Natatandaan ko pa nuong grade school pa ako usong uso ang Slambook na ginawa ng kaibigan ko sa bagong bili na spiral notebook na ang cover eh mga artista hehehe..
Aba! ilang beses na ako nag fill up nun' sa dami ng kaibigan ko na gumawa at nag request na sagutan ang mga katanungan na ginawa nila pero syempre they promised na walang makakaalam ng sagot mo kundi sya lang..(as if naman hahaha!). Pero as far as I'm concerned ang pinaka main purpose lang naman ng slambook eh para malaman ng kaibigan mo kung sino ang crush mo or I should say "APPLE OF THE EYE MO!" tama ba ako?
Balikan natin ang nakakatawang tanong sa Slambook. Syempre di mawawala dyan ang Name, Nickname, Birthdate, Address, Telephone number, tapos sabay banat ng:
Likes: Mabait, Malakas ang sense of Humor
Dislikes : KJ (Kill Joy!), Back Fighter
Favor Color : Rainbow Brite hahahaha..
Motto : Ajinamoto
Secret Ambition in Life: To be a macho dancer..
Sobrang dami ng baduy na question pero kung babasahin mo ulet eh matatawa ka sa mga sinagot mo..
Syempre lumipas na ang maraming taon ito ay napalitan na ng Friendster, Multiply, Facebook, Hi5, Blogs at kung ano ano pa.
Dito mas malawak ang scope ng pede mong tanungin gaano man kalayo ang mga kaibigan mo. Pero tingin ko iba pa rin ang dating ng handwritten na questionaire kesa sa mga online social networking sites.
TISSUE
" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"
Miyerkules, Marso 31, 2010
Bilango sa Rehas na Gawa ng Puso Mo
Bago pa ako mautal
Bago pa man maumid ang aking dila
Ay sasabihin ko na sa 'yong
Mahal na mahal kita.
Malaon na rin kasing
Kinikimkim itong pag-ibig
Kaya't ibubulalas ko na
Bago pa sumabog ang dibdib.
Heto nga't aalpas na rin
Mula sa matinding takot at kaba
Hindi na kayang pigilin
Bilangong pag-ibig ay lalaya na rin.
Ang tanging hiling ko lang sa 'yo
Ay bigyan mo ng pag-asa ito
Iyong diligin upang lumago
At magbunga diyan sa 'yong puso.
Subalit kung ayaw mo
Ay mabuti pang kitilin mo ito
Mabuti pang ang pag-ibig ko'y
Nananatiling bilango.
Martes, Marso 30, 2010
Mga malarong kuwento ng kabataan ko..
Lumaki ako sa isang Lugar na halos lahat ng mga bata ay pinapayagang lumabas para magpapawis at maglaro, sa lugar na baduy ang mga batang natutulog sa tanghali at hindi lumalabas, sa lugar na Masaya at maingay, sa lugar na maraming tambay sa kanto at sa lugar merong samut saring pagkain na binebenta sa kalye.
Welcome sa San Isidro pob. Nabua Cam. Sur. Ang Lugar na tila isang paraiso para sa karamihan ng mga kabataang nakatira dito, dito makikita ang mga batang nag-aamoy aso at hikain sa walang sawang takbuhan at habulan, at isa ako sa kanila.
Mahilig ako maglaro, wala akong pinalampas sa lahat ng mga larong nauso sa lugar naming nung kabatan ko. Ito ang ilan sa mga naging pabotiro ko.
Teks – Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na unahin ang larong ito, dahil dito talaga ako naadik at nabaliw. Hindi ko alam kung bakit suwerte ako sa larong ito. Mas madalas ang panalo ko kesa sa talo. Dumami ng husto ang teks ko at umabot ito sa tatlo kahon ng size 10 na sapatos na kapag isinabog mo naman ay makakasya ito sa isang medium size na travelling bag. Siguro dahil na rin ito sa mahusay at kapitagpitagang pamato ko na pinamana pa sa akin ng nakatatandang pinsan na nag retiro na bilang manlalaro ng teks at napasama na sa mga hall of famer. Hindi ko makakalimutan ang pamatong ito dahil sabay kaming sumikat sa San Isidro. Ilang bata rin ang ngumalngal, napikon, sinipon at naubusan ng teks dahil dito. Ito ang pamatong #14 na anak ni Zuma naka drawing dito ang isang babae na nakaharap kay galema, kung ano ang pinag-uusapan nila ay di ko alam at hindi ko rin alam kung anong meron ang pelikulang karton na ito dahil parati siyang naiiba sa bawat bagsak nito sa lupa.
Marami akong batang nakatunggali sa larong ito, at sa bawat laro ibat ibang klase ng bata ang makakaharap mo. Isa na dito si Brando (hindi ko makakalimutan) ang batang sikat na manlalaro ng teks sa lugar naming at kinakatakutang makalaban ng karamihan ng kabataan. Siguro mga dalawang taon ang tanda niya sa akin, ok sana si Brando kung hindi pikon, salbahe at siraulo. Marami rin siyang teks at may mahusay na pamato na Rambu-to (naaalala nyo ba pa yung pinabidahang pelikula ni Palito nung 80’s? Yan yun!) Nagkaharap kami nung grade 1 ako, nagmistulang laban ni Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya ang naging labanan naming sa dami ng mag batang nanonood at kasama rin ang ilang matatanda na nakikiusyoso. Hindi pangkaraniwang laban ang nangyari sa amin ni Brando, isa itong laban na kung tawagin ay ‘malakasan’ dahil hindi isa dalawa tatlo cha ang naging tayaan kundi dangkalan at tumpukan.
