kung sakaling hindi pa ninyo nabasa ang kabanata 2 eto po yung link
kabanata II:INUMAN
kabanata III
HAPDI, KIROT at SAKIT
Nagmamadali akong lumipad para hanapin ang nag-iisang babae sa puso’t isip ko.At sa aking paghahanap, Nakita ko ang isang matandang ermitanyong ipis .Pakiramdam ko meron siyang gusto sabihin sa akin kaya dumapo muna ako sa tabi niya.Dali dali kong itinanong kung may nakita ba siyang isang magandang ipis na lima lang ang paa. Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa aking mga mata at lumapit sa akin ng dahan dahan at ibinulong ang ilang mga pangaral.
Sabi niya....
Ang pagibig ay parang pagbunot ng burnek o buhok sa puwet , Napakasakit pero nakakaadik
Pakaiingatan mo yung mga nagmamahal sayo kasi yung mga nagmamahal sayo papakaingatan ka
Ang hindi nakikita ng mga mata ay siya pang mas mahalaga
Nagpasalamat ako sa mga pangaral niya.Pero sa ngayon hindi pangaral ang hinahanap ko.Ang hinahanap ko ay ang ipis na nagsisilbing dahilan kung bakit patuloy na tumitibok ang aking puso. Nagpaalam na ako sa matandang ermitanyo. At lumipad palayo. Maya maya narinig kong tinawag niya aking pangalan. Kaya lumingon ako, Isang bato ang tumama sa mukha ko. Bigla siyang nagwika
“Tandaan mo lufet...Kapag binato ka ng bato”
“Ano?”
“umilag ka! Tanga!”
Tumuloy na ako para hanapin si dalisay . Nagulat na lang ako sa nakita ko. .
Nagkakagulo na ang lahat
Maraming mga ipis ang lumilipad sa paligid..hilong hilo
Nagkakabanggan
Nanghihina
Umiiyak
Nagmamakaawa
nagdadasal
Humihingi ng tulong
Naghihintay ng himala
Umaasa na manatili ang kanilang mga buhay
Nakita ko ang dalawang repipis ko.. si Panot at si Peklat. Hinang hina rin at hilong-hilo. Tinanong ko sila kung anong nangyayari.. sabi nila may nagspray daw . Ginawa daw nila ang lahat ng makakaya nila para iligtas ang ibang mga ipis. Pero kahit na sila daw si PETER PANOT at KAPITAN PEKLAT hindi daw kaya ng powers nila ang amoy na yun. Mas matindi pa daw sa putok ni singhot.
Dahil may sipon ako nung mga oras na iyon. Hindi ko maamoy ang sinasabi nilang nakakalasong aroma .
“nasan si DALISAAAYY!!!?” tanong ko
“andun sa basurahan”
Dali dali kong lumipad papuntang basurahan . Nang malapit na ako. Kitang kita ko ang katawan ni dalisay. Nakatihaya at medyo nangingisay ngisay na. Mabilis kong pinuntahan ang mahal ko. . Nung nakita niya ako, Ngumiti siya..hinaplos niya ang mukha ko..sabay sabi
“alam mo ba kung bakit mahal na mahal kita?”
“ alam ko dahil kyut ako?”
“gago, dahil naniniwala ako sa kasabihang kapag gusto mo lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng panget at ibigin mong tunay”
“ganun? Dalisay huwag ka na muna magsalita. Kayanin mo dadalhin kita sa doktor”
“joke lang...kaw naman..mahal na mhal na mhal na mahal kita kasi lagi kang andiyan.”
“kahit kelan dalisay hindi kita iiwan”
“salamat at sinamahan mo ako hanggang sa huling sandali ng aking buhay. Masayang masaya ako at nakilala kita”
“huwag kang magsaita ng ganyan dalisay. Magsasama pa tayo ng matagal. Matagal na matagal diba?”
At ayun na nga ang huling mga salitang narinig ko mula kay dalisay. Umagos ang luha mula sa mga mata ko hanggang sa katawan ng aking pinakamamhal . Syempre kasama na rin yung sipon ko. Remember may sipon ako nung mga oras na yon...Buti nga patay na siya kaya hindi nakaangal eh.
Kaya kong tiisin yung hapdi ng dulot ng mga sugat, kaya ko rin tiisin yung kirot ng hindi pagkain ng ilang taon, kaya ko rin tiisin ang sakit ng magpa sagasa sa ten wheeler truck..Pero ang hindi ko kinaya..ang makitang unti unting nahihirapan ang pinakamamahal ko. Ang sakit sakit pala..ang sakit sakit..nakakamatay
Bumalik sa aking isipan ang ala ala ng aming masayang nakaraan..
itutuloy....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.