TISSUE

" Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo"

Miyerkules, Hulyo 28, 2010

Yahoooo!!! nalo ko!!!


Una sa lahat gusto kong magpasalamat kay Composed Gentleman sa pagpapaunlak nyang makasali ako sa kanyang patimpalak. Ikalawa salamat din sa mga bomoto at sumoporta saken lalo na sa mga kaibigan ko blogspot, kina Dandymar Cardona, Arlene Curioso, Glenda Obias, Jean Salen, kay Reymond Casuncad at Mike Cuntapay, mas excited pa nga sila saken e, kala mo sila yung nominado, ahahaha!!!. Salamat din sa mga kaibigan natin sa mundo ng mahiwagang twetter na bumoto rin kay TISSUE (mula sa magulong pag-iisip)... salamat sa suporta nyo! Salamat din sa mga kaututang dila natin na isang linggong nagtyagang bumoto, di ko na iisa-isahin kilala nyo naman kung sino-sino kayo… gusto ko ring pasalamatan si Mother Ricky Reyes for my hair and make-up, sa Forever Sleeping Funeral Homes para sa aking pants and barong, thank you din kay… teka, teka, teka… bat ba ko napunta dun? nagkaligaw-ligaw tuloy, medyo excited, first time ko kasi makadale ng ganitong award (kilig)... basta! salamat ng marami sa inyong lahat... mabuhay po ang Pinoy Blogger!!!


Pwede pa bang humirit ng isang linggong boto pa? para makakuha ng HALL OF FAME (pleaseee...). Sana patuloy nyo pa pong iboto at suportahan TISSUE (mula sa magulong pag-iisip).salamat po!!!

Linggo, Hulyo 25, 2010

i love you ipis ipis very much (kabanata V)


kung sakaling hindi niyo pa nababasa ang kabanata IV eto yung link
kabanata IV- LAMAY




kabanata V
PAGBABAGO




isang taon na ang lumipas matapos yumao ang katawang lupa ni Dalisay mabebe labs, Madami na ang mga pangyayari at pagbabagong naganap. Bagong mga housemates at bagong mga ipis. Ang ibang mga repipis may kanya kanya na ring buhay.

Si Peklat, Nakita na ang kanyang one and only soulmate sa pagkainsekto ni Doray salagubang. At duon na naninirahan sa kalapit na puno ng mangga. Ang galing nga eh! Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan ng dalawa. Naiinggit nga ako. Biruin mo despite sa pagiging magkaiba ng lahi nila , Pinatunayan nila na ang pagmamahal ay walang pinipiling Sino o ano. Basta ang mahalaga kaya mong ipaglaban at patunayan ang pagmamahal mo, WALANG MAKAPIGIL SA PAGMAMAHALAN NIYO.


Si Singhot naman, nagbagong buhay na rin. Tinigil na niya ang kanyang pagaadik . Believe me! at nagawa niya! Nagsimula iyon nung minsang natrap siya sa fly trap. Akala niya daw rugby kaya nagdive siya agad pagkakita niya dito. Ayun isang linggo hindi nakaalis sa pagkakadikit. Buti nga at nabuhay pa ang loko. Matapos nun, sinumpa niya sa sarili niya na hinding hindi na siya titira ng rugby. ..mothballs na lang na may gulay..oh my gulay!!haaayy...


Si Panot at Kulot naman medyo hindi na rin naglalabas labas sa kani-kanilang mga lungga. Mga pugelshit kasi. Mga loko, Akalain mo? Pinagtripan nila yung buntot ng butiki na natagpuan nila. Ang masaklap inuwi pa nila.. Tawa pa nga daw sila ng tawa. First time lang daw nila nakakita ng ganun. Kala nga daw nila magic Kaya gagamitin dapat nilang sangkap sa pag gawa ng gayuma. Nabalitaan naman ito ng mga echuserong lizards.At simula nun pinagbantaan na sila. babalatan daw sila ng buhay kapag nahuli.


Ang tangi na lang hindi nagbabago, Ay ang pagmamahal ko kay Dalisay,Wagas at walang kamatayan. Kaya ayun! Ang hirap mag move-on. Minsan nga naiisp ko na tapusin na rin ang aking buhay. Para dun na lang kmi magsama sa life after death.

siya nga pala, Alam niyo ba? matapos magpaalam ni dalisay dito sa mundong earth at magpunta ng heaven, Kahit kailan hindi na ako nakalipad muli..hanggang sa kausapin ako ni Peklat


"repipis na lufet! alam mo ba kung bkit hindi ka makalipad muli?"
"bakit repipis na peklat? dahil wala na akong silbi?"

"masyado kasing mabigat ang dinadala mong problema, bitawan mo ang iyong problema at makakalipad ka ulit ng napakataas"


Kapul!! sapul na sapul ako sa sinabing iyon ni peklat..Tama siya! Kelangan ko na magmove-on.


"anung ibig mong sabihin repipis na peklat? kalimutan ko na lang si dalisay"?

"wala akong sinabing ganyan, Ang gusto ko kalimutan mo hindi ang pagmamahal mo kay dalisay kundi yung sakit nang pagkawala niya. Alam kong mas matutuwa siya kung magiging masaya ka."


Kapul nanaman, hindi pa rin ako nakailag sa sinabi n Peklat..


"sabihin mo nga sa akin repipis na peklat kung ano ang kailangan kong gawin?"


"tandaan mo lang kung sino ka!"


"Ako si Lufet, At isa akong ipis. Isinilang ako sa kisame ng maalamat na PBB house, Nabibilang ako sa angkan ng pinakamagagaling na ipis dito sa Bahay ni KUYA dito sa Villa. Matapang, Astig, kinakatakutan at kinaiinggitan ang aming lahi. Kami yung tipong kapag naagrabyado at nagkataong binuhay mo pa, babalikan ka namin at ipapalasap sa iyo ang sakit ng kagat ng aming paghihiganti.




Kami yung lahing inapak-apakan mo na lahat lahat .
Buhay pa. "


tama nga, hindi dapat maging hadlang ang ano mang problema sa kasiyahan ko.


tandaan mo lufet , Minsan may darating na problema sa buhay natin na parang si bagyong basya. Mas maganda kung hahayaan na lang natin umaalis ito.Kaysa hayaan nating salantahin ang buhay natin at mgabuhay ng nakapaligid sa atin.



matapos kong marinig ang mga payo ng repipis ko na si peklat. Ipinikit ko ang aking mga mata at iwinasiwas sa hangin ang aking matitigas na pakpak. at unti unting umaangat ang aking katawan.. Nilakasan ko pa ang pagkampay hanggang sa tuluyan na akong nakalipad muli. At nagpaikot ikot at nagliwaliw hanggang sa nakarating ako sa isang aparador na bago lang sa aking paningin. Pumasok ako at nakita ang isang kakaibang bagay. Nilapitan ko at at pinagmasdan mabuti. Damn!! nakadikit sa kakaibang latang ito ang larawan ni Dalisay.Hindi ako maaring magkamali! Si dalisay nga yong nasa larawang iyon. Ang mga mata niya, mga antenna niya at ang limang paa niya.Kay Dalisay mabebe labs nga. Tumibok ng napakabilis ang aking puso. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung mga sandaling iyon. Muli akong nagpaikot -ikot sa latang iyon at nakita ang salitang






"made in china".


nagulat ako ng biglang nagsalita ang lata


" look to left, look to the right,
look side to side


im Intsik -ticide

itutuloy

Sabado, Hulyo 24, 2010

Sarap Maging Bata!!

Medyo maganda ang aking pagkabata, dahil 15 anyos na ako eh pakiramdam ko bata pa rin ako. Madalas pinagpapalit ko ang mga kaibigan noon kay Doraemon, Blue Blink, Zenki at Mojacko. Nakikipag-away pa ako sa pinsan kong 9 na taon, kasi ginugulangan pa nya ako sa teks (sa tanda ko na yun ginugulangan pa nya ako). Nakikipagpagbubugan pa rin ako sa mga kalaro ko.

okay back tayo sa pagkabata ko, alam nya ba dati mayroon akong isang box ng sapatos na teks, isang supot na holen, 8 gagambang panabong, dalawang trumpo, gabrasong goma at kung ano ano pang laruan.

Madalas din akong mamulot ng balat ng sigarilyo dahil napingot na ako ng nanay noong minsang nagtatsing ako ng totoong pera. Dahil nga ang pera - pera, yung balat ng sigarilyo na lang ang ginagawa naming taya. Heto pa nga yung denomination noon eh:

Evergreen - 5 pesos, Camel/Hope - 10 pesos, Marlboro - 50 pesos at Phillip - 100 peso

madalas amoy araw ako at mukhang pabrika ng kuto ang ulo ko, kasi nga masarap maglaro ng ipunang langgam, moro-moro, putbal at patinteto. tuwing gabi naman naglalaro ako ng taguang pong, piko, hali-halimawan at taguang singsing. Kapag medyo nagkakapikunan na, may laro rin kaming.....Paduguan ng nguso, sabugan ng ilong at pilipitin ang ngala-ngala ng kalaban.