Sa huli nagwagi rin ako gamit uli ang pamatong anak ni Zuma at umani ng respeto sa karamihan ng mga manlalaro ng teks. Pero nabanggit ko na pikon si brando. Ang huling dangkal ng teks na itinaya at naipatalo ay hindi niya ito binigay sa akin. Ibinato niya ito sa ere at nagmukhang confetti sa Makati sabay hamon na suntukan. Nagkagulo ang mga batang nanonood at nagmukha silang mga gremlins nabasa ng tubig habang nag-aagawan sa mga inihagis na teks. Hindi ako lumaban kay Brando, hindi dahil sa naduwag ako kundi dahil takot ako sa Tita ko.
Alam kong malilintikan ako kapag nalaman niyang nakipag away ako, patay! Luhod na naman sa mungo.
Di nagtagal iniwan di ako ng mabangis kong pamato dahil na rin siguro sa kalumaan. Minsan lumalanding pa ito sa kanal pero pinupunasan ko lang at pinapatuyo sa init ng araw. Mga tatlong araw rin yata akong hindi nakapag teks ng mga panahong iyon. Kaya naisipan kong magpa try out para sa bagong kong pamato! Naglaro kami ng pinsan ko ng teks sa garahe ng bahay nila gamit ang ibat ibang pamato, kung alin ang mga pamatong madalas manalo ay iniipon naming tapos sila uli ang paglalabanin naming, kung alin ang mananalo sa mga ito yun ang gagawin naming, best of bests. Dito naming napili ang pamatong ‘Puto’ ni Herbert Bautista. Ayos! Naisip naming ng pinsan ko na lumabas na at subukan kung uubra nga ang pamatong puto sa totoong mundo. Hindi naman kami nabigo. Mahusay din at nanalo ito. Pero hindi pa rin ito kayang tapatan ang galing ng dating pamato na anak ni Zuma. Parang mga basketball player din yan. Oo ngat mahusay talaga si Kobe Bryant pero iba pa rin si Michael Jordan. Chor!!!
Isang hapon pagkagaling ko sa eskwela, gumuho ang mundo sa aking mga paanan. Bakit kamo? Nalaman ko na itinapon pala na tita ko ang lahat ng mga teks ko. Bigla akong nahilo at parang masusuka, Sabi nya nakakaapekto na raw ito sa pag-aaral ko. Oo aminado ako, naapetuhan talaga ang mga grado ko pero bumaba lang ito ng kunti at di naman bumagsak. Bakit kailangang mangyari ang ganitong klase ng trahedya ? Para sa isang bata ang teks ay isang kayamanan na iniingatan at ipaglalaban ng patayan sa sinumang hangal na gustong kumuha o umangkin nito sa kanya. Yan ang tita ko! Parang siyang aso na palaging bagong panganak na matapang at nangangagat. Wala akong nagawa. Naalala ko pa dati kapag ginugupitan nya ako ng kuko habang natutulog, nagigising ako sa sakit pero hindi ako makadilat at makareklamo, ibang klase siya manggupit ng kuko, halos lumabas yung laman sa sobrang iksi na gagawin niyang gupit sa kuko mo. Kulang na lang gupitin nya yung buong daliri mo. Matagal din bago ko natanggap na wala ang mga teks minahal at pinaghirapan ko. Ayoko ng mga bagong teks na nabibili sa tindahan, hindi ko gusto itsura nila at hindi rin ito magandang gawing pamato. Iba talaga ang mga lumang teks na dumaan na sa kamay ng kung kani kaninong mga bata, iba ang texture nito at iba rin ang amoy. Mabango!
Taching – Ito ang pangalawa sa mga pabarito ko! Mga tautauhang goma o plastic na itataya mo sa iginuhit na parisukat sa lupa o kalsada. Simple lang ang larong ito, kailangan mo lang tirahin at palabasin sa parisukat ang mga tau-tauhan na nasa loob nito sa pamamagitan din ng isang pamato. Kung ano man ang mapalabas mo ay mapapasaiyo na. Astig ang pamato ko dati, Red 1 ng Bioman, ang ganda ng pakaka bukaka nya kaya lalo siyang lumapad. Binalutan ko rin si Red 1 ng mga alambre at nilagyan ng mga tumilyo sa mga braso at binti para naman talagang bumigat. Maraming akong napikong kalaban sa larong ito dati dahil kapag pinapasadsad ko na si Red 1 sa parisukat halos lumabas lahat ng mga nakataya dito.
Pero hindi tulad ng teks na suwertihan, ang taching ay nangangailan ng skills. Kailangan asintado ka, kailangan marunong ka mag blackmagic, kailangan malinaw ang mata mo at kailangan magaling kang tumacha. Dahil sa konting pagkakamali mo lang ay pwedeng maubos ang mga tautauhan mo. Minsan na rin akong inalat sa larong ito, talagang Ubos! Kahit isang espada ni Panday walang natira. Pero hindi pa diyan nagtapos ang laban. Rumesbak ako!
Bumalik ako sa labanan dala ang mga solid na gomang laruan na si Hulk Hogan at Ultimate Warrior na pinadala pa sa akin ng tito galing Saudi. May kalakihan ang mga ito at di hamak na mas mahal kumpara sa mga ordinaryong gomang laruan na tinataya sa taching. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko noon at itinaya ang mga ito. Halos lumuwa ang mga mata ng mga bata doon ng makita nila ang hawak ko. Ayos Naipatalo ko sila pareho. Umuwi ako ng luhaan at yung pangit na batang nakakuha nito ay hindi alam ang magiging reaksyon sa sobrang tuwa. Pakiramdam niya yata nanalo siya sa sweepstakes. Kaya pala yung mga taong adik sa casino, Kahit magbenta sila ng ari-arian ayos lang basta makabawi sa naipatalong pera.
