki sa Pilipinas ay ganyan ang pangalan. (galing ito sa aking sariling surbey)


Minsan naman yung mga sikat na artista o di kaya mga sikat na sikat na palabas sa telebisyon tulad ng mga sumusunod;


Marian at Dingdong- Kaya naman ang mga bata ngayon, bata pa lang mukhang pangdalaga at binata na ang pangalan. Kaya minsan ganito ang maririnig mo “Hoy, bigyan mo nga ng tsupon yang si Marian” o di kaya “Palitan mo na nga ng lampin ni Dingdong”. Di ba parang masagwang pakinggan.

Betty La Fea, Lola, Luna Mystica- por dyos por santo wag naman sana nating gawing perya ang pangalan ng mga batang ito kasi kawawa naman sila.

Marimar, Carlos Miguel, Sergio- Usong uso yan dati, mga pangalan ng mga Mexicano. Kaya minsan kahit mukhang galisin at uhugin ang bata, eh ito ang pangalan nila. (hindi kaya mas bagay ang Pulgoso). Minsan naman Bella Aldama ang pangalan, yung tipong pati yung apelyido ginawang pangalan.

Piolo at Karylle – ang tanging may karapatan sa pangalang ito ay talagang pinagkalooban ng Dyos ng magandang mukha. Pero kung pagkaraniwan lamang ang mukha mo eh wag nang mag-asam pa sa ganitong pangalan, kasi hindi rin babagay, at kahit umulan ng sago eh hindi mo sila makakamukha.

Ako, kung ako pamimiliin ng pangalan ko, ang pipiliin ko ay Bryan o di kaya Michael (parang tunog callboy lang ah). Eh kasi pangalan palang parang mahuhulog na ang panty ng mga kababaihan. Yung tipong pangalan palang mukhang gwapo na. Yung nanay ko kasi binigyan ako ng pangalang hindi pinag-isipan, parang pangalan lang ng magbubuko o di kaya rapist at magnanakaw. Kaya nga pag naririnig na ng mga babae ang pangalan ko nawawalan na sila ng gana o amor. Kaya kung bibigyan ako ng pagkakataong mag petisyon sa korte eh magbabago talaga ako ng pangalan, at ito ang gagawin kong pangalan. Maraming nagsasabi bagay daw sa akin ang pangalang BRYAN, eh di ko lang alam kung bakit?

Naisip ko rin magbigay ng pangalan sa magiging anak ko heto ang mga naisip ko;

Red Andrei – tapos ang nikneym nya ay RED.
Green Anthony – tapos nikneym nya ay GREEN.
Blue Michael – tapos nikneym nya BLUE, pag babae naman ay BLUE MARLIN (parang isda lang,hindi kaya magmukhang bisugo ang anak ko)

Kaya pag nagkaanak kami ng magiging misis ko ng pito tyak lahat ng kulay sa rainbow meron. Naisip ko lang mga kulay para kakaiba naman. Kumbaga parang BIOMAN o MASKMAN lang, eh di ba astig yun tapos ako si PUMA LEY AR.

Marami pang mga pangalan ang naiimbento ngayon kaya talaga namang habang patuloy na tumatakbo ang panahon eh kahit papaano gumaganda ganda na ang pangalan ng mga bata ngayon. Kahit man lang sa pangalan at magmukhang sosyal o mayaman sila. Magmukhang gwapo o maganda at magmukhang matalino at mabango

Sana dumating ang isang araw na magiging bahagi na lang ng kasaysayan ang pangalang BOY, NENE at TOTOY at wala ng magulang magpapangalan ng ganito sa kanilang mga anak. Kasi kung hindi nila babaguhin ito tyak kawawa ang mga anak nila. Kasi tyak mahihirapan silang kumuha ng NBI clearance at tyak din na sikat na sikat sila sa TV bilang mga magnanakaw, snatcher, at mga bitima ng rape (kasi lagi sa ganitong pangalan sila itinatago). Sana pati ako mabago ko na rin ang pangalan ko. Hay buhay!!