Maraming nagsasabi na ang pangalan ng isang tao ay sumisimbolo ng kanyang pagkatao. Kaya naman sa pangalan palang medyo makikilala mo na ang ugali o karaker ng isang tao, kaya mahalagang pag-isipan ito ng mabuti.
Noong panahon ng nanay ko usong uso daw ang pagbibigay ng pangalan mula sa mga santo o santa sa kalendaryo o di kaya mga pangalang nagtatapos sa O at A, tulad ng Perfecta/Perfecto,Antonio/Antonia. Nauso rin noon ang pahabaan ng pangalan, tulad ng Maria Isbella Antoniette, na tipong ubos na ang time ng bata para isulat ang pangalan nya. At hindi pa nakuntento ang mga magulang sa pagtortyur sa bata kasi pinahirapan pa ang ispeling. Minsan naman pilit lalagyan ng H, na hindi mo mawari kung bakit lalagyan pa ng H, sabi nila para daw sumosyal soyal, pero kahit ano pang sabihin nila, kung mabaho ang pangalan mo hindi babango yun kahit lagyan pa ng H (tulad ng THEKLA, PHURING, AHMBO), hindi kaya mga Kapampangan ang NAGPAHUSO NIYAHAN. (ubos ang hangin ko sa katawan)
Heto ang mga sikat na pangalan ngayon sa babae;
Queen Elizabeth- sikat na sikat ang pangalan na yan dahil kay Manny Pacquiao, at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Manny para maisip nya ang pangalan na yan. Parang katunog nga ng kama ng nanay ko (QUEEN SIZE BED). Sabagay medyo reyna itong batang ito sa dami ng pera ni Manny.
Ashley Nicole- iyan daw ang ipapangalan ng kaibigan ko kasi bibiyagan na ang anak nya at tumawag sa akin at ako daw ang ninong ng anak nya. Sabi ko sa kanya kung ang anak nya ay mukhang tiga Payatas ay wag na wag nyang ipapangalan yan. Pang cute lang bagay yun, pero kung talagang ipilit nya ang pangalan na yan kahit hindi bagay sa anak nya ay babatukan ko yun ng isa at pag umiyak sasabihan kong “Wag kang iiyak -iyak hindi ka cute”. Hahahaha (joke lang)
Lilibeth at Cindy – Hindi ko alam pero ang naiimadyin ko sa pangalan na yan ay mga prosti at GRO, na may hithit na sigarilyo at may kyutiks na kulay red sa kuko.
Carla at Stephanie- parang pangalan ng mga bading. Talagang mabentang mabenta yan sa mga bading, pakiramdam nila siguro pag ganyan ang pangalan nila eh kay ganda ganda nila.
Susan at Jocelyn – iyan naman ay parang pangalan ng labandera, katulong. mananahi at tindera sa palengke. Hindi ko alam kung anong hiwaga ang bumabalot sa pangalan na yan pero yun talaga ang unang pumapasok sa kukote ko.
Angel at Michelle- tunog mabait yang mga pangalan nayan. Pag naririnig ko yan ang naiimadyin ko ay ang isang babaeng maputi, charming at mabango. Ika nga eh girlfriend material.
Theresa , Ana at Maria- Pangalan ng mga api-apihan. Sa mga teleserye sila ang gamit na gamit na pangalan. Kaya naman pag may kaklase akong may ganyan ang pangalan, pinapahiran ko sila ng kulangot, kinokopyahan at sinisilipan ko kung ano kulay ng panty nila. Alam ko kasing napakabait nila at hindi nila ako gagantihan ng kurot, tadyak at sampal. (noong elementary days po iyan, ngayon di ko na ginagawa yan, heheh dyahe)
Joana at Catherine – mga pangalan ng mga mestisahin at magaganda.
Sa mga lalaki naman eto;
Junior - sila ang mga pangalang tu d ekstrim , meaning sila ang mga sanggano, adik, at basagulero pero karamihan din sa kanila ay mga bading o di naman kaya mga sinto sinto. (kaya sabi ko sa inyo 2 da ekstrim ang pangalan na ito)
Brando at Lando - pangalan ng mga goons at mga siga sa kanto na may malalaking katawan at burdado ng mga tato
Manolito, Pablito at Miguelito- mukhang pangalang pang unano.
Gerard at Raymond–sila ang mga pacute na neym, katulad ng pangalan nila madalas silang nagpapacute kahit hindi naman sila cute.
Joseph at Michael –sila ang lalaking counterpart nila Theresa at Maria, kasi pangmabait din ang pangalan na ito. Kalimitan mga dating sakristan sila na tirador ng ostya at mompo sa simbahan. Sila rin naman ang inaagawan ko ng teks, holen at kinukutasan sa ulo. Hindi sila gaganti, titingnan ka lang nila na parang iiyak.