Turumpo – Nakakalibang at Masaya rin ang larong ito. Iba iba ang laki ng turumpo at iba iba ang kulay, para sa akin astig ang pula na turumpo kasi matapang at palaban ang dating nito, parang palaging handang makipag basagan. Masasabi ko na medyo magaling ako dito. Magaling akong bumitaw ng chate at tantiyado ko kung saan patatamaan ang mga kalabang turumpo para lumabas sa bilog na ginuhit sa kalsada o sa lupa. Na mistulang ring ng mga wrestler ng wwe. Tulad ng taching kailangan mo rin ng hindi basta bastang talento dito, kailangan marunong kang magpaikot ng turumpo sa kamay o sa dila para irespeto ka mga batang nakalalaro mo. Nalaman ko rin na hindi pala epektibo ang turumpo na binabad sa suka. Sinabi ito sa akin ng isang tambay na mukhang adik pa yata. Para siyang isang ermetanyo sa bundok Tralala habang nagsasabing sa akin ng: pogi, ibabad mo sa suka ng dalawang araw ang turumpo mo, sa ganitong paraan hindi yan basta basta mababasag sa labanan (hinintay ko ring sabihin nya na hindi rin ako tatablan ng bala kapag uminom ako toyo sabay ituturo nya ang lugar kung saan makukuha ang Yamashita Treasure. Pero di nangyari!) Bilang tanga, sumunod ako sa mga salita ng ermetanyo este ng tambay pala. Binabad ko sa suka ng dalawang araw ang turumpo ko at pinatuyo ito ng isang araw. Sabay sugod sa laban. Hanep! Ang galing!! Maasim ang naging kapalaran ng turumpo ko. Nabiyak ito sa pangatlong konyat ng kalaban. Hindi kaya dapat sa arnibal ko ito ibinabad??
Saranggola – Ang tayog ng lipad ng saranggola ni pepe. Yan ang pangarap ko! Ang makapagpalipad ng matayog na saranggola yung tipong makikipag apir ito sa mga eroplanaong dadaan. Kaya nung bata ako minaster ko lahat ng klase ng paggawa ng saranggola. Nakagawa na ako ng mga saranggola yari sa diyaryo, papel de hapon, at mga saranggola na yari sa plastic ng palengke. Gumagawa rin ako ng mga fighter kites na ginagamitan ng pisi na binubugan at mga cute na sarangolang tulad ng mga hugis ibon, hugis bungo, hugis pumpkin at hugis ulo ng panda bear. Sa lugar naming dati isang buwan bago ang mahal na araw, naglipana ang mga saranggola sa himpapawid. Ang sarap tignan! Merong sobrang taas at parang tultok na lang. merong pa gewang gewang, merong sumasabit sa kable ng kuryente na ikakukuryente ng batang nagpapalipad nito at minsan kapag binibuwenas merong mga saranggola na eektad sa bubong ng bahay nyo (eto ang sarap) dati meron umektad na saranggola sa bubong ng kapitbahay naming. tutal wala naman masyadong nakakita, mabilis kong inakyat ang bakod nila na parang kasapi sa akyat bahay gang. Sa kamalasan sumabit yung kanang binti ko sa barb wire na nakalagay sa bakod. Magaling! Butas ang balat at sumirit ang dugo, kahit tatlong band aid ang tinapal ko, hindi pa rin kinaya. Sa ngayon isang alaala na lang ang kurikong na nasa kanang binti ko. I learned my lesson: Masamang umakyat sa bubong ng kapitbahay lalu na kung may barb wire.
Giyera- Ito ang lumang version na Airsoft. Hindi tulad ng mga war games sa ngayon na mga mp5, carbine, AK47, sniper at iba pang malalakas na pekeng baril ang gamit. Sa giyera ay tirador, sumpit, baril na de goma at kung walang wala ay bato ang ginagamit. Medyo magkakasakitan kayo dito pero ayos lang. sports lang dapat ang lahat. Astig ang sumpit ko dati dalawa ito na itinali ko ng goma, parang double baretta, at ang lalagyan ko ng munggo ay kahon ng posporo na binalutan ko ng itim na electrical tape para magmukhang magazine talaga. Isipin mo na lang kung gano katigas yon. Sabay sabay kayong susugod ng mga katropa mo sa mga kalabang tiga ibang kalye. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakita mong yung sinumpit bata ay tinamaan ng munggo sa loob ng mata. Sabay titiradorin ka ng kakampi nya na ikabubukol mo naman. Rambulan talaga! Dati na bingo nanaman ako ng tita ko, misanng naubusan ako ng munggo, bigas galing sa bahay ang ginamit kong pambala. Nalaman nya! Yung dati katulong ng tita ko na may malaking bunganga ang nagbenta sa akin. Ako ang nasumpit ng tita ko!
Ilan lang yan sa mga paborito kong laro. Naglalaro rin ako ng jolens, yoyo, kalog, paluang kamay at mga larong nakaka hika tulad ng habulan, mataya-taya, agawang base, langit lupa, taguan, tumbang preso, luksong baka, luksong tinik, patintero, siyato, shake shake shampoo, monkey monkey anabel, mensan pati mga larong pambabae pinapatos ko na rin, lalu na kapag kulang sa player sila. Nasubukan ko na rin ang jackstone, piko, Chinese garter, bahay bahayan, pass the message at iba pa.