Madalas din kami pumunta sa bukid ng mga kalaro ko dahil may malaking taniman ng mangga, santol, bayabas, duhat at kaymito. aakyatin namin bawat puno at manginginain kami na parang mga unggoy, at kapag nakarami na, doon din kami....tenen....tumatae. Ang saya kaya kapag nakikita mong nahuhulog ang tae mo sa lupa tapos imbes maghugas ng tubig dahon na lang ng bayabas, sing linis ngunit hindi sing mahal! Malas mo lang kung may pulang langgam ang dahon na nakuha mo, kikimbot ang puwet mo sa kati at sakit. Minsan naman pag may sumasama pang tae sa kamay, pinapahid na lang namin sa puno saka nagdodrowing kami ng aso (how gross namen!!)

Tuwing umulan naman, tuwang-tuwa ako! baket? eh kasi pwede na kaming mamingwit ng palaka. Una muna naming ihahanda ang bulateng gagamitin naming pain. Madalas kaming nakakakita ng matatabang bulate sa likod ng babuyan. Syempre atraksyon kaya sa mga bulate ang masasarap na tae ng baboy. Kaya hayun nga, matapos maihanda ang pain, diretso na kami sa bukid at mamimingwit na kami ng palaka.

Kaso nagkaroon ako ng pobia, nung minsan namimingwit ako sa may bukid (kumakanta pa nga ako ng "alin-alin, alin ang naiba" ng Batibot) biglang may kumagat sa pain ko. Tuwang tuwa ako dahil mukhang malaking palaka ang mahuhuli ko, paghatak ko ng patpat at dadakmain ko na ng kamay ko.....nagulat ako isa pa lang ubod ng laking BUBULE ang kumagat ng pain ko (kumindat pa sya sa akin). Nagtatakbo ako sa takot kaya mula noon ayaw ko ng mamingwit ng palaka. Kumakain na lang ako ng Adobong palaka, sinampalukang palaka at crispy palaka.

Madalas namin laruin ang syato, at madalas ako atchoy a taga sigaw ng SIIIIYYYYAAAATTOOOOOO!!! Tapos madalas din akong maglaro ng putik, mula sa NUNO sa PUNSO (o bahay ng anay). Masarap kayang gumawa ng kotse-kotsehan, truck saka refrigerator mula sa putik, kapag medyo sawa na kami dyan, maglalaro na kami ng bangka - bangkaan sa may pusalian. Ihip doon, ihip dito, misan sa pag - ihip ko nahalikan ko na pala yung pusaling kulay black YUCKKKK talaga, dahil may kasama pang tae ni aling Edad yun.

madalas din akong bumili noon ng krispap na may kasamang sunda-sundaluhan at mga superheroes. Kahit magkada ubos ubos ang baon ko, magkasakit sa BATO at tiisin ang lasa ng krispap na lasang gaas, okay lang! kailangan kayanin kasi gagawin ko taya sa tatsing namin mamaya.

Halos mabulok naman ang ipin ko sa kakain ng CHOKOBOT, o yung choknat na may litrato ng TRANSFORMER sa balat. Kapag kasi nabuo ang A_Z sa likod ng balat ng CHOKOBOT, makakakuha ka ng TRANSFORMER ROBOT, eh adik na adik ako sa palabas na yun (okay na yun kesa naman rugby o katol). Kaya naman ubos din ang baon ko doon. Sa huli hindi ko nabuo ang alphabet na yun kasi puro letter A ang nakukuha ko. Punjemas na yan. Pero yung kapitbahay namin meron na syang OPTIMUS PRIME. Kaya naman halos mamatay ako sa inggit sa kanya. Kinakaibigan ko nga sya eh kahit pa bulok bulok ang ipin nya saka amoy bulok na sibuyas ang hininga nya tinitiis ko malaro ko lang ang TRANSFORMER ROBOT nya. Pero sa huli puro yung ROBOT nyang walang kamay at ulo ang pinahihiram nya sa akin. Letche sya!!

prrrrrtttttttttttt.............(okay tama na yan)

Ang dami ko pang kwento tungkol dyan pero sa susunod na lang uli ako magkwekwento, alam nyo minsan masarap maging bata uli, bakit? Kasi kung bata ka, kapag may nanakit sa iyo, pagkalipas ng ilang araw, BATI na uli kayo. Kapag nasugatan ka at sinabi ng nanay mo na "gagaling din yan anak", titigil ka na sa pag-iyak at makakalimutan mo na lang na masakit pala ang sugat mo. Pero bakit kung kailang na tayo lumaki saka pa nagiging kuplikado ang lahat.

bakit nga ba hirap magpatawad at ang hirap kalimutan ang sakit? Bakit nga ba?

Sana bata na lang tayo..........

Lunes, Hulyo 19, 2010

One Minute

“One minute”.

Yan ang pinaka-nakakainis na salita at paguugali ng iilang tao dito, karamihan Indiano and pakistano.

Pag may kailangang kang ipagawa sa kanila at sasabihin nilang “One minute o one second o five minute” etc. asahan mong malabo pa sa foggy morning na one minute lang talaga ang hihintayin mo.

isang eksampol..

Meet teletubbies isang Indiano dito, Bakit teletubbies?? dahil kamukhang kamukha sya ng mga teletubbies. Mataba, pahaba ang tenga at pabilog ang mukha. (teka teletubbies ba o si shrek yung description ko??)

Moving on…………..

Kahapon inutusan ako ng aking boss na tawagin ko si teletubbies at ipaayos ang telepono dahil kailangang kailangan ng boss ko yung telepono. Kung tutuusin kaya kong ayusin yun pero tinawag ko parin kay teletubbies, Mahirap kasi mangialam sa trabaho ng may trabaho, at isa pa wala namang ginawa si teletabbies sa opisina nya kundi magpalaki lang ng tyan!.

Kaya tinawagan ko muna sya sa phone para iinform na may problema nga. At ang putcha inutusan pa ako at sinabi ang mga direksyon kung pano aayusin.

So sinabi ko na..

“No! I dont know how to fix it, Much better if you will come here to see exactly what is the problem” (putcha mangiyak ngiyak ako dahil no-nosebleeding na ako that time pero kaya ko naman talagang ayusin yun kaso mas gusto ko syang pumunta at pagpawisan kahit sandalian lang!)

at ang tanging sinagot nya ay makapagbagdamdaming

“OK, ONE MINUTE”

Biruin mong 9AM ko sya tinawagan, 12NN na hindi parin dumadating! so tinanong ule ako nung boss ko kung nasan na raw yung si teletubbies, sabi ko ay wala pa at nandun sa spaceship nila nakikipaglaro sa mga kapatid nyang si thinkywinky, dipsy, lala at po!. Nainis ng slight ang boss ko at sinabihan akong puntahan ko na after lunch (1pm yun)..

so pagkagising na pagkagising ko sa one hour sleeping, sugod agad ako sa spaceship. sa opisina at naaubatan kong nakikipaglaro nakaupo at halatang petiks petiks lang ang putcha at sinabihan ko sya na pumunta sa opisina namin! now na! pero ang tigas talaga at sinabing..

“30 minutes, OK??!!”

WTF! kung ang 1 Minute nya e katumbas ng 3hours panu pa kaya kung 30minutes!.

Pero kahit ganun kalma syempre, mukha namang after 30 minutes e pupuntahan na nya yun. Antay antay lang sabi ko sa boss ko, nak-nam-putcha talaga 4:45 na wala paring teletubbies na dumadating at dyan ko na tuluyang sinabi sa boss ko na ilang beses ko na syang pinuntahan e wala parin…

Nag-init bigla ang ulo ni boss at sinugod ng bonggang bongga si teletubbies ayun nadala at pinuntahan kagad ang pinapaayos namin, and take note wala pang ONE minute tapos kagad! kung pinuntahan nya na kagad yun e di sana hindi na sya napahiya. tsk.

Ibang iba sa paguugali ng pinoy dito (aba syempre itaguyod ang lahing Filipino!) isang salita lang ng boss e sunod agad ng wala nang ONE minute one minute pa!.

Pansin ko lang din na nagiiba ang ugali ng mga Pinoy pagdating sa ibang bansa, nawawala rin minsan ang MAMAYA NA habit na nakasanayan na ng iilang Pinoy. Nagiging responsable, productive at talagang ontime kung may pinapagawa.

Sana ang mga nanunungkulan sa Pilipinas ay parang OFW na responsable, Productive at wala yung MAMAYA NA HABIT. Siguro napakaasenso ng pinas..

siguro…

Biyernes, Hulyo 16, 2010

Let it be

Ito ang favorite beatles song ng tatay ko. Yes, kakantahin ko sya may problema ka?! Aktwali, gumawa pa nga ako ng bidyo, balak ko sanang ilagay sa facebook pero bigla akong na hiya ng 3 minutes kaya naisip kong iupload nalang sa blogsite tutal hindi naman ako kilala ng personal ng mga nag babasa so sakto lang.

Ang kantang ito ay inawit ko ng madaling araw around 2am, dahil barado ang ilong ko at hindi ako makahinga kaya just for fun naisip kong kumanta nalang sa loob ng cr habang nag titikol joke lang! Kumanta ako sa loob ng cr para hindi makabulahaw, sabi nila nakakaalis din daw ng plema ang pag kanta kaya ganun.

I just felt gumaling ako dahil sa awit na let it be. Dahil mahal na mahal ko kayo eh ginawan ko ng video ang recording ko. Wala kasi akong webcam gagawa sana ako ng video blog habang kumakanta ako, next time nalang siguro ka pag may kamera na.

