TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Lunes, Hunyo 14, 2010

FRIENDSTER/FACEBOOK POSE



Marami tayong mga pautot kapag kukuhanan na ng piktyur. Marami nga ang nagsasabi na ang larawan ang nagkukwento ng mga bagay bagay . Kaya pati mga piktyur ginagawan ng kwento at ginagawang ng kung ano ano pang trip na tanging taong nakasinghot ng dahon ng kamoteng kahoy ang makakagawa.




PAALALA: Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit. Kung mayroon kang piktyur na nabanggit sa ibaba, okay lang yun kasi meron din ako nyan. Hahahaha! Kaya heto na iyon:




1. Japanese o Peace Sign




Halos lahat ng tao kapag kukuhanan ng piktyur ay tila may isang malaking pwersang nagpapataas ng kanilang kamay at kusang bubuka ang kanilang mga daliri na parang mga kamay ng alien at dyaran…… mag pi- peace sign. Minsan itatapat pa sa mata, sa pisngi o minsan sa ulo (sungay). Medyo hindi ko alam kung nag-originate talaga ito sa Japan o Korea, pero ngayon halos lahat nakikipeace sign na (pati rin ng lola ko eh, kumusta naman yun?). Dati nakyukyutan pa ako pero ngayon medyo nakakaumay na, hindi na sya kyut parang najojologsan na ako sa ganitong pose.



2. Kuha sa Salamin Pose


Ito naman ang mga posing na todo pakyut sa salamin saka kukunan ng camera. Kapag may nakakitang tao sa kanya tyak iisiping bangag yun o di kaya tumira na naman sya ng cough syrup. Ang style dyan ay todo magpapakyut hanap ng magandang angulo saka pipilitin ang ngiti o palalabasin ang dimples kahit mukhang tinusok lang ng ballpen ang dimple..



3. Kuha sa Sarili Pose


Medyo ang kaibahan lang nito sa kuha sa salamin pose ay obvious ……..walang salamin, basta kukuhanan nya ang kanyang mahal na mahal na mukha at wala syang pakialam kung saang angulo nya ito kukuhanin. Maaring kukuhanan ang sarili sa itaas na angulo (nasa itaas ang kamera) na animoy nanunungkit ng panti este ng bayabas. O di kaya itatapat ang camera sa ubod laking mukha nya sabay…click…. Daig pa ang photome booth dahil excited na excited pa nyang makita ang sarili nyang mukha.



4. Umiinom ako sa Starbucks Pose

Medyo pinoproseso pa ng 512MB kong utak kung ano naman ang kinalaman ng isang coffee shop sa buhay nya at doon ka pa nagpapakuha katabi ang kapeng nakasulat ang kanyang pangalan. Siguro gusto lang nyang ipangalandakan sa buong mundo na umiinom sya ng kapeng ubod ng mahal? Akala nya magmumukha syang sosyal at mayaman. Pero alam ko hindi naman gawain yun ng mga mayayaman at minsan kahit itapat pa ang gintong kape sa hitsurang dugyot eh ay hindi pa rin sya nagmumukhang sosyal, magmumukha lang syang kutsara sa tabi ng tasa ng Starbucks. Hahaha Joke lang!

5. Hubad Pose


Sila naman yung nagfefeeling boldstar! Minsan para lang ipakita ang kanilang nagagandahang katawan o di kaya para wala lang. Medyo hindi maganda ang naiisip ko sa mga gumagawa nito, basta para silang nag-aalok ng serbisyo ng you know.. LAMAN-LAMAN KAYO DYAN MURANG MURA LANG!!! (sa katawan na lang sila bumabawi kasi olats sila sa mukha,hahah! Kumbaga sa hipon itinatapon ang ulo!Joke ang uli! )



6. Kunwari Stolen Shot Pose

Sila naman yung magkukunwariang hindi sila kinukuhanan sa camera, o di kaya umiiwas na tingnan ang lente ng kamera kahit na todo ngiti sya at halatang nagpapakyut pa rin sya kahit stolen shot daw iyon. Paepek nila yun para hindi naman halatang atat na ata sila sa piktyur, minsan akala mong mga direktor sa pelikula kasi may dramatization o script pa para makatotohanan daw ang stolen shot pose.