Hindi ako mahilig sa mga sosyal na laruan ng mga G.I . Joe, remote control car at mga robot na umiilaw yung dibdib habang naglalakad na pinadala sa akin ng tito ko galing sa ibang bansa tuwing pasko at birthday ko, minsan kahit walang okasyon nagpapadal parin siya. Ewan ko ba pero mabilis talaga ako magsawa sa mga ito. Kapag sawa na ako. Ang mga G.I. Joe ay pinahihiram ko na sa mga pinsan ko at kahit walang ng balikan ay ayos lang. (hindi ko alam kung ipinatalo na rin nila sa taching) yung mga remote control car at robot ko naman ay binabaklas ko kasi merong motor na nakukuha sa loob nito. Kinakabitan ko ito ng elesi at AA battery sabay ikakabit ko sa lumang suwelas ng tsinelas na tinusukan ng bandera para gawing motor boat at paaandarin sa mga kanal. Astig!!
Isa pa sa masarap sa lugar naming dati ay ang piyesta. Lahat ng tao Masaya at maraming pagkain sa bahay parang isang lingo pasko! Bukod diyan ay marami ring palaro tulad ng palo sebo, agawang buko, pukpok palayok, pa boksing, pasabit, pasayaw, pa raffle, pa bingo at marami pang iba. Dati napasubo ako sa boksing, nanonood lang ako nun kasama ang isang pinsan ng biglang may humirit. ‘Oh! Ayan pala si Aldrin eh’ suotan ng glabs yan! Nabigla ako at nataranta hindi na rin ako makaurong dahil alam kong habang buhay nila akong tatawaging CHICKEN!!! Kapag hindi ako lumaban. Nagulat ako pagpasok sa mini ring na ginawa para sa mga magtutunggali, nakita ko ang makakalaban ko, maitim ito at solid pagiging mukhang batang kalye. Sa tingin ko mas matanda ito sa akin at di hamak na mas matangkad. Itsura pa lang, mukhang pwedeng sumunod sa yapak ni Manny Pacquiao. Round 2 sabog at dugo kaagad ang ilong ko at inawat na kami ng referee. Pero ayos lang sa tingin ko naman nabigyan ko siya ng magandang laban kahit na ni isang gasgas wala akong nakita sa mukha nya.
Umuwi ako ng bahay kasama pa rin ang pinsan ko. Ayos ang nag welcome sa amin tita ko na nanonood ng Lovingly Yours Helen sat v. Nagulat siya ng makita nya ang lamog kong mukha at ang dala kong bimpo na merong dugo sabay tanong nang; Anong nangyari?!?! Hindi na san ako aamin at sasabihin na lang na nadapa. Pero ang magaling kong pinsan na sobrang matatakutin ang bumaliktad at umamin. Kitang kita ko ang paglabas ng ugat sa noo at pag usok ng ilong ng tita ko sabay labas ng bahay sugurin yung mga organizer ng boksing. Ayos na rin dahil nalaman ko na kahit ganun ang tita ko ay meron siyang malasakit sa akin at handa akong ipagtanggol sa mga taong umaagrabyado.

ANTI-HANGOVER
!!!TRY THIS!!!
PARA SA MGA LASENGGO'T LASENGGA
RED HORSE CAPSULE
ANTI-HANGOVER PARA SA LONG LASTING NA INUMAN.
SUBOK NA MABISA!!!
MABIBILI KAHIT SAAN...
Linggo, Marso 28, 2010
AKO SI SHAIDER
Batang Shaider ako, ito ang isa sa pinakapaborito kong palabas noong bata pa ako. Kaya naman sobra akong na-adik sa palabas nay an. Kaya naman ganun na lang ako magmakaawa sa nanay maibili lang ako ng sapatos na shadier (yung umiilaw ilaw). Kaso talagang patigasan kami ng ulo ni nanay kasi ayaw bilhin yung sapatos na shaider kasi greyd por na raw ako at di na bagay sa akin. Pero mas matigas ako sa kanya, kasi tinamingan kong nagsisimba kami at duon ako maglulupasay sa loob ng simbahan kung di nya bibilhin yun. Eh buti naman umepek kasi nakatingin ang lahat ng tao sa kanya, hehehe! Wala magawa ang nanay kundi bilhin ang sapatos at kurutin ako ng pinong pino na hindi halata ng ibang tao. Yan ang aking, panalo!
Naalala ko pa nun nagpupustahan kaming magpipinsan kung ano ang gagamitin ni Shaider sa pagpatay ng halimaw, kung malaking baril o robot. Bukod pa kung anong kulay ng panty ni Annie (ang labtim ni Shaider). Madalas akong manalo kasi kolor koordineyted ata si Annie kung ano kulay ng palda nya yun din ang panty nya.
Si Puma ley-ar ang lider ng kaaway, akalain mong nangingitlog eh lalaking halimaw sya. Astig!! Pero kung akala nyo bading si Puma ley-ar ay nagkakamali kayo. Dahil si IDA ang bading dun! Nagoyo ako ni Ida nung bata. Akala ko babae sya yung pala…..isa syang SIRENA. Nito ko lang nalaman na bading na alien pala sya at malakas ang tama nya kay Shaider kaya inggit na inggit sya sa aking “Annie may lab”. Naiingit sya sa panty ni Annie, palibhasa di bagay sa kanya ang mini-skirt. Kailangan ipakain sya sa time space warp (TIME SPACE WARP NGAYON DIN)
Syempre hinding hindi ko makakalimutan ang timsong nilang “Ushigi shigi mankantawu uwah (u shishigi))”. Iyan ang pampatutog ko noong araw, at yan din ang paborito kong kanta syempre with dance move pa!!!