Steve at George -pangalang pangmayaman. Amoy bigatin ang mga ito. Sila yun tipong mga nag-aaral sa La Salle, may ari ng mga businesses at humahawak ng isang malaking pabrika ng SHABU. hahaha
Juan, Rey, Mark o Ronald – pangalang pangkaraniwan. Halos lahat ng pamilya, tyak may ganyang pangalan sa kanilang myembro. Mukhang 50% populasyon ng mga lalaki sa Pilipinas ay ganyan ang pangalan. (galing ito sa aking sariling surbey)
Minsan naman yung mga sikat na artista o di kaya mga sikat na sikat na palabas sa telebisyon tulad ng mga sumusunod;
Marian at Dingdong- Kaya naman ang mga bata ngayon, bata pa lang mukhang pangdalaga at binata na ang pangalan. Kaya minsan ganito ang maririnig mo “Hoy, bigyan mo nga ng tsupon yang si Marian” o di kaya “Palitan mo na nga ng lampin ni Dingdong”. Di ba parang masagwang pakinggan.
Betty La Fea, Lola, Luna Mystica- por dyos por santo wag naman sana nating gawing perya ang pangalan ng mga batang ito kasi kawawa naman sila.
Marimar, Carlos Miguel, Sergio- Usong uso yan dati, mga pangalan ng mga Mexicano. Kaya minsan kahit mukhang galisin at uhugin ang bata, eh ito ang pangalan nila. (hindi kaya mas bagay ang Pulgoso). Minsan naman Bella Aldama ang pangalan, yung tipong pati yung apelyido ginawang pangalan.
Piolo at Karylle – ang tanging may karapatan sa pangalang ito ay talagang pinagkalooban ng Dyos ng magandang mukha. Pero kung pagkaraniwan lamang ang mukha mo eh wag nang mag-asam pa sa ganitong pangalan, kasi hindi rin babagay, at kahit umulan ng sago eh hindi mo sila makakamukha.
Ako, kung ako pamimiliin ng pangalan ko, ang pipiliin ko ay Bryan o di kaya Michael (parang tunog callboy lang ah). Eh kasi pangalan palang parang mahuhulog na ang panty ng mga kababaihan. Yung tipong pangalan palang mukhang gwapo na. Yung nanay ko kasi binigyan ako ng pangalang hindi pinag-isipan, parang pangalan lang ng magbubuko o di kaya rapist at magnanakaw. Kaya nga pag naririnig na ng mga babae ang pangalan ko nawawalan na sila ng gana o amor. Kaya kung bibigyan ako ng pagkakataong mag petisyon sa korte eh magbabago talaga ako ng pangalan, at ito ang gagawin kong pangalan. Maraming nagsasabi bagay daw sa akin ang pangalang BRYAN, eh di ko lang alam kung bakit?
Naisip ko rin magbigay ng pangalan sa magiging anak ko heto ang mga naisip ko;
Red Andrei – tapos ang nikneym nya ay RED.
Green Anthony – tapos nikneym nya ay GREEN.
Blue Michael – tapos nikneym nya BLUE, pag babae naman ay BLUE MARLIN (parang isda lang,hindi kaya magmukhang bisugo ang anak ko)
Kaya pag nagkaanak kami ng magiging misis ko ng pito tyak lahat ng kulay sa rainbow meron. Naisip ko lang mga kulay para kakaiba naman. Kumbaga parang BIOMAN o MASKMAN lang, eh di ba astig yun tapos ako si PUMA LEY AR.
Marami pang mga pangalan ang naiimbento ngayon kaya talaga namang habang patuloy na tumatakbo ang panahon eh kahit papaano gumaganda ganda na ang pangalan ng mga bata ngayon. Kahit man lang sa pangalan at magmukhang sosyal o mayaman sila. Magmukhang gwapo o maganda at magmukhang matalino at mabango
Sana dumating ang isang araw na magiging bahagi na lang ng kasaysayan ang pangalang BOY, NENE at TOTOY at wala ng magulang magpapangalan ng ganito sa kanilang mga anak. Kasi kung hindi nila babaguhin ito tyak kawawa ang mga anak nila. Kasi tyak mahihirapan silang kumuha ng NBI clearance at tyak din na sikat na sikat sila sa TV bilang mga magnanakaw, snatcher, at mga bitima ng rape (kasi lagi sa ganitong pangalan sila itinatago). Sana pati ako mabago ko na rin ang pangalan ko. Hay buhay!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.