Eto na po ang video na pinag hirapan ko at syempre ang malamig na boses kong parang buko shake lang na nilagyan ng crushed ice sa ibabaw. Ang lamig. Ang lamig lamig. Nakaka freeze. Okay, Stop et. Ako na ang pumupuri ng sarili kong boses hahahah. Ang pathetic ko putangina!

Para ito sa mga walang sawang nag babasa ng blog ko. Ang masasabi ko sa inyo ay... let it be :-D

Huwebes, Hulyo 15, 2010

ITAGTAG MO! (Workstation)

Marami ang nagtatanong bakit apat ang blog ko? At nasagot ko na yan pagpapatunay lang na di nila binasa ang paliwanag ko! Hehehee!

May mga bagay kasi na hindi ko maipost sa main blog ko, dahil sa mga sumusunod na kadahilanan

a. Walang kwenta ang sinusulat ko at masyado lang talagang malikot ang utak ko

b. May mga sinulat akong hindi gaanong maapreciate ng ibang mambabasa

c. Dahil hindi naka-add ang main blog ko sa FB account, at tanging ang TISSUE lamang ang naka-add

d. Dahil maiikli at mahahaba ang ilang post dito

e. Trip ko lang na apat blog ko at gusto kong pahirapan ang aking sarili.


Moving on…………..



Dahil na I-tag ako ni Chillidobo . Dapat daw ipakita ang aking workstation sa aking blog at kung ano-ano ang makikita dito, at heto na nga yun:




a. Computer monitor (hindi naman halata)

b. Ang baso ko (na pwedeng gawing tabo)

c. Document tray (lagayan ko ng mga nagawa kong blog na mga walang kwenta)

d. Mahiwang NOTEPAD (nandyan ang lahat ng drowing ko pag inaantok ako)

e. CD organiser (nandyan rin yung mga sex scandal ko)

f. Office supplies (stapler, gunting, post-it, pentel pen, lapis, pantasa at ballpen

Yan lang naman ang laman ng aking Office, medyo ginagawa ko rin yang coffeshop (dahil umiinom lang ako ng kape maghapon), internet shop (maghapon din lang ako nag-iinternet), bed room (dahil tulugan ko rin yan), playground (dahil naglalaro ako ng kotse - kotsehan dyan) at dinning room (dyan din ako kumakain)

Miyerkules, Hulyo 14, 2010

STANDARD ELECTRIC FAN


Hindi usaping bentelidor ito! Trip ko lang na ganun ang title, pero usaping “standard” pa rin naman ang pag-uusapan natin.

Gusto ko lang i-expound (naks!) yung naisulat ko about “setting standards” (paki-refresh lang ang RAM ng inyong utak)


heto ang sinabi ko:

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo


Medyo bibigyan ko kayo muna ng mga senaryo tungkol dyan!

SENARYO No. 1


Naalala ko nung college pa ako, sumali yung ka-section ko sa “Miss U-Bet” (beauty contest sa loob ng school namin). Syempre mandatory na suportahan ang kaklase namin na iyon. Kaya naman todo “cheer” ang ginawa namin para sa Audience Impact daw (at dahil may plus 5 sa exam!).


Medyo nauuhaw ako noon kaya bumili ako ng samalamig sa labas. At pagbalik ko, nakita ko ang kaklase naming nasa entablado. Nang biglang may malakas na usapan ng dalawang babae sa gilid ko:

Babae1: Hoy!!Tingnan mo naman yung Contestant No2 (ito yung kaklase ko), paanong napasama dyan eh napakapanget naman!


Babae2: Oo nga, eh kay panget panget sumali pa, eh mukhang nagbebenta ng turon sa kanto! Hahaha (sabay tawa na kita ang mga utak)


Hindi na ako kumibo noong mga panahon na iyon, dahil nung makita ko ang pagmumukha ng dalawang babae yon, gustong gusto ko silang regaluhan ng ubod laking “salamin”.
.
Ako ang napahiya sa mga sinasabi nila at tyak kapag sumagot ako ng "Ate wala bang salamin sa inyo?" malamang mag-asawang (na may anak pa) na sampal ang aabutin ko sa kanila .Hehehe!
.
Kaya hindi na ako kumibo at inubos ko na lang ang samalamig na lasang tubig lang na may asukal (sabi ng tindera pineapple juice daw yun)

SENARYO No. 2


Nung minsan namang bumili ako ng suka sa tindahan malapit sa amin, may grupo ng mga kalalakihang nag-iinuman. Niyaya ako, pero di naman ako sumama dahil iniintay ng nanay ko ang suka para gawing sawsawan ng kanyang paboritong chitcharon na tig-pipiso. Habang nag-aantay ako ng sukang binili ko, narito ang usapan ng mga kalakihan doon


Note: Pinag-uusapan nila ang tipo nilang babae


Lalaki1: Alam nyo mga pare ang gusto ko sa mga babae maganda ang ngipin.Kapag pustiso ang ngipin nya, wala OLATS na yun!


(nung tiningnan ko sino nagsasalita, nakita ko puro bulok naman ang ngipin nya at manilaw nilaw pa)


Lalaki2: Ako naman pare gusto ko sa babae, yung seksi at malaki ang suso!!

(nung tiningnan ko naman kung sino ang nagsabi nun, napahiya ako sa laki ng tiyan nya na parang nakalulon ng bola ng volleyball at may peklat pa sya sa mukha)


Lalaki3: Ako naman gusto ko yung babaeng mayaman, kahit hindi na seksi at maganda

(galing naman yan sa dakilang tambay sa kanto namin!Nagfufull time syang tambay at nagpapart time palamunin)


Napakamot na lang ako sa ulo, nung marinig ko yung mg tipo nilang mga babae. Napailing na naman ako na may tunog pang TSIK..TSIK (yung sa butike) nung makita ko naman kung kanino nanggagaling yung matataas na standards na iyon!


Naisip ko, buti na lang kay tataas ng mga standards nila sa babae dahil sigurado ako na ang mga babaeng gusto nila ay ang mga babae ding tyak HINDI sila magugustuhan.


SENARYO NO3


Noong nagbakasyon ako nanood ako ng isang “Amateur Singing Contest” magfifiesta sa amin.Kaya naman pumwesto ako malapit sa entablado. At nakatabi ko si Aling Lalen. Kung di nyo naitatanong si Aling Lalen ang dakilang tsismosa sa amin. Madalas tuwing nagsisimba kami, halos mabingi kami sa lakas ng boses nya pag kumakanta. At parang kampanang nilalagare ang boses sa sobrang sintunado.

Basta pasikat yan pag kumakanta sa simbahan, at halos lahat ng nakakatabi nya nakatakip ang tenga at nakangiwi. (akala mo may miting de avanse ng mga palaka, kapag kumakanta si Aling Lalen)


Habang kumakanta ang isang Contestant sa entablado, biglang sumigaw si Aling Lalen


Aling Lalen: Boooooooo!!! Sintunado ka, bikaka ang boses mo! (halos maputol ang litid ng leeg nya kakasigaw, at muntik na nyang batuhin ng bote ng mineral water ang contestant sa sobrang apekted!!)


Ako: huh? (kamusta naman yun!)


Wala sigurong tenga itong si Aling Lalen! Kung meron man hindi kaya galon galong ng tutuli ang meron sa tenga nya para hindi marinig ang boses nya sa simbahan . Ngayon naman nag-aala SIMON COWELL sya sa sobrang gigil sa contestant!
_______________


Gusto ko sanang bigyan pa kayo ng marami pang senaryo pero palagay ko sapat nay an para maintindihan nyo yung punto ko.


Hindi masamang magset tayo ng mga standards para sa ibang tao, pero siguraduhin na maging tayo ay pasok sa mga standards natin. Katulad nung mga babae sa Senaryo No.1, mas malinaw ang mata nila sa ibang tao samantalang bulag naman sila sa kanilang mga sarili. Madalas nakikita natin ang kapangitan ng iba, kaysa sa kapangitan natin. Subukan mong ibalik sa kanila ang panghuhusga magagalit naman sila. Minsan kasi madali tayong manghusga pero nahihirapan naman tayong tanggapin ang panghuhusga ng ibang tao sa atin.


Sa SENARYO No.2, madalas nagseset tayo ng mga standards sa gusto nating makasama sa buhay. Kumbaga may mga ideal man o woman tayo . Wala namang masama din doon, pero isipin muna natin kung gusto natin ng ganitong ugali dapat tayo rin ganun. Kung may ideal man o woman tayo, dapat “ideal man/woman” din tayo para sa kanya. Suriin ang kapasidad at ating mga ugali bago tayo maghanap sa ibang tao. Tingnan natin kung pareho ba tayong makikinabang o baka tayo lang ang makikinabang. Subukan muna nating i-assess ang ating sarili bago gumawa ng mga panuntunan o standards sa iba. Kung kaabot abot ba ito o masyado tayong nagseset ng mataas ng standards na maging tayo at hindi natin kayang abutin


Sa Senaryo 3, madalas kung sino pa ang walang karapatang magbigay ng “judgment” ay sila pa yung malakas manlait. Kumbaga paano ka papaniwalaan ng ibang tao kung wala ka namang kredibiladad sa mga sinasabi mo. Kung nais mo na “perfection”, dapat maging perfect ka muna sa lahat ng gingawa mo. Ikaw muna ang mag set ng standards para sa sarili mo, at abutin mo muna yun bago mo iaaplay sa ibang tao.