Sa ngayon, balita ko patay na yung bida ng Shaider na si Hiroshi Tsuburaya dahil sa kanser sa atay dahil lasenggero pala sya sa totoong buhay at si Annie naman o Naomi Morinaga ay naging bold star naman (may kinalaman siguro ang panty nya), buhay pa ata sya!
BASTA PARA SA AKIN…………ASTIG KA SHAIDER!!!

Martes, Marso 23, 2010
Salamat sa Shawarma (Baniyas East)
Galing ako sa labas ng accommodation namin, bumili ako ng shawarwa para sa meryenda. Beryernes ngayon day off namin, nababagot na kasi ako sa pakikinig ng mp3 at kakalaro ng Farmville sa facebook. Sa labas malamig na ang hangin, buti nalang nag soot ako ng sweter. Naupo ako sa mesa habang hinihintay maluto ang aking order na pagkain. Sa aking pagkakaupo nakaramdam ako ng kalungkutan, palibhasa kasi mag-isa lang ako. Nasanay na ang aking mga mata sa mga pakistani, lokal, hindi at kung ano-ano pang ibang lahi na labas masok sa kainan isama mo na diyan ang kanilang pagkakahawig sa amoy. Ang amoy anghit ng isang tao na hindi naliligo ng tatlong buwan. “sadik!”, sabi ng tendero, wow luto na ang shawarma hehe medyo gutom nadin ako. Konti lang kasi ang aking kinain kaninang tanghali, galing sa tirang ulam dalawang araw ko nang iniinit. Habang kumakain ako, damang dama ko ang kakulangan. Yung pakiramdam na mag-isa lang ako sa gitna ng karamihan ay nakakalungkot na katotohanan. Bakit nga ba kelangan pang magyari ito sa akin. Bakit kelangan pa ng magtrabaho malayo ? Alam ko ang sagot sa tanong na ito, pero hindi matanggap ng sarili ko. Siguro kung pwede lang maglumpasay sa kinauupuan ko ginawa ko na. Ang dami kung iniisip, pati Diyos binibigyan ko na ng homework nya para sagutin ang mga tanong ko. Mag dadalawangtaong na ako dito at medyo matagal tagal nadin ang aking pagtiis. Kung titignan ko naman ang aking sahod maliit. Pero okey lang kesa magtambay ako sa Bicol. Hindi ko sinasabi sa nanay ko ang lahat ng nangyayari sa akin dito, baka lalo lang siyang mag-alala sa akin. Kaya pag nag-chat kami sa internet, laging sagot ko sa tanong nya, “Okey naman po ako, tumataba nga eh.” Minsan pintawag ako ng Boss namin, sabi ililipat nya na daw ako sa kabilang project. Sa harap nya sinabi ko na ayoko sa kabilang project kung gusto mo ttanggalin muna lang ako. “Ya Malaka Ray!”. “Ray, if i give you vacation, would you change your mind?” tanong nya sa akin. “I don’t know, maybe I would not comeback if you give me vacation”. Don’t worry “sabi nya” your salary will increase, I know its not easy to find job in the Phillipines, “dagdag pa nya” wow, tama ang sinabi nya, at alam ang dilemma ng mga Pinoy. Pero buo na pasya ko sinabi ko na wala naman ako maitutulong sa kumpanyang ito. Hindi naman ako Engineer. Isa lang naman akong Asst. Document Controller. Di ko alam kung ano ang nagustuhan nya sa akin. Hindi nya tinapos ang usapan namin, pag-isipan ko daw ng husto. Bilang pang huling salita tinanong nya ako. “what are the things that will make you change your mind?” sabi ko “nothing” sabay labas ako. Pagbalik ko sa opisina. tinanong ako ni Mhel. Kung ano daw ang pinag-usapan namin. At sinabi ko rin sa kanya na ayoko na. at sabi nya sa akin “Drin, kasama mo naman ako lilipat ah. Parang hindi tayo lagi magkasama dito, Saka anong gagawin mo doon? Tambay! Sige na Amigo amo.” “Sadik! Salah!” ang sabi ng tendero, pinalabas na ako kasi magsasara sila para sa kanilang dasal. Buti na lang naubos ko na ang aking kinain. Habang pauwi ako sa aming accommodation, dinig ko ang malakas na sigaw nila para sa pagdadasal. Bawat street kasi dito may mosque at lahat ng mosque may malalaking speaker para madinig ng lahat ang tawag sa “Salah.” Minsan nakakatulig na ang mga hiyaw sa tawag ng “Salah” para kasing laging Semana Santa dito, tunog kasi ng PABASA ang kanilang dasal. Napaka gandang praktis ang kanilang dasal. Hindi ko lang alam kung taos puso ang kanilang pagdarasal. Kelangan pa kasi nilang maghugas ng paa, kamay at ulo bago magdasal, at limang beses sa isang araw ang kanilang “Salah”. Naisip ko bakit kaya ang mga katoliko hindi gayahin ang ganitong Gawain. Ewan ko, pero para akong naiingit sa kanila kapag nagdarasal sila. Siguro na mimiss ko lang ang magsimba araw-araw, dito bihira kasi ako magsimba at malayo ang accommodation namin Ang rosary ko nga bihira ko nang nagagamit. Di tulad sa Bicol na malapit lang ang bahay namin sa simbahan. Meron din akong book of qur’an binigay ito ng isang katarabaho ko, basahin ko daw. Minsan kong binasa ng pahapyaw ang libro nila, pero tinamad akong ituloy. Hindi ko kasi nagustuhan ang mga nakasulat doon. Naisip ko, ano nga ba misyon ko lagar na ito? Kasi kung pera lang ang dahilan malamang hindi ako tagumpay. Wala rin akong ipon. Mahirap pa din ang buhay. Iyan ang katotohanan. Siguro isang karanasan lang nais iparating sa akin ng Diyos. Makilala ang ibat ibang katotohanan sa loob ng kahirapan bilang OFW. Makita ang mga sekreto at kahinaan ng mga kapwa ko Kristyano sa gitnang silangan. Na di siya kinikilalang Diyos. At maihambing ang Muslim at Katoliko, ang Islam at Kristiyanismo. Lahat ng ito ay siguro lang walang katiyakan. Kung ano ano man iyon, sana ay aking Makita at malaman.
