TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Huwebes, Marso 18, 2010

Ay Ipis

Walang hiyang Ipis yan. Akala mo Accommodation nila to, hindi naman sila nagtatrabaho sa TERNA ah. Masyado nilang inaangkin ang dapat e akin lamang. (ang drama) Yan ang problema ko ngayong araw. Habang nagsusulat nga ako ngayon, may Ipis na gumagapang sa desk ko.

wait ha…

(Ayon nakatakas, badtrip, babalikan kita mamaya, patay ka sa akin)

Nagsimula ang giyera ko sa mga Ipis kagabi, kasi pagpasok ko ng kwarto ko may Ipis na nakahiga sa kama ko. Naku hindi man lang nagpaalam. Basta basta na lang sila nakikialam ng mga bagay na hindi naman sa kanila. baka nga yung toothbrush ko, ginagamit na din nila.

Dahil nga sarap na sarap ang Ipis sa paghiga sa super bed ko. Sinalubong ko siya ng hampas mula sa paborito kong magazine. Buhay pa din, pero nanghihina na, umarangkada ng takbo. Iniikot nya yung antenna nya. Nagtawag siguro ng resbak. Pero hindi ko na hinayaang makatakbo pa siya. Kaya umarangkada na ako at PLAK! Dedbol na si Ipis. 1 for me 0 for the Ipis.

Nakita ng ibang Ipis ang ginawa ko sa pagpatay sa kalahi nila. Bigla tuloy nagpatupad ng martial law ang kumander nila. handa daw sila lumaban sa sinumulan ko. Medyo nanginginig tuloy ako ngayon. Buti na lang tinawag ako ni Dayananda para maginom ng Alak pampalakas ng loob. Nasa panganib yung pusa ni Mhel kaya pinapunta ko sa taas para safe siya. Nagsuot din na din ako ng bulletproof vest para siguradong makakaligtas ako kung ipabaril sa isang hitman.

Kinabukasan wala pa namang nangyayaring kababalaghan kumpleto pa ang mga parte ng katawan ko nung umaga. Nakahinga ko ng maluwag. Nakakatakot maging kalmado sa panahon ng civil war. Ang villa 52 laban sa cookie-sized Cockroach. Hindi dapat ako magpatalo, dahil hindi ko alam kung saan kami pupulutin pag ginawang beer house ng mga Ipis Kwarto namin.

Paguwi naming galing opisina nagmadali ako pumunta sa jumia supermarket para bumili ng isang dosenang insect spray. Baygon, Raid, Crocodile at Rexona. Iba’t-ibang brand pamatay insekto (at sa mga kasama naming may mga putok) para mas effective ang pagpuksa ko sa kalaban.

Paguwi ko walang tao sa villa. Pagpasok ko sa kwarto may naka dikit na papel sa pintuan ng ref. nakalagay, “Aldrin uuwi ako sa sharjah kasama ko rin si don2 punta rin dubai” sulat ni Mhel. Bigla ko tuloy naisip na sana di lang nilipat si domeng. Ako na lang mag-isa ang haharap sa kalaban. Kahit na malaki ako, madami naman sila, Kaya lugi pa din, Hinanda ko na yung mga trap sa paligid at kasuluksulukan ng kwarto namin habang may araw pa, dahil pagdating ng dilim, babangon na mula sa eskinita ang mag salot sa lipunan.

Naupo ako sa isang sulok, nakabalot ng sweater hawak ang baygon sa kanang kamay at jolly hotdog sa kaliwa. Hinihintay ang pagsugod ng kalaban, Sa butas-butas na kwarto na pagdadausan ng madugong laban. Hinihintay ko ang mga Ipis na lumabas, Papatayin ko silang lahat, Ay! Putek na mga Ipis yan walang lumabas, natakot siguro kasi nakahanda ako, at bigla nag text si Mhel “nagspray ako ng Baygon Kaninang umaga bago ako pumasok sa opisina”.

At dito na natapos ang aking laban sa mga Ipis. Hindi man madugo ang kinahinatnan ng aming laban,at least nawala na sila dito,Makakatulog na ako ng mahimbing simula ngayon, Or makakatulog ba talaga ko ng mahimbing….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.