Tandaan natin, walang masama sa pagseset ng standards, pero dapat attainable ito at maging tayo ay kaya nating abutin ito. Walang masama sa paglalagay ng panuntunan o magbibigay ng intelehenteng opinyon tungkol sa isang tao, pero dapat may kredibilidad tayo at responsable tayo sa sasabihin natin.
Kung marunong kang humusga, matuto ka ring tumanggap ng panghuhusga! Sabi nga sa bibliya at sabi ng iba:


“Kung ano ang takalang ginamit mo sa iyong kapwa ay syang din takalang gagamitin sa iyo”.

Sana matutong nating gamitin ang takalang ito. Tingnan ang mga bagay na kaya nating ibigay at saka na lang isipin ang mga bagay na pwede nating tanggapin. Magbigay muna tayo bago tumanggap!

Martes, Hulyo 13, 2010

KAPAG YUMAMAN AKO

BEPOR ANETING ELS (tagal mong binasa yan noh?) nakalimutan ko kayong iupdate na wala na pala kaming “IPIS” sa bahay namin. Epektib pala ang “BORIC ACID” bilang manakot sa ipis, kaya ngayon nagtutuloy tuloy na ang lampungan namin ni Cristine Reyes sa aking panaginip. (Para balikan ang entry na ito, pwede mong pindutin ang word na ito:: SHET ANG POGI NI ALDRINO!!!)

Okay moving on......


Madalas akong managinip ng gising, iniisip ko ano kaya ang gagawin ko sa pera kung sakaling ako ang pinakamayamang tao sa mundo. yung tipong mga hampaslupa at patay-gutom ang mga milyonaryo sa mundo (like duhr?). Ano kaya ang mga bibilhin ko? Syempre ginagastos ko na yung pera ko sa aking utak, at ito ang ilan sa gagawin ko sa pera.


1. Maglalakbay ako sa ibat ibang panig ng mundo ( kung medyo sawa na ako sa dito sa Earth susubukan kong magpatayo ng SPA sa planetang Neptune)

2. Bibili ako ng malaking bahay (Gagawin kong hobby ang pagbili ng bahay at lupa). Yung diyamante ko gagawing ko lang pangalso ng kotse at yung ginto gagawin ko lang paper weight.

3. Bibili ako ng maraming sasakyan ( yun tipong parang nagpapalit ka lang ng brief, uhmmm konti lang pala ang brief ko, sige bibili rin ako ng pabrika ng brief para sa akin )

4. Gagawin kong katulong si Bill Gates tapos ang yaya ko naman si Oprah. Si Bradd Pitt hardinero ko lang yun tapos si Megan Fox eh gagawin ko syang tagalagay ng bimpo sa likod ko kapag pinagpapawisan. Driver ko naman si Zobel de Ayala at tagakamot ko ng itlog si Lucio Tan.

5. Bibilhin ko ang GMA 7 at ABS-CBN para kung anong palabas lang ang gusto kong panoorin ay iyon lang ang ipapalabas nila (bawal sa akin ang koreanovela,chinovela, at kung ano ano pang vela-vela). Si Attorney Gozon ang tagaluto ko ng pop corn, tapos si Gabby Lopez naman ang tagabukas ko ng coke.

6. Kukuha ako ng taong mangungulangot sa akin,para hindi na mahirapan ang hinlalaki ko. Meron din akong tagalinis ng tutuli, at taga-alis ng muta ko sa umaga. Tagalagay ng alcohol sa kamay at katawan ko, kada segundo. At ang gagawa nito ay si Kris Aquino dahil sya ang aking P.A

7. Gagawin kong Orphanage ang Malacanang para sa street children, tapos bibilhin ko ang mga subdivision ng Ayala Land o ni Manny Villar at ito ang ipapamudmod ko sa mga mahihirap. Magpapatayo rin ako ng simbahan na may apat na palapag para maiba naman tapos si Pope ang magmimisa dito kada Miyerkules. (kailangan daw kasing magkawang-gawa)

8. Magpapatayo ako ng isang mall sa aking bakuran, at dito ako mamimili. Ayaw ko kasing ng makipagsiksikan pa sa maraming tao kaya magpapatayo ako ng sariling mall (ayaw ko ng mabaho at ayaw ko ng masikip). At gagawin kong salesman si Henry Sy (sa tindahan ng sapatos ko sya ilalagay)

9. Dahil wala akong magawa sa pera ko katulad ni Michael Jackson (sumalangit nawa ang kaluluwa nya) , eh gusto ko rin magpagwapo. Kaya magpapalaser ako…….magpapalaser sword ako ng ulo then papalitan ito ng ibat-ibang ulo. Yung parang detachable ang ulo tapos ang ipapalit ko sa ulo ko ay ulo ng mga artista, para sikat din ako. Araw araw iba iba ang ulo para masaya.

10. Syempre sa dami ng pinagkakagastusan ko baka maubos ang kayamanan ko. Kaya para ma-maintain ko ang pagiging mayaman, tataya ako sa lotto. Lahat ng kombinasyon tatayaan ko at araw araw akong tataya. Bibilhin ko rin ang lahat ng Casino tapos syempre dahil ako ang may-ari lagi kong papanaluhin ang sarili ko. Kung hindi ko makuha sa ganyan, bibili ako ng imprentahan ng pera. Kaya pwede akong mag-imprenta ng limpak limpak na salapi.

Yan ay ilan lamang sa gagawin ko sa aking kayamanan, medyo nakakapagod din palang gastusin ang pera kahit iniisip mo lang ito. Pero sa huli maiisip mo mahirap din pala ang maraming pera yun nga lang mas lalong mahirap kung wala kang pera.


Salamat sa pagbasa ng walang kwenta kong entry gusto ko lang ulit mag-update.

Linggo, Hulyo 11, 2010

Problema mo sosolusyunan ko!!!

Marami tayong problema sa ating buhay na hindi natin alam kung paano sosolusyunan o reresolbahin. At dahil medyo malabnaw ang utak ko ngayon, ay tutulungan ko kayo sa mga problema ninyo:

Problema: Nagtatae o LBM

Gamot/Solusyon: Kumuha ng usbong ng bayabas, piliin ang ma yellow green ang kulay. Pagkatapos ay subukang bilutin ito na mga ga-holen ang laki. Pagkatapos bilutin ito ay ipasok ito sa butas ng pwet mo. Hayan mababarhan na nya ang tae mo.
_____________________________

Problema: Sumasakit ang ulo

Gamot/Solusyon: Iumpog ang ulo hanggang mahilo ka ng todo-todo. Ngayon hindi na sumasakit ang ulo mo, nahihilo ka na! So solb na ang pagsakit ng ulo mo. Yung hilo eh itulog mo na lang.
_____________________________

Problema: Puyat at laging inaantok sa trabaho

Gamot/Solusyon: Magpakulo ng tubig at magtimpa ng kapeng barako ng Batangas na ubod ng lakas (yung tipong nanununtok) . Pagkatapos pakuluan ang tubig at timpalahan ng kape, hindi mo ito iinumin bagkus ibubuhos ang ubod-init kape sa iyong katawan. Tyak dahil sa hapdi dulot ng nalapnos na balat eh tyak gising ka na!
____________________________

Problema: Masakit ang ngipin

Gamot/Solusyon: Pagsasampalin o pagsusuntukin ang pisngi! Tyak malilito ang utak mo kung ano ang mas masakit ang pisngi mo o ang ngipin mo. Papansin kasi iyang ngipin mo na yan kaya napapansin sa iyong mga brain cells. At ngayon hindi na sya pinapansin ng utak mo dahil namamaga na ang iyong pisngi kaya ipabunot agad yun. Pagkatapos saka mo dikdikin ito ng pinong pino para makaganti ka man lang sa pagpapahirap na idinulot ng buwist na ngipin mo na yan.
___________________________

Problema: Gustong magpapayat ng madalian

Gamot/Solusyon: Kumain ng isang sakong talaba at uminom ng gatas. Tiyak dahil sa kinain mo, itatae mo rin yan kasama pa ang kinain mo sa loob ng isang buwan. Kung sakaling hindi ka pa rin pumayat dito (at wa epek ang ang mga tips na ibinigay ko sa inyo noon), eh subukang magpatiyo ng pawis, tumabi sa taong may AH1N1 o humanap ng lamok na may dengue. Pag nagkasakit ka na tyak mawawalan ka na ng gana sa pagkain at babagsak ang katawan mo. Payat ka na! walang gaanong effort!
__________________________

Problema: Mabaho ang hininga

Gamot/Solusyon: Sabi nila kung kumain ka raw ng bawang, amoy bawang ang hininga mo. Kung kumain ka ng sibuyas, amoy sibuyas ang hininga mo. Ngayon kung amoy tae ang hininga mo, aba huwag mong kainin ang tae, hindi kinakain yun!! Ang solusyon dyan ay magpapawis lagi ng todo todo, wag kang magdeodorant at huwag ka rin maligo. Tyak mangangamoy PUTOK ka na, at least hindi na yung hininga mo ang naamoy nila kundi ang iyong mala-vicks (nanunuot hanggang utak) na ANGHIT o BAKTOL.
_____________________________

Problema: PUTOK O ANGHIT

Gamot/Solusyon: Baligtarin lang ang solusyon kanina. Para hindi nila maamoy ang putok mo, pabahuin mo na lang ang hininga mo. Subukang gawing mani ang bawang at gawing kendi ang sibuyas. Ngayon kung talagang gusto mo ng mabahong mabahong hininga , eh subukan mo ng kumain ng tae! (Piliin mo yung may mais mais para may flavor din, ang tawag dyan ay MAIS CON TAE) Tae lang ang katapat nyan!