Linggo, Marso 21, 2010
Manny Pacquiao Versus Mike Tyson with Referee Rocky Balboa
The introduction to the main event will first be the nationalista anthem of the Philippines…here sing Nationalista anthem is Christian Batista..”Bayang Tigulang..may paso sa Agtang..ANG MAMATAY NG DAHIL SAYO!!!..bow.”
Entering Manny Pacquiao.. with face so serious and so deadly eyes…
Our Champion,”wieghing 300 pounds…itog palang iyon…Manny’ Fuckman Pacquiao!!!”
The Challenger, “wieghing 500 pounds…itog palang iyon…”Mike The Gorilla”Tyson!!!”
The Referee Rocky Balboa saying them both…”okay no punches below the belt, buenas dias senyoritas… ok shake hans…”
Round Girl Sonia wearing a bikini passes through the ring with “round 1’.
TING!!!!TING!!!TING!!!
The round bell starts…
Manny doing jabs, straights and kicks…
Suddent Mike Tyson bites the ear of Manny…
“OUCH!!!” tearing his right ear off…
Then Manny counter punches.. hitting the Referee Rocky Balboa straight in the face!!!!
BOINK!!! The Referee collapses…
Mike Getting a Big Revolver shoots Manny in the leg…
BANG!!! BANG!!!
Taking of Manny’s leg
Manny Getting a Chainsaw cuts Mike Tyson’s head of…
GRRRRRRRIIIIINNNNGGGKKSHSHKKKK!!!!!!!
BLOOD SPURTS OUT OF EVERYWHERE….
MANNY WIN THIS EVENT!!!! AND THE CROWD GOES WILD!!!!
People cheeringa and shouting singing “I don’t wanna miss a thing”
And someone sings ‘How do I live without you…”
Manny being interviewed: “How did you do such a feat???!!!”
Manny Answered, “I just tuk da rayt jab and hit em straight, with counter punches.. I’d layk tu thanks may Fans for supporting me….”
“Okey Manny you did well in this Fight”
THE END
DIRECTED BY; aldrin
Make-up By: Aldrin
Starring Mike Tyson as Aldrin
Manny Pacquiao as aldrin
And Referee Rocky Balboa as Aldrin
Brought to you by TERNA S.A.
Manny Pacquiao Versus Mike Tyson with Referee Rocky Balboa
No rights reserved.

Sabado, Marso 20, 2010
AKO
• Tamad akong Magsalita.
• Minsan akala mo badtrip ako dahil hindi ako nagsasalita, ang totoo nyan tinatamad lang talaga ako magsalita (authistic ako e).
• Madali akong magsawa sa usapang walang katuturan at boring- boring din kasi ako.
• May sense of Humor ako. (Meron talaga. Maniwala ka.)
• Mas gusto kong ubusin ang oras sa pagsusulat at pag-gigitara.
• Pag wala akong maisulat, nag-gigitara ako.
• Pumapapak ako ng langgam o kaya ipis.
• Siraulo ako.
• Alaskador. (di ako mahilig sa gatas)
• Ayoko ng maingay pag nagsusulat, utak ko lang dapat ang maingay.
• Kolektor din ako ng mga batong weird. (bato? as in drugs?)
• Adik ako.
• hindi ako mahilig sa matamis.
• Sumasali ako sa mga interesanteng salihan (patentero)
• Nakapag silbi na ako sa komunidad, simbahan, eskwelahan at sa bahay ng kapitbahay.
• Madaling araw na ako matulog.
• Hindi ako nagsusuklay.
• Ayoko sa taong may nakakalasong amoy. (bad breath? tok-pu?)
• Wala akong putok.
• Mahilig ako sa sport. Pero wala akong hilig sa sports.
• Marunong akong sumayaw at kumanta. (when i was in Grade 2)
• Naliligo ako.
• Ayoko ng bawang.
• Ayoko sa taong puro hangin ang ulo.
• Mahilig ako sa Music.
• Mahilig ako sa hayop (yung tototong hayop)
• Ayoko ng makalat.
• Ayoko sa Perfectionist.(kalokohan yun)
• Ayoko sa taong "plastik" at back stabber.
• Mahal ko ang pusa.
• Mahal ko din ang aso.
• Number 1 enemy ko ang ipis.
• Number 2 naman ang lamok.