7. Wacky Wacky Pose


Ito naman ang mga posing para sa hindi photogenic o panget sa piktyur. Dahil kwela at may lisensya syang maging panget at katawa tawa, ito ang madalas isuggest para kahit pagtawanan ang pagmumukha nya sa piktyur okay lang kasi wacky naman eh (madalas ko rin itong i-suggest). Ganyan talaga para-paraan lang yan para naman pag may nakakita ng piktyur nya at may nagsabi “Ang panget mo naman sa piktyur” ang pwede mong idahilan .......“Sira, wacky pose kaya yan!!” (kahit na mukhang serious na serious ang mukha mo sa piktyur)


8. Magpakuha kasama ang magagarang sasakyan Pose.

Sila naman yung hindi mo alam kung kinukuhanan ba sya kasama ang kotse o kinukuhanan ang yung kotse na nasingit lang ang pagmumukha nya (tuloy pumapanget ang piktyur). Tyak alam naman siguro ng taong makakakita ng piktyur mo na hindi sa iyo yung kotse kasi umiilaw ilaw pa yung kotse (nag-aalarm kasi). Kaya mas mapagkakamalan ka pang carnapper at carwash boy/girl kesa may-ari nito. Hindi ka naman magmumukhang mayaman kung sakaling nakadikit sa katawan mo sa mamahaling kotse na ito mas mukhang pang madumi yung kotse kasi tinabihan mo.Hehehe



9. POGI Sign at kung ano ano pang sign



(Excluded na dito yung Japanese sign kasi nadiscuss ko na ito.) Hindi ko rin alam na bakit kung tututukan na ng lente ng kamera, eh hindi na mapakali ang iyong mga kamay at parang may sariling buhay ito na gusto ring magpakyut sa kamera meaning tila awtomatikong kikilos ang iyong mga kamay para gumawa ng mga kung ano ano pang sign tulad ng POGI sign, Rapper Sign, Kamay Alien sign at kung ano ano pa mga pautot ng kamay mo. Eh hindi naman ito nakakadagdag sa appeal at pagmumukha mo, ganun pa rin naman ang hitsura mo, umeeksena lang naman ang kamay mo, kaya bakit nga ba ganun?

10. Pictorial Pose


Sila naman yung mga taong ginawang malaking studio ang sala, kusina, banyo, park at kung ano ano pang lugar. Akala mong mga modelo ng antifungal cream na talagang todo posing. Eh nandyan hawak sa baba pose, kamay dikit sa mukha pose at kung ano ano pang pang cover ng tinapa este ng magazine pose. Medyo marami rin silang props tulad ng bulaklak, sombrero, panyo, at kung ano ano pa. Sabagay kahit man lang sa piktyur mag mukha silang artista at modelo.


Iyan ay ilan lamang sa mga karaniwang pose na makikita natin sa Facebook, Friendster at kung ano ano pang social networking sites. Eh kanya kanya yan ng trip kaya walang pakialamanan. Meron din naman akong mga piktyur na gumagawa ng mga nabanggit sa itaas kaya pati ako natatawa sa sarili ko.


Ang larawan o picture ay nagsaysay ng ibat ibang bagay maaring emosyon, pangyayari sa buhay mo o kasaysayan. At laging may alaala tayong nababalikan kapag nakikita natin ang mga larawan na ito. Kasabay ng bawat pindot at tipa ng kamera ay pagkuha rin ng mga alaalala o bahagi rin ng buhay natin.

Kaya sige pose lang ng pose at klik lang ng klik, ganyan talaga ang mga adik sa piktyur,hehhehe!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.