______________________________

Problema: Taghiwayat

Gamot/Solusyon: Kung parang plantasyon ng taghiyawat ang mukha mo, at halos wala ng makitang balat kasi nagsisiksikan na ang naglalakihan mong tigyawat . Kumbaga overpopulated na tigyahawat mo sa iyong pamumukha (daig pa ang populasyon ng China), eh subukan mong bumili ng isang supot na PONDS Facial Wash. Bale hindi yung Ponds ang gagamitin mo kundi yung supot ang isusuklob sa iyong pagmumukha pag lalabas ka ng bahay. Ngayon kung ayaw mo nito, magbago ng propesyon at maging boksingero na lang. Hindi ba wala ka namang nakikitang boksingero na may tighiyawat, iyon ay dahil instant tiris o pagpapaputok-tigyawat ang mga suntok ng kalaban mo. Kahit magdugo ang tigyawat mo, okay lang yun kasi hindi halata yun. Ngayon kung ayaw mo pa rin nito, subukang kuskusin na lang ito ng buhangin o pasadahan ng papel de liha. Kung ayaw mo pa rin, eh bahala ka na sa buhay mo bumili ka ng blade limang piso lang siguro yun! (Teka ano ba talaga ang tagalog ng pimple, taghiyawat o tighiyawat??)
Sana nakatulong ako sa mga problema nyo. Ang tagal ko itong sinaliksik at pinag-aralan para ibigay sa inyo ang pinamabisa at pinakamagandang solusyon sa mga problema nyo. At sa nais magpasalamat dahil natulungan ng aking mga solusyon, mangyari pong ipasok ang iyong donasyon sa aking bank account. Take note po, na pera lang po ang tinatanggap ko, hindi po inahing manok o patola, pera lang po!
Salamat.

P.S Pagpasensya nyo na ang kakulitan ko, ganyan talaga pag nakakainom ng panis na gatas. Kaya medyo lumabnaw ang utak ko! Huwag nyo na lang seseryosohin, ngayon kung seseryohin mo ito, isa kang malaking EMO!!!!Hehehe. Bawal ang pikon kaya maiging tanggapin ang mga ito bilang pampagaan ng araw.

Sabado, Hulyo 10, 2010

ANG K NI SHEILA!!!


Hindi si Shiela to, nasuka este natuwa lang ako sa piktur ni Madam Auring! HOT NA HOT!LOLS

Nagpasama sa akin si Shiela nong huwebes para pumunta sa mall at tingnan ang bagong labas na sapatos ng nike. At may kasama syang isang magandang babae.

Dahil ngayon lang kami lumabas na kasama ko si Sheila. Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay namin at sa buhay opisina. Medyo all-out kung magkwento si Shiela at bangka ng bangka .

Nagkukwento si Shiela tungkol sa ka opisina nyang may PUTOK, na talaga naman daw nanunuot hanggang sa lungs nya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari habang nasa kalagitnaan sya ng kwento biglang nangati ang kanyang ilong at sabay……….HATTTTTTCHIIIIINGGGGG!!

Dagli nyang kinuha ang panyo nyang kulay violet at pasosyal nyang pinahid ang kanyang ilong. Pero sa hindi inaasahang pangyayari at paghawi nya ng kanyang panyo bigla kaming nagulat nong kasama nyang magandang babae dahil sa aming nasaksihan……………..

May ubod ng laking kulangot sa pisngi ni Shiela (at may buhok buhok pa na parang rambutan lang?) Sa laki ng kulangot ni Shiela pwede ka ng magtanim ng patola, okra, pumpkins at magpatayo ng town house. (OA?!??)

Agad kaming nagkatinginan ng kasama nyang magandang babae, medyo pinipigilan naming huwag tumawa kasi nga baka mapahiya Si Shiela. Hindi namin alam kung paano namin sasabihin sa kanya. Hindi rin naman naming pwedeng sabihin to:

“Uyy Shiela may kanin ka sa pisngi oh!!”

C’mon mamon.. year 2010 na hindi na uso yun at lalo hindi epektib yun dahil pansit kaya ang kinain namin. Saka isa pa , paano kung biglang abutin ng dila ni Shiela ang kulangot nya sa pag-aakalang kanin yun, eh di ba mas nakakadiri yun.

So hindi namin alam kung paano ko sasabihin sa kanya, Yung magandang babae naman na kasama nya ay medyo natulala at nashock ata sa kanyang nakita. Hanggang ngayon hindi nya lubos maisip kung paano nagkasya ang ganung kalaking kulangot sa ilong ni Shiela?

Pero dahil nga hindi ako nakatiis, naglakas na lang ako ng loob at sinabi ko na lang

Ako: “Shiela may lamok ka ata sa pisngi, wag kang gagalaw”……at POKKKKKK!

Nagkunwari ako na may lamok sya sa pisngi at ako na mismo ang kumuha ng kulangot nya.(Yuckkkkkk!) Ako na ang nagprisintang papatay ng lamok kasi kung sya ang gagawa nun baka ito ang sabihin nya…….

“Hello!! Hindi kaya lamok yun, kulangot ko kaya yun!!Duhr!” (yan ang naiisip kong maari nyang sabihin)

Di ba kakahiya naman yun , baka hindi nya na kami kausapin pa dahil napahiya na sya sa amin. Ayaw ko naman mangyari yun , na dahil lang sa MALAKING KULANGOT ay masisira ang magandang pagtitinginan namin ni Shiela (uyyy!! Ligawwwww!)

Heto na na nga pala yung next na usapan namin:

Shiela: “Aray ang sakit ha, mukhang sinampal mo lang ata ako eh!”

Ako: “Hindi ah, may lamok talaga yun”

Shiela: Owss kung lamok nga yun, asan na?

Ako: Wala na shiela, binilot ko na saka ko pinitik!!

Shiela: Hahaha! Ganun parang kulangot lang! Yuckies!!

Ako: Huh?!? (Nakuha pa nyang mandiri?? Musta naman yun?Hehehe )

Pero hayaan na lang natin na ganun ang paniniwala nya, at least may pride pa rin sya sa kanyang sarili!. Ang tanging nakakaalam lang nito ay ako, at yung magandang babae na kasama nya at KAYO (atin-atin lang yun ha!) .

Sa ngayon magkakaibigan pa rin kami nila Shiela, Sa tuwing nakikita ko ang maputi nyang pisngi hindi ko maiwasang maisip ang mala rambutan nyang kulangot. Kaya napapasmile lang ako ng KONTING KONTI lang.

Basta Masaya na ako na nakatulong ako sa kapwa sa pamamagitan ng pagkuha ng kulangot ng ibang tao na hindi sya mapapahiya.

MORAL LESSON: Bago mo amuyin ang putok ng ka opisina mo, tingnan mo muna baka may kulangot ka sa pisngi mo! LOLS

Biyernes, Hulyo 9, 2010

FATHER ALDRINO


Sa maniwala kayo o hindi, Alam nyo ba noon bata pa ako pangarap kong maging......dyaran....PARI!!!(gulat kayo noh! expected ko na yun mga bakulaw kayo!)

So, yun nga pangarap kong maging pari nong bata pa ako. Madalas kasi akong maglaro ng pari-parian noon madalas kong kunin yung center table namin para gawing alatar at ang aking ostya yung tigpipisong biskwit na marie.

Kabisado ko yung sinasabi ng pari sa misa, pati kanta alam ko rin. Tpaos napakabaet ko pa noon bata pa ako! Sobra talagang pari na pari ang dating ko noon. Punong puno ng kainosentihan sa katawan at hindi mo makikitaan ng kamanyakan. Pure na pure ang aking budhi, noon. (O ayan uulitin ko mga TAE kayo, noon yun!!) Marami talaga ang nag-aakala na magpapari ako, at pati ang mga magulang ko sobra ring nagekspek na magiging pari ako. Pero nung medyo lumaki laki na ako medyo biglang nangamba ang mga magulang ko sa akin. Dahil ang inaakala nilang magiging pari ako noon ay mukhang magiging Batang City Jail ngayon!!oLOLS

Medyo sa sobrang bait kong kapatid madalas nila ako tawaging "DEMONYO" yun ang paglalambing nila sa akin. at dahil malambing din ako sa kanila, binabangasan ko ang mga nostrills nila! at sa sobrang bait ko din, naputol ang dos por dos ng nanay ko sa paghambalos sa akin. Hindi ako umiiyak, sinasabi ko lang sa nanay ko "Eh di naman masakit!! di naman masakit!! Kahit halos magkulay violet na yung hita ko sa pasa.

Madalas din akong ipasok ng nanay ko sa mga retreats para daw bumait ako (akala nila rahab yun) Pero impernes naman bumabait naman ako ng mga tatlong araw pero pagkalipas noon balik uli sa pagiging isang napakabait na kapatid at anak, Kaya ang isa pa sa palayaw ko noon ay LUCIFER.

Una kong pinuntiya ang diary ng ate ko. Ginawa ko syang pocketbook, at tawa ako ng tawa sa mga kapuwitang laman ng diary ng ate ko. Noong makita ako ng ate na binabasa ko ang diary nya habang kumakain ng mani, hayun sinabutan ako at ginawang akong jackstone ang ulo ko.