• Idolo ko ang mga taong iniidolo ko.
• Mahal ko ang mga writers.
• Kumakain na ako ng ampalaya.
• Hindi ako umiinom ng gamot.(pag masakit lang ang ulo)
• Hindi ako nagkeketchup pag kumakain.
Panadol
habang tulala ako sa wall clock at ina antay ko na yung maliit na kamay ay tumuro sa 6 at yung malaki naman sa 12. Baket ba tuwing hapon nalang ay parang may maliit na nilalang na sumusundotsundot sa ulo ko? Para akong masususka , na parang naglilihing pusang gala, lalo pang nadagdagan ng dumating ang Pakistano naming Driver na 1 week na yata ung suot nyang damit, dahil biglang umalingasaw ang kakaibang halimuyak………..walang Alaxan ,walang Biogesic, walang Medicol, bigla kung na alala na nasa ibang lumapalop ng mundo pala ako, wala nga pala dito tindahan ni Aling Nena na pwede kang bumili ng patingi tingi at minsan ay pwede pang lista…
Huwebes, Marso 18, 2010
Nang magkasalubong si Sonny at si Darna!
Naglalakad pauwi si Sonny (a.k.a. Sonia) sa kalsada, Patext-text lang siya habang naglalakad. May ka-textmate siyang isang ring Bading na indiano, ang pangalan ay Gurmuk singh (a.k.a Bibi Gandang Hari) na nakilala nya sa pinag-tatrabahohan nya. Tawa siya nang tawa dahil puro kabastusan ang pinag-uusapan nila sa text.
Hindi pa nakakalahati si Sonia. Ay mali! Sonny pala, pauwi sa kanila bahay nang biglang may nakita siyang isang eroplano na dahan-dahang pababa sa lupa, medyo natakot siya sa nakita, dahil nag-aapoy ito waring papunta sa kanila building.
SONNY: Hala! Nandoon sina itay at ang kapatid ko sa flat. Kailangan ko nang bilisan ang paglalakad dahil baka hindi nila alam na babagsak ang eroplano sa building.
Tinakbo na ni sonny ang daan patungo sa kanilag building, at ilang ulit nadapa at nag-pahinga si Sonia ay mali nanaman! Sonny nga pala. kasi subrang katabaan nya madali siyang napagaod. mistulang baboy na nagmamantika sa subrang pawis nya sa pagtakbo papunta sa kanilang building.
Nang biglang may sumigaw ng………………………………..DARNA!!!!
Nagtilan si Sonny sa kanyang narinig. Sigurado siyang ang sigaw na Darna ang kanyang narinig. Walang nang iba pa. Hinanap niya si Darna sa paligd para himingi ng tulong. Ngunit wala. Sinubukan pa niyang sumigaw wala pa ring nangyari.
Oo nga pala, Lumilipad si Darna. Wala siya sa lupa nasa ere. Tiyak niyang nauna na ito sa kanilang flat at ililigtas ang kanyang Tatay at kapitd.
Itinuloy ni Sonia. Ay P*t@ mali ahhh!!
Itinuloy ni Sonny ang pagtakbo. Mabilis na mabils.
Nang malapit nang bumagsak ang eroplano sa kanilang building saka niya nasalubong si Darna na palayo naman sa building.
SONNY: Darna, tulungan mo ang tatay ko at ang kapatid ko. Natutulog na sila ngayon. Mababagsakan sila ng eroplano!! Mamamatay sila!!
DARNA: Wala ng pag-asang iligtas sila, Huli na.
SONNY: Ano?
DARNA: Masyadong malaki ang eroplano. Sa oras na kunin ko sila madadamay akong matabunan ng eroplano.
SONNY: Ano?? Eh, hindi ba may kapangyarihan kang bilis at lakas?
DARNA: Hindi sapat. Kaya lumayo ka na. Baka madamay ka pa. Alis Na!!
SONNY: Hindi! Hindi ako aalis!! Ililigtas ko sila. Kahit ikamatay ko pa.
DARNA: Wag nang matigas ang ulo mo. Umalis ka na.
Nagpumilit si Sonny, Ililigtas niya ang kanyang pamilya.
DARNA: Sandali!!
SONNY: Bakit? Duwag ka Darna. DUWAG!!!
DARNA: Hindi ako duwag, Minsan ginagamit ang isip sa mas ikabubuti. Gusto kitang tulungan. Ngunit maari kang masaktan. May ibibigay ako sayo kung desidido ka talaga iligtas ang pamilya mo..
SONNY: Ano yon??
DARNA: Ang PUTING BATO…
…..……………………..SONIA!!!!!
….(ITUTULOY)….
DI…. WAKAS NA LANG….P*t@ laswa!!! Hahaha…..
Ay Ipis
Walang hiyang Ipis yan. Akala mo Accommodation nila to, hindi naman sila nagtatrabaho sa TERNA ah. Masyado nilang inaangkin ang dapat e akin lamang. (ang drama) Yan ang problema ko ngayong araw. Habang nagsusulat nga ako ngayon, may Ipis na gumagapang sa desk ko.
wait ha…
(Ayon nakatakas, badtrip, babalikan kita mamaya, patay ka sa akin)
Nagsimula ang giyera ko sa mga Ipis kagabi, kasi pagpasok ko ng kwarto ko may Ipis na nakahiga sa kama ko. Naku hindi man lang nagpaalam. Basta basta na lang sila nakikialam ng mga bagay na hindi naman sa kanila. baka nga yung toothbrush ko, ginagamit na din nila.
