TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Huwebes, Marso 18, 2010

Tissue


Ganito na nga yata kapag tumatanda...nagiging masasakitin na. Ubong masakit sa lalamunan.. at sandamukal na uhog ang laman ng ilong ko. Gasgas na gasgas na rin ang ilong ko kasisinga. Magrereklamo nanaman siguro ang washing machines namin dahil puro sipon yung damit kong lalabhan nya bukas. hehe ... May kaunting lagnat din ako. Rayuma na lang ang kulang at certified gurangers na!

Dalawang araw na akong may trangkaso. Sana nga dala lang ng bugso ng panahon. Naguuulan kasi. tapos parang adik lang at biglang aaraw. At minsan di pa makuntento at pagsasabayin pa ang ulan at araw.

Mahina na nga talaga ang resistensya ko. Hindi na tulad ng dati. Noong araw kasi kahit bahingan mo ko ng sang-libong beses sa mukha at buhusan ng sang baldeng sipon e matibay pa rin ang katawan ko. Hindi ako mahahawa. pero ngayon, mahina na ko.

"Walang mahina... nasa pagaalaga ng katawan yan" Sabi sakin ni Mhel kanina sabay alok ng yosi gamot (biogesic) na hindi ko naman tinanggap.

Totoo, nasa pagaalaga nga siguro yon ng katawan. Stressed nanaman kasi ako at pagod na pagod sa bago kong trabaho. (Sa tamang panahon babanggitin ko rin kung bakit bago ang trabaho ko) pero sa ngayon, halos araw araw marami akong trabaho. Kaya ayun, pagod... samahan mo pa ng lipas guton at kawalan ng exercise...

Naaalala ko pa na dati ay may ABS ako.. walang halong biro.. nagsisimula nang madevelop ang 6-pack ko at totoong nagiging mala-machete ang katawan ko. ehem... pero tila ba binago lahat ng panahon at ang abs ko e binawasan ng "s" at naging isang malaking AB (abnormal) na lang!

O sige at ako'y mamamahinga na. Salamat sa pagaaksaya ng panahong basahin ang hinaing ko. Biyernes nanaman pala bukas at sana gumaling ako nang maka-rampa man lang sa Marina mall at makadelihensya sa mga matronang customers ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.