Pangalawa ko namang pinuntirya ang alkansya ng isa ko pang ate, magaling kaya akong manungkit, at no sweat within 3 minutes, meron na akong pera. Pagkasukit ko ng pera direstso na ako sa pagbili ng komiks. Medyo paborito ko kasi ang funny komiks noon, at ayaw kong mapalampas sila COMBATRON, NEKNOK at si Tomas en Kulas.

Subalit sa hindi inaasahan pangyayari nahuli ako ng nanay dahil ngumawa ng ngumawa ang bwisit kong ate. Nang makita ako ng nanay na hawak ko ang alkansya ng ate ko. At isang tinidor. hayun hinambalos na naman ako. (shit na tinidor yan pinahamak na naman ako!!!)

Kaya nawalan na ako ng pag-asa ang mga magulang ko na magkaka-anak sila ng pari. At lalong hinimatay ang nanay ng binuksan nya ang cabinet ko at sumalubong sa kanya ay litrato ng babaeng nakabukaka na kitang kita ang kanyang bibingka. Halos panawan ng ulirat din ang nanay ng makita nyang parang may tyangge ng PORN MOVIES ang cabinet ko. (nay, okay na yun kesa magdrugs ako!)

kaya, halos araw araw, panay sermon ang inabot ko sa tatay. kaya alam kong hindi na talaga sila umaasa na magiging pari ako, Lalo pat alam nila na ang weakness ko ang mga MAGAGANDA!!!

Pero ngayon naman, kahit na sabihin kong naging masama ako noon eh bumabawi naman ako ngayon. Syempre good boy na ata ako. Hindi man akong naging pari na pianangarap nila noon, kahit paano masasabi ko namang naging mabuting anak at kapatid ako ngayon (naks naman may ganun mga sinasabi)

Alam ko namang hindi lang naman sa pagpapari mapapatunay ko isang akong mabuting tao!!(putcha parang walang naniniwala???)

Pero malay mo naman talagang ko maisipan ko pumasok sa seminaryo......hahahaha langya mukhang malabo talagang magyari yun, hindi kayang isipin!!!!oLOLS

Martes, Hulyo 6, 2010

HANGSELAN MO!!!


***** Ang taong TALONG*****

Okay tama na nga yang seryus-seryus pwet na yan! Kailangan ibalik ang totoong Aldrino, kaya “Time and space warp ngayon din…….(***insert usok here***) …dyaran…. AKO na uli ito!

.
Hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain o hindi. Pero alam ko lahat naman kinakain ko, tulad ng lugaw na pinagbackstroke-an ng mga ipis at langaw, ice cream na may uhog ko, cake na napapanis at kung ano ano pang kadugyutan na pagkain ang nilalamon ko.

Pero yun nga lang marami din naman akong hindi kinakain tulad ng mahiwagang…….tenen…..Gulay. Tanging mga dahong gulay lang ang kinakain ko (kalabaw??) at ayoko ng mga gulay na may matatapang na lasa (yung tipong nanununtok ba?). Kaya ayaw ko ng ampalaya, okra, sigrailyas, bataw at kung ano ano pang gulay na nasa bahay kubo kabilang ang SINGA (uhog??) sorry … LINGA pala (sesame seed). Sinubukan ko namang kainin pero wala eh sinuka ko rin! Di ko talaga gusto!
.


Hindi rin ako mahilig sa Seafoods tulad ng Talaba (lasang sipon kasi), alimango, tulya at kung ano ano pang seafoods. hindi ko lang trip na pinahihirapan ka pa bago mo makain ang kakarampot na laman.

.
Ayoko ko rin ng Adobo pusit, dahil mukhang pusali o kanal ang hitsura nya. Pero mahilig ako sa calamares, inihaw na pusit at peyborit ko rin si Tya Pusit (dahil kamukha nya ang nanay ko). Tatlong klaseng isda lang ang kilala ko……. tilapia, bangus at galunggong. Ayoko ng ibang luto sa isda bukod sa pinirito lang. Yun lang ang gusto ko at yun lang ang kinakain ko.

Mahilig ako sa manok, kahit anong klase ng luto sa manok kinakain ko. Adobong manok, piniritong manok, afritadang manok at kahit tubuan pa ako ng pakpak, okay lang sa akin dahil mukha naman akong anghel (naks, gumaganun ka aldrino!). Basta paborito ko pa rin ang manok. Mahilig din ako sa baboy, kahit siguro araw araw kong ulam ang piniritong baboy,wala kang reklamong makukuha sa akin.Pwera lang kung baboy na binaboy! Ayoko ko nun!

Kahit ano kinakain ko, kahit palaka, bayawak, ahas,aso, pusa, camel, kalabaw, kambing , kuneho, at lahat ng hayop sa zoo. Nakakain na din ako ng langaw at lamok (bwisit na langaw kasi yan eh, kala ata ng langaw na yun dumpsite ang loob ng bibig ko. Siraulo yun! ano akala nya dun may lamang basura ang esophagus ko?Suntukan na lang eh). Kaya ang maipapayo ko lang sa iyo “wag nyong subukan kumain ng langaw, hindi masarap dahil mapait sya! Pero kung bubudburan ng asukal, pwede na rin- bukayong langaw”.

Kaya hindi ko alam kung maselan ako sa pagkain?

Sa buhay natin, marami tayong mga choices (parang mga panlasa natin sa pagkain).Minsan kung ano pa ang mabuti yun pa ang hindi natin pinipili (katulad ng hindi ko pagkain ng gulay). At kung ano pa ang nakakasama sa atin yun pa ang gusto natin (tulad ng hilig ko sa pinirito).Namimili tayo batay sa sarili nating panlasa. Pero ika nga hindi lahat ng gusto natin ay nakakabuti sa atin. Kung minsan nabubulagan tayo ng sarili nating kagustuhan at nakakalimutan na natin ang mga bagay na nararapat at mabuti. Dahil sa ito anng hilig ng katawan natin, nagiging iresponsable na tayo sa mga bagay na mabuti at tama. Huwag tayong maging makasarili.

Ngayon pinipilit ko ang sarili na tanggapin ng palasa ko ang gulay kahit hindi ako nasasarapan. Dahil alam kong nakakabuti iyon para sa akin at iniiwasan ko na ang prito dahil baka bigla na lang ako mastroke.

Tulad ng mga kagustuhan ko sa buhay, pinipilit kong balansehan kung ito ba ay makakatulong sa akin at kung ito ba ay tama. Hindi lang dahil sa gusto ko yon, pero dahil ito ang nakakabuti para sa akin at sa iba. Minsan mahirap tanggapin ang mga bagay na taliwas sa kagustuhan natin, pero kung pipilitin nating intindihan ang lahat mas makikita natin ang magandang epekto nito sa atin sa hinaharap.

Kaya ngayon kakain na ako ng gulay at iniiwas-iwasan ko na ang pagkain ng…………..langaw!

Yun lamang po at maraming salamat.

Ano ba ang kaibahan ng blog mo???


Isang araw biglang may nagtanong sa akin “Ano ba ang kaibahan ng blog mo sa blog ng ibang blogger?”. Uhmmmm napaisip ako ng konti at ginamit ang natitira pang 3MB ng utak ko.

Aamin ko nagsusulat ako hindi para lang sa sarili ko kundi para rin sa mga nagbabasa ng blog ko. Masarap magkwento ng karanasan ko sa buhay pero mas gusto kong ibahagi ang mga natutunan ko sa buhay sa aking mambabasa. Naniniwala ako na mula sa mga ideya, opinyon at kuro-kuro ng ibang tao mas marami ako natutunan sa buhay. Mahilig akong makipagkwentuhan sa ibang tao dahil marami akong nalalaman mula sa karanasan nila. At tulad ng mga aral na nakuha ko mula sa kanila, nais ko rin itong ibahagi sa ibang tao.

Naniniwala ako na ang tunay na kaalaman sa buhay ay hindi matatagpuan sa libro o eswelahan, kundi nasa ating mga karanasan at napagdaanan sa buhay.

Bakit puro kalokohan at kagaguhan ang blog ko?Dahil ito ang pinakamabisang paraan para makakuha ng atensyon ng ibang tao, pero sinusigurado ko na sa bawat halakhak o tawa na maari kong maibigay sa mambabasa ay ang mga butil ng aking kaisipan at pag-asa para sa kanila.

Nagsimula akong magsulat ng mga seryosong mga sulatin at ang iba naman ay tungkol sa relihiyon. Subalit nakakalungkot isipin na iilan lamang ang may ganang bumasa nito. Siguro nga may mga bagay na mahirap kasing tanggapin lalo na kung ibibigay sa iyo ito sa isang seryosong paraan. Ang paglalagay ng humor sa bawat sulatin ang nagbigay sa akin ng magandang paraan para maging kumportable ang bawat mambabasa at matanggap ang mga maliit na butil ng aral na natutunan ko sa buhay. Kung hindi man ako nakapagbigay ng inspirasyon, masaya na rin ako na kahit sa impit na halakhak at ngiti napagaan ko ang kanilang kalooban.

Karamihan sa mga blog ngayon ay mga diary-type o journal type ng blog. Pagkukuwento ng bagong pangyayari sa kanilang buhay. Sa akin karamihan sa aking mga post ko ay ang mga karanasan ko noon pa. Binabalikan ko kasi sa aking memorya ,ang mga karanasan kong nagbigay sa akin ng aral sa buhay. Ito ang mga bagay na gusto kong ibahagi sa iba na baka pwedeng kapulutan din ng aral.