Dahil nga sarap na sarap ang Ipis sa paghiga sa super bed ko. Sinalubong ko siya ng hampas mula sa paborito kong magazine. Buhay pa din, pero nanghihina na, umarangkada ng takbo. Iniikot nya yung antenna nya. Nagtawag siguro ng resbak. Pero hindi ko na hinayaang makatakbo pa siya. Kaya umarangkada na ako at PLAK! Dedbol na si Ipis. 1 for me 0 for the Ipis.
Nakita ng ibang Ipis ang ginawa ko sa pagpatay sa kalahi nila. Bigla tuloy nagpatupad ng martial law ang kumander nila. handa daw sila lumaban sa sinumulan ko. Medyo nanginginig tuloy ako ngayon. Buti na lang tinawag ako ni Dayananda para maginom ng Alak pampalakas ng loob. Nasa panganib yung pusa ni Mhel kaya pinapunta ko sa taas para safe siya. Nagsuot din na din ako ng bulletproof vest para siguradong makakaligtas ako kung ipabaril sa isang hitman.
Kinabukasan wala pa namang nangyayaring kababalaghan kumpleto pa ang mga parte ng katawan ko nung umaga. Nakahinga ko ng maluwag. Nakakatakot maging kalmado sa panahon ng civil war. Ang villa 52 laban sa cookie-sized Cockroach. Hindi dapat ako magpatalo, dahil hindi ko alam kung saan kami pupulutin pag ginawang beer house ng mga Ipis Kwarto namin.
Paguwi naming galing opisina nagmadali ako pumunta sa jumia supermarket para bumili ng isang dosenang insect spray. Baygon, Raid, Crocodile at Rexona. Iba’t-ibang brand pamatay insekto (at sa mga kasama naming may mga putok) para mas effective ang pagpuksa ko sa kalaban.
Paguwi ko walang tao sa villa. Pagpasok ko sa kwarto may naka dikit na papel sa pintuan ng ref. nakalagay, “Aldrin uuwi ako sa sharjah kasama ko rin si don2 punta rin dubai” sulat ni Mhel. Bigla ko tuloy naisip na sana di lang nilipat si domeng. Ako na lang mag-isa ang haharap sa kalaban. Kahit na malaki ako, madami naman sila, Kaya lugi pa din, Hinanda ko na yung mga trap sa paligid at kasuluksulukan ng kwarto namin habang may araw pa, dahil pagdating ng dilim, babangon na mula sa eskinita ang mag salot sa lipunan.
Naupo ako sa isang sulok, nakabalot ng sweater hawak ang baygon sa kanang kamay at jolly hotdog sa kaliwa. Hinihintay ang pagsugod ng kalaban, Sa butas-butas na kwarto na pagdadausan ng madugong laban. Hinihintay ko ang mga Ipis na lumabas, Papatayin ko silang lahat, Ay! Putek na mga Ipis yan walang lumabas, natakot siguro kasi nakahanda ako, at bigla nag text si Mhel “nagspray ako ng Baygon Kaninang umaga bago ako pumasok sa opisina”.
At dito na natapos ang aking laban sa mga Ipis. Hindi man madugo ang kinahinatnan ng aming laban,at least nawala na sila dito,Makakatulog na ako ng mahimbing simula ngayon, Or makakatulog ba talaga ko ng mahimbing….

Nasa Likod Lang Ako
Tissue
Ganito na nga yata kapag tumatanda...nagiging masasakitin na. Ubong masakit sa lalamunan.. at sandamukal na uhog ang laman ng ilong ko. Gasgas na gasgas na rin ang ilong ko kasisinga. Magrereklamo nanaman siguro ang washing machines namin dahil puro sipon yung damit kong lalabhan nya bukas. hehe ... May kaunting lagnat din ako. Rayuma na lang ang kulang at certified gurangers na!
Dalawang araw na akong may trangkaso. Sana nga dala lang ng bugso ng panahon. Naguuulan kasi. tapos parang adik lang at biglang aaraw. At minsan di pa makuntento at pagsasabayin pa ang ulan at araw.
Mahina na nga talaga ang resistensya ko. Hindi na tulad ng dati. Noong araw kasi kahit bahingan mo ko ng sang-libong beses sa mukha at buhusan ng sang baldeng sipon e matibay pa rin ang katawan ko. Hindi ako mahahawa. pero ngayon, mahina na ko.
"Walang mahina... nasa pagaalaga ng katawan yan" Sabi sakin ni Mhel kanina sabay alok ng yosi gamot (biogesic) na hindi ko naman tinanggap.
Totoo, nasa pagaalaga nga siguro yon ng katawan. Stressed nanaman kasi ako at pagod na pagod sa bago kong trabaho. (Sa tamang panahon babanggitin ko rin kung bakit bago ang trabaho ko) pero sa ngayon, halos araw araw marami akong trabaho. Kaya ayun, pagod... samahan mo pa ng lipas guton at kawalan ng exercise...
Naaalala ko pa na dati ay may ABS ako.. walang halong biro.. nagsisimula nang madevelop ang 6-pack ko at totoong nagiging mala-machete ang katawan ko. ehem... pero tila ba binago lahat ng panahon at ang abs ko e binawasan ng "s" at naging isang malaking AB (abnormal) na lang!
O sige at ako'y mamamahinga na. Salamat sa pagaaksaya ng panahong basahin ang hinaing ko. Biyernes nanaman pala bukas at sana gumaling ako nang maka-rampa man lang sa Marina mall at makadelihensya sa mga matronang customers ko.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)