TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Miyerkules, Marso 31, 2010

Slambook

Natatandaan ko pa nuong grade school pa ako usong uso ang Slambook na ginawa ng kaibigan ko sa bagong bili na spiral notebook na ang cover eh mga artista hehehe..

Aba! ilang beses na ako nag fill up nun' sa dami ng kaibigan ko na gumawa at nag request na sagutan ang mga katanungan na ginawa nila pero syempre they promised na walang makakaalam ng sagot mo kundi sya lang..(as if naman hahaha!). Pero as far as I'm concerned ang pinaka main purpose lang naman ng slambook eh para malaman ng kaibigan mo kung sino ang crush mo or I should say "APPLE OF THE EYE MO!" tama ba ako?

Balikan natin ang nakakatawang tanong sa Slambook. Syempre di mawawala dyan ang Name, Nickname, Birthdate, Address, Telephone number, tapos sabay banat ng:

Likes: Mabait, Malakas ang sense of Humor
Dislikes : KJ (Kill Joy!), Back Fighter
Favor Color : Rainbow Brite hahahaha..
Motto : Ajinamoto
Secret Ambition in Life: To be a macho dancer..

Sobrang dami ng baduy na question pero kung babasahin mo ulet eh matatawa ka sa mga sinagot mo..

Syempre lumipas na ang maraming taon ito ay napalitan na ng Friendster, Multiply, Facebook, Hi5, Blogs at kung ano ano pa.
Dito mas malawak ang scope ng pede mong tanungin gaano man kalayo ang mga kaibigan mo. Pero tingin ko iba pa rin ang dating ng handwritten na questionaire kesa sa mga online social networking sites.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.