Madalas din akong magbigay ng kwento na may kaugnayan sa sosyal at polikal na aspeto ng ating bansa. Pagpapahayag ng aking sariling opinyon na baka makatulong para mapansin natin ang ating kapaligiran at mabigyan tayo ng ibang pagtingin tungkol sa mga bagay bagay.

Ako, hindi ko hangad maging sikat, Hindi ko nais na ako mismo ang mabigyan ng atensyon kundi sana ang aking mga naisulat. Hindi ko rin hangad ang napakaraming komento, dahil kung iyun lang ang nais ko eh di sana nang-away na lang ako ng ibang blogger o di kaya gumawa ng mga topic na gusto ng nakararami tulad ng pag-usapan ang buhay ng ibang tao o usaping may temang sekswal. Kung mapapansin nyo halos puro karanasan ko ang aking mga sinusulat. Ang nais ko lang kasi ay magbahagi ng aking mga natutunan sa buhay dahil baka sakaling makatulong ako sa iba. Hangad ko lang na sa munting kaparaanan, makapagbigay ako ng kahit konting inspirasyon sa ibang tao. Sapat na sa akin yion.

Hindi ako napapagod sa pagsusulat dahil bawat gabing lumilipas sa buhay ko ay panibagong aral na natutunanan ko. At ang bawat araw na dumarating sa akin at panibagong pag-asa na pwede kong ibahagi sa iba.

Kapag tayo ay namatay, hindi naman sasabihin ng mga tao “Naku magaling na tao yan o mayaman na tao yan” . Hindi nila titingnan ang mga nakuha mo sa buhay . Mas tinitingnan nila kung anong klaseng tao ka o kung ano ang naibahagi mo sa iba. Iyon ang maiiwan sa kanila at iyon ang lagi nilang maalala.

Tulad din sa pagharap natin sa Dyos, tyak hindi naman Nya tatanunging kung gaanong karami ang kayamanan mo o gaano ka kasikat o kung gaano kalawak ang talino mo?Bagkus mas nais malaman kung “GAANO BA KARAMING TAO ANG NATULUNGAN MO AT NABIGYAN MO NG INSPIRASYON?”

Sana naipaliwag kong mahusay kung ano ang layunin ng blog ko o kung ano ang kaibahan ko sa iba. At para sa inyong lahat na sumusubaysay at bumabasa ng mga sulatin ko.

MARAMING MARAMING SALAMAT

Ikaw tatanungin kita ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?

Lunes, Hulyo 5, 2010

PAANO MAGSULAT


Paano nga ba ang magsulat?

Noong nakahiligan kung magsulat marami akong naririnig, nababasa sa mga kaibigan kung paano ang paraan ng pagsusulat na kung ating iisipin sasakit talaga ang ulo mo kung susundin nating lahat ang paraan ng kanilang pagsusulat. Lagi kong tinatanong ang aking sarili kung bakit ba nahihirapang magsulat samantalang susulat ka lang naman. Isusulat mo lang naman kung ano ang laman ng iyong isipan, kung anong laman ng iyong imahinasyon. Para sa akin mahirap mag sulat kung susundin mo lahat kung paano magsulat, hindi mahirap ang magsulat kailangan lang ay may teknik ka sa pagsusulat, ang mahirap ay kung ano ang isusulat mo na maaring makaakit sa nagbabasa. Sa pagsusulat importante din kung paano ka magdeliber ng mga salita na magiging dahilan para makuha mo ang damdamin ng nagbabasa, kung paano mo mapapahalakhak ang nagbabasa, kung paano mo mapapagabog ang dibdib sa galit ang nagbabasa at kung paano mo mapapaiyak ang nagbabasa sa panahon ng kanilang pagbabasa, kailangang makuha mo ang damdamin ng nagbabasa. Sa pagsusulat mahalagang matutunan mo kung paano mo aakitin ang nagbabasa na ituloy niya ang kanyang pagbabasa. Importante din na mailagay mo ang iyong sarili sa iyong sinusulat.

Paano mo ba ilalagay ang iyong sarili sa iyong sinusulat?

Subukan mo sa iyong sarili na ikaw mismo ang magbasa kung paano mo magustuhang ituloy ang iyong binabasa, iyon ang gawin mong paraan sa iyong pagsusulat. Ihalimbawa mo ang iyong sarili sa pagbabasa at pagsusulat mahalagang makuha mo mismo ang damdamin mo sa iyong sinusulat.

Isang mabisang paraan iyan para makuha mo damdamin ng nagbabasa, kung paano mo mapatawa o mapa-iyak ang iyong sarili sa iyong sinusulat. Dahil kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo makuhang tumawa sa mga sinusulat mo paano mo mapapatawa o mapapa iyak ang nagbabasa sa panahon ng kanyang pagbabasa. Mahalaga din ang pag gamit mo ng mga salita kung paano mo mapanatili ang damdamin ng nagbabasa kailangan kung sumisiklab na ang apoy gatungan mo ng gatungan upang tuluyang umapoy depende din iyan sa daloy ng iyong mga salita. Pag aralan mo ang daloy ng iyong mga salita sa iyong mga sinusulat. Huwag mong hayaang patay-buhay ang damdamin ng nagbabasa isang paraan iyan para tuluyang tumulo ang luha pati sipon ng nagbabasa huwag mong hayaang tumigil sa pagtulo ng sipon ang nagbabasa sa panahon ng kanyang pagbabasa.

Mahalaga din sa pagsusulat ang may matutunan ang iyong mambabasa sa iyong sinusulat. Importante din ang pagkatao ng nagsusulat dahil kung anong pagkatao meron ang nagsusulat iyon ang kadalasan makikita sa iyong sinusulat. Importante minsan ang may magandang aral na matutunan ang nagbabasa upang magamit din niya sa kanyang sarili. Hindi ka man sumikat bilang writer masasabi mong may mga bagay ka na iniwan sa isipan ng mga nagbabasa galing sa katas ng iyong isipan.

Noon... wala din akong hilig magsulat natuto nalang akong magsulat nung nakita ko ang unang naging crush ko na nagpatibok ng aking puso, nag umpisa akong gumawa ng love letter na kadalasan sa basurahan ko nakikita tinatapon ng crush ko dahil walang gusto sa akin. After 15 yrs nagkita kami dito sa uae kinalabit niya ako pero siya hindi ko nakilala dahil yung mukha niya para ng syopaw.

Linggo, Hulyo 4, 2010

Pangarap sa Bayan

PANGARAP - ang kaisa-isang bagay na sigurado akong LIBRE! Mangarap ka lang, wag kang mag-alala hindi ito utang at wala ka talagang babayaran.

Marami akong pangarap sa buhay. Sa sobrang dami, nangangamba akong hindi lahat magkasya sa natitira pang 4MB ng utak ko. Minsan hindi lahat ng pangarap natin sa buhay ay makukuha natin, at minsan kailangan nating isaisantabi muna ang mga pansariling kaligayahan para sa PANGARAP SA BAYAN!

Ano nga ba ang mga pangarap ko sa bayan? Simple lang naman. Ang maging isa ang Pilipinas magdikit dikit lahat ng isla para di na kailangan magbarko at eroplano. Lahat ng bagay magagawa at magiging posible kung nagkakaisa tayo. Walang talo-talo, KAPAYAPAAN lang ang iiral.

Gusto kong mawala ang trapiko sa Pinas, magkaroon ng mga kotseng lumilipad para wala ng male-late sa trabaho at maging mas mabilis ang pagpunta sa iba't ibang lugar. Wala ng late sa mga date, meeting at kung ano ano pang mga importanteng bagay lalo na ang pag-rescue sa mga nangangailangan.

Magkaroon ng super vacuum cleaner para wala ng basura, kapag nawala ang basura -- sigurado wala na ding baha at hindi na mauulit muli ang nangyari sa Ondoy na alam naman nating isa ang basura sa naging dahilan nito. Bukod dito, ang sarap pagmasdan ng isang bayang walang basura isama mo na din ang mga basurang pulitiko. Malinis na kapaligiran, malulusog na mamamayan.

Gusto ko din magkaroon ng mga pagkaing de kapsula pero 1 full meal ang katumbas na puno ng lahat ng bitaminang kailangan, kapag naimbento to! sigurado wala ng magugutom. Wala ng magkakasakit at mamamatay dahil sa gutom. Wala ng malnourished at under nourished na mga bata. Wala ng pamilyang malulungkot sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay.


Korapsyon? Oo! ito ang isa sa pinakamalaki at pangunahing problema natin. Pangarap ko kay presidente noynoy, para makasigurado, lagyan natin sa leeg na awtomatikong gadget na sasabog kapag naramdaman nito na corrupt ang nakaupo sa pwesto. Sa ganitong paraan, matatakot na silang magnakaw! Mas maiintindi na ng pamahalaan ang lahat ng suliranin ng bansa.

Gusto ko din magkaroon ng mga building na pwedeng tiklopin. Para kung saka-sakaling kailangan ng matitirhan ng mga tao sa ibang lugar sa Pilipinas, titiklupin lang ang ibang building at dadalhin sa lugar na mas kailangan ito. Libreng mga pabahay din ay isa sa mga pangarap ko, mga bahay na pwede ding tiklupin pero napakatibay at madaling gawin. Maraming bahay equals masayang pamilya at wala ng mga skwater!

Sana meron din tayong super shield na panlaban natin sa mga bagyo at iba pang kalamidad galing sa langit. Kapag na-sense na ng super shield na lampas sa pangkaraniwang lakas ng hangin at ulan ang paparating, awtomatiko itong babalot sa Pilipinas at iko-kontrol ang lakas ng ulan at hangin. Sa ganitong paraan, wala ng masasalanta ng bagyo at masasayang na mga buhay. Pwede din natin ikontrol kung kailan natin gustong umulan at umaraw. Pwede din tayong mag-request sa super shield ng snow kapag malapit na ang christmas. Masaya yun diba?! :)

Sana magkaroon din ng mga libreng paaralan na magtuturo ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman sa mga istudyante. Mga paaralang naglalaman ng magagaling at mga propesyunal na guro. Tuturuan silang mag-imbento ng mga gamit na makakatulong sa pagsasaka, pangingisda at paghahalaman at paghahayupan. Di na tayo mauubusan ng pagkain. Dadami ang propesyunal sa bayan. Wala ng mga mangmang. Wala ng ilitirate. Mas maraming propesyunal, mas maunlad na bayan.

Gusto ko din ng mga super cops. Mga pulis na hindi napapagod at hindi tamad. Mabilis umaksyon sa mga kaguluhan. Mga pulis na hindi lumalaki ang tiyan at hindi marunong mangotong. Oras na mangotong, tulad ng presidente, may gadget sila sa leeg para sumakal sa leeg nila oras na mangotong sila. Mangongotong ka pa ba kapag sinakal ka ng sarili mong kasalanan? syempre hindi na. Mas mahuhusay na pulis, mas ligtas na paligid at wala ng kriminal.

Para naman sa problema sa droga. Mayroong libo libong inbisible smart dog na gumagala sa buong pilipinas. Oras na may maamoy na droga, mabilis itong magpapadala ng mensahe sa kinauukulan. Timbog lahat ng Drug Lords! Walang droga, walang mga pariwarang kabataan.

Mas maraming trabaho. Kusa itong lalabas kapag natupad lahat ng nasa itaas. Pag-unlad ng Pilipinas? Kusa itong dadating kapag umiral ang pagkakaisa at pagsisikap ng bawat isa na mangyari lahat ng pangarap natin sa bayan.

Ang dami ko palang pangarap sa Pilipinas. Ang totoo isa lang naman talaga. Ang matupad lahat ang pinakapunto ng mga pangarap kong ito.

Buti LIBRE LANG MANGARAP!

Ikaw may pangarap ka din ba para sa Bayan?! Kung meron - ipahayag na! Pumasok ka sa aking munting kwarto....

Sabado, Hulyo 3, 2010

PEYR BA SI PAPA JESAS???


Hays minsan naiisip mo peyr ba talaga si Papa Jesas? Bakit sila mayaman na, magaganda ang pagmumukha, matatalino, magaling pang sumayaw at kumanta samantalang ako KYUT lang (nice parang ipis lang ah). Bakit sila habulin ng chix? ako humahabol na nga ng panget na chix, aba nagdadalawang isip pa (choosy??) gusto ko sanang isigaw sa kanya “Hoy! Naniniwala na akong walang nilikha ang Dyos na Panget………IKAW lang….IKAW LANG!!”.



Nakakafrustrate rin talaga, lalo na’t napapadaan ka sa Dubai mall, bigla ka na lang bang manlilit. Eh ako tuhog tuhog lang ng kwek-kwek sa tabi nila, samantalang sila kwek kwek nila nasa cup.Sosyal! Tapos makikita mo talagang kay gaganda ng mga kotse nila tapos kay gaganda din ng mga chix nila. Yung tipong para kang nasa palasyo ng FHM Tapos mga magulang nila sikat kundi mga artista, shaikh at........................ drug lord. Tapos sila din mga sikat, mga matatalino at magaling pang mag-eenglish samantalang ako hanggang “YOU KNOW” lang ang alam ko. Kaya pag dumadaan nga sila sa harap ko, pakiramdam ko para akong tissue paper (na may tae tae pa) na dinadaanan lang nila at inaapakan.

Kaya minsan para mawala ang panliliit sa sarili ko, iniiisip ko na lang “Naku mabaho din ang tae nyan!” o di kaya “May baktol yan, hadhad, maitim ang singit nyan, kulangot nya blue, amoy bulok na gatas ang utot nya, may almuranas yan, tatay nya adik , kilay nya may kuto, walang butas ang pwet nya, esophagus nya may buni, may bulate sya sa tyan at kung ano ano pa.”

Ganun ,nag-iisip na lang ako ng negatibong katangian nya para kahit papaano eh hindi naman ako maawa sa aking sarili. Siguro ito ang tinatawag na “defense mechanism”.(What the heck ano yun??? nosebleed ako!! Tissue please……..tissue hoy!)


Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay ang aking “ beybi peys” (yung mala bondying ang pagmumukha) at medyo special din ako (in a mongoloid kind of way) Ganun! Iyon lang ang aking magandang katangian. Hindi ako marunong sumayaw, kumanta at umakting, kaya hindi talaga ako pwedeng sumali sa Starstruck sa Startrek lang ako pwede. Samantalang yung iba talagang mga talentado at artistahin pa ang mga dating. Ang sarap pagsasabuyan ng asido at pagpipilyain ang kanilang mga paa. Para makabawi man lang ako sa kanila. Akala nila sila lang ang anak ng Dyos. Ako din kaya!

Okay fine, INSECURE ako! Bold and capitalized, Weno ngayon! tapos na ba ang kwento?Hindi pa basahin mo kaya, don’t judge me coz you are not a judge and I’m not a book! Wala tayo sa library, okay! Kaya basahin mo pa, sige basa.

Kaya talagang hina-hotseat ko si Papa Jesas at tinatanong ko sya , kung peyr ba sya?O baka naman nakalimutan lang nya na anak nya ako, at hindi ng kalaban nya.( Malay mo din namisplace lang ako ni Lord).

Kaya nung minsan talagang hindi ko makuha ang sagot habang nakatingin sa malayo at nangungulangot, pumunta na lang ako sa abu dhabi at nagsimba. Duon ko sya tinanong, pakiramdam ko kasi ako si Santino at bigla lilitaw sa Bro sa aking harapan, kaso si KUYA pala ng PBB ang lumitaw (impostor sya). Pero hindi nangyari yun kasi hindi nga lumitaw si Bro. Kaya lumabas na lang ako ng simbahan, at paglabas ko bigla akong natauhan sa aking nakita. Nakita ko ang mga batang indiano nanlilimos, ang mga taong walang mga paa’t kamay, isang pakistani matandang hirap na hirap sa buhay, , mga kababayan nating walang maayos na damit, at mga pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay. Naisip ko noon…………..Yuck! how gross!! Joke lang! Naisip ko noon napakapalad ko pa pala at marami akong dapat ipagpasalamat sa Panginoon.

Kung minsan kasi lagi tayong nagtatanong kung patas ba ang Dyos?Kung tuusin pala tayo pala ang hindi patas sa Dyos! Madalas tayong tumitingin kung ano ang kulang sa atin, kung ano ang wala tayo at nakakalimutan natin ang mga bagay na ibinigay sa atin ng Panginoon. Nakukuha pa nating umaangal kaysa sa magpasalamat. Marahil kung hindi man tayo naging kasing palad ng ibang tao sa mundo ito at hindi man tayo nabibiyaan ng kayamanan, kasikatan at pagkakaroon ng magandang mukha, binibiyaan naman tayo ng Dyos sa ibang mga bagay na mas higit pa sa mga nakikita ng mata at nabibili ng pera. Nabubulagan kasi tayo ng paghahangad at inggit natin, at nawawalang bahala na natin ang biyayang binigay ng Panginoon . Hindi na natin nakikita ang magagandang bagay na pinagkaloob sa atin ng Dyos. Kung sakaling man na mas higit sila sa bagay namateryal hindi naman ibig sabihin nun ay lamang na sila kaysa sa atin. Na mas mabuting tao na sila kaysa sa atin, o mas totoong tao na sila kaysa sa atin. Hindi sa material na bagay nasusukat ang pagkatao ng isang tao.

Kaya patas ang Dyos, at dapat naging gawin ay makuntento kung ano ang meron tayo para makita natin ang pagiging patas Nya. Nasa atin ang sagot wala sa Dyos, matuto lang tayong pahalagahan ang bawat biyayang pinagkaloob Nya, tyak mas lalo mararamdaman ang pagiging pantay na pagtingin ng Panginoon.

See Watusi, hayan sabi ko sa inyo may moral lesson ang kwento ko! Masyado kasi kayong nag-eepal dyan. Akala nyo puro lang ako kalokohan!

Kaya sa mga naging kaibigan ko dito sa blogosphere maraming maraming salamat sa inyo. Habang nakikita ko kayo lalo kong naiisip na peyr talaga sa akin si Lord (sa inyo hindi!hahaha Joke lang) Basta salamat sa panahon nyo sa pagbasa at pagdalaw sa aking munting kwarto at huwag na sa tissue. (ipaubaya nyo na lang sa faysbuk yan)

MGA HULOG TALAGA KAYO NG LANGIT…………………………………..KASI BAWAL KAYO DOON!hahahah!